Share

Chapter 2: Cruel In-laws

April 15th had come, ang araw ng kaarawan ni Charles. Sa isang exclusive hotel gaganapin ang kan'yang kaarawan. Isa itong hotel malapit sa exclusive village sa Makati.

"You look so pretty, Cosette," ang namamanghang ani ni France habang katabi si Cherie, ang aking personal assistant. Pinapanood nila ang makeup artist na ilagay ang isang kuwintas na yari sa pilak at diyamante. Nakasuot ako ng isang evening gown. Ang tube top ng aking blue gown ay yari sa pearls. May manipis din na tela na nakadantay sa gilid ng aking balikat. Samantala, yari naman sa silk ang mahabang dark blue skirt na umabot ang haba sa sahig.

"You look perfect, Ms. Cosette." Ngumiti ang makeup artist. Pinasadahan niya ng tingin ang mahaba kong brown hair na umabot lagpas sa aking siko. Plinantsa ang aking buhok kaya straight na straight ito ngayon. Ang eyeshadow ko ay smokey ang style. Ang ibang parte ng aking mukha ay minimal lamang ang makeup.

"Nasaan si Charles?" ang tanong ko matapos tumayo sa upuan.

"Nasa hotel na siya. I-Iniwanan ka niya."

Oh.

"G-Ganoon ba?" Pilit akong ngumiti. Dinampot ko ang aking black clutch bag at lumabas sa aking silid sa unit. Napakagat-labi na lamang ako nang mapagtanto na wala talaga si Charles. Kahit papaano… umasa ako na magbabago ang pakikitungo niya sa akin kahit ngayong araw lamang.

Sana pala ay hindi na ako umasa, nasaktan lang tuloy ako.

Pinigilan kong malungkot dahil ayokong masira ang gabing ito para kay Charles. I would compromise, kahit lagi ko naman talaga itong ginagawa.

Lumabas ako sa building kasama si Cherie at France. Sinalubong kami ng isang convoy at ang mga reporter na nag-aabang sa aking outfit. May mga magazine reporters pa sa aking harapan. As usual, ako ang magiging star sa mga magazine na laging naso-sold out.

"Ms. Cosette, please look here!"

"Cosette, you look stunning!"

"You're so pretty, Cosette Mallory!"

Tipid akong kumaway sa mga reporter at ilan kong fans. Sumakay ako sa aking SUV na umandar palayo. Si Cherie at France ay sa isang van nakasakay.

"God…" usal ko at pinagsikalop ang aking dalawang nanlalamig na mga palad. It was Charles 32nd birthday. Nakilala ko siya noong siya ay 27 years old, noong panahon na iyon ay 22 years old pa ako. Bata pa at nagsisimula pa lamang sa mundo ng pag-acting.

Marahan akong ngumiti habang inaalala ang panahon na malapit pa sa akin si Charles. He was kind to me… pero noon iyon. 

Kung puwede lang na mabalik ang nagdaang panahon ay gagawin ko. Kahit ano pa ang kapalit.

Huminto ang kotse sa harapan ng isang red carpet na patungo sa entrance ng hotel. Napatingin ako sa labas at pinagmasdan ang flashes ng cameras.

"Lalabas na po ako, manong," sambit ko sa driver nang mapansin na hindi pa niya ako pinagbubuksan ng pinto. I could go out on my own, pero mabigat ang aking gown na sinamahan pa ng aking heels.

"Ma'am, si Sir po ang susundo sa inyo."

"Sir?"

Napatingin ako sa entrance ng hotel. At napamaang ako matapos makita si Charles na guwapong-guwapo sa suot niyang dark blue tuxedo. Mas nagmukha siyang suplado pero ang mga mata niyang mabigat kung makatitig ay nakakalusaw ng puso. Tinted ang kotse pero pakiramdam ko ay sa akin siya diretsong nakatitig.

Charles stopped in front of the door na kan'yang binuksan. Inilahad niya ang kan'yang palad na aking inabot. He helped me stood up at sabay naming hinarap ang media. Akma niyang bibitawan ang aking palad ngunit ako na ang humawak sa kan'yang kamay. Umigting ang kan'yang panga at madilim akong sinulyapan. Sinalubong ko siya ng isang nanghahamong ngiti.

