[PRIMO's Point of View]
"She's in a hospital, unconscious. But she's out of danger now..."
"Hindi pa masabi ng mga doktor kung kelan s'ya magigising..."
"And one more thing, Primo. She's... she's four weeks pregnant."
Isang mapait at tahimik na tawa ang kumawala sa bibig ko nang rumehistro na naman sa utak ko— sa hindi ko na mabilang na beses— ang mga sinabi ni Samuel sa akin sa telepono ilang oras pa lang ang nakararaan.
Matapos ang mahigit na dalawang taong hindi pagpapakita, bigla s'yang lumitaw nang dahil sa isang aksidente. At ang unang pumasok sa isip ko? ‘P*tang*na’.
I was over her. Maayos na ako. Hindi ko na s'ya kailangan. Hindi na s'ya parte ng buhay ko. Matagal na akong tumigil sa paghahanap sa kanya. Matagal na akong sumuko sa kanya. Matagal na akong tumigil sa pagiging tanga. Matagal na. Putangina matagal na!
Marahas kong hinawi ang mga gamit sa ibabaw ng mesa ko. Nagliparan ang mga papeles at dokumento. Tumilapon at humiwalay sa dalawa ang mamahalin kong laptop. Lumaylay ang kable ng puting intercom. Nagkalat ang laman ng pencil holder. At kung hindi lang mabigat ang mesa ko ay baka naibato ko na din ito. Isa na namang ‘p*tang*na’.
I closed my eyes firmly and cursed under my breath for the umpteenth time, bad blood running down my veins. Nasira ang mga gamit ko. How great!
Isinandal ko ang nakakuyom kong kamao sa malamig na mesa at tila lantang gulay na napayuko. Ilang oras na akong estatwa sa aking upuan pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, hinang-hina ako. Patunay nito ang malalim at mabagal kong paghinga.
Lalo pang humigpit ang pagkuyom ang aking kamao nang makaramdam ako ng pag-init ng paligid ng aking mga mata. Hindi. Hindi ako iiyak. Tang*na bakit ako iiyak? Wala akong dapat iyakan!
Humugot ako ng isang malalim na hininga at pinilit pakalmahin ang nanginginig kong katawan. Am I mad? Certainly, no. I am not ‘just’ mad. Galit na galit ako. Nagngingitngit ang buong kalamnan ko at hindi ko alam kung saan, paano o kung kanino ko dapat ilabas 'to.
"S-sir Primo?"
Umangat ang tingin ko sa babaeng nakasilip sa pinto ng aking opisina. Kitang-kita ko ang takot sa nagtutubig n'yang mga mata at ang pangangatog ng mga kamay n'yang yumayakap sa isang folder sa kanyang bandang d****b.
Bumitaw ako sa mesa at prenteng tumayo, umaktong parang walang nangyari. Inayos ko ang natabingi kong necktie at hinarap si Sofia— ang sekretarya ko.
"Clean this. Replace everything that got broken. I don't want to see any single trail of this mess," malamig kong utos sa kanya bago umalis sa aking kinatatayuan at naglakad papunta sa pinto.
"Y-yes, sir," mahina at nangangatal n'yang sagot bago gumilid at binigyan ako ng espasyo upang makadaan ng pinto.
Ramdam ko ang mga titig ng mga empleyadong nadadaanan ko. Siguradong narinig nila ang ingay na ginawa ko kanina. Pero wala ako pakialam. Naglakad ako na parang ako lang ang tao sa gusali, taas noo at walang ekspresyon. Wala ding nagtangkang humarang sa daraanan ko. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Ni halos wala ngang kumurap. Tanging ang tunog lang ng sapatos kong tumatama sa puting baldosa ang maririnig hanggang sa makasakay ako ng elevator.
Nakaramdam ako ng pag-vibrate sa bulsa ng aking pantalon. Agad kong hinugot ang aking telepono. Nag-text si Samuel at nag-tiim ang aking panga habang binabasa ang kanyang pinadalang sunod-sunod na mensahe.
