MasukTHE MORNING AFTER
AVIANNA'S POV " You're awake." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo at tinignan kung sinong nagsalita at agad kong nakilala ang may-ari ng boses. Siya. Yung lalaking nakabangga ko sa bar. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kaharap ko. Bakit sya andito sa kwarto ko at dito sa harapan ko? Bakit may aso? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Teka-- wal ba'ko sa bahay? Ano to? Napabangon ako bigla mula sa pagkakahiga. " San yung cr nyo?" Nagmamadali kong tanong. Ngumuso sya kung saan ang direksyon kaya dali-dali akong tumakbo papasok. Napasampal ako sa mukha ko nang makita ang buhok ko. Magulo, hulas ang makeup, gusot-gusot ang damit at mukhang ilang oras akong tulog. At doon lang nagsimulang kumabog nang malakas ang puso ko. May ginawa ba siya sa akin? Hindi. Hindi pwede. Agad kong sinuri ang sarili ko. Sinuri ko nang mabuti ang katawan ko kung may kakaiba ngunit wala naman. Ganito pa rin naman ang damit ko, hindi rin baliktad. Wala ring mga bakas sa katawan ko na may ginawa syang masama. Napabuntong hininga ako nang malalim nang makumpirma na okay lang ako. Dahan-dahan kong isinara ang p***o ng cr nang lumabas ako. Nakasandal sya sa pader habang ang mga braso nya ay magkabigkis at seryosong nakatitig sa akin. Kinagat ko ang labi ko dahil sa hiya nang tignan sya. " Uhmm." hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko. " You want to know what happened? " Inunahan nya na'ko. I nod habang kagat-kagat ang ibabang labi ko. "After sa bar, may kukunin sana ako sa likod ng sasakyan ko nang makita kitang tulog sa truck bed. I don't know kung saan kita dadalhin that's why I brought you here sa guestroom ko. " He explained. Napayuko ako dahil sa hiya. Kung pwede lang talagang lamunin ako ng sahig ngayon, matagal ko nang ginawa. Hindi ko lubos maisip na nakatulog ako sa truck bed ng isang estranghero. At mas lalong hindi ko maisip na dinala niya ako sa condo niya nang walang masamang intensyon. Tahimik na bumaba ang tingin ko sa puppy na nasa paanan ko. Tila ba wala itong pakialam sa kahihiyan ko habang masaya nitong winawagayway ang buntot nito at tumatahol pa gamit ang cute na boses nito. Inilapag nito ang mga kamay nya sa tuhod ko kaya hinimas ko ang ulo nito. Napatawa ako nang bahagya ng dilaan nito ang mga kamay ko. Sa huli ay kinarga ko ito sa lap ko at humiga ito. " He don't usually do that." Rinig kong banggit nya. Tinignan ko sya. "He likes me." " Yeah. " Sagot nito. "What's his name?" tanong ko upang mabawasan ang awkwardness. "Mochi." Napatingin ako sa aso habang nakalabas ang dila nito. "Mochi?" Tumango siya. Napatawa ako nang bahagya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi bagay sa seryosong lalaking ito ang pangalan ng aso niya. Parang ang cute masyado. "Anong nakakatawa?" Agad kong pinigilan ang tawa. "Wala." Napatitig siya sa akin at para bang hinihintay niyang magsalita ako. "Mukha kasing hindi ikaw ang nagpangalan." wika ko. "You're right." Napakurap ako. "My sister." Sagot niya. Napangiti ako. "Ah. Kaya pala." Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Hindi ito komportable. Pero hindi rin nakakailang. Nakakagulat dahil sa unang tingin pa lang, akala ko suplado siya. Pero habang tumatagal, parang hindi naman. Tahimik lang talaga. " Btw, thanks uhm-- " " Kyrex. " " Thanks, Kyrex for bringing me here safely." I smiled. Maybe he's not as bad as I thought. " Yeah. It's fine." " Avianna. " I told him my name. Tumango sya. "May tubig sa kusina." banggit niya. Tumango lang ako. Naglakad na siya palabas ng guest room nang hindi na naghihintay ng sagot. Agad ko naman siyang sinundan. Saglit akong napahinto sa sala. Simple lang ang disenyo ng condo niya. Malinis. Organized. Halos walang personal na gamit na nakakalat. Parang katulad lang ng may-ari nito. Tahimik. Malamig at higit sa lahat mahirap basahin. Pagdating sa kusina, nakita kong may nakahandang baso ng tubig sa mesa. "Drink it." Nakita kong may nakasalang na maliit na kaserola sa stove. Hindi man lang siya lumingon nang maramdaman niyang papalapit ako. "May sabaw." Napakurap ako. "Huh?" "Kung gusto mo." Maikli niyang sagot. Parang obligasyon lang ang pagsasalita. Lumapit ako sa mesa at nakita ang isang bowl na may mainit-init pang sabaw na inilapag