"Cameras, Charles, cameras." I smirked.

"Tsk. You'll pay for this, woman."

Sabay naming tinahak ang red carpet. Eyes were on us. Matangkad si Charles at hanggang baba niya lamang ako. His height was 5'10, and I was 5'3. His skin was slightly tanned, slight moreno kumbaga. Perpekto ang hugis ng kan'yang panga. His face was square shape na pinarisan ng manipis na mga labi at perpektong tangos ng ilong at kapal ng kilay. Kamukha niya ang mga lalaki sa mga drama series sa America.

We entered the hotel at dito na marahas na binawi ni Charles ang kan'yang kamay. Naglakad siya palayo at iniwan ako. Wala akong magawa kung 'di panoorin ang kan'yang likod.

"Cosette!" pagtawag sa akin ni France na mabilis akong dinaluhan. Galit niyang nilingon si Charles. "Grabe naman ang lalaking iyon. Gusto niya bang masabunutan ko siya? How dare he?!"

"It's fine, France." Mahina akong natawa sa kan'yang reaksyon. "Sanay na ako."

"Anong sanay? You are being maltreated! Gan'yan mo ba siya kamahal na nagiging bulag ka na?" 

"Please, don't say anything bad to him, France. Baka may makarinig."

"Tsk. Kung hindi lang talaga siya actor…"

Dumating si Cherie sa hotel kaya nagtungo na kami sa Banquet Hall. Bumungad sa amin ang blue royal theme ng hall. May mga mahabang puting tela sa kisame na nakasentro sa isang puting chandelier. May mga puti at blue na kurtina sa mga dingding na sinamahan ng puting LED lights. Organized ang mga puting bilog na lamesa at blue na upuan. Wine red ang kulay ng carpet na bumagay sa theme ng event.

"Cosette!" the people greeted me. Lahat sila ay big personalities, ang iba ay nasa acting industry rin. Saglit akong nakipag-usap sa kanila bago nagtungo sa table ng parents ni Charles.

"Good evening, Dad, Mom." Nagmano ako sa kanila at sinulyapan si Charles na nakatingin sa ibang direksyon.

"Kumusta na, hija? Mas nagmukha kang maganda."

"Hindi naman po." I laughed. "Pero you've become prettier, Mom."

"Mom, huh?" Mapaklang natawa si Charles. "Huwag na tayong magplastikan. This is just an arranged marriage para sa career naming dalawa ni Cosette. I don't love this woman kaya hindi siya kasali sa pamilya natin."

"Charles!" nagtitimping saway ng kan'yang ina. "You're acting rude! Paano kung may makapansin sa ginagawa mo?"

"I don't care, Mom." Binagsak ni Charles ang kan'yang palad sa lamesa at tumayo. He smiled angrily. "Wala na akong pakialam sa career ko. Natapos na ang buhay ko simula nang namatay si Eloise at napangasawa ko ang demonyong babae na ito."

"Charles!" Hindi ko na mapigilan na mapatayo. Naiiyak ko siyang tiningnan. "P-Please, k-kahit dito na lang, o. I am a human, Charles, h-hindi ako demonyo."

"Kung iyon ang tingin ko sa iyo, may magagawa ka ba?"

"Anak!" pagtawag ni Mrs. Alejo kay Charles na naglakad palayo. Nanginginig ang mga labi ko na humikbi. Alam kong nakatingin na sa amin ang mga guest na nakapansin sa nangyari.

"Don't mind her, hija," pag-alo ng ginang. Malungkot siyang ngumiti. "I think nasa rebellious phase ang asawa mo."

"Rebellious?" hindi makapaniwalang wika ko. "Hindi bata ang anak n'yo."

