“Gab, okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong rito dahil nang makita niya ito ay kapansin-pansin ang panginginig nito at puno ng takot ang mga mata nito.
Napabuntunghininga muna ito bago nagsalita. “N-natakot lang ako noong una nang buksan ko ang kahon at nakita ko ang isang teddy bear na maraming bahid ng dugo. Lalo na nang mabasa ko ang note na isinulat din gamit ang dugo na nagsasabing Mamamatay ka,” pinakalma pa nito ang sarili sabay inom ng maligamgam na tubig na ibinigay niya rito.“Calm down, Gab. Hindi kita pababayaan,” wika niya sa babae at niyakap niya ito upang mawala kahit papapano ang panginginig nito.“T-tila may kutob na ako kung sinuman ang nagpadala sa akin ng ganyan. Tinatakot na niya ako,” wika ni Gabrielle at kumalas na ito sa pagkakayakap niya.“Sino ang tinutukoy mo?”“Iisa lang naman ang nagbanta sa akin at sinabi niyang gagawin niyang miserable ang buhay ko. Naalala mo ang suspek sa pagpatay sa isa sa mga kambal? Siya iyon,” seryosong w"JULIAN, saan ka galing?” takang-tanong ni Zierelle kay Julian nang makita na niya itong naupo sa pwesto nito at hinarap agad ang laptop nito.Hindi ito agad sumagot at napahawak ito sa sentido nito.“I think something’s bothering you,” ang naiwika nalang niya nang hindi siya sinagot ni Julian. Napansin niyang naging mailap ang mga mata nito ngunit hindi niya nalang binigyan ng kahulugan.“Pumunta lang ako kina Mommy, emergency kasi sumama ang pakiramdam niya, chief,” sagot nito.“Ganoon ba? Pakisabi nalang kay tita magpagaling siya. By the way, Julian, kamusta ka? Alam ko namang naging mahirap ang mga nangyayari ngayon sayo,” kaswal lang ang pakikipag-usap niya rito dahil gusto niyang ito mismo ang mag-confide sa kanya. “Im just stuck If I will be a police officer or to be a boyfriend of someone,” sa wakas ay nagbahagi rin ito sa kanya ng nararamdaman nito.“Bakit ka pa mamimili sa dalawa kung puwede mo namang pagsabayin?” tanong niya rito. Nagtataka lang k
"GAB, wala kang dapat na ipagselos dahil pareho ko kayong mahal. Nauna siya sa buhay ko bago ka dumating kung kaya’t wala kang dapat na ipag-alala. Gusto mo ba talagang malaman kung sino siya?” Wala na siyang magagawa kundi ang sabihin nalang kay Gabrielle ang lahat.“Kapag hindi ko ba nakita na nandito ka, sabihin mo pa kaya sa akin?” balik-tanong nito sa kanya.“Oo. Sasabihin ko naman kaso naghahanap lang ako ng tamang tiyempo,”“Iyan nga ang nais kong marinig sayo dahil habang minamahal kita mistulang isa ka pa ring estranghero para sa akin. Hindi mo manlang ba kayang sabihin sa akin ang lahat ng mga dapat kong malaman tungkol sayo at ang mga bagay na dapat mong ikuwento sa akin bilang girlfriend mo?”“I-I’m sorry, Gab. But I think this is the right time to tell you. Ang babaeng nakita mo kanina ay ang Mama ko,” tinapangan lang niya ang kanyang loob habang sinasabi iyon dahil kapag ang nanay na niya ang pinag-uusapan ay nanghihina na siya.Halatang hindi makap
Malalim na napabuntunghininga si Stella bago pindutin ang fire alarm na dati na rin niyang napindot. Hindi na rin iyon ang unang beses na ginawa niyang pumindot ng fire alarm kahit na walang sunog ngunit parang hindi pa rin siya nasasanay. Siguro iyon ay dahil may mangyayari kay Gabrielle ngayong araw na ito at ang mas malala pa ay may partisipasyon pa siya.Katulad ng dapat asahan, nakita niyang nag-panic ang mga estudyanteng naroroon pati na rin ang mga guro ngunit kinakalma lang ng mga guro ang kanilang sarili upang maunang mailigtas ang mga bata dahil kasama na rin iyon sa sinumpaan nilang tungkulin.Siya naman ay kalma lang dahil alam naman. niyang hindi naman totoong may sunog. Abala ang kanyang mga mata sa paghahanap kay Gabrielle.Nagulat na naman siya nang may nagsalita sa device na nakakonekta sa tainga niya "Stella, hanapin mo na si Gabrielle at isakatuparan mo na ang plano natin," narinig niyang wika ni Gwyn sa kabilang linya."Sa
