Share

Kabanata 14

NANINGKIT  ang mga mata ni Gabrielle habang pinapakinggan ang usapan ng kapwa guro na si Eris at ng kausap nito sa cellphone na tinawag nitong Ashtear. Hindi nito namalayan na napadaan din siya sa gawing iyon ng pasilyo at kinutuban siyang parang may kung anong maling nangyayari kung kaya’t nagkubli siya sa hindi kalayuan at sapat na ang kanyang distansya para marinig niya ang usapan ni Eris at ng babae.

Napaangat ang kilay niya nang malamang Veronica pala ang totoong pangalan nito at sigurado siyang nagnakaw lamang ito ng pagkakakilanlan sa isang babaeng guro na ang pangalan ay Eris at dinoktor lamang nito ang ilang dokumento upang mapatunayan nitong ito nga ay si Eris Napabuntunghininga siya. 

Nakakaawa naman ang babaeng guro na nabiktima ng mapagbalat-kayong babaeng iyon. Sisiguraduhin kong matatapos na rin ang ginagawa mong panloloko sa amin..

Kung kaya’t nang makita niya itong kausap si Vanessa ay kinutuban na agad siya na may maitim itong plano sa kanilang e
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status