Share

Kabanata 60

PABALIK-BALIK si Gabrielle sa kanilang mini living room. Hindi kasi mawala sa isipan niya ang nagawa nilang sagutan ni Zierelle. Noon lang niya ito nakitang nagalit nang ganoon kasobra. Hindi niya naman ito masisisi dahil nawawala nga ang kapatid nito. At sa tingin niya’y may partisipasyon siya kung bakit nangyari ang ganoon. Siguro kung hindi niya sinabi rito ang lahat ng nalalaman niya baka hindi ito nagalit sa kuya at sa nanay nito. Kaya lang may karapatan din naman ang babae na malaman ang totoo.

Labis siyang nag-aalala kung saan na napunta si Zephyrine. Ipinagdarasal niya nalang na sana’y walang nangyaring masama rito. Naisip niyang tawagan si Julian.

Nakailang ring din ang cellphone bago ito sagutin ni Julian.

“Hello Gabrielle?” agad na bungad nito ngunit hindi niya halos maunawaan ang sinasabi nito dahil tila nasa maingay na lugar ang mga ito.

“Julian, hindi kita marinig,” reklamo niya sa lalaki.

“Sandali lang Gab, lalabas ako,” sagot nito hanggang sa maya-maya pa’y naramdaman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status