LOGINChapter 3
Subconsciously ay napatingin si Raica kay Tiffany na nasa gilid nila. Alam ng bata na ayaw ng Daddy niya sa nagsisinungaling, pero naalala niya ang sinabi ni Tiffany kanina.
'Kapag sinabi mong sinadya niya, isasama ka ni Daddy sa susunod niyang business trip!'
Yumuko ang bata at isinubsob ang mukha sa leeg ni Santi.
"Yes po, Daddy... it hurts..." ungol ni Raica.
Si Raica ang buhay ni Santi, gumuho ang kanyang pagiging seryoso nang marinig ang muling pag-iyak ng anak.
"It'll be fine after applying the medicine. Be careful next time, okay?"
Naramdaman ni Raica na naniwala ang kanyang ama.
Mula sa balikat ni Santi, nakita niyang palihim na nag-thumbs up si Tiffany sa kanya. Pero sa isip ni Raica, naalala niya ang malalaking paltos sa braso ni Astrid. Napag-isipan niyang gagamutin na lang niya ito pag-uwi.
Isang malakas na lagabog ang umalingawngaw sa opisina nang ibaba ni Santi ang ointment sa glass table. Tumayo siya habang karga pa rin si Raica.
"I didn't expect her to stoop this low," bulong ni Santi, bakas ang galit sa kanyang boses. "Kung gusto niyang saktan ako, ako ang harapin niya. Huwag ang anak ko."
Napayuko si Tiffany para itago ang isang tagumpay na ngiti.
"Anong balak niyo, Sir?" mahinhin na tanong ni Tiffany.
"Prepare the car," utos ni Santi habang matalim na nakatingin sa kawalan. "Uuwi tayo sa mansyon. Gusto kong marinig mula mismo sa kanya kung bakit kailangan niyang idamay ang bata sa away naming dalawa."
Gabi na nang makauwi ang mag-ama matapos kumain sa labas. Pagkapasok sa mansyon, agad na tumakbo si Raica sa bedroom nina Santi sa second floor. Naalala niyang iniwan ni Astrid ang ointment sa ibabaw ng dressing table.
Dahil maliit, hindi niya makita ang ibabaw ng lamesa. Pilit niyang iniunat ang kanyang braso at kinapkap ang mga gamit doon.
"Found it!" masayang sigaw ni Raica nang mahawakan ang bote ng gamot. Ngunit sa lakas ng kanyang paghila, may iba pa siyang nahila pababa.
Tumingin siya sa carpet pero wala siyang nakita. Hindi na niya ito pinansin at masayang tumalon-talon palabas ng kwarto. Ang singsing na iniwan niya ay gumulong sa ilalim ng kama.
Hinanap ni Raica si Astrid sa buong bahay pero wala ito.
"Yaya, nasaan si Tita Astrid?" tanong niya sa katulong.
"Nakaalis na po si Madam bitbit ang kanyang maleta matapos ninyong umalis kaninang tanghali," sagot ni Consuelo habang abala sa paglilinis. "Hindi po niya binanggit kung saan siya pupunta."
"Umalis siya?" gulat na tanong ni Raica.
Nandito sila ng Daddy niya pero wala si Tita Astrid? Ngayon lang ito nangyari.
“Is she really angry?!”
Inisip niya na baka naglalayas lang si Astrid para sunduin ito ng kanyang ama.
Dahil sa inis, ibinalibag ni Raica ang ointment sa sofa.
"Ayoko na siyang gamutin! Stingy!" sigaw ng bata.
Nang pumasok si Santi sa bedroom matapos ang trabaho sa study room, napansin niyang wala si Astrid. Napansin din niyang wala na ang credit card na iniwan niya kagabi.
Siguradong natakot ito na papagalitan dahil sa nangyari kay Raica, isip ni Santi.
Hindi na siya nag-abalang magtanong pa para sa kanya ay maliit na bagay lang ito. Alam niyang sa loob ng dalawang araw, babalik din si Astrid at hihingi ng paumanhin gaya ng palagi nitong ginagawa.
Bumalik si Astrid sa kanyang river-view penthouse na binili niya bago pa man siya ikasal. Nakipag-ugnayan siya sa property management kaya naman bago pa siya dumating ay malinis na ang bawat sulok nito at kumpleto na rin ang mga gamit na kakailanganin niya sa araw-araw.
Matapos ayusin ang kanyang mga dinalang maleta, nilibot ni Astrid ang paningin sa buong silid nang may tipid na ngiti. The room was filled with her favorite decorations, and her trophies and certificates were all placed on the display cabinet in the living room.
Tila bumalik ang lahat sa panahon bago ang kasal.
Nakatulog siya nang mahimbing nang gabing iyon, at pagdilat ng kanyang mga mata ay tirik na ang araw.
