INICIAR SESIÓNUnexpected Name at the DinnerAvianna's POVIsang normal na umaga na naman ngayon akong kumakain kasama si Kyrex. Maaga siyang nagising as usual at siya rin ang naghanda ng breakfast namin.Tahimik kaming kumakain at paminsan-minsan naman ay nag-uusap kami. Hindi naman nakakailang ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.Napatingin ako sa cellphone niya na nakapatong sa mesa nang biglang mag-ring ito. Napatingin saglit saakin si Kyrex bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag."Hello,mom.” Pagbati ni Kyrex ng sinagot ang tawag.Mama niya pala ang tumawag. Bakit kaya? Saglit lang silang nag-usap ng mama niya at ilang minuto ay binaba na niya ang tawag.Napatingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay para sabihing ‘ano?’.“Mamayang gabi pupunta tayo sa Lincoln Mansion." Pag-inform ni Kyrex sa akin.“May okasyon ba?" Tanong ko sa kanya."Mom invited us. Matagal-tagal na din daw na hindi tayo nakapunta doon. Sagot niya.Tahimik lang akong tumango kay Kyrex. Hindi ko alam
A Place Called HomeAvianna's POVNapakatahimik ng buong bahay. Tanging mahinang ugong lamang ng air conditioner at ang mahinang kaluskos ng walis ang maririnig sa loob ng malawak na sala.Katatapos ko lang linisin ang dining area kaya lumipat naman ako sa living room. Hawak ko ang feather duster habang isa-isang pinupunasan ang mga estante, picture frames, at ang malaking center table.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing titingnan ko ang sala, pakiramdam ko ay may kulang.Maganda naman ito. Napakaganda pa nga. Malawak at mamahalin ang mga gamit. Eleganteng tingnan pero parang wala itong buhay. Napaupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ang buong paligid. Noong una akong dumating sa bahay na ito, pakiramdam ko ay isa lang akong panauhin.Bawat hakbang ko noon ay puno ng pag-aalinlangan. Nahihiya akong gumalaw lalo na't andiyan si Kyrex sa paligid. Ngunit ngayon ay unti-unti nang nagbago ang pakiramdam na iyon. Hindi ko na kailangang maging hindi komportabl
The First Gift Avianna's POVTahimik lang kaming kumakain ng almusal ngayong umaga ni Kyrex. Tanging si Mochi lang na tumatahol ang nag-iingay, humihingi ng pagkain. Parang bata lang na nagmamakaawang bigyan ng pagkain ang itsura niya.Hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip ang nangyari kahapon tungkol sa sirang gripo at kung paano iniwan ni Kyrex ang board meeting para lang sa akin— sa gripo pala.“Kawawa ka naman." Wika ko sabay hagis ng konting piraso ng hotdog kay Mochi.“Ayan kaya nagiging spoil si Mochi ng dahil sayo." Saad ni Kyrex.Napataas ang kilay ko.“Uy, hindi naman. Kawawa kasi kanina pa naghihintay." Pagdipensa ko.“Kakain na rin naman siya pagtapos natin." Muling saad ni Kyrex.Tinignan ko lang si Mochi gamit ang nakakaawa kong tingin sabay senyas sa kamay upang sabinin na maghintay siya.“Uhm, Kyrex…” panimula ko.Napatingin siya sa akin."Salamat pala kahapon.” Saad ko saka ngumiti ng konti."Kahapon ko pa yan narinig.” Wika niya saka sumubo."Gusto ko lang ulitin.”
