Share

Kabanata 30

"GARY! GARY!” napatingin ang lahat sa pinanggagalingan ng boses. Napadako ang atensyon nilang lahat sa lalaking nakagapos. Panay ang galaw nito at nais nitong kunin ang two way radio na nag-iingay sa bulsa nito ngunit hindi pa rin ito makagalaw ng maayos.

Mabilis na kinuha ni Zierelle ang two-way radio sa bulsa nito. Alam niyang ang boss nito ang nagsasalita.

“Gary! Sumagot ka! Kanina pa kita hinahanap!” galit na ang boss nito na nasa kabilang linya. Natigilan pa si Zierelle nang marinig ang boses ng lalaki dahil pamilyar iyon sa kanya. Ngunit hindi na niya maalala kung saan niya iyon narinig.

“Gary, may mga nakapasok dito sa mansion at palagay ko’y ang pakay nila ay ang iligtas ang pakialamerang babae. Magmadali ka at pumunta ka na rito sa opisina!” utos pa nito.

Nang tumahimik na ang naturang radio ay agad na hinarap ni Zierelle ang mga kasama.

“Team, ang una nating gagawin ay inspekyunin ang lahat ng kuwarto sa buong bahay na ito. That way, ay mahahanap natin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status