nya. "Para sa akin?" Tumango lang siya. Hindi ko alam kung paano magre-react. Hindi naman siya palangiti. Hindi rin siya palabiro. Pero mula kagabi hanggang ngayon, wala rin naman siyang ginawang masama sa akin. Tahimik akong umupo at nagsimulang humigop ng sabaw. At nakakahiya mang aminin mas gumaan nga ang pakiramdam ko. I don't know why, but somehow that simple gesture eased the pounding in my head. * Phone rings * Dad's calling. Lagot! Kumabog ang puso ko. Alam nya na ba na wala ako sa bahay? Ano nalang sasabihin ko? Tinignan ko lang ito hanggang sa mamatay ang tawag. * Phone rings * It's dad again! Napatingin ako sa kanya at nakatitig sya sa akin. Tinaasan nya ako ng kilay na para bang sinasabi ' hindi mo ba yan sasagutin? ang ingay kasi. ' Dali-dali akong lumabas ng condo nya at sinagot ang tawag. " Hello, dad? " Sagot ko. " Where are you? " He asked. Nanigas ako. " Uhmm I'm here sa---- " Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ngunit pinutol nya na'ko. " Don't be late later. " "Late sa?" I asked. " You will be meeting your fiance together with his parents at 6 pm. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak ang phone ko. Hindi na'ko muling pumasok sa condo para magpaalam dahil parang nanghihina na ang tuhod ko. Fiancé. Sa dami ng nangyari kagabi bakalimutan ko na pala. At sa loob lamang ng ilang oras makikilala ko na ang lalaking pakakasalan ko.OUR LITTLE FAMILYAvianna’s POVWalong buwan na ang lumipas mula noong araw na nalaman kong buntis ako.Minsan, kapag naiisip ko iyon, hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Parang kailan lang nang hawakan ko ang pregnancy test at ilang minuto akong hindi makagalaw dahil hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak.Ngayon, malapit nang matapos ang pregnancy ko, at malaki na ang tiyan ko.Nasa living room ako nang araw na iyon, nakaupo sa sofa habang may hawak na laptop. Sinubukan kong magtrabaho kahit ilang minuto pa, ngunit ilang beses ko nang binabago ang posisyon ko dahil hindi na talaga komportable ang katawan ko.Sa huli, napabuntong-hininga ako at isinara ang laptop.“Okay. I give up.”Mula sa kabilang bahagi ng room, napatingin sa akin si Kyrex. Kanina pa siya may binabasang documents sa tablet, ngunit agad niya iyong ibinaba nang marinig ako.“Why?”“Hindi na ako comfortable,” sagot ko habang inaayos ang unan sa likod ko.Tumayo siya at lumapit sa akin. “Then stop working.”“Kaya
SOMETHING DIFFERENTAvianna’s POVHalos isang oras na akong nakatitig sa laptop, pero parang wala akong naiintindihan sa binabasa ko.Napabuntong-hininga ako at isinandal ang likod ko sa upuan. Ilang beses ko nang binasa ang parehong paragraph, pero hindi ko pa rin ma-process nang maayos ang mga salita.“I’m tired.”Napatingin ako sa oras sa gilid ng screen.Hindi naman ganoon katagal ang ginagawa ko. Ilang oras pa lang akong nakaupo rito, at hindi rin naman mabigat ang trabaho ko nitong mga nakaraang araw.Pero bakit parang ang bilis kong mapagod?Ipinikit ko sandali ang mga mata ko bago ako muling tumingin sa laptop. Sinubukan kong ipagpatuloy ang ginagawa ko, ngunit ilang minuto lang ang lumipas bago ko tuluyang isinara ang screen.May kakaiba talaga. Hindi ko lang matukoy kung ano.Tumayo ako para kumuha ng tubig. Pagdating ko sa kitchen, napahinto ako nang mapansin kong may kape sa counter.Karaniwan, gusto ko ang amoy ng bagong timplang kape. Pero ngayon, bigla akong nakaramdam
THE LIFE WE CHOSEAvianna’s POVIlang linggo na rin ang lumipas mula noong kasal namin ni Kyrex, at nakakatuwang isipin kung gaano kabilis naging normal ang mga bagay na dati kong iniisip na hindi ko kailanman mararanasan.May wedding ring na sa daliri ko. May asawa akong hinihintay umuwi. May bahay kaming pareho nang tinatawag na amin. At higit sa lahat, nasanay na rin ako sa pakiramdam na hindi na kailangang maging espesyal ang bawat araw para maging masaya ako.Nang umagang, nagising ako dahil sa bahagyang paggalaw sa tabi ko. Napapikit pa ako nang maramdaman kong bumangon si Kyrex, ngunit ilang segundo lang ang lumipas bago ko siya sinilip. Nakaayos na siya para sa trabaho. Nakasuot na siya ng polo at trousers habang inaayos ang relo niya sa harap ng salamin.“Anong oras na?” tanong ko, bahagyang paos ang boses dahil kagigising ko lang.Napatingin siya sa akin mula sa salamin bago siya tuluyang lumingon. “Almost eight.”Napadilat ako. “Eight?”Bahagya siyang kumibit-balikat haban