"Then ano ang gusto mong gawin namin, hija?" Tumaas ang kilay ni Mrs. Alejo. Mukha siyang sophistikada at nagmukha pa siyang mas sophistikada dahil sa ginawa niya. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Eloise—"

"Wala akong kasalanan sa pagkamatay niya!" Galit akong nagtiim-bagang. "Inutusan n'yo akong ilayo si Charles kay Eloise at kapag hindi ako sumunod, sisirain n'yo ang career ko!"

"Will you tell the truth to our child?" Istrikto akong tiningnan ni Mr. Alejo. "Go and tell him, at mawawalan ka ng ina."

"Mrs. Alejo!" Kinuyom ko ang aking kamao at nagpigil na sumabog sa galit.

"Go and find your husband. Malapit nang mag-start ang event." Umismid si Mrs. Alejo. "Wala kang karapatan na magreklamo dahil kung wala kami, nakatira ka pa rin sa probinsya mo at nagtitinda ng d***g at tuyo. At paniguradong patay na rin ang sakitin mong ina."

Natahimik ako at naluluhang tinitigan si Mrs. Alejo. Tipid akong tumango at mapaklang natawa.

"T-Tama kayo." I smiled bitterly. "Ito ang tinanggap kong buhay kaya hindi ako dapat magreklamo."

Naglakad ako paalis at nilapitan ang waiter na may dalang isang bote ng wine. Nagulat siya nang bigla kong kinuha ang alak mula sa kan'ya. Lumabas ako sa Banquet Hall at hinanap si Charles. The wine was already opened kaya tinungga ko na ito.

"Fuck this life," usal ko at muling tinungga ang alak. Mababa ang alcohol tolerance ko, pero ngayong mga oras na ito, wala na akong pakialam kung malasing ako. Gusto ko na lamang na makalimutan ang lahat.

But I couldn't do that. Ito na ang buhay ko. Sadyang isa lamang ako sa mga minalas na babae na hindi minahal pabalik ng lalaking minamahal. My in-laws were also not kind. May idadagdag pa ba na kamalasan sa buhay ko?

Nag-ring ang phone ko na nasa hawak kong clutch bag. Sumandal ako sa pader matapos saglit na umikot ang aking paningin. I answered the call nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hello?" Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Charles at tinungga muli ang wine. Nabitawan ko ang aking clutch bag na hindi ko pinansin. Halos mabuwal ako habang naglalakad kaya ako ay natawa.

"Are you drunk, Cosette? Where the hell are you?"

"Lewis, napatawag ka!" Itinaas ko ang aking wine sa nakasalubong kong hotel guest. Saglit na nabigla siya matapos na makilala ako. I laughed again.

"You're drunk, Cosette! Sino ang pumayag sa'yo na mag-inom?"

"I am not a kid, Lewish." Ngumisi ako at napahinto sa pintuan ng hagdanan. Napalingon ako rito matapos makarinig ng mga ungol.

"Where is your husband, Cosette?"

"Nawawala siya." Bumungisngis ako na parang may nakakatawa sa aking sinabi. "Pero it's fine, matagal nang wala sa akin si Charles. Nasa ibang babae na." Natawa ako pero natauhan din matapos marinig ang ungol ng aking asawa. Ilang segundo akong natulala habang pinapakinggan ang halinghing ng babaeng paniguradong…

Paniguradong…

"Cosette? May problema ba?"

Ilang minuto akong natahimik hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Natitigilan kong ibinaba ang aking phone. Una kong nabitawan ang bote ng wine bago ang phone. Nanlalaki ang mga mata ng babae na isang co-actress ko. Si Charles ay natutuwang nakatingin sa akin. Naaaliw na makita ang luhang unti-unting tumakas sa aking mga mata.

"I'm sorry, Cosette—" Malakas kong sinampal ang babae bago pa siya matapos na magsalita. Naiiyak niya akong tiningnan bago siya patakbong umalis.

"You won't be mad?" pang-uuyam ni Charles. "And here I am thinking na sasabog ka."

"Sasabog?" Mapakla akong ngumiti. "Paano ako sasabog kung matagal mo na akong winasak? May mababago ba kung magwawala ako sa tuwing may kabit ka?"

Umigting ang kan'yang panga at tinalikuran ko siya. "Your parents are looking for you. Uuwi na ako dahil hindi ko gustong masira ang gabi mong ito."

