Share

Chapter 2

Chapter 2

Safety

"Hoy, Lumi!"

I locked my lips as I turned to a familiar voice. Isang nakabusangot na Jackie ang tumambad sa akin.

Syempre, alam ko na ang pakay nito ngunit labag man sa loob ay inensayo ko na ang gagawin.

"Jackie," I smiled, the more reason for her to be furious.

Pagkatigil sa harap ko, nilahad niya ang kamay at tila inip.

"Iyong papel, akin na."

"Tungkol don, Jackie, sorry. Dahil sa trabaho kanina sa kwadra, hindi ko namalayang naiwala ko 'yung papel."

Hindi pa man ako tapos sa sinasabi, napamulagat na siya sa pinaghalong gulat at inis.

"Ano?! Kainis ka naman, Lumi, e!"

Bahagya akong napayuko. "Pasensiya na talaga."

"Bigla mo kasing hinablot! Tapos burara ka naman pala!"

Hindi na ako nagsalita at tinanggap na lang ang mga sentimyento nito.

To be honest, I don't know what's gotten into me that I have to resort to mendacity like this.

Ayoko naman talaga ng ganito. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magsinungaling at magtago kay Jackie para lang sa isang kakatwang papel.

Ngunit may parte sa akin na nagsasabing hindi lang iyon pangkaraniwang sulat. Wala mang ebidensiya o ibang salik na makapagsasabing may kabuluhan ang mensahing iyon, malakas pa rin ang kutob kong may kuwento sa likod ng kapiranggot at lumang papel na nakita.

Tangan ko ang mga hinanakit sa akin ni Jackie pero tinanggap ko iyon. I endured it since I deserved it anyway. Mas makokosensiya pa siguro ako kung hindi nito nilabas ang sama ng loob sa akin.

"Oh? Bakit ang aga mong bumalik? Ni hindi pa oras ng tanghalian, Lumi," si Nana pagkakita sa akin.

Galing ito sa kusina, marahil ay sinilip ang mga kasambahay na abala sa pagluluto. At tulad ng mga napapansin simula pa kaninang umaga, mas maaga ang paghahanda para sa tanghalian kumpara sa ordinaryong araw. Nagtaka ako lalo.

"Pinaalis po ako ni Senyorito," pag-amin ko sa matanda, nasa kusina ang dungaw ng mga mata.

"May nangyari na naman ba?" may pag-aalalang untag nito.

Binalik ko kay Nana ang tingin at napabuntong-hininga.

"Bukod po sa pagkahuli, wala naman pong ibang problema. Bigla na lang akong pinaalis ni Senyorito."

"Hmm. Ganoon ba?"

"Opo, Nana. Bakit po?" I asked out of curiosity when she suddenly went silent.

Mayamaya ay umiling ito. Inabot niya ang braso ko at bahagya akong hinila sa kung saan.

"Tumulong ka na lang sa akin. Marami pang kailangang asikasuhin para mamayang gabi."

"Huh? Ano pong meron?"

Biglang napatigil si Nana sa paglalakad at nabalutan ng gulat ang hitsura. "Hindi ko ba nasabi sayo?"

I tried recalling anything from yesterday that might be fit in this situation but it was futile. In the end, I shook my head lightly as I cocked my head in confusion.

"Parang... wala naman po?" Nag-alinlangan pa ako, hindi sigurado.

Napasapo ito sa noo at tila may napagtanto.

"Kaya naman pala parang wala ka sa sarili kaninang umaga. Tanghali ka pa nagising!" tukoy niya nang nakita ako kaninang alas siyete na naghahanda pa rin. "Ano ka ba namang bata ka? Kaarawan ng Senyorito ngayong araw, Lumien!"

My eyes widened in surprise. That explains why everyone's prompt and early! How come I didn't know that?

Binalikan ko ang interaksiyon namin kanina. Nakakahiya! Wala pa man din akong mintis sa kapalpakan tuwing nasa paligid si Zaro! Isipin pa lang na kaarawan niya pala at ganoon pa ang naging bungad sa kanya ng umaga, parang bumabaliktad na ang sikmura ko.

