로그인CHAPTER 2
" THE LIFE I NEVER CHOSE " Avianna's POV After what happened at the hotel earlier, dumiretso agad ako sa kwarto ko. I don't know what to feel. Magkahalo ang nararamdaman ko. Galit. Takot. Pagkalito. Pagkabalisa sa magiging kinabukasan ko. Hindi ko na alam. Halos mamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak dahil sa sinabi nina Mom at Dad kanina. Hindi ko alam kung magulang ko pa ba talaga sila o hindi na. May pakialam pa ba sila sa akin? Sa nararamdaman ko? Anak pa ba ang tingin nila sa akin? O isa lang akong mahalagang asset na maaari nilang gamitin para sa negosyo? Pakiramdam ko kasi ganoon. Hindi anak. Kundi isang bagay na kailangang sumunod sa lahat ng gusto nila. Wala na ba talaga akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Kahit man lang sa bagay na ito? Kung sino ang gusto kong makasama habang buhay? Pagod na pagod na ako sa buhay na ganito. Pagod na akong magpanggap na okay lang ang lahat. Pagod na akong sundin ang bawat gusto nila. Minsan napapaisip ako na baka may magandang dahilan sila para gawin ito. At kung mayroon man, baka kaya ko pang intindihin. Pero wala. Kahit isang paliwanag, wala. Kasalanan ba ang magreklamo nang ganito? Napahawak ako sa sentido ko nang sumakit ang ulo ko dahil sa stress, pagod, at kakaiyak. Malapit nang mag-alas diyes ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Inabot ko ang cellphone ko mula sa maliit na side table sa tabi ng kama. I opened my F******k account. Agad na lumabas ang isang notification. "You have memories to look back on today." Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga larawan noong elementary pa lamang ako. Masaya akong nakangiti kasama sina Mom at Dad. Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay may mapait na alaala. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Dahil naalala ko ang isang araw na pilit kong gustong kalimutan. --- Flashback --- Sa apat na sulok ng classroom, maingay ang lahat sa kakadaldalan at kani-kanilang ginagawa. Nang maglakad si Ma'am Love papunta sa harapan, unti-unting tumahimik ang buong klase. "Class, listen. I will now announce the valedictorian, salutatorian, and all the top students." Excited niyang anunsyo. Napuno ng hiyawan ang classroom. May kaba. May excitement. May lungkot. Iilang araw na lamang kasi ay graduation na namin. "Our class valedictorian is—" Lalong lumakas ang ingay. Naririnig ko ang ilan kong kaklase na binabanggit ang pangalan ko. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba. Pinagpapawisan ang noo ko kahit malamig naman ang hangin. Kailangan ako iyon. Kailangan ako ang valedictorian. Hindi ko dapat biguin sina Mom at Dad dahil iyon ang gusto nila. Ang maging top one ako palagi. Sa murang edad pa lamang, ramdam ko na ang bigat ng kanilang mga inaasahan. Ang pakiramdam na kailangan kong maging perpekto. Napapikit ako nang marinig kong muling magsalita si Ma'am Love. Ngunit sa pagkakataong iyon, parang gumuho ang mundo ko. Hindi pangalan ko ang narinig ko. "Our class salutatorian is Avianna Brie Saavedra." Nagpalakpakan ang buong klase. May mga bumati. May mga ngumiti. Pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Salutatorian lang ako. Paano na? --- End of Flashback --- Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa screen ng cellphone. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang araw na iyon. Hindi dahil naging salutatorian ako kundi dahil iyon ang unang pagkakataong naramdaman kong hindi sapat ang best ko. At mula noon, parang buong buhay ko nang sinusubukang abutin ang mga pamantayang hindi ko naman pinili para sa sarili ko. Muli akong napabuntong-hininga at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa pag-scroll sa newsfeed. Habang nag-i-scroll, napahinto ako nang makita ang post ng dati kong schoolmate. Nasa beach siya kasama ang mga kaibigan niya. Masaya. Malaya. Walang iniisip. Walang pressure. Walang expectations na kailangang abutin. She looked so happy and contented. Napangiti ako nang mapakla. "Siguro kung ganito rin ang buhay ko, masaya rin ako." Hindi sila mayaman. Simple lang ang buhay nila. Pero mukhang mas masaya pa sila kaysa sa akin. At least they can choose for themselves. At least malaya sila. Napabuntong-hininga ako. Bakit nga ba? Bakit hindi ko magawa ang gusto ko? Bakit kailangan palaging kagustuhan nina Mom at Dad ang