Share

Chapter 4: New Drama Series

"This must be a love triangle! Isang pag-iibigan na ipinagbabawal. Simula nang mag-confess ang sikat na Hollywood actor na si Shaun Lewis, naging trending sila sa internet sa loob nang isang linggo! At until now, si Shaun Lewis, James Charles Alejo, at ang babaeng pinag-aagawan ng dalawa na si Cosette Mallory ay nasa top searches pa rin. Ano nga ba ang mangyayari sa buhay mag-asawa ni Charles at Cosette ngayong dumating si Lewis na kumakalaban sa legal husband?"

Inis na kinuha ko ang baso ng alak at ininom ito habang nanonood ng balita. It had been eight days simula nang nag-confess sa akin si Shaun at hindi pa rin humuhupa ang issue. Sa tuwing nag-ri-ring ang aking phone ay umaatake ang kaba sa puso ko mula sa takot na may kakausap sa akin tungkol sa problema.

Pero ang mas kinakatukan ko? —iyon ay ang malaman ang reaksyon ni Charles. 

Ang huling pagkikita namin ay sa airport pa. He didn't call me at hindi ko rin siya tinawagan.

Oh God, so sino ang dapat mag-adjust sa aming dalawa? Ako na may bestfriend na nag-confess? O si Charles na may kabit?

Hinilot ko ang aking sentido. It had been eight days, siguro ay humupa na ang galit ni Charles sa akin. Pero alam kong may karapatan akong magalit. His cheating was his decision, habang ako? It was out of my control nang nag-confess sa akin si Shaun.

Speaking of Shaun, ilang araw ko na rin siyang hindi kinakausap. Moreover, wala sa aming tatlo ang nagsalita tungkol sa issue. Habang tumatagal ang problema na ito, the more na nasisira ang pangalan ko. I was a cheater, they said. A snake and a leech.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Nilingon ko si France na pumasok sa bahay ko. May dala siyang groceries na dinala siya sa kusina. Nang bumalik ay may dala na siyang beer-in-can. He rose his brow nang makita ang paningin ko na nasa hawak niya. Ininom niya ito bago umupo sa harapan ko rito sa sala.

"Charles is looking for you. Tinawagan niya ako kanina sa supermarket."

Nagliwanag ang mukha ko at napaayos ng upo. Awtomatiko akong napangiti. "Ano'ng sabi niya?"

"Hmmm." Humalukipkip si France. "May dinner daw kayo with a film director. Hindi niya alam kung tungkol saan 'yon pero pupunta siya. Cosette, chance mo na para makita ang asawa nang hindi nabubugahan ng apoy."

I sighed, smiling bitterly. "So basically, hindi niya ako hinanap as his wife kung hindi as his co-worker sa industry na 'to?" Mapakla akong natawa at nilapitan si France upang agawin ang alak niya. Wala na lang siyang magawa kung hindi ang pagalitan ako. France didn't stop me, dahil nang mga oras na iyon, sa alak na lang ako maaaring sumandal.

At kung maaaring makalimutan ko ang pagmamahal ko kay Charles ay gagawin ko. I was so fucking tired as his unwanted wife. Nasa reyalidad nga ang buhay ko pero ang istorya ko naman ay parang nasa telenovela.

             Masakit ba talagang magmahal? Ganito ba ang nangyayari kapag bulag na sa pusong walang isipang sinusunod? May araw ba na hindi ako mahihirapan? Sobrang sakit na magtiis. Mahirap naman talaga ang buhay kasal, pero ganito ba talagang kahirap iyon? Noong kinasal ako, I was the happiest woman on Earth, pero si Charles?

Inayos ko ang aking buhok matapos pumarada ang kotse ko sa harapan ng isang Italian restaurant. It was already night, pero maliwanag ang paligid dahil sa camera flashes ng paparazzi. I was wearing a revealing backless red dress. Nag-go-glow ito dahil may glitters akong in-spray dito. Moreover, nakasuot ako ng diyamanteng hikaw at white gold na kuwintas. Black pumps at black handbag ang pinaris ko sa outfit ko ngayon.

"Just call me, Cosette, at susunduin kita, okay? Pakiusap, kahit ngayon lang, bigyan mo ng mag-asawang sampal iyang asawa mo," wika ni France habang nakasilip sa akin sa rearview mirror. Tipid lamang akong ngumiti at lumabas. Nakita ko pa ang repleksyon ko sa side mirror bago ako naglakad papasok sa high-end restaurant. I smiled at the cameras upang itago ang kaba ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at dumadagundong ang puso ko, thinking that I would see Charles.

