[PRIMO's Point of View]
"Mr. Villazar, are you with us?"
Pinanliitan ko ng mata ang matandang hukluban na si Cortez. Nanggagalaiti na akong murahin s'ya kung hindi lang board members ang kaharap ko ngayon. They all looked at me, waiting for my words. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa aking upuan.
"Meeting dismissed," usal ko at pina-ikot ang swivel chair ko patalikod sa kanila habang hinihilot ang aking sentido.
"P-pero sir, nag-sisimula pa lang po ang—"
"Dismissed," may diin at bahid ng awtoridad kong pag-uulit. Narinig ko ang isa-isa nilang pagtayo at ang pagbukas ng pinto. Niluwagan ko ang aking necktie at napahilamos sa sarili kong mukha.
I'm on edge these past few days and my performance at work was starting to fucked up. Kahit anong pilit kong mag-concentrate sa mga dapat kong asikasuhin, I always end up doing nothing. Bwisit! This is all her fault!
"What the hell was that, Primo?"
Umangat ang tingin ko sa kanya nang tumigil s'ya sa gilid ko, her perfectly filled eyebrows were knitted and crossed one arm over the other. Muli akong umikot at humarap sa conference table. I placed my elbow on the table and plunged my head on my palms.
"Not now, Erin. I'm not in the mood."
"Mood my ass," pambabalewala n'ya at umupo malapit sa akin. "So, what is it this time, huh? Don't tell me si Selena na naman 'yan? Still persisting you in your non-existent relationship?" may bahid ng pang-iinis n'yang tanong.
I groaned at looked at her. Nagsisimula na akong mainis sa mga tao sa paligid ko. Ang daming sinasabi. Kung hindi ko lang talaga s'ya kaibigan ay baka hindi na din ako makapagtimpi. "Hindi. Okay? It's not because of her."
"Then what?" she persisted.
Mataman ko s'yang tinitigan. Iniisip ko pa kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol kay Lucille. Well, Erin is a friend. A great one. S'ya lang talaga ng matatawag kong kaibigan lalo na dito sa kompanya. And she knew Lucille as well. Erin knew the whole story. How it started, how our relationship went and how she dumped me like a trash. She would understand. Or at least that's what I thought.
"She's back," wala sa sarili kong sambit. Napakunot-noo s'ya noong una pero agad ring napalitan ng gulat ang kanyang nalilitong ekspresyon. Bumukas ng bahagya ang kanyang bibig at itinuro ako.
"Do you mean... she... Lucille? P-paano? Kailan pa? Nag-usap na ba kayo? What did she told you?" sunod-sunod at natataranta n'yang tanong.
Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim habang iniisip ang mga sinabi ni Samuel noong nakaraang araw. It's been two days since she woke up. Pinipilit ako ni Samuel na bisitahin s'ya at ako na daw mismo ang tumingin ng kalagayan ng babaeng 'yun. Pero hindi ko ginawa. I jailed myself in my office and told myself a thousand times not to do anything stupid.
"She had a car accident a week ago. Si Samuel ang unang nakaalam. She was in coma. The day before yesterday, saka lang s'ya nagkar'on ng malay," walang gana at diretso kong sagot.
"H-how is she? Kinausap mo ba na s'ya? Did she told you what really happened when she left?" Erin cautiously asked, making sure I won't be triggered by his questions.
"I only went to her once, noong hindi pa s'ya nagkakamalay. And the reason why she left? I don't think she would tell me," mahina kong tugon at muling napasandal sa swivel chair.
"Why? Hanggang ngayon ba galit pa s'ya sa'yo? O dahil ikaw na 'tong galit talaga sa kanya?"
"Not because of that," giit ko at mariing napapikit dahil sa biglaang pagkirot ng aking sentido.
"Come on, Primo. Kailangan ko pa bang hulaan ang sagot? Sabihin mo na kung ano ba talaga ang dahilan!" Bahagyang tumaas ang boses ni Erin at bakas na ang pagkapikon dahil sa hindi eksaktong mga sagot na binibigay ko. I didn't mean that. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko ba sasabihin.