Kaya naman imbes na magtrabaho sa kwadra tulad ng orihinal na plano, tumulong na lang ako kay Nana na mangasiwa sa lahat ng gawain ng mga tauhan.

Napasimangot tuloy ako. Abala nga ang lahat. Bakit nga ba hindi man lang ako nakaramdam na may espesyal sa araw na ito?

Naisip ko, siguro dahil mas sanay ako na kay Senyorita Victoria nagsisilbi simula bata pa lang, ang pangalawa sa tatlong anak ng mga Castellano at ang Ate ng Senyorito Lazarus.

Sa Maynila na kasi lumaki ang Senyorito at ilang beses lang kung bumisita rito sa probinsiya kada taon. Dahil sa murang edad ay yumao na ang mga magulang, hindi tulad ng dalawang anak ay hindi ito gaanong napamahal sa lalawigan ng Castel.

Ayon sa mga kuwento ni Nana at iilang narinig sa mga trabahador, marami ring ari-arian ang mga Castellano sa syudad kaya naman dahil wala nang ibang maiiwan upang mamahala sa mga iyon, napagpasyahan na ang panganay na si Senyorito Victorico, o Rico, ang luluwas sa Maynila upang mangasiwa ng mga property roon.

Samantalang si Senyorita Victoria naman ang nagnais na manatili rito sa Castel. And because the youngest seemed to be closer with the eldest, that explains why the former came with the latter to the city and grew up there rather than stay here in Castel.

Well, at least that's what they told me. Because honestly, I couldn't really rely on my childhood recollections because I'm afraid I'd go wrong. They're not that reliable and vivid anymore.

However, since someone has to attend a business convention and run errands to some Western countries, Senyorita had to leave Castel for months and Senyorito Victor Lazarus was obliged to fill in the leadership here in the province.

For some reason, Senyorito Victorico disliked going back here, to their hometown. Ni minsan ay hindi ko man lang ito nakita nang personal o kung nangyari man noon, marahil ay limot ko na.

Kaya naman bukod sa panganay, ang bunso na lang ang libre upang umuwi rito at punan ang responsibilidad na naiwan ng Senyorita.

Although as far as I remember, they still have other relatives like uncles but the other one is more into science and inventions, not the business.

And as per the other one, I don't know much about him. I don't even know his name. Ang alam ko lang ay may dalawa pa silang tiyuhin sa side ng Senyor.

That's why Senyorito Lazarus is here for almost two months already. Hindi ko nga lang alam kung paano, ngunit nagagawa pa rin nitong ipagpatuloy ang naiwang pag-aaral sa Maynila dito sa pamantasan ng Castel.

Maybe he doesn't want to be left behind when it comes to his study. Isa pa, hindi na iyon nakakapagtaka. Halata naman sa anyo nitong seryoso at masigasig sa lahat ng bagay at ang pag-aaral ay hindi na iiba roon.

Farming, fishing, livestock, and sugarcane plantation. Aside from those agricultural businesses, they also gain profit from their construction business. One of the main reasons why Senyorito Victorico had to manage their construction businesses in Manila, most popularly known as Vicastel Construction and Supply, or simply VCS, under the flagship of Vicastel Holdings, Inc.

Because of that, I still consider myself lucky. Nakupkop ako ng marangyang pamilya na may mabuting kalooban. Ang ganitong mga trabaho at paninilbihan ay katiting lang kumpara sa mga kabutihang ipinamalas nila sa buhay ko.

"Manay, nariyan na ang delivery ng mga tent at lamesa," sabi ng isang kasambahay kay Nana.

Kasalukuyan kaming nasa paminggalan. Abala si Nana sa pagbibilang kung tama ang bilang ng mga bote ng inumin habang dinidespatsa ng mga tauhan ang mga tray sa lapag.