Ganito ko yata siya kamahal, na kahit ilang beses niya akong sinaktan, siya pa rin ang hinahanap ng puso ko.

"Reservation for Charles Alejo, please," untag ko sa waitress na naghihintay. Dinala niya ako sa isang pribadong silid at bago ako pumasok dito ay inayos ko ang brown na brown kong buhok. Bagong kulay lang 'to, and I liked it.

Stretching my lips colored with red matte lipstick, pumasok ako sa VIP room. Natigil sa pag-uusap si Direk Monero at si Charles nang mapansin ako. Unang tumayo si Direk pero unang napunta ang atensyon ko sa asawa kong malamig akong tiningnan. My heart skipped in pain. In the end, si Direk na lang ang hinarap ko. Nakipagkamay ako sa kan'ya bago naupo sa tabi ni Charles.

"You look stunning, Cosette! Grabe, bagay sa iyo ang buhok mo. Pero buti hindi ka nagpagupit, 'no?" Itinaas niya ang kilay at tipid lang akong natawa. Of course, parehas naming alam kung ano ang meaning n'yon. But I guessed, imposible pang mangyari iyon. Kung mangyayari iyon? What would be the trigger that would make me do that?

"How about we proceeded to our discussion?" singit ni Charles matapos uminom ng wine. Sinulyapan niya ako. "My time is precious. Kung hindi lang ako pinilit ni Direk ay hindi ako pupunta."

Awkward na ngumiti si Direk. May pumasok na waiters sa silid na may dalang pagkain. As I began eating Parmesan Pasta and Ricotta, inilabas ni Direk ang dalawang brown envelope. Tig-isa niyang inabot sa amin iyon ni Charles. I scanned the papers at halos mabilaukan ako nang mabasa kung ano ito.

"So what do you think?" Matamis na ngumiti ang direk. "I know you two are suited sa roles na 'yan. I already checked the script at maganda iyon. Hindi ba ay maganda kung kayong dalawa ang lead actor and actress sa drama series na 'to? Voyage de Miller ang pamagat, pang-hollywood kahit sa Pilipinas ang setting." Tumayo si Direk at nagpaalam na magbabanyo. Nang lumabas siya ay wala sa sariling nalukot ko ang papel. Sinulyapan ko si Charles na tumayo at madilim ang mukhang tiningnan ako. I pretended I didn't see him, pero guess what, kinuha niya ang papers na hawak ko.

"I was waiting for you to come home. Tell me, natutuwa ka ba na umamin sa'yo ang lalaking iyon?" Mapakla siyang natawa. "Ang landi mo naman."

That was it. Tumayo ako at malakas siyang sinampal. Nanginginig kong kinuyom ang aking kamao habang naluluhang tinitigan ang mapula niyang pisngi. Suminghap ako habang si Charles ay madilim na ngumiti. He stepped forward pero matalim ko siyang tiningnan.

"Don't cross the fucking line." Ngumiti ako. "Don't fucking act na parang hindi kita nakita sa airport na may kasamang babae!"

"What?" Hindi na ako nakapalag nang nagtungo ang kamay niya sa leeg ko. Tumitig ako sa mga mata niya at nahihirapang lumunok. Awang-awa ako sa sarili ko. Who would have thought that I would end up with a man like him? Charles was a saint on the outside, pero pag ako na lang ang kasama niya, mas masahol pa siya sa demonyo.

Pinakawalan ni Charles ang leeg ko at dinampot ang isang maliit na suit case sa ilalim ng mesa. Tinapon niya sa mukha ko ang laman nito. The papers fell onto the floor. Halos madurog ang puso ko nang makita na divorce papers iyon. Bumigat ang paghinga ko at natutulalang napaluha.

"Let's divorce," he muttered those words with no remorse. This wasn't the first time he did this, pero sa tuwing ginagawa niya ito. Nasasaktan ako. "I won't accept the role. Kung gusto mo, ikaw na lang ang tumanggap. Isama mo ang kabit mo."

"Kabit?" Nagsalubong ang kilay ko. "Charles, sumosobra ka na."

"Sumosobra?" Parang naging mga mata ng leon ang mata ni Charles nang napuno ito ng galit. Napaatras ako nang maglakad siya papalapit. Nabalot ng takot ang sistema ko lalo na nang magdikit ang mga mata namin.

"C-Charles."