"Huwag mo akong talikuran!" Napaigtad ako sa takot nang bigla akong hinatak ni Charles paharap sa kan'ya. Napapiksi ako sa pag-aakalang sasaktan niya ako. Natigilan siya sa aking reaksyon habang ako naman ay ngumisi.

"May sasabihin ka pa ba?" Binawi ko ang aking braso. "Gusto mo akong sumabog? Kung ganoon ay sige, magwasakan tayong dalawa, Charles! Mahal kita pero sumosobra ka na! Gaano mo ba kagustong makita akong laging nahihirapan?"

"You want to know my answer?" Nagtiim-bagang si Charles at namula ang mukha niya sa galit. Halos mapatili ako sa takot nang bigla niya akong sinakal. "Gusto kong makita kang nahihirapan na darating sa puntong magpapakamatay ka sa harapan ko! Gusto kong makita na ayawan mo nang mabuhay sa mundong ito dahil sa matindi mong paghihirap!"

"You're c-cruel…" Napaluha ako at mapait na ngumiti. "You really hate me that much, huh?"

Napaubo ako matapos akong bitawan ni Charles. Sinapo ko ang aking leeg. "I hate you to the point na isusumpa ko sa impyerno ang buhay mo. Eloise wasn't supposed to die three years ago. Kung hindi lang sana kita nakilala ay masaya sana ako!"

Mabigat ang paa na lumabas si Charles. Naiwan akong sapo-sapo pa rin ang aking leeg at nauubo. Nanghihina akong napaupo sa sahig at humikbi.

"It's fine, Cosette." Niyakap ko ang aking sarili. "M-Malalagpasan mo rin ito kahit ang totoo ay parang wala nang katapusan ang paghihirap na 'to." Mapakla akong ngumiti at tumango. "That's right, Cosette. Ito rin ang kabayaran mo sa kasalanan mo years ago. Kaya ayos lang talaga, a-ang mahalaga ay may pera na ako para kay Mama. Artista na rin ako na siyang pangarap ko."

Lumuha ako at pumikit. "That's right, Cosette. L-Laban lang…"

Third Person's POV

Kunot ang noo na pinaglalaruan ni Lewis ang whiskey na laman ng isang baso. Madilim ang kan'yang mukha habang nakalagay pa rin ang phone sa kanan niyang tainga. Naririnig niya ang mahihinang paghikbi ni Cosette.

"Hey, bro. Have you told Cosette that you're going home?" Dumating si Stefan na isang Amerikano. Nagtaka siya nang biglang tumayo si Lewis at dinampot ang jacket at isang sombrero sa arm rest ng couch.

"Hey, where are you going, man?!" he asked. Hinabol niya si Lewis na nagtungo sa pinto ng isa sa mga silid ng sikat na entertainment company sa Amerika. Lewis held the doorknob at nilingon si Stefan na naguguluhan.

"I'm going home."

"But your flight is scheduled tomorrow!"

"I can't wait any longer, Stefan. I'll call my pilot right away. I'm gonna use my private jet instead."

"Sure. But why the rush?"

Lewis clenched his jaw. Dumiin ang kapit niya sa doorknob. Napaatras si Stefan matapos makita ang nanlilisik na mga mata ni Lewis.

"My woman is in danger. A fucking monster is destroying her."

"Is that Cosette?" Hindi sumagot si Lewis kay Stefan at nagmamadaling umalis. Naiwan si Stefan na nagtataka na lamang sa nangyari. Wala siyang magawa kung 'di tawagan ang C.E.O ng Primer Entertainment. Kung sino man ang babaeng tinutukoy ni Lewis ay sana ay maayos ito. Pero nagtataka talaga si Stefan dahil si Lewis ay walang real life partner. If that woman was in danger, siguradong mahalaga ito kay Lewis dahil nagawa nitong umalis kahit bukas pa ang flight nito.

"Haist." Stefan couldn't help but sigh. Tinatawagan niya ang kanilang C.E.O. "That man… I hope he'll have a safe flight."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status