Kaso lang, biglang may dumating para sa balitang iyon kaya nawala ulit si Nana sa bilang. Problemado itong napakamot sa ulo, halos sabunutan na ang sarili.

"Santisimo!"

"Ako na lang po dyan," alok ko ulit sa ikatatlong beses na pagkakamali nito.

Inignora iyon ng matanda. Medyo umusbong ang nguso ko nang lagpasan niya lang ako ng tingin.

"Ano kamo?"

"Nasa tarangkahan na ang mga delivery, Manay. Saan po ba ididiskarga? Sabihan ko na po sila kaso lang hindi ko masyadong maaasikaso dahil hindi pa kami tapos sa kusina."

"Saan po ba dadalhin? Ako na lang!" Na-excite ako bigla.

Mukhang naalarma si Nana sa bigla kong bwelta kaya mabilisan itong humakbang paalis sa mga tray.

"Hindi pwede! Ikaw na rito at ako ang titingin doon."

"H-Huh? Akala ko po ba..."

Hindi ko na natuloy ang sinasabi.

Nagkatinginan kami ni Nana, may kung ano sa hitsura nitong balisa sa hindi malamang dahilan. Sa huli, ako ang naiwan sa pagbibilang. Natapos ko rin agad nang wala pang isang minuto dahil ginamitan ng matematika.

"Bilib ako sa batang ito!" manghang halakhak ng isa sa mga trabahador na kasama.

"Talaga po?" My face beamed.

Pinagpagan nila ang kanilang mga kamay at may ngisi na sa mga labi.

"Oo. Magaling ka pala, e. Magaling ka rin kaya sa ibang bagay?"

Tumayo na sila at unti-unting lumapit sa akin. Still fazed and enthusiastic with their praises, I felt my cheeks flushed and my lips slightly protruded, suppressing the provoked smile on it.

"Marami pa po akong alam na ibang bagay!" medyo pagyayabang ko, tuwang-tuwa sa kaisipang magpakitang-gilas sa kanila.

"Talaga?"

Now the two of them are standing in front of me. Aside from Nana, it is once in a blue moon that people can stomach coming closer to me at this distance that's why it feels very brand new to me.

Pakiramdam ko, hindi naman pala ako ganoon kasahol at nasisikmura akong tignan ng mga lalaking ito. Hindi lang tignan, nilapitan at kinausap pa ako! Pinuri!

Can you believe that?

I nodded merrily like a little kid. "Ano pa po bang gagawin ninyo? Baka pwede akong tumulong at ipakita sa inyo!"

By that, they laughed. But there's something on their peals of laughter that makes me hesitant. Mas matimbang nga lang ang kaligayahan at excitement ko kaya panandalian lang ang pagdududa. Guni-guni ko na naman siguro.

"Tara, samahan mo kami. May ipapakita kami sayo, bata," tatawa-tawang sambit ng isa sabay abot sa kamay ko.

"Sige po!"

Masunurin naman akong nagpatianod at mabilis na gumana ang imahinasyon. Mukha namang hindi malayo ang edad nila sa akin. Malaki pa rin ang potensiyal na makabuo ako ng pagkakaibigan ngayong araw sa katauhan ng dalawang trabahador na ito.

Ano kayang gagawin namin? Saan nila ako dadalhin? Sa likod-bahay kaya? Magsisibak ba ng kahoy? Tingin ko naman, kaya ko! Ayoko silang biguin kaya determinado akong galingan kung ano man ang ipagawa nila sa akin. Napangiti ako.

Habang pinagmamasdan silang magbulungan sa harap ko habang dumadaan kami sa likod ay unti-unting napawi ang kurba sa mga labi, natanaw ang isang pamilyar na tao.

Napayuko ako, takot na magsalubong ang mga mata namin. Isa pa sa mga kinahihiya ko ay hindi ko man lang ito nabati ng maligayang kaarawan.

Ilang taon na kaya ang Senyorito ngayon? Teenager pa rin kaya tulad ko? Tingin ko, malabo. Malaking tao ito at hindi angkop ang pangangatawan para sa isang teenager. Twenty na kaya? Twenty one?