“MGA walanghiya kayo! Pakawalan ninyo ako rito!” sigaw ni Gabrielle habang pinipilit na maalis ang kanyang sarili sa mahigpit na pagkakatali sa upuan.Ngumisi naman ang isa sa mga lalaking kumidnap sa kanya. Hindi niya matandaan ang hitsura ng bawat isa kanina dahil nakasuot ang mga ito ng bonnet at tanging mga mata at bibig lang ang nakikita mula sa mga ito.“Natatandaan mo pa ba ako, Gabrielle?” tanong ng isa sa mga lalaking naka-bonnet. Pinakinggan ni Gabrielle ang boses nito at alam niya sa sarili niyang pamilyar ang naturang boses dahil matagal na niya iyong narinig mula sa kung saan. Ngunit nanatili muna siyang tahimik. “Hindi mo na ba talaga ako matandaan? Kahit saan naman naroon ako, hindi mo lang alam. Sa mga panahong nandoon ka sa loob ng bahay ninyo, naroon ako at hinatiran ka pa ng regalo. Noong araw na magselos ka at muntik na kayong mag-away ng boyfriend mo, naroon din ako at pinaputukan ko kayo ng baril. Alam mo, hindi naman sa pasmado ang kamay ko, nguni
BIGLA silang napahinto lahat nang magsalita ang lalaking naka-tatoo. Slow motion silang lahat na napalingon sa lalaki. Kinakabahan man ay nanindigan sila sa kanilang pagpapanggap.“Bakit? Kilala mo ba ako?” ang malambing na tanong ni Julian sa lalaki. Sinikap nitong maging hawig sa boses ng babae ang ginamit na boses nito. Tinitigan siya nito ng maigi mula ulo hanggang paa.“Ay, hindi pala. Nagkakamali lang pala ako. Akala ko kasi ikaw ang first love ko dati,” ngingiti-ngiti nitong wika.Nakahinga silang lahat nang maluwag dahil sa sinabi nito. Akala kasi nila namumukhaan sila nito bilang mga police. Kapag may nakahalata na nagpapanggap lang sila, doon na magiging komplikado ang lahat. Nagsenyasan silang lahat kung saang palapag at kuwarto sila papasok nang hindi nakakahalata ang mga bantay doon sa loob ng malaking bahay.“O, mga binibini, bakit nandito pa kayo? Nandoon na ang iba ninyong kasama sa opisina ni boss. Kailangan niya munang mag-attend ng orientation
"GARY! GARY!” napatingin ang lahat sa pinanggagalingan ng boses. Napadako ang atensyon nilang lahat sa lalaking nakagapos. Panay ang galaw nito at nais nitong kunin ang two way radio na nag-iingay sa bulsa nito ngunit hindi pa rin ito makagalaw ng maayos.Mabilis na kinuha ni Zierelle ang two-way radio sa bulsa nito. Alam niyang ang boss nito ang nagsasalita.“Gary! Sumagot ka! Kanina pa kita hinahanap!” galit na ang boss nito na nasa kabilang linya. Natigilan pa si Zierelle nang marinig ang boses ng lalaki dahil pamilyar iyon sa kanya. Ngunit hindi na niya maalala kung saan niya iyon narinig.“Gary, may mga nakapasok dito sa mansion at palagay ko’y ang pakay nila ay ang iligtas ang pakialamerang babae. Magmadali ka at pumunta ka na rito sa opisina!” utos pa nito.Nang tumahimik na ang naturang radio ay agad na hinarap ni Zierelle ang mga kasama.“Team, ang una nating gagawin ay inspekyunin ang lahat ng kuwarto sa buong bahay na ito. That way, ay mahahanap natin
MAJOR, napatawag ka,” masayang wika ni Colonel Rolando sa taong tumatawag.“Tumawag sa akin si Zierelle, nanghihingi siya ng dagdag na kapulisan na reresponde sa kanila. Nagulat pa nga ako noong isend niya ang address. Nariyan pala sila sa hide-out mo,”salaysay ng lalaki.“Nagpadala ka naman ba?”“Siyempre hindi. Kapag nagtagumpay ang mga pakialamerong iyan, Colonel, siguradong malamig na selda ang hihimasin natin. Siyempre ayaw ko namang mangyari iyon,” may himig takot ang tinig ng nagsasalita.“Good,” halatang nakahinga siya ng maluwag.“Mag-iingat ka riyan Colonel. Be careful not to get caught,” Ngumisi si Colonel. “Sila ang mag-ingat sa akin. Sa oras na pumasok sila ng hide-out ko, dapat alam na rin nilang hindi na sila puwedeng makalabas, buhay man o patay,”“ASH, anong ginagawa mo? Bakit mo ako sinusundan? Pumasok ka na sa kuwarto mo at napakadelikado kapag nahuli tayong magkasama. Ayokong mapahamak ka,” wika niya sa babaeng napansin niya
"TALAGANG tatapusin ko ito dahil ako ang nagsimula!” sigaw pa ni Gwyn kay Gabrielle na halos ikinabingi niya. Nakasabunot din ito sa kanya nang mga oras na iyon. Kung kaya’t ubod lakas niya rin itong sinasabunutan pabalik.“Wala akong kasalanan sayo. Kaya hindi ko alam kung ano ba talagang pinanggagalingan mo at galit na galit ka sa akin,” wika pa ni Gabrielle habang nagsasabunutan silang dalawa.Sumuntok ito bigla kung kaya’t natamaan siya sa mukha at napabitaw na siya sa kasasabunot ng buhok nito.“ Gusto mo talagang malaman? Galit na galit kasi ako sa mga taong nang-iiwan. Saka alam mo, nalaman kong isa ka pala sa mga taong iyon. Iniwan mo ang kapatid mo,”“H-hindi totoo iyan!” sigaw pa ni Gabrielle dahil naririndi na siya sa mga ibibintang nito sa kanya.“Iniwan mo ang kapatid mo sa ere. Hindi mo siya hinanap. Pinabayaan mo lang siya,” dagdag pa na pangingonsensiya sa kanya ni Gwyn kung kaya’t tinakpan na niya ang kanyang tainga dahil hindi na niya gustong mar