masunod? Bigla akong napatigil. I could. Kahit ngayong gabi lang. Kahit isang beses lang. Gusto kong maranasan kung paano maging ako. Hindi ang anak nina Mr. and Mrs. Saavedra. Hindi ang tagapagmana ng kumpanya. Hindi ang babaeng ipinagkasundo sa isang lalaking hindi niya kilala. Ako lang. Just for this night. Walang magulang. Walang pressure. Walang arranged marriage. Dali-dali akong bumangon mula sa kama. Agad akong naligo at nagbihis. I chose a simple but elegant party dress and applied makeup that suited my look for tonight. Pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Tahimik ang buong bahay. Madilim na rin ang hallway. I think they're already asleep. Kinuha ko ang car keys at purse ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay gusto kong makalanghap ng kalayaan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan ko sa harap ng isang bar. Napatingala ako sa malaking neon sign nito. "The Velvet Hour." Tahimik akong nakatitig dito habang mahigpit na hawak ang manibela. This is crazy. May parte sa akin na gustong paandarin muli ang sasakyan at umuwi. Bumalik sa kwarto. Magkunwaring walang nangyari. Pero kung gagawin ko iyon, bukas paggising ko, ganoon pa rin ang buhay ko. Pareho pa rin ang mga desisyong ipinipilit sa akin. At ayoko nang tumakbo mula sa sarili kong nararamdaman. Hindi ko pa ito nagagawa kailanman. Ngunit sa unang pagkakataon sa matagal na panahon... Pakiramdam ko ako ang may kontrol sa sarili kong desisyon. Huminga ako nang malalim. At saka bumaba ng sasakyan. Just for this night.Old MemoriesAvianna's POV"Hot chocolate. Alam kong ito pa rin ang paborito mo."Napatingin ako sa paper cup na iniabot ni Matt bago ako napangiti."Naalala mo pa talaga?" tanong ko."Of course." Umangat ang isang kilay niya. "Ikaw lang naman ang kilala kong umiinom ng hot chocolate kahit tirik ang araw." Napatawa ako."Masarap naman uminom kahit tirik ang araw. Saad ko."Basta ikaw, favorite mo yan eh." Tumawa siya nang mahina. Napatingin ako sa kaniya nang ilang segundo.“So, tara na?” Tanong ko.Tumango lang si Matt bilang tugon.---Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang maliit na café na hindi kalayuan sa bahay.Pagpasok namin ay agad akong sinalubong ng amoy ng bagong timplang kape at bagong lutong pastries. May soft music na maririnig sa background, sapat lang ang lakas para hindi makagambala sa mga nag-uusap.Simple pero eleganteng tingnan ang loob ng café. May mga wooden tables at chairs na magkakahiwalay, habang sa isang bahagi ay may ilang comfortable na couches para
Marco ReturnsAvianna's POVDalawang araw na ang lumipas mula nang magkaroon kami ni Kyrex ng movie night sa gitna ng brownout.Maaga akong nagising ngayong umaga. Habang nagluluto ako ng almusal sa kusina ay paikot-ikot naman si Mochi sa paanan ko. Paminsan-minsan ay kinakalabit niya ang binti ko gamit ang ilong niya na para bang nagpapaalala na oras na rin ng pagkain niya."Sandali lang, Mochi." Natatawa kong sabi. "Ikaw talaga, mas excited ka pa kaysa sa'kin."Mahina itong tumahol at mas lalo pang kumawag ang buntot.Napailing na lang ako habang inilalagay ang nilutong omelet sa plato. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Habang inilalapag ko ang huling plato sa mesa ay biglang tumunog ang cellphone ko.Napatingin ako sa screen. Unknown Number. Bahagya akong napakunot-noo."Sino kaya 'to?" Tanong ko sa sarili ko.Pinindot ko ang answer button at inilapit ang cellphone sa tainga ko."Hello?"Saglit na katahimikan ang sumunod.Pagkatapos ay isang pamilyar na boses ang narinig
Movie NightAvianna's POVIsang linggo na rin ang lumipas matapos ang hapunan naming tatlo nina Kiara. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang takbo ng araw namin ni Kyrex. Pero habang lumilipas ang mga araw, pakiramdam ko ay may mga maliliit na bagay na unti-unting nagbabago sa pagitan naming dalawa.Tuwing umaga ay sabay na kaming nag-aalmusal bago siya pumasok sa Lincoln Group. Pagdating naman ng gabi, halos sabay na rin kaming naghahapunan.Hindi pa rin siya ganoon kadaldal pero hindi na rin siya kasing lamig ng dati.Minsan ay kusa na niyang tinatanong kung kumain na ba ako. Kung nakainom na ba ako ng gamot noong bagong galing ako sa lagnat. At kahit simpleng "good morning" at "good night," hindi na iyon nawawala.Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang mga pagbabagong iyon pero hindi na rin ako gaanong naiilang kapag magkasama kami.Ngayon ay nasa kusina ako habang inaayos ang hapunan namin."Down!"Agad na bumaba si Mochi mula sa upuan nang marinig ang utos ko.Napatawa ako."Go
