Mag-log inDumulas pasara ang salaming pinto ng shower enclosure kasabay ng mabigat at metalikong tunog, tila tuluyan silang inihiwalay sa natitirang bahagi ng mundo. Inside, the air was already thick, a swirling white mist clinging to the chrome fixtures and the slick, slate-gray tiles. Malakas na bumubuhos ang tubig mula sa malapad na showerhead, walang tigil ang katamtamang init na agos na agad bumalot sa katawan nila. Nakatayo ang dalaga sa mismong ilalim ng bumubuhos na tubig, nakatagilid paitaas ang ulo habang hinahayaang dampian ng katamtamang init ang kanyang leeg at mga balikat. Dikit na dikit sa kanyang balat ang mahaba niyang auburn na buhok, na ngayo’y tila maiitim at basang hiblang dumadaloy sa kanyang katawan. Pumuwesto ang binata sa likuran niya, at dahil sa bigla nitong paglapit ay tila umusog naman ang makapal na singaw, pumalibot iyon sa malalapad nitong balikat. Hindi ito agad nagsalita; marahan lamang nitong inabot ang bewang niya, habang ang malalaki nitong palad ay mainga
Matapos ang mabigat at emosyonal na pag-uusap nila ng mommy niya, halos wala nang lakas si Maxine para mag-isip pa. Maga pa rin ang mga mata niya sa kaiiyak, at kahit pilit siyang nagpapakatatag, ramdam niya ang pagod hanggang buto.Tahimik silang inihatid ni Kael sa itaas ng mansion.Si Kaden naman ay antok na antok na, nakasandal sa balikat ng ama habang mahigpit na nakayakap sa stuffed toy nito. Paminsan-minsan ay napapapikit na ito, pero pilit pa ring lumalaban sa antok. Hindi sila nagkaroon ng time na makapagpahinga kanina dahil agad silang dumiretso sa mommy niya.Huminto si Kael sa harap ng isang malaking pinto bago iyon marahang binuksan. Agad bumungad sa kanila ang isang malawak na silid.Madilim ang kulay ng interior—gray, black, at dark wood. May king-sized bed sa gitna, floor-to-ceiling windows, at isang bookshelf sa gilid na puno ng mga libro at awards. Halatang panglalaki ang kwarto. Mature. Elegant. Familiar.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Maxine, nakilala agad ni
Mabigat ang pakiramdam ni Maxine paglapag pa lang nila sa Pilipinas. Sa sandaling bumaba sila ng eroplano ay agad nanuot sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng hangin sa bansang matagal din niyang tinalikuran. Pero imbes na nostalgia ang kanyang mararamdaman—takot ang bumalot sa puso niya. Takot na baka huli na ang lahat sa kanila ng mommy niya. Mahigpit na hawak ng kanang kamay niya ang maliit na kamay ni Kaden habang naglalakad sila palabas ng airport. Sa kaliwang banda naman pumuwesto ang binata, napapagitnaan nila ang anak. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita ngunit hindi sila iniiwanan kahit isang hakbang. “Mom, it’s so hot here,” maya-maya ay hindi nakatiis na reklamo ni Kaden sa kanya, habang pinapaypayan nito ang sarili gamit ang libre nitong kamay. Hindi ito sanay sa tropical climate kaya ganoon nalang ang inasta ng anak. Bahagya siyang napangiti kahit na paano. “Welcome to the Philippines, baby.” sabay gulo ng buhok nito. “Is Grandma waiting for us?” inosenteng t
Nanatili silang magkayakap ni Kael, habang nakahiga sa sofang naroon sa sala—magkalapat ang mga katawan, magkahalo ang init at paghinga. Ang tahimik na sandali ay tila pahinga matapos ang mainit na samdaling namagitan sa kanila.Ayaw na munang mag-isip ni Maxine. Bahala na bukas. Sa ngayon gusto niyang maramdaman ang init na nagmumula sa katawan ng binata. Ilang taon rin siyang nangulila sa presensiya nito. Sa ngayon hahayaan niya ang sariling maranasan ang saya sa piling ng lalaking pinakamamahal niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsalita si Kael, ang boses nito'y mababa, na parang nag-aalangan.“Baby…I have something to tell you.”Nanatiling hindi kumikibo si Maxine. Mas lalo lang niyang ipinikit ang mga mata, ayaw niyang sirain ang sandaling kasama niya ng ganito ang binata. Gusto niyang pagbigyan ang sariling kahibangan. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso ni Kael sa ilalim ng tenga niya, ang init nito na parang kumakapit sa kanya—wala siyang balak na pakawa
