Share

CHAPTER 4

[LUCILLE's Point of View]

"Lucille, kumain ka muna. Heto, nagdala ako ng pagkain. ‘Wag kang mag-alala, hindi 'to galing sa canteen. Binili ko 'to sa isang malapit na restaurant. Five star 'yun! Medyo nakakahiya ngang mag-take out, eh. Mabuti na lang pumayag 'yung manager..."

Tahimik ko lang na pinanuod ang lalaking nagpakilala sa akin sa pangalan na Samuel na ngayon ay naghahanda ng pagkain. Halos hindi na maproseso ng utak ko ang mga pinagsasasabi n'ya dahil pilit kong hinuhuli ang kanyang bawat galaw at anggulo, hoping I'll find something.

His thick, messy brunette hair seemed to be immovable but it complimented his cherubic face. Lagi din s'yang nakangiti despite of his wan complexion. At 'yung bibig n'ya, walang preno. Pinilit kong maghanap ng kahit na ano sa kanya na masasabi kong ‘pamilyar’ sa akin. But there was none.

Dalawang araw n'ya na akong sinasamahan at binabantayan. Actually, wala namang ibang pumupunta sa akin bukod sa doktor, nurse at sa kanya. Ayokong magtanong. Ayokong magsalita hangga't hindi pa ako sigurado sa sasabihin ko. And I'm quite afraid sa mga p'wede kong malaman. 

What couldn't be scary for someone who remember nothing?

Dalawang araw na mula nang magising ako and until now there was no sort of spark to my memories. Ang tanging alam ko lang ngayon, Lucille ang pangalan ko at dalawapu't limang taong gulang na ako. Si Samuel, sabi n'ya magkakilala kami. Hindi n'ya direktang sinabi kung anong koneksyon naming dalawa, kung magkaibigan ba kami o magkapamilya.

Pamilya.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nasaan ang pamilya ko. But considering none had come to see and visit me aside from him, I think I already know the answer.

"Lucille? Okay ka lang?"

Bahagya akong napatalon sa gulat nang maramdaman ang paghawak n'ya sa balikat ko. Pasimple akong umiwas at lumayo. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi ko magawang maging komportable sa kanya kahit na ilang araw ko na s'yang kasama. Not because he looked like a bad person or what. It was quite the opposite, actually. Inosente s'yang tignan. He has sparkling eyes and a smile of a kid kahit na mas matanda daw s'ya ng ilang taon kesa sa'kin. Maybe I'm not just used of trusting people. Maybe.

"Ah, s-sorry. Sige, lalabas muna ako para maging komportable ka habang kumakain. Pupunta lang muna ako sa canteen, okay? Babalik rin ako."

Isang tipid na tango lang ang tanging isinagot ko. Bago s'ya tuluyang umalis, sinigurado n'ya munang nasa tabi ko lang ang mga kakailanganin ko katulad ng tubig at tissue para hindi na ako mahirapan. Inilapag n'ya din sa side table ang pagkain matapos n'ya 'tong ihanda.

"Ayan, kumain ka ng marami ah? Para lumakas ka saka 'yung baby mo." Nginitian n'ya ako saka lumabas ng pinto.

Kumirot ang dibdib ko nang banggitin n'ya ang tungkol sa baby. I am one month pregnant. Isa 'yun sa mga unang sinabi sa akin ng doktor nang magising ako. At sobra akong natakot nang mga sandaling 'yun. I had a car accident with an unborn child inside me. Kahit pa sinabi nilang hindi gaanong naapektuhan ang baby, hindi ko mapigilang matakot at sisihin ang sarili ko. How could I be so careless?

Napayakap ako sa sarili kong tiyan at halos malunod ako sa mga tanong na nasa utak ko. Sino nga kaya talaga ako? Ano ba talagang nangyari sa akin? Bakit parang walang may pakialam sa nangyari? At higit sa lahat... sinong ama ng dinadala ko? Nasaan s'ya? Bakit wala s'ya sa tabi ko?

Gusto ko ng sagot pero natatakot akong malaman kung ano 'yun. 

Ewan, magulo. Mahirap.

At the back of my mind, naiisip kong siguro tinadhanang makalimutan ko lahat. For what reason? Maybe— just maybe— the memories I had were worth forgetting.

