ANMELDENTahimik ang dining hall habang magkatapat na nakaupo sina Mirae at Quen. Ang mahabang mesa sa pagitan nila ay puno ng pagkain, maayos ang pagkakaayos, halos walang kapintasan—ngunit tila walang saysay ang lahat dahil sa lamig ng hangin sa pagitan nila.Dahan-dahang kumakain si Mirae. Hindi siya nagmamadali, pero halata ring hindi niya ini-enjoy ang bawat subo. Hindi siya tumitingin kay Quen, hindi rin siya nagsasalita. Para bang sadyang binubuo niya ang distansya sa pagitan nila—isa na hindi kayang punan ng kahit anong salita.Sa kabilang dulo, hindi agad kumakain si Quen. Nakatingin lang siya kay Mirae, sinusundan ang bawat galaw nito. Napansin niya kung paano nito iiwas ang tingin sa tuwing bahagya siyang gagalaw, kung paano nito pinipiling manatiling tahimik kahit halatang may gustong sabihin.“Hindi ka pa rin magsasalita?” tanong niya, mababa ang boses.Walang sagot.Nagpatuloy lang si Mirae sa pagkain, parang walang narinig.Bahagyang napahigpit ang hawak ni Quen sa tinidor. Hind
Maghapon siyang hindi lumabas ng kanyang kwarto.Hindi dahil may ginagawa siya—kundi dahil wala siyang magawa.Tahimik ang buong mansyon. Ang mga yabag ng katulong, ang mahinang pagbukas ng mga pinto, ang pagdaan ng tray ng pagkain—lahat iyon ay paulit-ulit niyang naririnig.Pero isang bagay ang kapansin-pansin.Wala si Quen.Hindi siya dumaan.Hindi siya kumatok.Hindi man lang nagparamdam.At sa bawat oras na lumilipas, may kung anong unti-unting kumikirot sa loob ni Mirae—hindi sugat, hindi galit.Kundi inis.Bandang tanghali, may dalawang katulong na pumasok upang maghatid ng pagkain. Maayos nilang inayos ang tray sa mesa—mainit pa ang sabaw, sariwa ang prutas, at may tsaa na bahagyang umuusok.Ngunit bago sila tuluyang makalabas, narinig ni Mirae ang usapan nila.“Kasama raw ni Sir si Miss Victoria ngayon…” mahina ang boses ng isa.“Oo nga, kanina pa sila nasa garden wing. Nag-uusap daw…” sagot ng isa pa.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya.Hindi siya agad gumalaw.
Hindi pa tuluyang humuhupa ang tensyon matapos ang matalim na sagutan nang maramdaman ni Mirae ang pagbabago ng ihip ng hangin sa loob ng bulwagan.Tahimik siyang nakatayo.Hindi nagyayabang.Hindi nagpapapansin.Pero sa paraan ng pagtayo niya—parang siya ang sentro ng lahat.At iyon ang hindi matanggap ni Victoria.“Quen,” malambing na tawag ni Victoria, bahagyang humihigpit muli ang kapit sa braso nito.Halos idikit pa niya ang sarili, parang gustong ipaalala sa lahat kung sino ang “malapit.”Pero bago pa man tuluyang makapagsalita ang babae—gumalaw si Mirae.Hindi mabilis.Hindi agresibo.Calculated.Lumapit siya.Tahimik.Elegant.At sa isang natural na galaw,marahan niyang inilapag ang kamay niya sa dibdib ni Quen—hindi para itulak,kundi para i-guide.“Excuse us,” sabi niya, mahina ngunit malinaw.Hindi siya tumingin kay Victoria.Hindi niya kinilala ang presensya nito.At si Quen? Hindi man lang tumutol.Sa halip— parang kusa itong sumunod.Dinala ni Mirae si Quen palayo ng
Sunod-sunod ang pagdating ng mga panibagong bisita—mga business partners, ilang kilalang personalidad, at siyempre, ang tatlong kapatid ni Quen, Severin Kamiyana,Casimir Kamiyana,at Leandro Kamiyana.Pagkapasok nila, agad nilang napansin ang tensyon sa gitna ng sala—lalo na si Victoria na halos hindi na bumibitaw sa braso ni Quen,at si Mirae na nakatayo nang maayos, composed, elegant,parang mismong Madamme na ipinanganak para sa eksenang iyon.Habang nagpapalakpakan sa pagbati, biglang nagsalita si Victoria,malutong ang boses, may halong pagyayabang na hindi man lang niya tinatago.“Oh, by the way,” aniya, malakas ang tono para marinig ng lahat.“I finished my Master’s at Oxford. Finance. Daddy said I excelled more than expected.”Humalakhak siya nang parang may sinasakpang eksena.May ilang tumango, nakisama.Pero ang mga mata ng mga bisita?Lumulipat-lipat kay Victoria at Mirae—naghihintay kung paano tutugon ang Madamme.Tahimik si Mirae sa una.Hindi pinakagat.Hindi nag