An Unexpected FavorAvianna's POV. Minamasdan ko ang sasakyan ni Kyrex habang dahan-dahan itong lumalabas ng gate ng bahay.Bago tuluyang umalis, bahagya siyang bumusina at kumaway sa akin.Napangiti ako at kumaway rin pabalik.Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, saka ako bumalik sa loob ng bahay kasama si Mochi.“Paano ba iyan tayo nalang dalawa ulit, Mochi." Wika ko sa aso na animoy sasagot ito.Winagayway nito ang kanyang buntot habang nakalabas ang dila at nakatingin sa hawak kong pagkain niya.Yumuko ako at nikagyan ang plato niya at agad itong kumain na parang gutom na gutom.Napangiti ako habang pinagmasdang kumain muna si Mochi. Pagkatapos ay bumalik na'ko sa dining table upang ligpitin ang pinagkainan naming dalawa. Isa-isa kong dinala ang mga plato, kutsara at iba pa sa lababo para hugasan.Binuksan ko ang gripo saka hinugasan ang mga plato bago sabonan. Nagpatugtog pa’ko ng music para naman ganahan akong maghugas at mag-ayos ng bahay. Nakakatawa sigurong tignan
Seeing Her AgainKyrex’s POVMaaga akong umalis ng bahay ngayon dahil may meeting ako. Pagpasok ko pa lang sa building ay sunod-sunod na greetings na ang natatanggap ko. Paminsan-minsan ay bumabati ako pabalik, minsan naman ay tumatango lang habang patuloy na naglalakad.Busy ang lahat ng nasa opisina sa kani-kanilang mga trabaho.Pagpasok ko ng opisina ko, andaming naka-file na mga documents na kailangan kong ireview at pirmahan. Pagka-upo ko pa lang ay agad ko nang narinig ang katok mula sa glass door.Napatingin ako doon at saka tumango. Naglakad papalapit sa akin ang sekretarya ko habang may hawak na schedule ko.“Good morning, sir." Bati nito.“Good morning." Pabalik ko na bati.“You have a meeting today at 9 am sa Conference Room." Saad niya.“Okay." Maikli kong sagot.Tumango lang siya saka naglakad papunta sa pinto.——Tahimik ang buong conference room habang isa-isang inilalahad ng bawat department head ang kanilang mga ulat. Nakaupo ako sa pinakadulo ng mahabang mesa, nakiki
Coffee in the RainAvianna's POVNandito ako ngayon sa damuhan nakikipaglaro kay Mochi. Masayang tumatawa habang hinahabol ako ni Mochi. Paikot-ikot akong tumatakbo sa garden dahil sa bilis nang pagtakbo ni Mochi. Mukhang hindi siya napapagod sa kakatakbo habang ako ay hingal na hingal na.“Mochi." Pagtawag ko sa kanya sabay inihagis sa ibang direksyon ang laruan niyang buto.Agad din nya naman itong sinundan at pinulot gamit ang bibig niya saka naglakad papalapit sa akin. Binitawan niya ito sa harap ko saka humingal."Good boy.” Banggit ko saka hinimas ang ulo niya.Winagayway nito ang kanyang buntot na para bang naiintindihan ang sinabi ko.Habang nakaupo ako sa damuhan at pinagmamasdan si Mochi sa kakatakbo ay biglang kumulog. Napatingala ako sa langit at nangingitim ito."Mukhang uulan.” Banggit ko sa sarili ko.Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang kumulog nang malakas. Mukhang malakas ang ulan ngayon dahil sa tunog at kulay ng langit.Tinawag ko si Mochi at pinasunod ito s
CHAPTER 2" THE LIFE I NEVER CHOSE "Avianna's POVAfter what happened at the hotel earlier, dumiretso agad ako sa kwarto ko.I don't know what to feel.Magkahalo ang nararamdaman ko.Galit.Takot.Pagkalito.Pagkabalisa sa magiging kinabukasan ko.Hindi ko na alam.Halos mamaga na ang mga mata ko
CHAPTER 1 " I REFUSE " Avianna's POV Kung may isang bagay na gusto kong maranasan sa buhay ko, iyon ay ang kalayaan. Hindi pera. Hindi karangyaan. Hindi ang pagiging tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa kundi Kalayaan. Dahil sa kabila ng marangyang buhay na mayroon ako,
THE MORNING AFTER AVIANNA'S POV " You're awake." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo at tinignan kung sinong nagsalita at agad kong nakilala ang may-ari ng boses. Siya. Yung lalaking nakabangga ko sa bar. Nanlaki ang mga mata ko nang
Avianna's POV Isang napakagwapong lalaking nakatitig sa akin. Napailing ako at umalis sa pagkakahawak sa kanya at inayos ang suot ko nang ma-realize kung ilang segundo rin akong nakattitig sa kanya. " Pasensya na. " Naiilang na sabi ko. " Be careful next time. " He seriously said at umalis na.