Choosing Her Over Maureen Kyrex's POV Tatlong araw na rin ang lumipas pagkatapos magkasakit ni Avianna. Bumalik na naman ako sa dating gawi na maagang pumasok ng opisina. Tahimik ang buong opisina ng Lincoln Group habang nakatingin ako sa mga dokumentong nakalatag sa ibabaw ng mesa. Halos kalahating oras na akong nakaupo rito matapos ang meeting kasama ang board of directors. May ilang kontratang kailangan kong pirmahan, ilang proposal na kailangang basahin, at sunod-sunod na reports na naghihintay ng approval. Ngunit kahit ganoon, hindi ko mapigilang mapatingin paminsan-minsan sa relo ko at napansin iyon ni Marcus. "Sir?" Hindi ko siya nilingon. "Hm?" "May kailangan pa po ba kayo?" Tanong nito. "Meron." Sagot ko. Tumango lang siya at naghintay kung ano man yun. "Inaayos ko lang ang mga natitirang papeles." Wika ko. "Yes, sir." Tugon nito. Ilang segundo ang lumipas bago muli siyang nagsalita. "Sir..." Muli niyang tawag sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "May bisita
The First Worry Avianna's POV Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Hindi tulad kahapon, hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko. Bahagya na lang ang sakit ng ulo ko at hindi na rin gaanong mabigat ang katawan ko. Napangiti ako nang kaunti. Mukhang umepekto na ang gamot. Napasinghot ako. May naaamoy akong pagkaing na nanggagaling ito sa ibaba. Dahan-dahan akong umupo sa kama at pinakiramdaman ang sarili ko. Wala na ang matinding hilo kagaya kahapon. "Okay na 'ko," mahina kong bulong. Maingat akong bumaba ng kama. Akala ko ay makakababa na ako nang hindi napapansin. Pagbukas ko pa lang ng p***o ng kwarto ay bumungad agad sa akin si Kyrex na paakyat ng hagdan. Mukhang kagagaling lang niya sa ibaba. Agad siyang napahinto nang makita akong nakatayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Bababa lang." Sagot ko. "Hindi." Wika niya na may awtoridad sa boses niya. Napakurap ako. "Hindi?" ulit ko. Tumango siya. "Bumalik ka sa kama." Wika n
An Ordinary FeverAvianna's POVMakalipas ang ilang araw matapos dumating ang picture ay isang naging ordinaryong araw ang mga nangyari.Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi ko maintindihan pagkamulat ng mga mata ko ay napakabigat ng aking pakiramdam. Masakit ang ulo ko at mabigat ang ang katawan ko. Dahil lang siguro ito sa mga gawaing bahay na buong araw kong ginawa kahapon. Mawawala rin to pagkabangon ko.Ilang minuto muna akong nanatiling nakahiga at pinakiramdaman ito bago bumangon. Akala ko mawawala rin ito pagnakabangon ako ngunit nagkamali ako. Kahit nahihilo ako ay pinilit ko pa ring bumangonTinignan ko ang orasan, ala-syets y medya na pala ng umaga. Siguro nakaalis na si Kyrex. Sinilip ko ang bintana upang tignan ang sasakyan niya sa garahe ngunit andoon pa rin iyon kaya ibig sabihin ay hindi pa siya umaalis pero siguro malapit na. Mamaya nalang ako baba sa unang palapag pagkaalis niya. Ayokong malaman niya na masama ang pakiramdam ko.Halos sampung minuto rin ang pag
CHAPTER 3 " A TASTE OF FREEDOM "Avianna's POV Just for this night. Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang mga katagang ito. Bumaba na'ko ng sasakyan at tinignan ang gusaling nasa harapan ko. Maraming kasing edad ko ang pumapasok at lumalabas ng bar. Napabuntong hininga ako at napakapit ng
THE MORNING AFTER AVIANNA'S POV " You're awake." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo at tinignan kung sinong nagsalita at agad kong nakilala ang may-ari ng boses. Siya. Yung lalaking nakabangga ko sa bar. Nanlaki ang mga mata ko nang
Avianna's POV Isang napakagwapong lalaking nakatitig sa akin. Napailing ako at umalis sa pagkakahawak sa kanya at inayos ang suot ko nang ma-realize kung ilang segundo rin akong nakattitig sa kanya. " Pasensya na. " Naiilang na sabi ko. " Be careful next time. " He seriously said at umalis na.
CHAPTER 1 " I REFUSE " Avianna's POV Kung may isang bagay na gusto kong maranasan sa buhay ko, iyon ay ang kalayaan. Hindi pera. Hindi karangyaan. Hindi ang pagiging tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa kundi Kalayaan. Dahil sa kabila ng marangyang buhay na mayroon ako,