Hindi dahil sa sinabi tungkol kay Victoria… kundi dahil sa huling linya ni Kairo. “H-hala— teka, bakit ako? Hindi naman ako—” “Kami ang nakakakita, Mirae.” Seryoso na si Kairo ngayon. “Kami ang nakakakilala kay Quen. At kami rin ang nakakakita kung paano ka niya tinitingnan.” “Kung pababayaan nating lapitan siya ng ibang babae, lalo na si Victoria… baka may mas ugly pa tayong makitang side ng amo ko.” Parang humigpit ang hawak ni Kairo sa hangin. “He’s already possessive. Dark. Territorial. At ayokong ibang babae ang maging trigger niya.” Natigilan si Mirae. “Kaya please,” mariing sabi ni Kairo, “Bumaba ka na. Bago makahanap ng dahilan si Amarillo Quen para gumawa ng eskandalo.” Huminga nang malalim si Mirae, ramdam ang bigat ng pangyayari. “Fine,” mahinang tugon niya. “Bababâ ako.” Pero bago lumabas si Kairo, tumingin pa ito sa kanya — seryoso at parang binibigyan siya ng malaking responsibilidad. “At Mirae-ssi… good luck.” Napabuntong-hininga siya. “Dahil yung babae
Hindi makatulog si Mirae.Hindi matapos-tapos ang pagbalik ng mga alaala—ang boses ng mga tiyuhin ni Quen, ang malamig na tingin ng mga Wilton, at ang delikadong kirot sa dibdib niya tuwing naiisip na baka hindi niya talaga pagmamay-ari ang sarili niyang buhay sa ilalim ng pangalang Madamme Kamiyana.Kaya nang tuluyang sumikip ang dibdib niya, marahan siyang bumangon at naglakad palabas ng kwarto. Tahimik. Maingat.Ang mga pasilyo ng Casa Kamiyana ay kalahating dilim, at ang mga oil painting ay parang sumusulyap habang dumaraan siya. Ngunit may isa lang siyang direksyon sa isip:Ang library.Doon siya unang nakakita ng lumang larawan ng kanilang mga grandparents.Doon siya unang nakaramdam na may malalim na sikreto ang pamilya ni Quen.At doon niya nararamdaman ngayon… may hinihintay siyang matuklasan.---Pinihit ni Mirae ang mabigat na doorknob.Kumaskas ang lumang kahoy.Pagpasok niya, isang malamig na samyo ng lumang papel at polish ang sumalubong.Sinara niya ang pinto.At doon,
Lumipas ang ilang minuto matapos umalis ang mga tiyuhin ni Quen, ngunit parang hindi gumagalaw ang hangin. Nakatayo si Mirae sa gilid ng hall, mahigpit ang hawak sa sariling braso habang unti-unting sumisingit ang takot sa kanyang dibdib. Ang mga bisita ay nagsiuwi na, at ang mga ilaw sa bulwagan a
Habang nagpapatuloy ang gabi, lumalim ang mga usapan. May halakhakan, may kaunting alak, at may mga kantang marahan na pumupuno sa hangin.Sa pagitan ng mga mesa, naroon ang mga mumunting tinginan nina Quen at Mirae — mga lihim na usapan ng mga mata, mga alaala ng halik na minsan ay nagpatigil sa m
Dalawang araw ang lumipas mula nang gabing iyon sa opisina ni Quen — gabing puno ng mga tanong, at mga sagot na tila lalong nagdagdag ng bigat sa dibdib ni Mirae. Ngunit sa mga sumunod na araw, pinilit niyang ituon ang sarili sa kasalukuyan. Kung paano siya tatahi ng ngiti sa harap ng mga taong nag
Ang tono niya ay mahinahon ngunit may bigat — isa iyong utos.Tahimik na napatingin ang tatlong lalaki sa kanya, at walang sinumang nagsalita pa.Maya-maya, tumikhim si Leandro. “We’ll be leaving after lunch. But expect our attendance at the gathering, Mirae. We don’t miss events that matter.”“I’l






