Share

KABANATA 1

Author: Jenia
last update Last Updated: 2022-10-02 12:30:23

IDLIP lang ang nagawa ko. Hindi ko magawang makatulog nang mahimbing kakaisip sa Papa ko. Hindi ko siya makontak. Hindi ko rin makausap sa personal. Tapos may pasok pa ko kinabukasan. Wala na nga kong plano na pumasok talaga dahil balak kong bumalik sa Batangas. 

Dudumugin din yata ako ng mga classmates ko para itanong ang tungkol sa kaso ni Papa kaya tingin ko ay mas okay pang hindi na muna ako magpakita. Malapit pa naman ang mid terms. Hindi pa man din ako sanay ng um-a-absent pero wala akong choice.

Magkano na lang ang pera ko. 2,000 lang naman ang naipon ko at bukas babalik ako para subukang makausap si Papa. Kasya ito kung kakain lang ako sa karinderya. Busog naman na ako kahit isang hotdog at itlog ang ulam. Sa sitwasyon ngayon, makakain ba ako? Baka hindi na.

Kinabukasan, binomba ang cellphone ko sa tawag ng kamag-anak namin. Lalo na ang kapatid ni Papa. Nakikibalita sa kaso ni Papa. Nasa probinsya sila at sa hirap ng buhay alam ko nang hindi sila makakaluwas.

"Balitaan mo ako kung anong nangyari sa Papa mo, ha? Aantayin namin."

Iyon ang huling pag-uusap namin ng Tito ko bago ako umalis sa bahay. Hindi pa tirik ang araw ay nasa labas na ako at pagkita pa lang sa akin ng mga kapitbahay natigil na sila sa pagwawalis sa tapat ng bakuran nila. Nilapitan na ako.

"Anong balita sa Papa mo, bhe?"

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Ganito palagi sa amin. Ako na lang ang mahihiya kasi nakukuha nila akong tanungin para sa tsismis hindi para palakasin ang loob ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Aalis ka?"

"Oo, ate. Mauna na ko," sabi ko at tinalikuran na siya bago pa makalapit iyong isa naming kapitbahay para makiusosyo din.

Pagdating sa jeep, doon ako nakatulog dahil sa ihip at sariwang hangin. Saglit nga lang ulit. Sa bus ako bumawi ng tulog. Nasa tabi ako ng bintana at mahigpit kong inipit sa kanang kili-kili ang aking shoulder bag. Mahirap ng manakawan habang tulog.

Nagising ako dahil sa tawag. Pagsilip ko sa cellhphone ko ay hindi kilalang numero ang rumehistro doon. Ewan ko kung bakit dinapuan ako ng kaba. Pakiramdam ko emergency.

"Hello..."

"This is senior police officer Santiago ng Batangas city police station. P'wede ko po bang makausap si Ava Dizon?"

Napalunok ako at nanlamig ang aking tiyan kahit wala pa naman akong ibang naririnig. Napaahon ako sa upuan.

"O-opo. Bakit po?" kabado kong tanong.

"Wala na ang Papa mo, hija. Inatake sa puso ang Papa mo kanina lang at dinala sa hospital pero dead on arrival na. Nasa funeral homes ang labi niya."

Namutla ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi pa ako sigurado kung totoo nga pero sobrang sakit! Nag-uunahang pumatak ang aking luha.

"Hello? Hello?"

Napatay ko iyong tawag. Hindi ako makapagsalita dahil naging blanko na din ang utak ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga pasahero pero wala na kong pakialam. Panay ang hikbi ko sa bus pa lang. Gusto ko na agad lumipad papunta kay Papa para lang makita siya.

"Anong nangyari, Miss? Ito tissue, huwag ka ng umiyak," sabi sa akin ng matandang babae na katabi ko.

Tinanggap ko iyong tissue na inabot niya. Iyong iba nag-abot din sa akin pati tubig. Lahat sila nakatingin sa akin. Nag-aabang sa sagot ko kaya napilitan na ako magsalita.

"Patay na po kasi ang Papa ko."

Kitang-kita ko iyong lungkot sa mukha nila ng sabihin ko iyon. Hindi ko na naman napigilang hindi umiyak. Hanggang sa pagbaba ko agos-agos pa rin ang luha.

Naka-receive ako ng text kung saan iyong punerarya na pinagdalhan kay Papa. Natatakot akong pumasok. Parang hindi ko kakayanin kapag nakita ko si Papa na talagang patay na. Nanghihina at nanginginig pa ang tuhod ko ng pumasok sa loob at sinalubong ng lalaki.

"A-ako... po 'yong anak ni Mr. Nicanor Dizon. Iyon pong dinala dito kanina... l-lang..." pumiyok ako sa huling salita.

