Share

Chapter 3: Jealousy

"Here are the papers para sa advertisements na offer sa'yo. Some companies pulled out their offers dahil sa tsismis na kumakalat. Ang nangyaring party rin kahapon ay naging usap-usapan. May video na kumakalat na nagpapakita na nagtalo kayo ng parents ni Charles Alejo. It's been two weeks since the rumors began spreading out. Kailan ba nagsimulang magloko ang asawa mo?" Ibinagsak sa lamesa ni France ang mga papeles na need kong basahin. Nakatulala lamang ako at nakaupo sa sahig. Hawak ko ang isang mainit na tasa ng kape na nagbibigay init sa maputla kong mga palad.

"Cosette." Frustrated na tiningnan ako ni France. "Kanina ka pa tulala riyan. May balak ka rin bang inumin 'yang kape mo?"

"France…" Mugto ang mga mata na nilingon ko siya sa aking kanan. Ininom ko ang aking kape at dinamdam ang init na hatid nito. "Charles has been cheating on me for more than 8 months. S-Sa loob ng pitong buwan ay wala akong ideya sa kan'yang ginagawa, after all, one month pa lamang simula nang tumira kami sa iisang tahanan. 23 months or almost 2 years kaming hindi laging nagkikita. Pero you know what?" Matamlay akong ngumiti. "Mas pipiliin ko pang lokohin niya ako nang talikuran kaysa nang harapan. Magbubulagbulagan ako para sa kan'ya." Binaba ko ang tasa sa lamesa at napatingin sa maaraw na kalangitan. "N-Napakasakit na makita kong harap-harapan siyang nangangaliwa. At alam ko, kinimkim niya ang two years of marriage namin. He did his best to behave para sa kan'yang parents. Hindi ko siya masisisi kung ngayon siya sumabog at ninais na pahirapan ako."

"At tatanggapin mo na lamang ang sitwasyon mo, Cosette? Aba! Pilit akong hindi nangingialam sa buhay mag-asawa mo dahil personal na 'yan, pero hindi ko na kaya pang magbulagbagan. Alam kong kaya mo ipinapakalat sa media na isa kang cheater ay para matakpan na si Charles talaga ang nangangaliwa rito."

I smiled. Ilang sandali kaming natahimik hanggang sa tumunog ang aking phone. Inabot sa akin ni France ang phone ko. Binasa ko ang text message na mula kay Lewis… o sabihin na nating si Shaun Mendoza. Siya ang childhood friend ko at stage name niya ay Lewis, habang ako naman ay Cosette Mallory. Ang totoo kong pangalan ay Cosette Alcantara. Sa totoo lamang, halos makalimutan ko na ang totoo kong apilyido.

At si Charles? His parents were both working in acting industry kaya hindi na siya gumagamit ng stage name. He was prominent, kaya ang bawat update sa buhay niya ay nagiging big deal.

"Si Lewis ba 'yan?" Inabot ko kay France ang phone dahil wala akong naintindihan sa text message. Lumilipad ang aking isipan at hindi maka-get over sa nangyari kagabi.

"OMG, Cosette!" Napatili si France at niyugyog ang aking balikat. "Pauwi na raw rito si Lewis sa Pilipinas! Darating daw siya mamayang 11 AM!"

"H-Huh?" Nanlaki ang aking mga mata at inagaw ang phone sa kan'ya. Binasa ko ang message at totoo nga ang sinabi ni France. I checked the time at kung may iniinom ako ay paniguradong nabuga ko na 'to.

For Pete's sake, 10:40 na!

"France!" natataranta kong binato sa kan'ya ang phone at pumasok sa aking kuwarto. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang eyebags sa aking mukha. Saktong pumasok ako sa banyo nang dumating si France.

"Ba't ngayon lang siya nag-text? Mukha pa naman akong tumanda nang 10 years sa ayos ko ngayon!" Naghilamos ako at nag-toothbrush. Halos madapa pa akong nagtungo sa malaking salamin ng kuwarto. Pinagmasdan ko ang aking damit at napasigaw ako sa inis nang mapagtantong nakasuot ako ng oversized shirt at maong shorts. Hindi pa maayos ang bun ng aking buhok.

"France, ano'ng oras na?"

"10:45."

"10:45?!" Dinampot ko ang concealer at pinasahan ang aking eyebags gamit nito. Nagsuot na rin ako ng puting mask at shades. Patakbo akong hinabol ni France na hawak na ang car key. Nakapambahay lamang ako na umalis sa condo unit. Nakatsinelas pa ako at alam kong hindi bagay na magtungo ako sa airport sa ganitong suot dahil artista ako.

"Cosette, dali. Mala-late na tayo! Alam ko pa namang nag-promise ka kay Lewis na i-we-welcome mo siya sa airport kapag umuwi na siya." Dumiretso kami sa sasakyan ko rito sa basement parking. France swiftly drove the car away habang ako ay tahimik nang nagdadasal na sana ay hindi kami ma-traffic.

