แชร์

Kabanata 62

ผู้เขียน: LiLhyz
Guardian Angel: “Hala? Kailan pa naging klase ng parusa ang halikan?”

Inner Devil: “Tumahimik ka na lang! Hindi mo ba nakikita? Pinaparusahan ang Charlie natin! Ipinaglalaban niya ang buhay niya gamit ang kanyang dila!”

Guardian Angel: “May trabaho pa ba ako dito?”

Nag-iinit na sila!

Hindi alam ni Charlie kung paano silang umabot sa ganitong sitwasyon agad, pero sa mga sandaling ito, ang pigil nilang mga ungol ay maririnig sa paligid, at dumadagungdong sa buong paligid ng kuwarto ang mainit nilang halikan.

Hinalikan siya ni Taylor na paran gutom na hayop, na parang sobrang tagal niyang naghintay na matikman siya ulit. At si Charlie? Humalik siya pabalik, habang natutunaw sa tindi ng init.

Habang mas nagkakapalupot sa isa’t isa ang mga dila nila, mas lalong nasabik si Charlie sa halikan. Malambot ang mga labi ni Taylor at mainit. Ang bawat haplos nila sa isa’t isa ay parang kuryenteng masarap. Ang mga kamay ni Taylor, madiin at possessive, hinawakan siya ng mabuti na para bang nat
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 200

    Ang Suncrest Valley State University gymnasium ay parang sasabog.Sa isang side ng bleachers, ang SVSU students ay nakasuot ng kulay pulang jersey at wolf masks. Nagdadabog sila gamit ang mga paa nila at umaalulong: “FEED THE FANGS.”Sa kabilang side ng court, mas kaunti ang damit ng mga estudyante sumusuporta sa Luxford University—pero hindi sila talo sa pag cheer. Patuloy nilang chinachant, “Atomic Heat! Let’s cook!”Sa court, inobserbahan ni Charlie si Taylor na ipinupunas ang palad niya sa shorts. Nanggigil ang panga niya, at steady ang paghinga niya, nakatitig ang mga mata niya sa scoreboard:Wildfangs – 78Atomic Heat – 7719 seconds na lang ang natitira.Talo sila ng isang puntos.Patapos na ang timeout.Alam mismo ni Charlie kung anong iniisip ni Taylor.“Mag three-point shot siya,” sabi ni Tristan. Dumalo siya kasama ang mga kaibigan niya galing College of Engineering, alam nila kung gaano kahalaga ang laro ngayon.Lumipas ang isa pang linggo, at nakalaban ng Atomic

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 199

    “Pagkatapos, dumating si Maxwell, nagpakabayani siya, at binawi ang paper bag!” sabi ni Dawn. “Nakipaglaban siya sa magnanakaw—na nagkataong may mga kasabwat—at tinakot niya ang mga ito gamit ang karate skills niya!”Tumigil siya. “Hindi ko alam na magaling ka makipaglaban, Maxwell.”“Wow, Maxwell, bayani ka!” sabi ni Frank, nanlaki ang mga mata niya habang umaarteng hindi makapaniwala.“Tama na,” makaawa ni Maxwell, pinipigilan niya ang sarili niyang umirap.“Pero alam mo kung anong nakakatawa?” sabi ni Dawn, kumikinang ang mga mata, sabik na sabik siyang magkuwento. “Basura lang ang dala ko para itapon. Kaya ang paper bag na kinuha sa akin ay basura lang! At binawi ni Maxwell ang basurang iyon, habang iniisip niya na medical supplies ito!”“Diyos ko po! Haha!” tumawa ng malakas si Mia. “Hindi pa din ako makagetover!”“Pffft! Di ba?” dagdag ni Frank.Maxwell: “…”Habang tumatawa din si Lorelai, humarap si Dawn kay Mia. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka makagetover doon?”“