Tumango siya. Sumunod ako at habang papalapit sa lamesa na may nakatalukbong na kumot. Mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang ibinababa na ang kumot para makita ko iyong mukha niya.

Ganoon na lang ang pag-iyak ko ng malakas ng mukha nga iyon ni Papa.

"Papa!" Humagulgol ako at hindi ko na alintana ang malamig niyang katawan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang tigas na ng katawan ni Papa. Wala na nga siya.

"Ako na lang mag-isa, Papa!" Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko matanggap. Paano ako magpapatuloy kung ako na lang mag-isa! Saan ako pupunta? Saan ako pupulutin? Ano ang aking gagawin?

Nakatulala lang ako habang nakaupo at inaantay ang labi ni Papa. Walang matinong desisyon o salita ang pumapasok sa isip ko. Tahimik lang akong umiiyak sa upuan.

Hindi na ko umalis. Wala din akong ibang pupuntahan. Malayo dito ang bahay namin kaya aantayin ko na lang. Tinatanong ako kung anong kabaong ang gagamitin. Hinihingian din ako ng bayad.

"Wala po kasi akong pera talaga. Nasa dalawang libo nga lang po ang dala ko." Napapikit ako at awang-awa sa sarili.

"Reymark, hayaan mo na. Huwag mong pilitin. Okay na 'yan. May tumawag dito at sinagot na 'yong bayad sa punerarya at pampalibing sa Tatay niya."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa babaeng kababa lang ng telepono sa lamesa.

"Sino daw po?"

"Hindi nagpakilala. Naawa daw at siya na sasagot. Huwag ka na magtanong at mabuti na kamo may mabuti pang tao na sumagot sa lahat ng problema mo."

Biniyahe si Papa hanggang sa batangas. Mula sa pagdating ko sa Batangas hanggang pag-uwi namin hindi huminto ang mga mata ko sa pagluha. Hindi napapagod kahit ang ulo at katawan ko ay pagod na. 

Pagdating sa amin, may tumulong sa pag-ayos sa bahay para sa lamay ni Papa. Ako? Hindi pa rin makausap ng matino. Ayoko munang lumabas ng kwarto o maski tignan si Papa sa kabaong dahil kumikirot pa rin ang dibdib ko. Hanggang kailan mawawala ang sakit? Ngayon, bumubuhos ang maraming ala-ala na kasama ko siya. Pakiramdam ko, magkaka sakit na akong talaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Mar Ya
pinatay tong papa ni ava ......
goodnovel comment avatar
Jake DTan
Sabutahe ang pagkamatay ng papa mo Ava. sa taong tumulong naman.. dalawa lng naisip Good samaritans o involved sa case ng papa mo at xa ang utak ng lahat.. pampalubag loob cnagot na nya ang expenses sa papa mo.. ipagpatuloy mo ava ang pangarap mo.. smell fishy sa case ng papa mo..
goodnovel comment avatar
Cristina Alejado
laban lang Ava may dahilana Ang panginoon
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 43

    I swallowed hard. "I'm confessing, Ava. Right here... In front of you. I like you," he said without leaving his eyes to mine. Nakaka-magnet ang mga mata niya at kahit sinasabi ng utak ko na umalis sa harap niya at iwasan ang malamlam na mga mata nito ay hirap kong magawa. Ang tindi ng kabog ng puso ko na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko. In just a snap, tinawid niya ang ilang pulgada na distansya namin. Hindi ko malaman saan ipipirmi ang mga mata dahil sobrang ilang ko sa kanya. "Do you want me to show how much I like you? I can see that you still don't believe me..." he said huskily. Wala akong masabi dahil nagbuhol-buhol na ang mga salita sa utak ko. Ibinagsak ko ang mga mata sa sahig kahit kunot ang noo. Maya-maya pa ay napaurong ako dahil mas humakbang siya palapit sa akin at nanuot na sa ilong ko iyong panlalaki niyang pabango. I got goosebump when he touched my chin. Awtomatiko ko iyong tinampal sa gulat at habol ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nabut

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 42

    HINDI ko agad maproseso ang lahat ng sinabi ni Sandler sa akin. Nakadalawang ulit pa siya sa akin na nahuli ang bunsong kapatid ni Blaze.Kabado ako lalo na ang buong atensyon ni Blaze ay nasa amin na. He's really listening to our conversation!I swallowed hard."A-are you sure? Blaze is the youngest--"He cut me off. Umiling ito."Look. This is their illegitimate child, Ava. They hide him because he's a black sheep in the family. Here, read this," sabi nito at inabot sa akin ang cellphone na karugtong ng balita na binabasa ko kanina.Pigil hininga ako habang binabasa iyon pero nagulat ako ng biglang nawala ng cellphone na hawak ko."Stop damaging our reputation in her mind. I don't have a half-brother at lalo na lulong sa droga. Get up, Ava. Don't listen to this guy, and let's go home," nagtangis ang bagang niya at madilim ang anyo ng hilain ako patayo.Unang beses iyon na pinuwersa niya ako na para bang nawala ito sa huwisyo. Naalarma ako lalo na si Sandler na tumayo at hindi na map