‘Naghahanap ng immediate family ang doktor para i-discuss ang kalagayan n'ya.’
‘Sinabi kong sa akin n'ya na lang sabihin pero hindi pumayag.’
‘Pumunta ka na.’
‘Wala pa s'yang malay, kung 'yun ang inaalala mo.’
Muli kong itinago ang aking telepono nang bumukas ang pinto ng elevator. Kanya-kanya ng pulasan at pag-iwas ang mga empleyadong naka-abang sana sa elevator. Hindi ko na lamang pinansin at tahimik na naglakad palabas ng V Corp.— ang kompanyang pinaghirapan kong itaguyod. Not to mention na muntik na ding masira dahil sa babaeng pupuntahan ko ngayon.
"Sir Primo, saan po tayo?" tanong ng driver kong si Manong Ben nang makapasok ako sa backseat ng sasakyan. Tinignan ko s'ya sa rearview mirror at bumuntong-hininga bago magsalita.
"St. Jude's Hospital," mapakla kong sagot.
—
I was staring blankly at the tall building. Halos dalawang oras na kaming naka-tambay sa harap ng ospital na binanggit ni Samuel. Inabot na kami ng pagdilim ng paligid pero hindi ko pa din matulak ang sarili kong bumaba ng kotse at puntahan ‘s'ya’. Kailangan ko pa ba talaga? Tanga. Syempre hindi. Pero dahil gusto ko s'yang makitang naghihirap, nandito ako ngayon.
Tama. 'Yun lang ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. 'Yun lang.
And with that, inabot ko ang pinto at binuksan ito. Isinuksok ko sa bulsa ang aking mga kamay at tahimik na naglakad papasok ng ospital. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang gwardya at sandaling inaral ang kabuuan ko. Ganoon din ang mga taong aking nadadaanan. Paniguradong ilan sa kanila ay nakilala na kung sino ako.
"Hindi ba't si Primo Villazar 'yun?"
"Sino kayang pupuntahan n'ya dito?"
"Oh my God! S'ya 'yung sikat na CEO!"
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Ganoon lang 'yun kadali. Hindi na importante para sa akin ang sinasabi ng mga nasa paligid ko. What for, anyway? Alam ko naman na ako si Primo Villazar, isa sa mga pinakabatang chief executive officer, nagmamay-ari ng isang kilala at pinakamalaking kompanya sa bansa. At ang pinakatumatak sa lahat, ‘a fallen angel’, that's what they call me. Isa daw akong anghel na ‘na hindi na anghel’. Katarantaduhan.
Nakarating ako sa pasilyo ng fifth floor. Paulit-ulit kong sinambit sa isip ko ang numerong 508 hanggang sa makarating ako sa harap ng pinto ng kwartong may ganitong numero.
Heto na naman. Para na naman akong tanga na nakatayo lang at hindi gumagalaw. At the back of my mind, gusto ko na lang tumalikod, umalis, umuwi, matulog at kalimutang nalaman ko ang nangyari sa kanya— kalimutang kilala ko s'ya.
"Primo!"
Matapos ang ilang minutong pagka-estatwa sa harap ng pintuan, nagawa kong gumalaw at pumiling sa kaliwa kung saan nanggagaling ang boses ng tumawag sa akin. Patakbong lumapit sa akin si Samuel hawak ang isang canned coffee. The huge, dark circles under his eyes were noticeable even from afar. His black hair was tousled too. Kung hindi ko lang s'ya binabayaran ng malaki, baka sakaling sumagi sa isip ko ang salitang ‘pag-aalala’ para sa kanya. I pay for his misery of doing work for me. Hindi dapat s'ya kargo ng konsensya ko.
