Share

Chapter 5: Role Accepted

Charles inserted his hands inside his pockets. Mas umigting ang cameras ng paparazzi ngayong umentrada na siya. A dark smile escaped his lips. Napasinghap ako nang mapansin ang galit sa kan'yang mga mata na pilit niyang tinatago. Mabagal na naglakad si Charles papalapit sa akin. Ang mga mata'y sa akin lamang nakatuon, bagay na naging sanhi upang mangatal ang mga tuhod ko at lumakas ang pagtibok ng puso ko.

"Shall we go home, my wife?" Charles wrapped his arms around my waist. Sabay naming nilingon si Shaun na pilit na ngumiti for the sake of cameras. Kung hindi pa dumating si Direk Monero ay paniguradong awkward kaming tatlo. Siya na ang humatak kay Shaun palayo. Mabuti at nagpatangay naman ang kaibigan ko sa kan'ya.

"Let's go," bulong ni Charles sa tainga ko. This time, braso ko naman ang kan'yang hinawakan. Dinala niya ako sa kotse at tahimik siyang nag-drive. Wala akong imik-imik hanggang sa makarating kami sa condo unit namin. Ayokong mas sirain pa ang gabi ko dahil lang sa muli akong nagsalita. I wanted to confront Charles. Gusto ko siyang sigawan, magwala at sabihin lahat ng hinanakit ko na pilit kong tinitiis para sa kan'ya. Ang pag-aartista na matagal kong pinangarap at pinaghirapan ay niyuyurukan ko para lamang mapoprotektahan ang asawa kong sa papel lamang ako kinikilala. Hinahayaan kong masira ang buhay pag-aasawa ko para lamang sa kan'ya. Alam ni Charles na mahal na mahal ko siya, ngunit batid kong wala siyang pakialam dito. He was abusing me, pero batid kong karma ko na rin ito dahil sa nagawa ko sa kanila ni Eloise noon.

Pero habang-buhay ba akong dapat na maging ganito?

"Are you crying?" Tiim-bagang na lumingon sa akin si Charles nang saktong pinarada niya ang kotse sa basement parking. Madali kong pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo bago madaling bumaba ng kotse. Ngunit hindi pa nga ako nakakaalis sa sasakyan ay dali-daling hinablot ni Charles ang braso ko at pilit niya akong pinaharap sa kan'ya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang nagtama ang aming paningin. Sinabayan pa ito nang mahinang hikbi.

"My God, Cosette!" hindi makapaniwalang d***g niya. Mapakla siyang natawa at marahas na pinunasan ang luha ko. His finger dragged my skin. Ako na ang kusang lumayo kay Charles, pero mahigpit niyang hinawakan ang panga ko na parang pipigain ito. Hindi ko na napigilang hindi ipahalata ang pangangatal ko. Lumakas ang paghikbi ko habang nakatingin sa nag-aapoy niyang titig.

"Tama na!" I shouted. Pinaksi ko ang kan'yang braso at malakas siyang tinulak palayo. I opened the door but it was locked. Natatakot kong nilingon si Charles na nakatitig sa akin. Mabagal siyang umiling matapos pagmasdan ang sitwasyon ko. He leaned forward, whispering to my ear. Bago iyon ay marahan niyang pinalis ang mga luha ko.

"Good night, my wife."

I watched Charles unlocked the door. Kahit bahagya akong nabigla sa inakto niya ay dali-dali pa rin akong umalis at nagtungo sa unit. That time, I cried so hard with no one to lean on my side. Hindi ko na rin nakita si Charles noong gabing iyon. Kinabukasan ko na malaman na rito siya natulog using the other room. Inaantok pa ako nang maabutan ko ang aking asawa na nagluluto sa kusina. Kaswal niya akong nilingon habang ako ay halos malaglag ang panga na nakatingin sa kan'ya.

"Close your mouth. Papasukan 'yan ng langaw kung mayro'n man." He smirked, removing a black apron from his top body, revealing his masculine chest and six pack abs.

"Totoo ba 'tong nakikita ko?" usal ko sa aking sarili. Alam kong gising na talaga ako, pero hindi ko mapigilang kuwestiyonin ang reyalidad. Imposibleng totoo ang nakikita ko na ginagawa ngayon ni Charles. And what was more...

He guided me to sit on the table as if we were newlyweds!

Oh God!

Napasinghap ako nang makaupo sa four seater table. Luckily, I managed to get myself composed. Charles sat across me. Tahimik ko lamang siyang inoobserbahan. Tila'y may humahaplos sa puso ko ngayong nakatingin ako sa kan'ya ngayon. This man—mahal na mahal ko talaga siya.

Charles cook lots of food. Mostly, French breakfast ang nasa hapag. Dinampot ko ang tasa ng mainit na tsokolate at pasimple siyang sinulyapan. Naabutan kong taimtim siyang nakatingin sa akin. I kept myself silent kahit ang dami ko nang gustong itanong. Gusto kong siya mismo ang maunang magsalita.

"I'm sorry for what happened last night. Hindi lang talaga ako natuwa na makitang may ibang lalaki ang nagkakagusto sa iyo."

The nerve.

"Really?" Mapakla akong natawa. Ibinaba ko ang tasa at humalukipkip. "Charles, naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"I already accepted the lead role," putol niya sa nais kong itukoy. He was calm pero ang mga mata niya ay para pa ring madilim na karagatan. "Mag-le-lead tayo sa Voyage de Miller."

I went silent. Tumaas ang kilay ko at pinaningkitan ko siya ng mata. Mahal ko man si Charles pero hindi ako tanga. My husband had an ulterior motive.

"In exchange…" I was correct—may kapalit nga. "Stay away from Shaun. Ayokong makita na umaaligid siya sa iyo."

"Charles is my childhood friend—"

"Pero ako ang asawa mo, Cosette. Ako ang dapat pakinggan mo—"

"A-huh?" Hindi ko na napigilan maging sarkastiko. Kakatwa ko siyang tiningnan. "Why are you ordering me that, my husband? Threatened ka ba na maagaw ako sa iyo? Hindi ba kaya ng pride mo? Hmm?"

"Cosette!" Malakas siyang ibinagsak ang nahawakang tinidor ngunit hindi ako nagpatinag. Nagtitigan kaming dalawa. Mabagal akong ngumiti, isang mapang-asar na ngiti. Saktong tumunog ang phone naming dalawa nang magkasunod. Kinuha ko ito at binasa ang natanggap na text message. It was from Direk Monero.

Good morning, Cosette. Congratulations sa new role mo. By the way, si Charles ang leading man mo. Pero I want to tell you na tinanggap ko si Shaun as your second lead. I-a-announce ko na lang kung kailan ang table reading at signing ng contract.

I turned off my phone at nag-angat ng paningin kay Charles. Base sa reaksyon niya, parehas kami ng natanggap na mensahe.

"Now what." Humalukipkip ako at mapang-asar na ngumiti. "Hindi ko na maiiwasan si Shaun."

I smirked at pinagmasdan ang halos mag-usok niyang ilong. I wanted to think he was jealous, but I knew the truth. Pride niya ang natatapakan.

Who would have thought, Charles would have a competitor at childhood friend ko pa. I wonder, ano kaya ang mangyayari kapag mismong taping na?

To what extent could Charles hide his evilness?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status