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 41

    I don't have the chance to answer his call. Nag-iwan na lang ako ng text kay Sandler to tell him I'm on my way. Nang huminto ang sasakyan sa parking ay binalingan ko siya.Nag-aalangan ako na sabihin sa kanya na huwag nang sumama sa loob or kung kakain siya ay sa iba naman siguro siya uupo?Abala ito sa pag-alis ng seatbelt at napansin yata na nakatingin ako."Spill it.""You're going to eat alone, right? I mean--""Yes. Don't worry, I will not disturb you on and your date, if that's what you want," suplado nitong sabi at binuksan ang pinto. Hindi man lang ako binigyan ng chance na sumagot. Sumunod ako sa kanya at medyo nairita dahil sa pagsusuplado sa akin.Ganunpaman, inantay niya ako para sabay kaming maglakad. Now that I'm with him, ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin.He can steal any woman's glance, and captured their hearts. He's like a walking Greek god. Iyong tipong kayang-kaya niyang paluhurin ang lahat.I cleared my throat.Nakaramdam ako ng awkwardness habang tuma

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 40

    I have no appetite for dinner yet I still tried to eat even just a little. Hindi na rin naman niya ako pinilit na kumain ng marami. Marahil ay sapat na sa kanya na pumayag ako sa gusto niyaThe following day, I woke up because of Sandler's call. Alas-siete pa lang ng umaga ay tumawag na siya just to check if he can still call me through my number."I'm really sorry! I don't mean to wake you up this early. I just want to make sure that your phone will still ring. Maybe, I'm just paranoid.""It's fine. Babangon na rin naman ako. Hindi na ko naka-reply din kagabi. I fell asleep. But yeah... let's meet at Marriot Hotel for lunch."I can sense Sandler's happiness over the phone."Yeah! Yeah... Let's see each other later. I won't take much of your time. Have breakfast, and whenever you want to talk to me, you can call or text me anytime, Ava.""Yup, I know. Thank you Sandler..." maos kong sabi bago ito nagpaalam at ibinaba na ang telepono.Naghanda ako para sa lakad ko mamaya. Hindi ako sum

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 39

    WALA akong ganang kumain matapos ang lahat. I locked myself in my room while listing the things that I need to request to get a new copy. Ang hassle sa totoo lang. My birth certificate, diploma, everything... nawala na.He's home.Hindi na ko nag-abala na lingunin ang pinto nang kumatok siya. Pasado alas-nuebe na. Kauuwi lang kaya niya?"Sorry to disturb you, but I heard you haven't eaten dinner yet?"Hininaan ko ang volume ng pinapanuod kong movie bago ko siya binalingan na pumasok na pala sa loob at may bitbit nang tray. Nanuot tuloy sa ilong ko iyong aroma nang pagkaing dala niya."I brought you dinner. Bakit hindi ka kumakain?" Blaze asked softly, which I feel so weird.Para akong may kausap na ibang tao. Blanko ang ekspresyon ko nang tignan siya."I'm full," paos kong sabi.Pinanuod ko siya na nilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa siya umuwi. Basa ang buhok niya at halatang katatapos lang maligo. He's wearing a muscle-tee and cotton shorts. Napako ang mga mata ko sa mus

  • The Attorney's Revenge   KABANATA 38

    "BAKIT?" tanong nito dahil nakatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagka-ilang sa kanya."Pinakialaman mo ba 'yong phone ko?" I asked while looking at him.Tinawanan lang ako nito pagkatapos ay binalik ang mga mata sa daan."No. Why would I? I kept that thing in my drawer," simpleng sagot lang nito.Saglit ko pa rin siyang pinagmasdan habang nanliliit ang mga mata at mukhang naramdaman niya 'yon kaya sinulyapan niya pa ako ulit."Why? What's the problem?"Tamad akong bumaling sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Hindi pa nga yata ako magaling. Hindi ko kasi matandaan na nilagay ko sa block list ang numero ng pamilya ni Sandler."I remember some memories now, but is it possible that there's an occurrence that I still can't remember?""There's a possibility since hindi pa naman talaga matagal no'ng huli kang naoperahan. Katulad ng sabi ko sa'yo noon, it may time time. Maybe months... or years."Huminga ako ng malalim at hindi na nagsalita. Kung ganito ang sitwasyon ko na hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status