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 198

    “Guys, salamat talaga sa pagbisita ninyo,” sabi ni Dawn, niyakap niya si Mia at Charlie.“Papunta kami sa laro at napagdesisyunan na dumaan bago pumunta ng Suncrest Valley,” paliwanag ni Charlie.Alas-onse ng umaga. Alam ni Maxwell ang tungkol sa laro ni Taylor at kung ilang mga estudyante ang papunta sa Suncrest Valley. Dahil nag-abala sila, naramdaman ni Maxwell ang sinseridad sa pagkakaibigan nina Charlie at Dawn—at masaya siya para sa kanya.“Pero mananatili ako dito para matulungan kita,” sabi ni Frank, itinuro niya ang sarili niya. “Sa totoo lang, hiniling ni Maxwell.”Noong humarap si Dawn kay Maxwell, ipinaliwanag niya, “Kailangan ko ang gig ngayon gabi, Dawn. Hindi ko na pwede ikansela, at kailangan ko ng pera. Kung okay lang sa iyo, sabi ni Frank siya ang magiging lakas mo.”“Oo,” sabi ni Frank, humarap siya kay Dawn. “Pero hinding-hindi pwede maging tayo. Nililinaw ko lang.”Umiling-iling si Maxwell, natutuwa siya. Sa harap niya, si Taylor naman, tawa ng tawa. Suot na

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 197

    Ang nakakagulat na parte ay nagkaroon ng enlightenment si Paxton habang lumilipas ang oras. Dumating ang lola niya sa buhay niya at unti-unti siyang nagbago.Sa kasamaang palad para kay Maxwell, sira na ang namamagitan sa kanila ni Dawn. At alam niya kung bakit.Nadisappoint niya si Dawn.Hindi man lang siya matignan ni Dawn sa mga mata kapag nagkakasalubong sila. Malamig ang mga mata niya at malayo.Gusto niya makipag-usap, para makipag-ayos, pero pinipigilan siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano. Natatakot siya na baka hindi siya mapatawad ni Dawn.Pagkatapos, tumuloy lang ang buhay.Napromote ang ama niya.Nakuha ni Maxwell ang scholarship discount para sa high school basketball.At ang huli, lumipat sila ng komunidad.Nagkita sila ulit ni Dawn noonog unang taon niya ng kolehiyo. Kakaway siya dapat sa kanya—pero tumalikod si Dawn.Sigurado siya na nakita siya ni Dawn, pero naisip ni Maxwell na hindi siya nababagay sa presensiya ni Dawn. Kaya nanatili siyang nasa malayo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 196

    ~~~FLASHBACK NI MAXWELL~~~Sa Luxford K-8 School, si Maxwell ang pangalawa sa pinakamagaling sa basketball noong middle school. Mahilig siya sa sports, gusto niya ang team spirit, at naging malapit na sa team niya kahit na alam niya ang ugali ng iba, tulad ni Paxton Owens, na hindi maganda.Nagtatrabaho ang mga ama nila sa parehong kumpanya, kaya inaasahan na ang pagiging plastic. Ang ama ni Maxwell, na si Joseph Turner, ay madalas na ipinapaalala sa kanya na maging malapit kay Paxton. Malapit na mapromote si Joseph, at ama ni Paxton ang direct supervisor niya. Kahit na noong simula, ang pagkakaibigan ni Maxwell at Paxton ay mas obligasyon ang dating kaysa desisyon, masaya kasama si Paxton kung hindi lang siya g*go.Sa mga oras na iyon, naniniwala talaga si Maxwell na baka maimpluwensiyahan niya sa magandang paraan si Paxton kung mananatili silang malapit sa isa’t-isa.Noong Valentine’s Day, may afternoon practice sa school si Maxwell, pero inutusan na siya ng ama niya na imbitahan

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 195

    Charlie: “…”Isang segundo.Dalawang segundo.Tatlong segundo.“Anooooo?” sabay-sabay na sigaw nina Mia, Frank at Charlie.Tumigil sandali si Inner Devil bago tumawa ng malakas.Inner Devil 2: “Sana hindi ko na lang iyon nakita.”“Sandali.” Napalunok si Charlie. “Hindi iyon parte ng script.”“Plot twist,” sabi ni Frank.***“Pambihira naman, Dawn?!!!” Ang sabihin na disappointed si Maxwell ay pagsasabi na maliit na bagay lang ito.Ang pagpapakabayani niya ay nauwi sa trahedya!Nag-effort siya ng husto… tapos ang iniligtas niya… ay basura lang pala?Nagalit si Dawn ng humarap siya sa direksyon ni Maxwell, “Hindi ko naman sinabi na gawin mo iyon! Inutusan lang ako ni Mrs. Hamilton ang isabay ang basura pag-uwi ko!”“Sa paper bag talaga?!!!” tanong ni Maxwell, ramdam ang kontra sa boses niya.“Para mas madali kong madala!” reaksyon ni Dawn, nagdadabog siya palayo sa kanya.May inatasan na lokasyon para pagtapunan ng basura ang bawat komunidad. Hindi kinakailangan ng mga ba

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status