He stepped closer. Tumaas ang palad niya kaya napapikit ako at impit na napasigaw. Pero kasabay niyon ay bumukas ang pinto. Napadilat ako nang isang pares ng malalakas na bisig ang bumalot sa akin. Unti-unting kumalma ang puso ko nang masilayan si Shaun na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Thank God. Nakaabot ako." Binalingan niya si Charles. "What the hell are you doing?!" 

Kumawala ako kay Shaun nang mapansin na umigting ang galit ni Charles. Hinarang ko ang aking sarili kay Shaun upang hindi siya magawang saktan ng asawa ko. The tension was getting worse each second passing by. Nasaan na ba si Direk? Bakit ngayon pa nangyari ito kung kailan na wala siya?

"So nandito na pala ang kabit mo." Napailing si Charles. "Tinawagan mo ba siya, Cosette? Tell me, huwag kang magsinungaling dahil kitang-kita na."

"I went here dahil nalaman ko sa kaibigan ni Direk Monero na magkikita kayo kasama si Cosette." Hinatak ako ni Shaun papalayo. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko hahayaan si Cosette na makasama ang isang tulad mo nang wala ako—"

"Nahihibang ka na ba?" Umismid si Charles. "Asawa niya ako kaya wala kang karapatan—"

Naningkit ang mga mata ni Shaun. "Ang karapatan mo, nawala iyon nang niloko mo ang babaeng mahal ko."

Natahimik si Charles. Saktong dumating si Direk Monero na nabigla nang makita ang tensyon sa pagitan ng dalawang batikang aktor. Sunod na lumipat ang paningin niya sa nakakalat na divorce papers. Napakagat-labi na lamang ako sa hiyang nararamdaman.

Napahilamos ng mukha si Charles at akmang aalis nang tumayo si Direk sa pinto mismo. Igting ang panga na tiningnan niya ito. "Get out. I am rejecting my role. Wala na akong dahilan para manatili pa rito."

"Charles," pag-alma ni Direk. "Nawala lang ako saglit at may gulo nang nangyari. What the hell. Nag-away ba kayong mag-asawa?"

"He tried raising hand to his wife. Kung hindi lang ako dumating, baka nasaktan na niya si Cosette." Napasinghap si Shaun habang napapailing. Ako naman ay nananahimik na lang sa takot na baka lumaki pa ang gulo.

"Tsk." Namulsa si Charles at nginisihan si Shaun. "Kung ganoon, ano ba ang gusto mo? Kuhain ang asawa ko?"

Madilim na ngumiti si Shaun. Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit ako papalapit. "If I can, why not?"

"Shit," I muttered. Patuloy namang nagsalita si Shaun. This time, he was talking to Direk Monero na awang ang labi sa nangyayari. Shaun looked upset, making his incredible presence went more imminent. Charles was in front of us. Nasa tabi ko si Shaun. Nasa bandang gitna naman si Direk.

"Since ni-reject naman ni Charles ang role niya sa drama series, hindi ba mas maganda kung ako na lang ang kukuha ng role? I am more prominent. With just me alone, I could attract thousands to hundred thousand of people to watch the series. Willing akong mag-audition sa role para lang matanggap mo ako, Direk."

Napatitig ako kay Shaun. Desidido ang kan'yang mukha. May bigat sa kan'yang pagbigkas kaya alam kong seryoso siya. I ran my fingers through my hair at walang salitang inalis ang braso ni Shaun sa bewang ko at naglakad palayo. I was a fool dahil nag-expect pa ako ng matinong usapan. Hindi ko na kaya pang manatili sa loob dahil kahit isa na akong batikang actress, mahirap pa rin na i-handle ang dalawang dominanteng lalaki. Parehas silang ayaw magpatalo.

"Cosette!" sigaw ni Shaun. Nasa entrance na ako ng restaurant kung saan nag-aabang pa rin ang paparazzi. Hinarap ko siya at tumingin sa likod niya ngunit mukhang nasa silid pa si Charles. Paniguradong kausap si Direk. "Ihahatid na kita."

Napabuntong-hininga ako at sumulyap sa paparazzi. Mabagal akong umiling at tipid na ngumiti. "I'm sorry. Pero susunduin na ako ni France. He texted me na papunta na siya."

It was a huge lie. Pero para hindi na lumaki ang apoy, mas mabuti pang apulahin na ito.

Shaun nodded. "Then, hihintayin kong dumating si France bago ako umuwi."

"No need." Sabay kaming napalingon kay Charles na nanunubok na ngumiti. "Sabay na kami ng asawa ko."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status