Sa huli, humugot ako ng isang malalim na paghinga bago ibigay ang direktang sagot na gusto n'ya. "She... has an amnesia. She remembers nothing."
Erin was dumbfounded. Ilang segundo s'yang hindi nakakibo at tulala lang akin. After a while, pabagsak s'yang napasandal sa kanyang upuan at napa-suklay ng kanyang buhok.
"Amnesia..." she mumbled, absentmindedly. "Do... Do you mean... wala talaga s'yang naaalala? Completely?"
"I'm not sure about that. Pero ang sabi ni Samuel, kahit sarili n'yang pangalan ay hindi n'ya matandaan."
"So most likely, hindi ka din n'ya maaalala at ang nangyari sa inyo," tumatango-tango n'yang sambit. "Then why don't you go to her? Ano pa bang inaalala mo? Hindi ka naman pala n'ya natatandaan."
Mas lalong nagdalubong ang mga kilay ko at Inis ko s'yang tinignan. "Bakit ko naman gagawin 'yun? I'm over her. Wala na akong pakialam sa kanya."
"You can't fool me, Primo. You're bothered, I can see that. You still care for her—"
"I am not!" sigaw ko.
"You are," mariin n'yang sagot bagay na nagpa-init lalo ng ulo ko. "If I would be completely honest, I could see your eyes were filled with hope. Alam ko ang nasa isip mo. You can't lie to me."
"Tss,"
Padabog kong inikot ulit ang upuan at tinalikuran s'ya.
Erin is really dangerous. Masyado n'ya akong kilala. Hindi ko pa naiisip ang isang bagay, nahulaan n'ya. And I hate her for that. Curse it!
"Iniisip mong makuha s'ya ulit, hindi ba?" tanong n'ya mula sa aking likuran. Nag-tiim ang aking panga at mariing kumuyom ang aking kamao.
"Believe me, Primo, naiintindihan kita. If you will ask me, kahit ako nakikita kong isang malaking chance 'to para sa iyo na makuha ulit si Lucille. She can't remember a thing, kagaya ng sinabi mo. Hindi n'ya naaalala kung sino s'ya, kung sino ka sa buhay n'ya at kung anong nakaraan n'yo. Both of you can start over again. The only difference now is, the favor is yours. P'wede mong ipaalala sa kanya ang lahat o bigyan mo s'ya ng bagong mga alaala."
I unconsciously pressed my fingers on my lips while listening to Erin. She was somehow right. The favor is mine. Lamang ako sa pagkakataong 'to.
P'wede ko s'yang kunin ulit.
P'wede kaming magsimula ulit.
P'wede ko ng kalimutan ang lahat.
But...
No. That can't be. Hindi p'wede.
I pressed the bridge of my nose and bit my lip as I mumbled a silent curse. Muntik na akong pumailalim sa mga sinabi ni Erin. Muntik na. It was like I'm already on the edge of the cliff at handa na akong tumalon at magpadala sa lahat ng narinig ko. Kung hindi ko lang naalalang...
“...she's four weeks pregnant.”
“...the baby's resilient.”
Nakaramdam ako ng biglang pag-init ng sulok ng aking mga mata at nanginig sa galit ang buo kong katawan. Starting over again? With her? And a baby that isn't mine? Ha! P*tang*na lang. Sino bang niloloko ko?
"Primo..."
But on the other hand, bakit nga ba hindi ko gamitin ang pagkakataon na 'to? This is my chance. Chance of getting her back? Yes. Pero hindi na para mahalin s'ya ulit. Tanga na lang ako kung gagawin ko pa 'yun. Mas nakikita ko 'to bilang pagkakataon... para gumanti. She caused me too much pain. Sinira n'ya ako, winasak. Iniwan n'ya akong miserable habang nagpapakasaya s'ya at malaya sa piling ng kung sino mang gag*ng naka-buntis sa kanya.
I should have my revenge. Gaganti ako. This time, I'll make sure na s'ya naman ang magiging miserable. Na s'ya naman ang maghihirap. S'ya naman ang masasaktan. S'ya naman ang iiyak. At s'ya naman ang maiiwan.