"Bakit naman ang tagal mo? Nakatulog na ako at lahat, wala ka pa. Akala ko nga umaga na, e! Balak ko na nga sanang umalis kung—"
"Samuel," madiin kong pagtawag sa kanya. Kung hindi ko s'ya pipigilan, paniguradong hindi s'ya titigil sa pagdadaldal.
He smiled sheepishly and scratched the back of his head. "Sorry," sambit n'ya at tinuro ang pinto. "Nandoon s'ya sa loob. Tatawagin ko 'yung doktor para magka-usap kayo."
Tinapik n'ya ako sa balikat at dumiretso sa paglalakad habang sumisimsim sa hawak n'yang kape. Muli akong napabuntong-hininga at hinarap ang pinto. I reached for the doorknob. Pakiramdam ko ay dumaloy ang lamig nito sa kamay ko dahilan para magtaasan ang balahibo sa likod ng aking leeg.
Bumukas ang pinto. Ang tunog na nilikha ng pagbukas nito ay umugong sa tenga ko. Humigpit ang kapit ko sa doorknob ng pinto nang tuluyan kong nakita ang nasa loob ng kwarto.
There she is. Lying on the hospital bed, unconscious. May bahid ng dugo ang bendang nakapa-ikot sa kanyang ulo, may bandage ang kaliwang kamay at may ilang gasgas sa kanyang mukha. Nonetheless, he looked so peaceful, so serene. Napaka-inosente n'yang tignan. Who would thought that behind that beautiful face was a ruthless girl? Kahit ako, noong una, hindi ko inisip.
I was actually blinded by that fucking innocent face. Ang hindi ko alam, s'ya pala ang sisira sa akin.
The girl who made my life a living hell.
"Lucille..."
New character~ Who might be Selena?
[PRIMO's Point of View]"Amnesia?!"Bahagya akong napapikit at napatiim ang aking panga dahil sa biglaang pagsigaw ni Barron. Nasa loob pa naman kami ng maliit nyang opisina kaya tila nakulob ang napakalakas nyang boses sa apat na sulok ng silid. Nakakabingi. If I only know na ganito pala ang mangyayari I shouldn't went to this office just to fvcking explain to him this kind of nonsense."Kailangan mo ba talagang ulitin ang sinabi ko at sumigaw?" Naiirita kong balik.Napatayo sya mula sa kanyang swivel chair at naglakad ng pabalik-balik sa harapan ko habang pinapasadahan ang kanyang buhok. Minsan pa'y napapahilamos sya sa kanyang mukha."P-pero bakit? Paano?""Samuel said it's a car accident. Nawalan daw ng preno ang sasakyan nya then she was rushed to the hospital by a concern citizen," tamad kong paliwanag.Bumalik naman sya sa kanyang upuan, kaharap ng sa akin at kunot-noo akong tinignan."Ang ibig mong sabih
[LUCILLE's Point of View]Halos masira ang pinto ng kwarto sa bilis at lakas ng pagkakabukas ko dito. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa sink sa maliit na kitchen dahil sa nagbabantang masamang pakiramdam sa loob ko. When I finally got there, napayuko ako sa sink at doon napasuka. I felt like my tummy was being turn up side down. I was totally helpless. Naduduwal talaga ako.Habang sumusuka, I was quite shock nang maramdaman ko ang mahinang paghimas ng likuran ko at ang paghawi sa buhok kong lumalaylay sa mukha ko. I took a side glance. Agad akong nakarandam ng pamumula ng mukha nang makitang titig na titig ang walang kabuhay-buhay nyang mga mata sa akin."How are you feeling?" mahina at monotono nyang tanong.Bahagya akong napa-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I was the one who asked him to act, at least, as my husband— to make me feel his presence as a partner. Pero ngayong ginagawa nya na, ako naman 'tong naiilang at