Matagal na siyang hindi nakakatulog nang ganoon kapayapaan. Hindi niya na kailangang asikasuhin si Raica bago pumapasok sa school o ang pagpaplantsa ng mga mamahaling polo ni Santi.
Masayang tinapos ni Astrid ang kanyang almusal bago naupo sa kanyang desk upang pag-aralan ang mga impormasyon para sa gaganaping auction.
Hindi niya maikakaila ang excitement na nararamdaman. Kahit ang mga teknikal na detalye at mahihirap na parameters ng mga auction items ay tila musika sa kanyang pandinig. Sa pagbabasa ng mga pamilyar na salitang iyon, tila nakikita niyang muli ang kanyang sarili sa gitna ng entablado, kumikinang sa ilalim ng mga spotlight.
"Handa na ako," determinadong sabi niya habang isinasara ang folder. Sabik na siya para sa gabi ng auction.
Samantala, tila pasan ni Santi ang daigdig nitong nakaraang dalawang araw. Maaga pa lang ay masama na ang kanyang timpla dahil hindi niya mahanap ang cufflinks na babagay sa kanyang kurbata, at ang kanyang suit ay gusot-gusot pa.
"Bakit hindi niyo ito inasikaso?" bulyaw ni Santi sa mga katulong habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Yumuko ang isa sa mga katulong at pautal-utal na sumagot, "S-sir, si Ma'am Astrid po ang karaniwang nag-aayos ng mga gamit niyo. Wala po kaming alam sa pagkakaayos ng mga iyon."
Naisipan niyang tawagan si Astrid, ngunit agad din niyang iwinaksi ang ideya.
Hindi na kailangan. Babalik din naman siya pagkalipas ng ilang araw. Hahanap-hanapin niya rin ang buhay na ibinigay ko sa kanya.
Ngunit hindi lang ang gusot na damit ang problema niya. Ang pagmamaktol ni Raica ay nagbibigay rin sa kanya ng matinding sakit ng ulo. Dahil si Astrid ang palaging nag-aalaga rito, at hindi nakikinig ang bata sa mga katulong. Maging sa hapag-kainan ay wala itong tigil sa pagrereklamo.
"Ayaw ko niyan! Hindi masarap ang luto niyo! Gusto ko 'yung luto ni Tita Astrid!" sigaw ni Raica sabay tulak sa kanyang plato.
Dahil sa kawalan ng pagpipilian, si Santi na mismo ang nag-asikaso sa bata at dinala na lamang ito sa kanyang opisina.
"Mr. Romanov, ang charity auction ay alas-sais ng gabi gaganapin. Kailangan na nating umalis sa loob ng ilang minuto," paalala ni Tiffany matapos pumasok sa loob.
Nang marinig ang salitang auction, agad na nag-angat ng tingin si Raica mula sa kanyang nilalarong Lego.
"Daddy, sasama ako! Gusto ko ring pumunta!"
Binuhat ni Santi ang anak at pinunasan ang mantsa sa bibig nito gamit ang wet wipe.
"Sige, isasama ka ni Daddy pero hwag ka lang maglilikot doon, ha?" aniya bago sila lumabas ng silid.
Maagang dumating si Astrid sa venue upang maghanda. Ang auction na ito ay pinangunahan ng Red Cross at suportado ng mga kilalang Pilipino dito sa bansa at maging sa ibang bansa. Ang kikitain ay mapupunta sa mga pandaigdigang organisasyon na tumutulong sa mga kababaihan at bata.
Dahil sa dami ng mga gamit na isusubasta, kailangan ng dalawang auctioneers. Sa ilalim ng dual auctioneer system, ang unang bahagi ay pangungunahan ng isang senior auctioneer upang makuha ang atensyon ng tao, bago papasok si Astrid. Ang kanilang ace auctioneer sa pinaka-importanteng bahagi ng gabi.
Nasa preparation room si Astrid at seryosong nire-review ang mga dokumento nang lumapit ang organizer kasama ang isa sa mga pangunahing sponsor.
"Mr. Gallego, ito po si Ms. Astrid, ang top auctioneer na hiniling niyo para sa gabing ito," pakilala ng organizer.
Agad na tumayo si Astrid at mabilis na nag-adjust ng kanyang tindig.
"Masyado naman po ninyo akong pinupuri," nakangiting wika niya.
Hinarap niya ang lalaking tinawag na Mr. Gallego at inilahad ang kanyang kamay nang may dignidad.
"Magandang gabi, Mr. Gallego. My name is Astrid Nieves Alcasid. Maraming salamat sa tiwala niyo. Sisiguraduhin kong hindi kayo mabibigo sa serbisyo ko."
Sadyang hindi niya ginamit ang apelyido ni Santi. Sa puntong ito, gusto niyang makilala siya sa sarili niyang pangalan.