With my anticipation that he's heading somewhere else, I snapped out from my reverie when the two workers dragging me somewhere made a sudden halt.

Kuryoso, napaangat ako ng tingin at halos malagutan ng hininga pagkakita kay Zaro na nakatigil na rin sa harapan ng dalawang trabahador.

"Uh... Senyorito," the men greeted politely with a tad of quiver in their voices.

When his eyes languishingly drifted on me, my pupils dilated and I lowered my head to show some respect to the man.

"S-Senyorito."

Nagpatuloy ito sa ginagawang pagpupunas ng kamay gamit ang puting labakara. His attention was half divided when he spoke the same time he's paying attention to his hands.

"Tapos na ang trabaho?" aniya sa mababang tinig.

May pag-aalinlangang umiling ang may hawak sa akin.

"H-Hindi pa, Senyorito. May... uh... Ibig kong sabihin, papanhik na kami sa susunod na gawain."

"Saan?"

"Sa... Sa may rantso."

Sa wakas, mula sa ginagawang pagpupunas ng kamay ay umangat na ang kanyang tingin sa kausap.

Napalunok ako. May kung ano sa mga matang iyon na ramdam ko ang panganib.

"Naliligaw kayo. Sa kabila ang daan."

"Ah! O-Opo. Salamat, Senyorito!" agap ng isa sabay talikod na.

Gumaya na rin ang may hawak sa akin at giniya na ako paalis. Saglit pang nagkasalubong ang mga mata namin ni Zaro ngunit hindi ko matagalan, umiwas na rin ako bago magpatangay sa mga lalaki.

Iyon nga lang, hindi pa man nakakahakbang nang ilang beses, rinig ko ang sarkasmo sa ngisi nito at paggulong ng isang bato. Saktong tumama iyon sa binti ng lalaking may hawak sa akin at dahil may kalakihan, napadaing ito sa sakit at natamong pwersa. Napatigil kami kasabay ng pagsinghap ko sa gulat.

Rinig ko ang bakas ng mga paa sa likuran dahil sa lutong ng tunog ng mga tuyong dahon. Pagkalingon, laking gulat ko nang nasa likod na namin ang Senyorito!

"Tinatalikuran niyo na ako ngayon?" he asked critically.

My eyes dropped on my wrist when the worker's grip on it tightened. Sa sulok ng mga mata, pansin ko rin ang pagsulyap doon ni Zaro. Siniko ng isa ang lalaking may hawak sa akin at nang nakuha nito ang mensahe, mabilis nitong binitawan ang palapulsuhan ko.

"Naku! Hindi, Senyorito!" depensa ng isa samantalang ang may hawak sa akin kanina, tahimik pa rin at nakatalikod.

Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? Bakit parang bigla akong nawala?

"Hmmm," Zaro said as he cocked his head on the other side, eyes intent gazing at the back of the other guy before shifting it towards me.

Muli akong napatikhim. Sa mga sandaling iyon, doon ko pa naalala kung anong okasyon ngayon kaya saglit akong yumuko at hilaw na ngumiti sa kanya.

"Maligayang kaarawan, Senyorito!"

Nilawakan ko pa ang ngiti, nagbabaka-sakaling humupa ang tensiyon sa paligid kung babatiin ito nang maligaya.

His lips twitched a bit as he watched me closer, as if he's trying to determine me. Pansin ko rin ang paninigas ng dalawang trabahador sa tabi kaya ginapangan agad ako ng kahihiyan!

"Thank you?" Zaro retorted with a hint of agitation and amusement.

"Uh..." Pagak kong tinawa ang kaba. "You're welcome, Senyorito. Wala iyon. Ilang taon na po ba kayo?"

I bit the insides of my cheeks as I strained a constipated laugh.

In fairness, I'm a little proud of myself for being able to divert the topic. It is also my way to stall my newfound friends from humiliation.

