Share

CHAPTER 2

[PRIMO's Point of View]

"Two weeks?" pag-uulit ko sa sinabi ng doktor.

"Yes, Mr. Villazar. She's been here for almost two weeks now. Wala din kasi kaming nakuhang personal information tungkol sa kanya nang dalhin s'ya dito ng isang concern citizen matapos s'yang maaksidente. Kung hindi pa s'ya namukhaan ng isa sa mga nurse ay hindi pa namin malalaman na misis n'yo s'ya."

Nag-tiim ang panga ko sa sinabi n'ya. Misis? Ha! Gusto kong matawa.

"Magigising pa s'ya?" I asked as if the words were bitter to my mouth habang taimtim na tinitignan ang pasyente nila.

"Well, her body was responsive sa mga ibinibigay naming gamot and she's getting better and better every other day. Malaki ang chance na magising na s'ya sa mga susunod na araw. But..."

Instinctively, napalingon ako sa kanya nang magkar'on ng pag-aalinlangan sa kanyang kaninang puno ng kumpiyansang boses.

"But what?" I impatiently asked.

"I will be honest, Mr. Villazar. Dahil sa severe head injury n'ya, I couldn't promise you na magagamot namin s'ya... totally."

"Can't you just go directly to your point? I'm not a professional like you and your words sound like garbage to me."

Napayuko ang doktor at bumuntong-hininga. Inayos n'ya din muna ang kanyang salamin sa mata at muli akong hinarap.

"Your wife might not be exactly the person you used to know. You see, severe head injuries usually causes memory loss and permanent... amnesia."

A-amnesia?

"Pero 'wag kang mag-alala, Mr. Villazar. It was just a hypothesis. I could give you the final diagnosis kapag nagising na ang pasyente at nasuri na namin s'ya. For now, let just hope for the better for her."

I diverted my gaze back to their sleeping patient. Paulit-ulit na umugong sa tenga ko ang sinabi ng doktor.

Memory loss. 

Permanent amnesia.

Posibleng wala na s'yang maalala 'pag gising n'ya? Posibleng hindi na n'ya ako maalala?

"Oh, one more thing Mr. Villazar. Muntik ko ng makalimutan. Dr. Adecer went to me earlier para i-discuss ang kalagayan ng baby n'yo. She was relieved ng ma-check n'yang maayos ang baby despite of the accident. Ang sabi pa n'ya, your baby was resilient..."

Unti-unting nawala sa pandinig ko ang mga sinasabi ng doktor. The moment na binanggit n'ya ang salitang ‘baby’, parang tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa. Naninigas ang mga daliri ko habang marahan itong kumukuyom. Nakaramdam ako ng matinding inis... galit... poot.

MY baby? P*ta. It only triggered an awful memory. Biglang sumagi sa utak ko kung paano n'ya ako tignan na puno ng disgusto nang banggitin ko sa kanya noon ang pagkakaroon ng baby.

“Mandiri ka nga! Do you really think na gusto kong magka-baby? Hindi ko na nga maatim na makasal sa'yo, bigyan ka pa kaya ng anak?”

Great. Her words already sunk in my mind. Hindi n'ya gustong magka-anak sa akin. Pero sa iba, oo. Tang*na lang naman.

And by that, nagbago ang paghinga ko. Malalim, mabagal at pabugso-bugso. Para akong bomba na pinipigil sumabog. At kung nakamamatay lang ang titig, baka bawiin ng doktor ang sinabi n'ya kanina na magigising pa ang babaeng 'to.

"Mr. Villazar? Are you okay?" Biglang rumehistro sa pandinig ko ang boses ng doktor kaya napapiling ako sa kanya.

Mariin akong napapikit at bumuntong-hininga bago s'ya talikuran without even saying a word. Binuksan ko ang pinto ng silid at dali-daling naglakad paalis.

"Primo! Primo saan ka pupunta?" sigaw ni Samuel na naka-abang sa labas ng kwarto nang lagpasan ko s'ya.

Hindi ko s'ya pinansin at mabilis na pumasok sa elevator. Pero ang lintek na si Samuel ay nagawa pang iharang ang daliri n'ya kaya muli itong bumukas.