"Can you stop acting like a kid, Primo? Goodness! Harapin mo nga ako! Kanina pa kita kinakausap, you jerk!" may pagka-inis na sabi ni Erin at bahagyang sinipa ang inuupuan ko. I gave in. Umikot ako paharap with my unsuppressed smile— more like, an evil smirk.
"What's... what's with the smile?" nagtataka n'yang tanong.
"I'm just thinking... saan magandang mag-celebrate ng homecoming?"
[LUCILLE's Point of View] "Lucille, kumain ka muna. Heto, nagdala ako ng pagkain. ‘Wag kang mag-alala, hindi 'to galing sa canteen. Binili ko 'to sa isang malapit na restaurant. Five star 'yun! Medyo nakakahiya ngang mag-take out, eh. Mabuti na lang pumayag 'yung manager..." Tahimik ko lang na pinanuod ang lalaking nagpakilala sa akin sa pangalan na Samuel na ngayon ay naghahanda ng pagkain. Halos hindi na maproseso ng utak ko ang mga pinagsasasabi n'ya dahil pilit kong hinuhuli ang kanyang bawat galaw at anggulo, hoping I'll find something. His thick, messy brunette hair seemed to be immovable but it complimented his cherubic face. Lagi din s'yang nakangiti despite of his wan complexion. At 'yung bibig n'ya, walang preno. Pinilit kong maghanap ng kahit na ano sa kanya na masasabi kong ‘pamilyar’ sa akin. But there was none. Dalawang araw n'ya na akong sinasamahan at binabantayan. Actually, w
[LUCILLE's Point of View] Primo Villazar... Husband... Gusto kong umiyak nang marinig ko ang mga sinabi n'ya ngunit mas nangibabaw ang pagkalito at kaba sa d****b ko. Asawa ko ‘daw’ s'ya. Pero bakit wala akong maramdamang kahit na katiting na kisap ng... pagmamahal? Shouldn't be husbands talk lovingly to their wives? Shouldn't they make us feel their affection even in their simple words? Pero ang lalaking kaharap ko ngayon... si Primo Villazar na asawa ko... ramdam ko na may mataas at matibay na pader sa pagitan naming dalawa. He was too close but still distant. Hindi ko din maintindihan kung bakit imbes na lumambot ang puso ko sa kanya, mas lalo kong gustong iwasan s'ya. Parang gusto kong umalis at magtago mula sa mga malalamig n'yang mata. Am I scared at him? No. Parang... parang... I don't know. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko gusto ang presensya n'ya. Was
[PRIMO's Point of View] "P'wede mo na bang sabihin sa akin kung ano na namang katarantaduhan ang tumatakbo d'yan sa utak mo?" Tamad akong bumaling ng tingin kay Samuel nang pasimple s'yang bumulong sa tabi ko. Bahagya s'yang nakasimangot sa akin na para bang uutangan ko s'ya. I diverted my gaze back to the nurse who was checking Lucille and dismiss his question. Pinanuod ko na lang muli ang ginagawa ng nurse na kumukuha ng mga stats. "Look Primo, kahit wala kang sabihin sa akin, nakikita kong may tumutubong sungay d'yan sa ulo mo. Kaya bago pa madulas ang dila ko kay Lucille, sabihin mo na kung anong pinaplano mo." I mentally rolled my eyes. "By what you've said, mas lalong hindi ko sasabihin. Ngayon pa lang na wala kang alam nangangati na 'yang dila mo. What more kung may malalaman ka?" pabulong ko ding sagot at hindi inaalis ang tingin ko unahan. "So, meron nga?" Hini
[PRIMO's Point of View] Bumalik ako sa kwarto ni Lucille at nadatnan ang doktor n'ya. Muli lang nitong ipinaalala ang mga gamot at vitamins na kailangang i-take ni Lucille at nagbigay ng mga cautions sa kondisyon n'ya. He also reminded us about the daily checkup schedule. Matapos n'un ay nagpaalam na ang doktor at umalis kasama ang nurse kaya naiwan kaming dalawa ni Lucille. And it was awkward. F*cking awkward. "Go get change. We're leaving after you change your clothes," sambit ko at inabot ang isang paper bag. Nag-aalangan n'ya pa itong kinuha mula sa akin at halos hindi ako binalingan ng tingin. Dumiretso s'ya sa CR na nasa loob ng kwarto at isinara ito. I stood still and waited for her. Habang hinihintay ko si Lucille, biglang bumukas ang main door at sumilip ng bahagya
