Share

The Amnesia Wife
The Amnesia Wife
Author: alas_arkanghel

PROLOGUE

"SO, Mr. Villazar, being one of the youngest and most successful businessman in Asia, maraming nagtatanong... who's behind of your success? You know, there's this famous saying that ‘behind a successful man is a strong woman’."

Napa-tiim ng kanyang panga si Primo Villazar sa tanong ng journalist ng isang kilalang Filipino Magazine. Hindi n'ya man gustong ma-feature sa prestihiyosong magazine na ito ay hindi n'ya na nagawang tumanggi nang sumulpot ang makulit na journalist sa harap ng kanyang opisina.

At ngayon, buo na ang kanyang pagsisisi dahil sa bagay na gusto nitong malaman. The woman behind his success? That was, indeed, a sick joke for him.

"None," malamig at walang gana n'yang sagot bagay na nagpataas ng kilay ng baklang journalist.

"None? Come on, Mr. Villazar. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kasal ka na. Why are you hiding the identity of your wife to the public anyway?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Primo sa kanyang tanong na akala mo ay isa lamang iyong ‘friendly question’. Bukod pa doon, kung nakamamatay lamang ang kanyang tingin ay tiyak na ang pamamaalam sa mundong ibabaw ng journalist.

Hiding his wife? Iyon na yata ang pinakat*ngang narinig n'ya sa buong araw. Sa isip-isip nya'y paano n'ya itatago ang isang taong wala naman sa kanya?

Ipinatong n'ya ang kanyang mga kamay sa malamig na katagan ng conference table at bahagyang lumapit sa journalist bago muling sumagot sa nangtitimping tono, "I'm not hiding her."

"Then tell us who and where she is. It wouldn't hurt to let the public know your wife, I guess?" Pagpupumilit ng hindi pa ding natitinag na journalist at tila manhid sa pagngingitngit ng kanyang kausap.

"As far as I know, I am not oblige to tell anyone about my personal life." Matagumpay na nasabi ni Primo iyon sa kalmadong tono sa kabila ng kumukulo n'yang dugo.

Naningkit ang mga mata ng journalist at mataman tinignan ang kilalang CEO ng malaking agribusiness conglomerate na V Corp. Sa lahat ng tanong niya, ang isyu tungkol sa asawa nito ang tanging iniwasan nitong sagutin dahilan upang magduda ang baklang journalist.

"You're hiding something about your wife, Mr. Villazar. Aren't you?" May pang-iintriga nitong tanong bagay na nagpakuyom sa mga kamao ni Primo.

Mataray na sinalubong ng journalist ang kanyang mga matang nanlilisik. Bahagya pa itong humukod at lumapit na tila ba inaaral ang mga kahina-hinala n'yang kilos at mga sagot.

"Where is your wife, Mr. Primo Villazar?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status