Hinayaan kong lumapat ang likod ko sa malambot na unan na nakalagay sa aking likuran habang yakap-yakap at pinuprotektahan ang sinapupunan ko. Wala akong ganang kumain. 

My mind was clouded with thoughts para isipin ko pa ang pagkain. Natulala na lang ako sa labas ng bintana ng kwarto kung saan makikita ang nagtataasang building sa labas. Ilang minuto din akong nasa ganoong posisyon hanggang sa makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto. Bumalik na agad si Samuel?

I heard the creaking sound of the door being gently opened. Hindi na ako nag-abalang lumingon. Hinintay ko na lang s'yang makalapit sa pwesto ko at marinig ang mahaba n'ya na namang kwento sa simpleng pagpunta lang sa canteen. Sobrang daldal n'ya kasi talaga.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang mabibigat at mabagal n'yang hakbang papalapit. Hindi din s'ya nagsalita o nag-ingay. Then suddenly, a towering figure casted me shadow and the hair at the back of my neck rose in apprehension.

Weird man pero I could feel its deep stare at me. 

Unti-unti at marahan akong lumingon. My head was turning slowly with my mouth slightly agape and cautious about my moves. Una kong nakita ang suot n'yang dark blue na suit, which wasn't Samuel's outfit. I raised my stare to the man beside me hanggang sa tuluyan kong makita ang kanyang hitsura.

One pair of deep, blank brown eyes greeted me, giving an odd swirling on the pit of my stomach. Para itong mga mata ng isang mabangis na hayop sa kanyang biktima. It was intimidating, menacing... scary. Pinilit kong ilihis ang tingin ko sa ibang parte ng kanyang mukha pero pilit akong hinila pabalik sa kanyang mga mata. 

A gorgeous man with deep, grim eyes was staring at me... assessing me thoroughly as if he's trying to find something within my soul. He was observing me. Judging me, perhaps. For a reason I didn't know.

Then again, I dug in my mind— I looked for memories or familiarity of those gaze pero... wala. Hindi ko mahagilap sa utak ko ang lalaking kaharap ko ngayon.

But my heart... why was it throbbing hard like it actually saw something... desirable?

"S-sino ka?" nangangatal kong tanong dahil parang hinihigop ng malalim n'yang pagtitig ang hangin na nilalanghap ko.

"Why don't you ask yourself?" Nakaramdam ako ng kakaibang lamig nang marinig ko ang kanyang boses. Katulad ng kanyang mga titig, malalim ito at walang emosyon.

When he got no answer from me, umupo s'ya sa gilid ng kama at hinarap ako. Mas malapit na s'ya sa akin at mas nakikita ko na ang bawat detalye ng kanyang mukha. Pointed nose, thick brows, tightly closed plump lips, chiseled jawline. Tinignan ko na lahat ng p'wede kong makita. Pero... hindi ko pa din mahugot sa isip ko ang kahit na katiting na pamilyaridad sa kanya.

"K-kilala ba kita?" tanong ko ulit sa kabila ng pagwawala ng nakakulong sa dibdib ko. Napansin ko ang bahagyang pagtiim ng kanyang panga bagay na mas lalong nagpakaba sa akin. Nagalit ko ba s'ya? Nainis dahil hindi ko masabi kung sino s'ya?

Bigla n'yang itinaas ang kanyang kamay at inabot ang aking pisngi. Sinubukan kong umiwas pero mabilis n'ya itong naabot kaya wala akong nagawa kundi ang pumikit nang lumapat ang kanyang mainit na palad sa aking balat. Nahigit ko ang aking paghinga. May kakaibang sensasyong hatid ang pagdampi ng kanyang kamay sa akin at nagdulot ng mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Lucille..." dinig kong pagtawag n'ya sa akin. It was low and gentle but I could sense authority. "Open your eyes. Tignan mo ako."

It was like a spell. Napasunod n'ya ako without me thinking of what I was doing. Marahan at unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Muli akong nakulong sa kanyang mga titig. Gusto kong umiwas at lumayo pero merong kakaiba sa mga mata n'ya na gusto kong makita. I could see a hint of distinction within those brown orbs.

"I wanted you to keep this in your mind. Never forget who I am. I don't like being forgotten... honey."

H-honey?

"Primo Villazar. I am your husband."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status