[PRIMO's Point of View] "Naku, Señor! Nandito na ho pala kayo!" Patakbong salubong sa akin ni Tata Isko suson-suson ang kanyang sumbrerong gawa sa banig nang makababa ako ng kotse . "Nena! Isay! Nandito na si Señor Primo! Madali kayo!" sigaw n'ya pa matapos kong magmano at halos bumakat ang kanyang litid sa sobrang pagsigaw. Ang matandang 'to talaga, hindi na nagbago. Magmula noong bata ako ay sigaw n'ya na ang naririnig ko dito sa rancho. Tahimik ko munang iginala ang paningin ko sa lugar.Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang malawak na kapatagan. Malilim rin sa buong bakuran dahil sa makapal at naglalakihang mga puno sa paligid at pinaganda ng iba't ibang uri ng halaman. Everything was green, calm and refreshing. Napabaling naman ako sa lumang bahay. Nakatayo pa din ang malaking gazebo sa tabi ng ranch house na ginapangan na ng mga flowering vines. Bahagya akong napangiti n
[PRIMO's Point of View] Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at bumungad sa akin ang natutulog na si Lucille. Her head was rested on the edge of her seat while her arms was hugging her middle. Bahagyang natakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Out of reflex, hinawi ko ito at kulang na lang ay tampalin ko ang sarili ko. Makailang ulit akong napapikit ng mariin at napahinga ng malalim bago ko naisipang gisingin na s'ya. "Lucille," tawag ko sa kanya pero mukhang hindi n'ya ako narinig. "Lucille," pag-uulit ko at bahagyang ginalaw ang kanyang balikat. Pupungas-pungas n'yang minulat ang kanyang mga mata at tinignan ako. "We're here," saad ko pa bago umalis sa harapan n'ya at hinintay s'yang lumabas ng sasakyan. Marahan s'yang bumaba at puno ng pagkalito ang kanyang mukha habang tinitignan ang paligid. I mentally grinned seeing her worried face. Hinihint
"Ah! Mga paborito 'yan ng Señor. Adobong karne ng kabayo at nilagang baka. Naku! Makakalimot ka kapag natikman mo ang mga 'yan!" Pagmamalaki ni Nana Nena na halatang tuwang-tuwa nang kausapin at magtanong sa kanya si Lucille.Mukhang tama lang talaga na hindi ko sinabi sa kanila ni Tata Isko ang totoong nangyayari. Natural ang pakikitungo nila kay Lucille and that was way more better. Mabait sila Nana at ang lahat ng tao dito. Just like what my Lolo said, a genuine kindness could kill. It was like a good torture for those who deserve it.Walang nagawa si Lucille kundi ang tikman ang mga hinain sa kanya. Siguradong kumakalam na ang kanyang sikmura kaya napilitan na s'yang kumain. Sumubo s'ya ng adobo at nakangiwi itong nginuya bago pilit na ngumiti kay Nana Nena."Oh, hindi ba! Masarap ang mga luto dito sa probinsya kaysa sa Maynila."Tumango-tango s'ya at muling sumubo. Halos magsalubong ang k
[LUCILLE's Point of View]“Delikado,” mahina n'yang sambit at bahagyang pinisil ang aking magkabilang balikat na nakakulong sa kanyang mga kamay.“But I don't want to leave you. I'll stay with you!” daing ko at isang luha ang kumawala sa nag-iinit kong mga mata. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay at nagpakita ng kalungkutan at awa ang kanyang mga mata.“I know. But this is for the best, Lucille. This is for your safety. For your safety."~~~"Lucille?"Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. The room was poorly lighted pero malinaw kong nakikita ang bawat parte ng kanyang mukha. He was looking at me with his thick brows slightly furrowed dahilan para mas lalong bumilis ang aking mabigat na paghinga. Without knowing why, bigla akong napabalikwas at yinakap s'ya.Ibinaon ko ang akin