Share

The Actress's Revengeful Husband
The Actress's Revengeful Husband
Author: Ryytine

Chapter 1: Unveiled Veil

"I love you," mahinang wika ko habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Andrew. Mabagal akong napapikit habang ang dugo sa aking ulo ay mabagal na dumadaloy sa aking pisngi. Nakaipit ang aking mga paa na hindi ko magawang maigalaw. Ang hood ng kotse na wasak dahil sa nangyaring aksidente ay umuusok. Nanghihina na ako, nahihirapan akong makahinga at nanlalamig ang aking mga pisngi. Tuluyan akong napaluha nang mahigpit na hinawakan ng lalaking aking mahal ang kamay ko. Nasa loob siya ng wasak-wasak na kotse at pilit akong inaalis sa loob nito.

Pero huli na ang lahat.

Malapit nang sumabog ang sasakyan.

"P-Pakiusap, h-huwag mo akong iwan, M-Mahal. I would rather die kaysa sa mabuhay nang wala ka!"

I smiled painfully. Mabagal akong dumilat at nagsalubong ang aming paningin ni Andrew. Kumikislap ang kan'yang mga mata dahil sa mga luhang tumatagas dito. Desperado siyang umiling, hindi nais na tanggapin ang masaklap na katapusan ng aming pagmamahalan.

"M-Mahal…" patuloy siyang lumuha habang ako ay pilit na inabot ang luhaan niyang pisngi. Suminghap ako at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung magtatagal pa ako. K-Kung maaari lamang ay nais ko pa siyang makasama.

For the last time, matamis akong ngumiti. Ginalaw ko ang aking ulo upang halikan ang kan'yang namumutlang mga labi dahil sa takot. Pinikit ko ang aking mga mata matapos maramdaman ang malambot niyang mga labi.

"Paalam…"

I continued closing my eyes. Hanggang sa marinig ko ang sigaw ng direktor.

"Okay, cut! You did well, Cosette, Teddy! Our movie project will definitely go well!"

Dumilat ako at lumayo kay Andrew, o sabihin na nating si Teddy. Andrew ang pangalan ng kan'yang character sa pelikulang Immense Love, ang pelikulang natapos naming gawin.

"Congratulations, Cosette." Marahang ngumiti si Teddy at tinulungan akong umalis sa loob ng wasak na sasakyan. Pagkalabas namin sa sasakyan ay sumalubong sa amin ang staffs, producer, director, script writer at iba pa. Nagpalakpakan sila at ang ilan ay nagpaulan ng confetti.

"Marami pong salamat sa inyo!" Magalang kaming yumuko ni Teddy. Nilapitan namin ang direktor na parehas kaming tinapik sa balikat. Matapos ay inayos niya ang suot na eyeglass. He softly smiled.

"7 PM pa lang, may victory party tayo ngayon. Maganda kung sasama kayo."

Pilit akong ngumiti nang bumagsak sa akin ang paningin ni Teddy. Marahil ay naalala niya ang rumors na kumakalat ngayon.

Na may kinakalantari akong mga lalaki.

"I can't come, Direk. Paniguradong naghihintay na sa'kin si Charles. May dinner date po kami ngayon."

"Oh." Hindi mapigilan ng direk na ipakita ang kan'yang pagkabigla. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin matapos ma-realize kung ano ang ni-react niya.

"Well then. Good luck sa dinner date ninyo, Cosette. Ibig-sabihin ay hindi pala totoo ang tsismis na kumakalat. Kilala kita, patay na patay ka riyan kay James Charles Alejo. Imposibleng sayangin mo ang marriage n'yong dalawa."

I just smiled. Nagpaalam na ako sa direk, kay Teddy, sa iba pang actors, actresses, gayundin sa staffs. My personal assistant helped me na mag-ayos at linisin ang pekeng dugo sa aking mukha at noo. Nang matapos ay hinawi ko ang aking mahabang brown na buhok na nakadantay sa balikat ko. I stared at my reflection on the mirror.

"Marriage life, huh?" Napayuko ako at nagpasyang pulutin ang aking shoulder bag na ang strap ay yari sa gold chains. Hinarap ko ang aking beking manager na nag-aalalang nakamasid sa akin.

"Uuwi ka na?" he asked. Tipid akong tumango at niyakap siya.

"Magiging successful naman ang movie ko, hindi ba, France? Kahit na may balitang kumakalat na may mga kabit akong lalaki."

"Cosette," usal niya at marahan akong tinulak palayo. Ang personal assistant ko na nakakaalam sa katotohanan ay naaawang nakatingin sa akin. "Alam kong sinadya mo na ipakita sa media na nangangaliwa ka. Pero kailangan mo ba talagang gawin 'to? Sinisira mo ang sarili at pangalan mo. Matagal mo nang pangarap na maging isang successful na aktres, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang ginagawa mo ngayon. Alam ko…" Bumuntong-hininga siya. "Na isa kang mabuting asawa. Mahal na mahal mo si Charles."