Sa loob-loob niya, nagtataka rin siya kung bakit siya ang partikular na hiniling ng lalaking ito gayong matagal na siyang nawala sa eksena.
Dahan-dahang inabot ng lalaki ang kamay ni Astrid. Bahagyang dumapo ang dulo ng mga daliri nito sa kanyang balat, isang haplos na tila may pahiwatig.
"Astrid, matagal na rin tayong hindi nagkita," malambing na sabi ng lalaki. Ang boses nito ay kalmado at malinaw, gaya ng agos ng tubig sa isang batis.
Napatitig si Astrid sa lalaki. Pamilyar ang mga mata nito at ang hubog ng mukha, ngunit pilit niyang hinahalukay ang kanyang alaala ay tila wala siyang matandaan na nakasalamuha niya ito kamakailan.
Hindi hinayaan ng lalaki na mapahiya si Astrid sa kanyang pananahimik. Isang muling ngiti ang sumilay sa gwapo nitong mukha.
"Nice to see you again, Astrid. It’s me, Ryker Gallego."
"Ryker?!" gulat na sambit ni Astrid, ang kanyang mga mata ay nanlaki habang unti-unting nagbubukas ang mga saradong pinto ng kanyang nakaraan.
Gulat na napatingin si Astrid sa lalaking nasa kanyang harapan.
Mahirap para sa kanya na iugnay ang lalaking ito na suot ang isang mamahaling bespoke suit at bawat galaw ay bakas ang karangyaan. Kilala niya si Ryker bilang bully noong high school.
Naramdaman ng mga organizer na magkakilala ang dalawa kaya naman matapos ang ilang pormal na pagbati ay binigyan muna nila ng espasyo ang dalawa upang makapag-usap.
"May coffee shop sa ibaba. It’s still early, let's go sit there for a while,” paanyaya ni Ryker habang nakangiti nang tipid.
Sumama si Astrid kay Ryker sa isang coffee shop malapit sa venue. Hindi siya makatanggi dahil ito ang main sponsor ng auction at kailangan nilang pag-usapan ang presyo ng mga isusubastang gamit.
"Ang tagal na rin, pero parang hindi ka nagbago," bati ni Ryker habang nakatitig sa kanya.
Ramdam ni Astrid ang respeto sa boses ng lalaki. Hindi ito tulad ng mga katagang naririnig niya sa asawa na madalas ay may halong utos o panunumbat.
"Ikaw ang nagbago, Ryker. Muntik na kitang hindi makilala!" natatawang sagot ni Astrid.
Masaya silang nagkuwentuhan tungkol sa buhay nila noong high school. Habang nag-uusap, parang nakalimutan ni Astrid ang bigat ng kanyang pinagdaraanan.
Samantala, papasok naman sa venue si Santi habang karga ang anak. Nagrereklamo ang bata dahil nagugutom na raw ito at gusto ng pagkain.
"Sir Santi, may coffee shop doon sa tabi. Ibibili ko lang si Raica ng cake," wika ni Tiffany sabay turo sa direksyon nina Astrid.
Tumango lang si Santi at inabot ang card niya kay Tiffany.
"Heto ang card. Magpapakita lang ako sa loob, tapos ihahatid ko na rin si Raica pauwi para makapagpahinga. Kuhanan mo na lang ako ng litrato ng dalawang jewelry pieces para sa bidding mamaya," utos ni Santi bago ibinaba ang anak.
Masaya naman si Raica dahil nakalabas siya. Lumingon-lingon ang bata habang hawak ni Santi, hanggang sa bigla siyang tumuro sa bintana ng coffee shop at sumigaw.
"Dad, it's Tita Astrid!" malakas na sabi ni Raica habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.