"Walangya ka naman. Bakit ba palagi ka na lang nagmamadali?" inis n'yang tanong. My glare was enough for him to shut his mouth and move a few steps back. Pero wala pang sampung segundo, nagsalita na naman s'ya. "Anong sinabi ng doktor?"

"Sa ating dalawa, alam kong mas narinig mo ang sinabi ng doktor," tamad kong sagot. He's Samuel Torillo and God knows that gossiping is one of his expertise.

"Ah, medyo lang naman," nakangiwi n'yang sagot. "So... ano ng plano mo ngayon? Nahanap mo na s'ya. Ay, mali. Nahanap ‘ko’ na s'ya katulad ng inutos mo sa'kin noon. Kung alam ko lang na isang aksidente ang magpapalabas sa kanya, sana noon ko pa tinanggalan ng break lahat ng sasakyan sa Pinas." Muli ko s'yang sinamaan ng tingin pero agad ko ding binawi at prenteng tumayo.

"Ano?" Inip n'yang tanong at parang nakalimutan na kung sino ang boss sa aming dalawa. "Anong plano mo Primo Villazar ngayong nagbalik na mula sa kawalan ang nag-iisang Lucille Cuenca-Villazar?"

I flinched. Hearing her full name— together with my family name— was uncomforting for me. Masakit sa tenga. Masama sa loob.

Imbes na sumbatan at busalan ang walang prenong bibig ni Samuel, nanahimik na lang ako at humawak sa katiting kong pagtitimpi. And he asked for my plan. Tsk, I have none.

"May dapat ba akong pagplanuhan?" malamig kong tanong pabalik at tinignan s'ya mula sa balikat ko. "Hindi na s'ya mahalaga sa buhay ko. Wala na s'yang halaga sa akin. I'm fine with my life now. I have a growing company, billions of money, luxuries, fame and power. Ano pa bang kailangan ko?"

Pabuka pa lang ang bibig ni Samuel ay agad ko na s'yang inunahan.

"Certainly, hindi s'ya. Maraming babaeng nakadarapa sa harap ko. I could drag whoever I want to give me pleasure, to make me happy and even to give me a child. Kayang-kaya ko s'yang palitan."

"Pero hindi mo pa din ginagawa," bulong n'ya dahilan para kumunot ang noo ko sa kanya.

"What made you think of that stupid thought?"

"Hello? Dalawang taon na ang lumipas pero wala ka namang ginawa kundi ang sumubsob sa trabaho. Oo nga't lumalabas ka kasama ng iba't ibang babae pero meron man lang ba, kahit man lang isa, sa kanila ang naging girlfriend mo?" May bahid ng pagka-inis at desperasyon n'yang tanong. This time, ako naman ang hindi n'ya binigyan ng pagkakataong sumagot at agad na inunahan ang sasabihin ko.

"Wala 'di ba? Kasi s'ya pa din!" sigaw n'ya, bagay na bahagya kong ikinagulat. "Kahit na sinabi mong itigil ko na ang paghahanap matapos ang isang taon, alam kong iniisip mo pa din kung saang lupalop s'ya pumunta. Kaya nga ayan, sa bawat inuutos mo sa akin kesyo pagsta-stalk pa 'yan ng ka-kompetensya mo o pagkuha ng mga ilegal na impormasyon, isinasabay ko pa din ang paghahanap sa kanya— alam mo man o hindi, may bayad man o wala. At salamat na lang sa Diyos dahil nagbunga ang pagod ko," pagyayabang n'ya at akala mo sino na kung umasta.

"Ano nga ulit ang koneksyon nating dalawa, Samuel?" paglilinaw ko sa mababa at kalmadong boses.

"I do dirty works for you na minsan—"

Tinaas ko ang isang kamay ko sa kanya upang pigilan s'ya sa pagsasalita. Napaka-ikli lang ng tanong ko pero sandamakmak palagi ang binibigay n'yang sagot.

"Exactly. Pero bakit kung umasta ka talo mo pa ang kapatid?"