At na-traffic nga kami. 

It was twenty past 11 nang makarating kami sa airport. Nasilayan ko agad ang media na nag-aabang sa labas ng airport. Bumaba ako sa kotse at iniwanan si France dahil kilala siya ng media. Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat na mukha akong hindi naligo nang tatlong araw dahil nakapasok ako sa airport nang walang kahirap-hirap.

Dumating ako sa arrival area at naabutan ko ang media na nakaantabay sa pagdating ni Lewis. International and local media ay nakaabang para sa kan'yang pagdating. At proud ako sa taas ng kan'yang naabot.

"Isn't that woman familiar?" Ibinaba ko ang aking sombrero at tumingin sa ibang gawi nang napatingin sa akin ang ibang press. Nagpatay-malisya ako at maya-maya lang ay nag-flash na ang cameras matapos makita si Lewis na dumating sa arrival. Nakasuot siya ng puting shirt na pinatungan ng itim na bomber jacket. Naka-black pants siya at white shoes. Binulsa niya ang suot na earbuds at nagpalinga-linga sa paligid. Hawak niya ang isang gray-colored na maleta.

"Sir Lewis, please, look here!"

"Lewis, why you suddenly visited Philippines?"

"Are you planning to stay long?"

Akma akong lalapit pero dinumog na siya ng media at fans na nakaabang sa kan'ya. Natakpan na ako ng mga tao pero masaya na ako kahit hindi ko siya malapitan.

Noon ay nangangarap lang kami. And now, we both became what we wanted to be.

"Cosette!" Nahawi ang lipol ng mga tao at tumambad si Lewis na malawak na nakangiti sa akin. His smile was a breath of fresh air. Nawala agad ang pagod at stress ko nang makita ang mainit niyang ngiti.

"Oh my! Cosette Mallory? The wife of Charles Alejo?"

"She's for real."

"Na-miss kita, Sette!" Nalaglag ang aking sombrero matapos akong yakapin nang mahigpit ni Lewis. Niyakap ko rin siya pabalik at marahang ngumiti. It was so warm. His presence was my comfort.

"I-I miss you, too, Shaun Lewis." Naglayo kami. "Your visit is sudden though."

"I am planning to stay here."

"But why?"

"Dahil sa'yo." Nagsinghapan ang mga tao nang ipinakita ni Lewis ang roses may thorns. Nakaayos ito as a bouquet. Ito pala ang dahilan kaya parang may tinatago pa siya kanina sa likod.

"Lewis—"

"Call me Shaun." Napatitig ako kay Lewis nang sinapo niya ang aking pisngi, hindi alintana ang mga matang nakatingin sa amin ngayon.

"Please, accept these flowers, Cosette. Ako mismo ang nagpitas niyan."

Ngayon ko lang napansin na puro bandages ang kamay niya. Kumabog ang puso ko sa hindi malamang emosyon. Napangiti ako nang tinanggap ang mga bulaklak.

Ang tagal na pala simula nang naging masaya ako.

"Pero bakit ito? These are thorn roses," pagtataka ko.

"Because it symbolizes you." Hinubad niya ang kan'yang jacket at ipinatong ito sa akin. He smiled. "May mga lalaking ayaw na lapitan ka dahil mapanganib ang mga tinik mo. They think that you're a curse dahil hindi ka nila kinilala. I picked these thorn roses for you dahil hindi tulad ng iba, handa akong masugatan at masaktan para makita at malapitan ka. Thorn roses symbolize sacrifice. You experienced suffering because of love."

"Shaun!" saway ko dahil maraming nakakarinig. He just shook his head.

"Do you know that the thorns on roses are there to protect the flower? Just like you, Cosette, you're precious but you've become cautious because of your pain." Napaawang ako ng labi nang marahan akong niyakap muli ni Lewis Shaun. "At handa akong masaktan para mayakap at mahawakan ka lamang. Cosette, you're married, but I will still s-save you."

"P-Pero—" Naiiyak kong sinulyapan ang cameras na nakatutok sa amin. Tumama ang paningin ko sa isang lalaki at natigilan ako nang makilala na ang asawa ko ito. Naka-mask siya pero hindi ako puwedeng magkamali.

Napatingin ako sa babaeng hawak-kamay niya. Sunod ay napatingin ako sa mga mata niyang nanlilisik. Bakas ang pagkadigusto sa mga mata niya. Pero may isa pang emosyon na nakilala ko.

Selos.

Tinitigan ko si Charles. At habang nasa amin lang ang atensyon ng isa't isa ay mapait akong ngumiti. Pinikit ko ang aking mga mata at isang luha ang umalpas sa aking mata.

Selos?

That emotion… kailanman ay hindi iyan mararamdaman ni Charles para sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status