Chapter 5Matapos mapatulog ni Santi ang kanyang anak, malalim na ang gabi. Nitong mga nakaraang araw na wala si Astrid, naging doble ang pagod niya. Bagaman may mga katulong sa bahay, si Raica ay lumaking si Astrid ang nag-aasikaso kaya naman hindi ito sanay na kasama lang ang mga serbiuynte.Kailangan ko siyang laging nasa tabi ko, at ang bilis pa naman niyang mabagot, gaya na lang sa auction kanina, isip ni Santi habang hinihimas ang kanyang sentido.Dahil sa auction na iyon, muling pumasok sa isip niya ang imahe ng kanyang asawa. Sigurado siyang alam ni Astrid kung nasaan siya kaya ito nagpakita doon."Hanggang doon lang naman ang kaya niyang isipin," nakangising bulong ni Santi sa sarili. "Nahihiya lang siyang bumalik nang kusa matapos niyang maglayas, kaya gumamit pa siya ng ibang lalaki para magkunwari at pagselosin ako. Napaka-immature."Para kay Santi, hindi maaaring magpatuloy ang ganitong sitwasyon. Kailangan ni Raica ng mag-aalaga, at kung uulitin pa ni Astrid ang pag-ekse
Chapter 4Lumingon si Santi sa itinuturo ng kanyang anak at nakita nga niya si Astrid na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kitang-kita ang ningning sa mga mata ni Astrid habang tumatawa. Matagal nang hindi nakikita ni Santi ang ganoong klaseng ngiti sa mukha ng asawa.Dahil sa pagiging mainipin, mabilis na bumaba si Raica mula sa pagkaka-karga ni Santi at patakbong lumapit kay Astrid."Tita Astrid! Bakit po kayo nandito?" tanong ni Raica habang hinihingal.Kasalukuyang kausap ni Astrid si Ryker tungkol sa mga auction items nang biglang sumulpot ang bata. "Raica?" gulat na sambit ni Astrid habang napatigil sa pagsasalita.Tumingin si Ryker sa bata at magalang na nagtanong. "Astrid, sino ang batang ito?"Magsasalita na sana si Astrid pero naalala niyang kailanman ay hindi siya kinilala ni Raica bilang stepmother nito. Sa pagkakataong ito, ayaw niyang mapahiya sa harap ni Ryker o pagdudahan ang kanyang pagiging propesyona
Chapter 3Subconsciously ay napatingin si Raica kay Tiffany na nasa gilid nila. Alam ng bata na ayaw ng Daddy niya sa nagsisinungaling, pero naalala niya ang sinabi ni Tiffany kanina.'Kapag sinabi mong sinadya niya, isasama ka ni Daddy sa susunod niyang business trip!'Yumuko ang bata at isinubsob ang mukha sa leeg ni Santi. "Yes po, Daddy... it hurts..." ungol ni Raica.Si Raica ang buhay ni Santi, gumuho ang kanyang pagiging seryoso nang marinig ang muling pag-iyak ng anak. "It'll be fine after applying the medicine. Be careful next time, okay?"Naramdaman ni Raica na naniwala ang kanyang ama. Mula sa balikat ni Santi, nakita niyang palihim na nag-thumbs up si Tiffany sa kanya. Pero sa isip ni Raica, naalala niya ang malalaking paltos sa braso ni Astrid. Napag-isipan niyang gagamutin na lang niya ito pag-uwi.Isang malakas na lagabog ang umalingawngaw sa opisina nang ibaba ni Santi ang ointment sa glass table. Tumayo siya habang karga pa rin si Raica."I didn't expect her to sto
Chapter 2Dapat nagpapahinga nang maayos si Astrid, dahil walang pinagkaiba ang abortion sa panganganak. Ngunit dahil sa lamig ng gabi sa harap ng bintana, mabilis siyang dinapuan ng mataas na lagnat.Nagising siya mula sa mababaw na pagkakaidlip nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata, pero tila punong-puno ng semento ang kanyang ulo sa bigat. “I feel like my brain is throbbing against my skull,” daing niya sa sarili.Sulyap sa kabilang bahagi ng kama, nakita niyang maayos pa rin ang pagkakalatag ng unan at kumot. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Hindi na naman siya umuwi kagabi.Nakapagtataka na hindi na siya nakaramdam ng kirot, sa halip ay isang malalim na pagbalewala na lamang ang nananaig.Biglang bumukas ang pinto nang walang pahintulot."Kwarto ito ni Daddy! Dito tayo kukuha ng gamit!" sigaw ni Raica habang hila-hila sa kamay si Tiffany.Dire-diretso silang pumasok na tila ba isang pampublikong lugar ang s
Chapter 1Isang linggong namalagi si Astrid sa loob ng ospital. Sa araw ng kanyang discharge, hindi niya sinasadyang marinig ang bulungan ng mga nurse sa station habang naglalakad siya sa hallway."Siya 'yong mag-isang nagpa-abortion, 'di ba? Isang linggo na siya rito pero wala man lang kahit isang pamilya na bumisita sa kanya. Sobrang nakakaawa naman," sabi ng isang nurse habang nakatingin sa chart.Sumagot naman ang isa pa na tila may halong panghuhusga sa tono, "Baka naman kireda lang na hindi mailabas sa publiko. Sabi-sabi rito, nung nalaman daw ng legal wife, wala siyang choice kundi tumakbo rito para ipalaglag ang bata at tapusin ang gulo."Hindi na lamang kumibo si Astrid. Ang kanyang mga kamay na nakalaylay sa gilid ay dahan-dahang napa-kuyom habang pasimpleng sulyap sa kanyang puson. The doctor said I’m recovering well, but why can I still feel that pain of my flesh being torn apart? tanong niya sa kanyang sarili. Isinuot niya ang kanyang sunglasses para itago ang pagod at