Hindi ko man alam kung anong kasalanan nila sa Senyorito, at least gawin ko man lang ito para makatulong, ganti na lang din sa kabutihang loob na pinakita nila sa akin.

Zaro shifted from his weight and now his attention is solely on me.

"I'm twenty-one," he answered using his low baritone English.

Napanguso ako. "Tama ako..."

"Hinulaan mo?"

"O-Opo. Pasensiya na. Tungkol din po kaninang umaga, sorry kasi hindi ko kayo nabati man lang. Nawala po kasi sa isip ko."

His brow shot up. Bahagyang nanliit ang mga mata niya sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Hindi ko na rin naman natanong kasi mayamaya, kapuwa namin narinig ang kaluskos ng dalawa pang kasama.

Naalarma ako. Hala, aalis na sila?

"Sama ako, Kuya!" sigaw ko.

"Huh?!" gulantang nilang lingon pabalik sa akin.

Ngunit nang lumipat ang tingin nila sa likuran ko, namutla ang mga hitsura nila at dali-daling tumakbo ulit.

I groaned inwardly. I was about to run after them but a hand stopped me. My heart drummed aggressively when I realized it's Zaro!

I immediately turned to face him and as soon as our eyes met, his hold of me loosened until my hand fell on my side.

My lips parted. "M-May ipag-uutos po ba kayo?"

Umigting ang kanyang panga at tumalim ang titig sa akin. Ganoon din ang paraan ng pagtitig niya sa akin kanina. Para bang dismayadong-dismayado sa nilalang na nasa harapan niya.

"Gusto mong sumama sa kanila?" he asked as if it was the most ridiculous thing he has ever heard.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Anong mali roon?

"Kung tingin niyo po ay makikipaglaro ako sa kanila, nagkakamali po kayo, Senyorito. Nasa... kalagitnaan po kami ng trabaho. Papunta na nga po dapat kami sa rantso, e."

He chuckled, but there was no humor in it.

"Kasalanan ko pa," he whispered to himself.

"H-Hindi naman..."

His gaze went back to me. He shook his head before throwing his head back shortly.

"Anong pangalan mo?" bigla ay tanong niya.

"Lumien."

Marahan siyang tumango. "Lumi..."

"Lumien," pagtatama ko kasi mali ata siya ng dinig.

Tumaas ang isang kilay niya. "I heard others calling you Lumi last time."

"Alam niyo na naman po pala. Nagtanong pa kayo."

Pumasada ang banyagang ekspresyon sa kanyang hitsura. Nang natanto kung ano ang lumabas sa bibig, awtomatiko akong napatikhim.

"Ang ibig kong sabi-"

"I thought I'm allowed calling you by your nickname," he sneered.

Napalabi ako.

"Pwede naman..." Biglang nanliit ang boses. Ano ba naman itong mga pinagsasabi ko?

"And you can understand English," he said more than ask.

Bigla akong naestatwa, hindi kailanman sumagi sa isip na mapupuna niya iyon at magiging big deal ito.

"P-Po?" pagkukunwari kong hindi iyon naintindihan kahit huli na.

Based on his expression, the way his lips twisted and tilted his head, I know he didn't buy that.

"Have you ever studied?"

"No..."

He scoffed. "Then why..."

Hindi na niya natapos ang sasabihin, tila may natanto nang direktang tumitig sa aking mga mata.

In the end, he just licked his lips and shook his head lightly, as if trying to pull himself together before turning his back to me.

"Stay in your room now. Tell Nana Laura it is me who ordered you that. Utos ko."

Umawang ang labi ko. Bago pa man siya makaalis, humabol ako dulot ng kuryosidad.

"Pero kailangan po ni Nana ng tulong ko, Senyorito..."

He stopped in his tracks. I saw how his shoulders moved when he heaved a deep sigh.

And without looking at me, he lowered his head and slid his hands inside his pockets.

"Maiintindihan niya iyon. Stay away from those people," he ordered. "It's for your safety..."

Those were his last words before he walked away.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status