"Calm your heating ass down," casual na sambit ni Primo. "Para sa ikatatahimik ng utak mo, I didn't do anything to her. Nagkar'on s'ya ng aksidente. She lost her memories."Pareho silang napabaling sa akin. Hindi ko alam kung sinong titignan kaya napayuko na lang ako."Anong ibig mong sabihin—""Thank you for help. If you don't mind, kailangan ko na s'yang i-uwi. It will rain."Hinatak ako ni Primo papunta sa kabayo n'ya. Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi n'ya ito binitawan at sa halip ay tumigil s'ya at nilingon ako.There it goes again. 'Yung mga titig n'ya talaga binibigyan ako ng kakaibang kaba. Kaya... kaya parang ayokong sumama sa kanya.Nilingon ko si Barron na nanatiling nakatayo at nakatingin sa amin. On a second thought, parang gusto ko pa s'yang makasama. Hindi lang para makilala s'ya kundi para na din magtanong ng tungkol sa akin
[LUCILLE's Point of View]Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa pagkakaupo ko sa ilalim ng puno habang nakatulala sa ilog at pinapakinggan ang mahinang tunog ng pag-agos nito.Pinipilit kong pagtagpi-tagpiin lahat ng nalaman ko kanina pero nauuwi pa din ako sa mas marami pang mga tanong. Ang hirap. Para akong sumasagot ng isang pagsusulit na parang never ko namang napag-aralan.Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking sarili nang umihip ang malakas na hangin. Naka-sleeveless dress pa naman ako kaya halos mangatog ang buong katawan ko sa lamig. Napansin ko din ang biglang paglilim ng paligid kaya napaangat ang tingin ko sa langit.Mukhang uulan pa yata.Tumayo ako at nanatiling nakayakap sa sarili ko. Balak ko na sanang bumalik sa farm kaya lang hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik.Nagpaikot-ikot sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nakita kundi
[PRIMO's Point of View]"Where is she? Nahanap n'yo na ba? Nasaan na s'ya?"Sunod-sunod kong tanong sa sobrang pagka-aligaga."Señor... hindi pa din ho namin nakikita si Señora Lucille. Naikot na po namin ang buong farm pero wala po talaga s'ya dito," sagot ng isang magsasaka bagay na mas lalong nagpasakit ng ulo ko."Sa... sa ranch house? Sa hacienda? Tinignan n'yo ba? Hinanap n'yo ba s'ya doon?""Oo na po, Señor. Pinuntahan na po nina Tata Isko ang dalawang bahay pero wala daw ho talaga ang asawa n'yo."Napapikit ako at pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang inis anumang oras ngayon. Bwisit! Nasaan na ba ang babaeng 'yun?"Hanapin n'yo s'ya! Maghanap kayo sa lahat ng sulok ng hacienda! Wag kayong magpapakita sa'kin hangga't hindi n'yo nahahanap si Lucille!"Kapwa mabigat ang paghinga at bawat hakbang ko habang papaalis sa harap ng mga magsasakang naghahanap kay Lucille. I know I was being r
[LUCILLE's Point of View]Nangangatog ang tuhod ko habang papalapit ako sa kumpol ng mga kalalakihan sa gitna ng taniman ng kape. Halos bumaon rin ang mga kuko ko sa aking palad dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Hindi din pinalampas ng pakiramdam ko ang mga titig ng mga nadadaanan ko ang ang mahihina nilang bulong.Pero kahit ganon, sinikap kong tumingin lang ng diretso sa taong pakay ko. Nakatalikod s'ya sa akin pero alam ko at sigurado akong s'ya yun. The broad shoulders, tall figure, mascular body. I know it's him.Ilang metro bago ako makarating sa pwesto n'ya at ng mga magsasaka ay napalingon na sa akin ang karamihan sa kanila. Ang ilan ay napayuko at umiwas ng tingin. May ibang nagpaalam at umalis. Hanggang sa umikot paharap sa akin si Primo na s'yang pakay ko.Agad na nangunot ang noo n'ya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang ang sama palagi