Pinigilan kong mapaluha nang marinig ang huling sinabi ni France. Huminga ako nang malalim at tumatangong ngumiti.

"I'll do my best na hindi dumihan ang pangalan ko, France."

He sighed in relief. Matapos ng saglit pa na usapan ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. I refused their offer na ihatid ako pauwi sa aking condo unit sa Taguig. Pero ang totoo ay pagod na ako para mag-drive pa. Pumipikit na rin ang aking mga mata dahil sa antok.

"Tatawag na lang siguro ako ng taxi," ang usal ko habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Bahagyang liblib ang lugar na ito sa parte ng Quezon. Circle ang tawag ng mga tao sa malaking parke na ito. Kaunti lamang ang mga tao sa daanan at ang ilang driver ay mabilis ang patakbo sa mga sasakyan.

Nilabas ko ang aking phone at akmang magbubukas ng app para sa pag-commute nang biglang may humawak sa braso ko. Napaigtad ako at napalingon kay Teddy na madilim ang mukha.

"As expected, pagod ka na. I heard na walang project ang asawa mo ngayon dahil he's taking a rest, pero sana sunduin ka niya kahit papaano. Come with me. Ihahatid na kita. Have you forgotten kung sino ka? Paano kung may makakilala sa'yo? It's not safe kung mag-isa ka."

"P-Pero—" Hindi na ako nakapalag nang hinatak niya ako patungo sa sasakyan niyang nakaparada sa gilid ng daan. Pinasakay niya ako sa kan'yang kotse at umikot siya sa patungo sa driver's seat. He drove the car habang ako ay speechless at nakamaang sa kan'ya.

"You shouldn't do this. Paano kung isipin ng mga tao na ikaw naman ang kinakalantari ko? At saka, I heard na may non-showbiz partner ka—"

"She said it was okay. Isa siya sa mga matagal mo nang fan. Siya rin ang nag-push sa akin na ihatid ka. It's also a thank you gift sa binigay mong autograph sa kan'ya."

"Ganoon ba?" Mapait akong ngumiti at tumingin sa mahabang parke. "May mga tao pa rin palang humahanga sa akin."

"Like my girlfriend, naniniwala rin ako na hindi mo magagawang mangaliwa kay Charles. If I may ask, ano ba ang nangyayari?"

Umiling lamang ako. He nodded after seeing my response. Matapos nang mahigit isang oras ay hininto niya ang sasakyan sa isa sa mga nagtataasang gusali ng Taguig. Charles and I were staying here in this lifestyle district of Manila. Kasal na kami nang dalawang taon, pero ngayon lamang lumabas ang isyu sa buhay naming mag-asawa. It was a big deal dahil parehas kaming nagtatrabaho sa industriya ng pag-a-acting.

"Thank you, Teddy. Pasabi rin sa girlfriend mo na salamat sa concern niya." Lumabas ako sa sasakyan niya at tipid na ngumiti.

"Sure." Ipinahinga niya ang kan'yang kamay sa steering wheel dahilan upang bumalatay ang matikas niyang braso at mahahabang daliri. He was wearing a black dress shirt na bumagay sa katamtaman niyang kulay ng balat. "Are you sure that you will be fine? You look like na parang ayaw mo pang umuwi."

Natigilan ako sa sinabi ni Teddy at napakagat-labi. Naluluha akong tumango at suminghap.

"T-Thank you," hindi ko na mapigilang usal. Umawang ang labi ni Teddy nang makita ang nasasaktan kong anyo. Akma siyang lalabas sa kan'yang sasakyan nang umiling ako.

"Thank you for believing me, Teddy. Don't worry…" Mahina akong humikbi. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. "Charles and I are doing fine so am I. He loves me… at masaya kami. I am good person, I am not a… cheater."

Pinunasan ko ang aking basang mga pisngi at mabilis na naglakad palayo. Inignora ko ang pagtawag sa akin ni Teddy at pumasok sa exclusive condominium. Dumiretso ako sa elevator at sinara ito. I clicked the 47th floor bago ako padausdos na napaupo sa malamig na lapag. Kinagat ko ang aking nangangatal na daliri at mahinang humikbi.

Paano ko sasabihin sa kanila? —na ang totoo ay pagod na pagod na ako? Ang bawat oras na lumilipas ay impyerno sa akin. Nahihirapan ako… pero kahit ganoon ay hindi ko gustong sumuko.

"Calm down, Cosette," pag-alo ko sa aking sarili dahil wala akong tao na maaaring sandalan. Pilit akong tumayo at ngumiti nang malapit na akong makarating sa 47th floor. I couldn't afford na may makakita sa akin na nahihirapan ako. Kaya kahit magmukha akong tanga sa kangingiti—pipiliin kong magmukhang baliw para maitago lang ang nangyayari.

Bumukas ang elevator at naglakad ako patungo sa aking unit. Saktong nanigas ang aking mga paa nang huminto ako sa harapan ng pinto. It wasn't locked at kahit nasa labas pa ako ay naririnig ko na ang ingay na hindi ko ninanais na marinig.