AFTER THE “I DO”Avianna’s POVBy the time the reception finally started winding down, pagod na pagod na ako.Hindi naman nakakagulat. Buong araw akong naka heels, ngumiti sa napakaraming tao, nakipag-picture, nakipag-usap sa relatives at friends, at ilang beses ding kinailangan ni Syrellie na ayusin ang gown at veil ko kapag may napapansin siyang hindi na maayos.Pero kahit pagod ako, hindi ko pa rin gustong matapos ang araw. Hindi dahil gusto kong manatili sa spotlight. Gusto ko lang sanang manatili nang kaunti sa sandaling iyon kung saan kami ni Kyrex ay talagang mag-asawa na.Nang tuluyan nang umalis ang ilan sa mga bisita, nakita ko si Kyrex na naghihintay sa may entrance ng reception area. Nakasuot pa rin siya ng black suit niya, pero bahagyang nakaluwag na ang tie niya at parang mas relaxed na rin ang expression niya kumpara kanina.Nang makita niya ako, iniabot niya ang kamay niya.“Ready to go home, wife?” tanong niya.Napatingin ako sa kamay niya bago ko iyon tinanggap.“Wi
THE WEDDINGAvianna’s POVI woke up before my alarm. For a few seconds, nakatitig lang ako sa ceiling habang sinusubukan kong alalahanin kung anong araw ngayon.Then it hit me.Today was my wedding day.Napahinga ako nang malalim at napatingin sa engagement ring na suot ko. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago ako tuluyang bumangon.Hindi ko alam kung paano naging ganito kabilis ang lahat. Parang kailan lang, pinag-uusapan pa lang namin ni Kyrex kung anong flowers ang gusto namin, kung ilan ang guests, at kung saan ilalagay ang tables sa reception.Ngayon, ilang oras na lang at magiging asawa ko na siya.My husband.Napangiti ako sa sarili kong isip. Still weird but in a good way.Pagdating ko sa dressing room, abala na ang lahat.Nandoon na si Mom at si Syrellie, habang inaayos ng hair and makeup artists ang mga gamit nila sa harap ng malaking mirror.“Good morning, bride,” bati ni Syrellie habang nakangiti sa akin.“Good morning.”“Did you sleep?”“Kahit papaano,” sagot ko habang u
THE WEEKS BEFOREAvianna's POVThe weeks after the family meeting went by faster than I expected.Parang isang araw lang, pinag-uusapan pa lang namin kung saan gaganapin ang wedding. Tapos biglang kailangan na naming mag-finalize ng venue, guest list, invitations, flowers, decorations, menu, at kung anu-ano pang details na hindi ko naman alam na kailangan pala sa isang kasal.May mga araw na paggising ko, work agad ang iniisip ko. Pero bago matapos ang araw, may wedding appointment na naman kami.Minsan, nakakalimutan ko pang kumain dahil sa dami ng ginagawa. But somehow, we managed.Hindi perfect, pero okay lang. At habang lumilipas ang mga linggo, mas lalo kong nararamdaman na papalapit na talaga ang wedding.One afternoon, nasa bridal boutique kami ni Syrellie para sa final dress fitting.“Avianna, ready ka na?” tanong niya mula sa labas ng fitting room.“Wait lang.”“Five minutes ka nang nagsasabi ng wait.”“I'm trying to make sure everything looks okay.”“It’s a dress, not a busi
Avianna's POV Isang napakagwapong lalaking nakatitig sa akin. Napailing ako at umalis sa pagkakahawak sa kanya at inayos ang suot ko nang ma-realize kung ilang segundo rin akong nakattitig sa kanya. " Pasensya na. " Naiilang na sabi ko. " Be careful next time. " He seriously said at umalis na.
CHAPTER 3 " A TASTE OF FREEDOM "Avianna's POV Just for this night. Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang mga katagang ito. Bumaba na'ko ng sasakyan at tinignan ang gusaling nasa harapan ko. Maraming kasing edad ko ang pumapasok at lumalabas ng bar. Napabuntong hininga ako at napakapit ng
CHAPTER 2" THE LIFE I NEVER CHOSE "Avianna's POVAfter what happened at the hotel earlier, dumiretso agad ako sa kwarto ko.I don't know what to feel.Magkahalo ang nararamdaman ko.Galit.Takot.Pagkalito.Pagkabalisa sa magiging kinabukasan ko.Hindi ko na alam.Halos mamaga na ang mga mata ko
CHAPTER 1 " I REFUSE " Avianna's POV Kung may isang bagay na gusto kong maranasan sa buhay ko, iyon ay ang kalayaan. Hindi pera. Hindi karangyaan. Hindi ang pagiging tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa kundi Kalayaan. Dahil sa kabila ng marangyang buhay na mayroon ako,