"Hay naku, Primo. 'Wag mo 'kong dinadaan sa ganyan. Bago ka pa nabaliw kay Lucille, kilala na kita." I gave him a warning look dahil sa mga lumalabas sa bibig n'ya pero mukhang wala s'yang balak pansinin 'yun at nagpatuloy sa mahaba n'ya na namang litanya.

"Seryoso, d're, alam kong malaki ang pinagbago mo simula n'ong iwanan ka n'ya. Halos hindi na nga kita makilala. Pero alam kong ikaw pa din 'yan. Ikaw pa din 'yung Primo na pinalaking anghel nina Don Lukas."

"Shut the fuck up, Samuel," madiin kong untag. Nanahimik naman s'ya at umiling na lang. Saktong bumukas ang elevator. Sabay kaming lumabas at naglakad palabas ng ospital na parang wala kaming pinag-usapan kanina. Aside from doing an amazing job, ito pa ang gusto ko sa gag*ng 'to. Aakto s'yang walang nangyari at magsasawalang-kibo.

"Pakening teyp!" bigla n'yang sigaw habang kinakapkap ang bulsa n'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay at agad naman s'yang sumagot. "Naiwan ko 'yung susi ko sa kwarto n'ya. Aist!"

I rolled my eyes and mumbled ‘tanga’ under my breath. Agad na huminto sa harapan ko ang kotse at sa loob nito ay si Mang Ben. Mas mabuti pang umuwi na lang. Wala din naman akong mapapala dito. I have bunch of works to do in the office, after all. Mas may saysay pa 'yun kesa sa pagpunta dito.

"Primo! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan nang walang hiyang sumigaw na naman si Samuel.

"Anong gagawin natin kapag nagising na s'ya?" dagdag n'ya pa at bumaba ng isang baytang mula sa hagdan papasok ng ospital. I gave him a deadpan look.

"Wala akong gagawin. Baka ikaw meron," I answered, dismissively. "For the second time, uulitin ko, wala na akong pakialam sa kanya. She's free to go back to her fucked up life and I. DON'T. CARE."

Pumasok ako sa sasakyan at agad na pinatakbo ni Mang Ben. Napasandal ako sa backrest ng upuan at tumingala. I had too much for this day. Sabagay, kapag tungkol sa babaeng 'yun, I always have too much.

She shouldn't be a problem anymore. She left and I moved on. 'Yun na 'yun. I already had enough.

Ayoko nang masira ulit.

Rush hour. Halos wala ng galawan ang mga sasakyan. Usually, nag-aalboroto ako sa inis kapag ganito ka-traffic pero ngayon, I could care less. My elbow was resting on the corner of the window as my fingers kept on pressing my lips. Lumilipad sa kung saang lupalop ang isip ko, thinking about nothing. That doesn't make any sense, I know. Pero ganun ang pakiramdam ko.

Suddenly, my phone rang. Wala ako sa mood na sumagot ng mga tawag ngayon, business man o hindi, pero mukhang walang balak na tumigil ang tumatawag ngayon. Sa pangatlong ring, inis ko ng kinuha ang telepono ko sa bulsa ng aking pants at sinagot ito without looking who was the damn caller.

"What the hell do you want?!—"

"Primo!"

Mabilis kong inilayo ang telepono sa aking tenga dahil sa matinis na ingay mula sa linya n'ya. Mukhang hindi s'ya mapakali dahil halos wala na akong maintindihan mula sa kanya. I was about to end his stupid call nang muli s'yang nagsalita, halos mabulol at natataranta.

"Gising na s'ya, Primo! Gising na si Lucille!"

Nanigas ako sa aking kinauupuan. Makailang ulit akong napalunok bago ibaba ang telepono ko ng wala sa sarili. She's... she's awake?

"Primo? Andyan ka pa?"

Bakit parang ginapangan ako ng kaba? Tang*na. 'Nagulat ka lang, Primo. ‘Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ka dapat apektado,' sigaw ng isip ko.

"Pupuntahan ko 'yung doktor n'ya. Bumalik—"

I ended the call, sat back and breathe heavily. Gising na s'ya and so what? May mababago ba?

Wala naman... 'di ba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status