I decided to open the door. Maingat akong pumasok at tinahak ang maikling hallway patungo sa sala. Habang papalapit ako ay naririnig ko ang makamundo nilang halinghing. Tuluyan ko nang nabitawan ang aking bag matapos makita ang aking asawa na hubo't hubad na nakaupo sa sofa. Nasa kandungan niya ang isang babae na malandi siyang hinahalikan.

Mga hayop!

"Charles!" Galit kong pinulot ang base sa aking tabi at malakas itong ibinato sa sahig na malapit sa kanila. Sabay silang napabangon at gulat na tiningnan ako. Kinuha ko ang malaking bubog ng base at mabilis na naglakad papalapit sa kanila. Iniamba ko ang bubog sa babae na mabilis na nagtago sa likuran ng asawa ko.

"Mga hayop kayo!"

"Cosette!" Marahas na hinuli ni Charles ang kamay ko at binato ang bubog na nakuha niya. Nasasaktan ko siyang tiningnan at hindi alintana ang nagdurugo kong palad.

"Palayasin mo ang babaeng iyan bago pa mandilim ang paningin ko." Mapait akong ngumiti. "O parehas na mapapatay ko kayong dalawa."

"Nababaliw ka na!" ang sigaw ng babae at nagmamadaling dinampot ang kan'yang mga damit sa sahig. Lumabas siya sa unit at naiwan kaming dalawa ni Charles na madilim na nakatitig sa akin.

"What the hell did you do, Cosette?!" Marahas niyang hinawakan ang braso ko. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa tuluyan na akong napahagulhol. Natigilan siya at nag-igting ng panga.

"C-Charles," nakikiusap kong wika. Nangungusap kong inalog ang braso niya. "Asawa mo ako, h-huwag mo namang gawin sa akin ito. Nasasaktan ako, Charles! Pakiusap, a-ayusin natin 'to."

"Ayusin?" Nang-uuyam siyang ngumiti at tinulak ako palayo. "Ano'ng aayusin sa atin, Cosette? Kung sa simula pa lang ay sira na tayo? You are married to me pero sa papel lang! Hindi kita mahal—"

"P-Pero mahal kita!" Napasapo ako ng aking ulo at huminga nang malalim. "Mahal na mahal kita kaya hindi kita nais na sukuan!"

"Mahal mo ako?" Ngumisi siya. Napaatras ako nang nilapitan niya ako at tinapon sa couch. Mabilis akong bumangon ngunit muli akong natumba.

"Charles!" Hinampas ko ang kan'yang dibdib nang pumaibabaw siya sa akin. "Huwag mong gawin 'to!"

He began kissing my neck at wala akong nagawa kundi umiyak.

"Just kill me," usal ko dahilan upang mapatigil siya. Inangat niya ang kan'yang ulo at pinagmasdan ang luhaan kong mukha. Kitang-kita ang galit sa kan'yang mga mata na matagal na niyang kinikimkim. Madilim siyang ngumiti.

"Sana nga ay ikaw na lang talaga ang namatay at hindi ang babaeng mahal ko."

Bumundol ang puso ko sa sakit at pagkagulat. Umalis siya sa ibabaw ko at kinuha ang isang invitation card. Binato niya ito sa akin at nagsimulang magdamit. "I'm going to celebrate my birthday next week. Iyan ang sample ng invitation card na kailangan mong ipamigay. Dress well on my birthday, iyon na lang ang maitutulong mo sa akin—ang maipakita na nakapasuwerte ko na nakapangasawa ako ng isang tulad mo." Umismid siya at naglakad palayo, leaving the unit and me alone. Binasa ko ang laman ng invitation at tumayo.

"April 15." Naglakad ako patungo sa terasa at natigilan nang mapadaan sa malaking picture frame. Napatitig ako sa larawan ng babae na nakangiti. How tragic, kasal kami ni Charles pero ibang babae ang mga nakakabit na larawan sa unit.

"Tama naman siya," usal ko at hinarap ang larawan. "Ako na lang dapat ang namatay at hindi ikaw. Masaya sana si Charles ngayon kung ikaw ang hindi nawala."

Sinapo ko ang aking dibdib at bumuntong-hininga. "Pero wala ka na… At kahit nasasaktan ako, hindi ko iiwanan ang asawa ko dahil mahal ko siya…"

Yes, tama lang na maghirap ako. After all, kasalanan ko kung bakit namatay three years ago ang babaeng mahal ng asawa ko.

Isa lamang akong basura na pumasok sa kanilang eksena. Isang basura na tumapos sa matagal nilang pag-iibigan. Isang basura na naging dahilan kung bakit mula sa pagiging mabuting tao ay naging masama ang asawa ko.

Yes, ako si Cosette Mallory. Ang babaeng kasal lang pero hindi minamahal. Ngunit kahit masira ako, patuloy kong mamahalin ang lalaking kinamumuhian ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status