Buong araw na iniiwasan ni Maxine si Kael. Hindi niya kayang harapin ito matapos ang halik na namagitan sa kanila—ang halik na muling nagpagising sa lahat ng damdamin na pilit niyang ibinaon sa limot. Kaya hangga’t maaari, lagi siyang may ginagawa. Sa kusina, sa silid niya, maging ang paggawa ng mga simpleng gawaing bahay ay tinatapos niya basta't hindi siya mapalapit sa binata. Nakahinga siya ng malalim dahil hindi rin siya pinipilit ni Kael na kausapin maliban na lamang pagdating kay Kaden. Hinayaan siya nitong gawin ang kahit ano. Mas pinili nitong ibuhos ang oras at panahon sa anak nila. Maghapong naglaro ang dalawa, nagtatawanan, habulan, kwentuhan. Para bang bumabawi ang mga 'to sa lahat ng panahong nawala sa kanila. At sa bawat halakhak ng anak ay mas lalo lang sumisikip ang dibdib ni Maxine habang pinapanood ang mga ito sa malayo. Ito sana ang naging buhay nila ng anak...isang masayang pamilya, kung hindi siya umalis noon. Pero hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Kai
Maaga pa lang kinabukasan at halos hindi pa nga sumisikat nang tuluyan ang araw ay naroon na si Kael sa labas ng bahay ni Maxine. Hindi siya halos nakatulog buong gabi sa kakaisip sa anak at sa dalaga. Paulit-ulit sa isip niya ang nangyari kagabi—ang mga salitang sinabi ni Maxine, ang pagtanggi nito…at higit sa lahat, ang mukha ng anak niya. Si Kaden. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Nanatili muna siya roon ng ilang sandali. Hinayaan na sumikat ng tuluyan ang araw. Pagkatapos ay huminga ng malalim bago nagdoorbell. Sa ikalawang beses na ginawa niya iyon ay nakarinig siya ng pag-click. Automatic na bumukas ang mataas na gate. Napatingin siya roon, bago muling pumasok ng sasakyan at mabilis niyang minaniobra ang sasakyan papasok sa driveway. Pagkapasok niya agad na sumara ang matayog na gate, na para bang ikinubli sila sa lahat. The moment he got out of the car. Patakbo siyang sinalubong ng anak. “Daddy! Daddy!” Napalingon siya agad dito. Doon niya nakit
Kael was extra sweet when he escorted her to the bathroom of her condo. Hindi siya nito hinayaang makapagreklamo. Sa bawat galaw niya, lagi itong nakahawak sa kanya—isang kamay sa balikat, isa sa baywang—para siguraduhing hindi siya matutumba. Tinulungan rin siya nitong hubarin ang suot na dami
The drive to her condo felt like eternity. Tahimik ang loob ng sasakyan ni Kael. Tanging ang mahinang tunog ng aircon ang pumailanlang at ang mabagal na paghinga nilang dalawa. Kasalukuyang nakatingin si Maxine sa labas ng bintana, gusto niyang iwasang makipag-usap sa binata sa pamamagitan nang p
Katatapos lang nilang kumain ng breakfast, pero imbes na maghiwalay o maglinis ng mesa—ibang init ang biglang bumalot sa pagitan nila.Nakasandal pa si Maxine sa dining table habang inaayos ang mga plato nang maramdaman niya ang mabigat na presensya ni Kael sa likod niya.“Kael…” mahina niyang taw
Nasa labas na sila ng campus nang maramdaman ni Maxine na patuloy pa ring nagva-vibrate ang phone niya sa loob ng bag. Hindi niya pa rin sinasagot. Nakatingin lang siya sa screen habang patuloy ang pag-ring. Sa tabi niya, halos nakadungaw na si Sierra sa balikat niya sa kakasilip. “Girl…” b







