Share

Chapter 2

Kumabog nang mabilis ang dibdib ko habang pinagmamasdang maigi ang litarto ng isang bata sa dyaryo. Mas lalo ko pa itong inilapit sa mukha ko para siguraduhin ngunit agad akong nakaramdam nang matinding sakit sa ulo—

“Pasabugin mo ang eroplano. Lipulin mo ang lahat ng nakasakay rito.”

“Hindi ko gugustuhing may makaligtas ni isa sa kanila. Patayin ang mga Almazan.”

“D-Dad please, huwag na tayong tumuloy sa US.”

“No Dad, may masamang mangyayari. Pakiusap, pakinggan ninyo ako!”

“Let’s go. Wala na tayong oras pa.”

“Mom bumaba na tayo. Huwag na tayong tumuloy.”

“What’s happening with you? Hindi na tayo maaaring bumaba pa, Elizabeth. Paalis na ang eroplano.”

“Please! Please stop this plane right now!”

“I said stop this plane!”

“A-Ano ang nangyayari? Jusko!”

“May naglagay ng bomba!”

“Mom! Dad!—”

Agad akong napatakip sa tainga ko dahil mga naririnig at nakikita kong kung anu-ano sa paligid ko.

Mariin akong napapikit at mas hinigpitan ang pagkakatakip sa tenga. Hanggang sa naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Binalot ng lamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa tubig nang sandaling iyon.

Sa takot ko ay sunod-sunod ang naging pag-iyak at hagulhol ko.

Nanginig ang aking mga tuhod at hindi ko alam kung saan galing ng mga tunog na naririnig ko mula sa aking tenga. May mga boses ng tao, tunog ng makina, sigawan at iyakan. May mga pumapasok sa isip kong mga pagmumukha ng mga tao na hindi ko maalala kung sino pero parang kilala ko sila.

Pakiramdam ko kilala ko sila…

Agad kong niyakap nang mahigpit ang aking mga nanginginig na tuhod, takip-takip ang tainga at nakapikit ang mga mata habang sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa aking mga pisngi.

“Mom.. D-Dad… Y-yaya Lucy.” Bigla ay wala sariling usal ko.

Elizabeth!’

‘Eliza! Nasaan ang anak ko?!’

Habol-habol ko naman ang aking hininga habang pilit inaalis sa isip ang mga pumapasok na eksena sa isip ko.

Paulit-ulit ang naging pag-iling ko. Ano ito? Ano itong mga naaalala ko?

“A-Ako si Elizabeth Natasha Almazan?” Agad akong napalingon sa aking gilid at tumama ang titig ko sa aking repleksyon sa malaking salamin na nakadikit sa aparador.

Bakas parin ang takot sa mukha ko ngunit ang aking buong sistema ay nabalot ng mga tanong at pagtataka.

Sino ba talaga ako?

“Oo ikaw si Elizabeth Almazan.” Agad kong inilibot ang aking paningin nang marinig ang isang boses na umalingawngaw sa buong silid.

Agad akong napasigaw sa takot nang sunod-sunod na magsisarahan ang mga bintana at pinto ng silid.

“S-Sino ka!” sigaw habang inililibot parin ang paningin. Wala akong makitang tao sa loob.

Sino ang naririnig ko?

Muli akong napatakip ng tenga at paupong umatras hanggang sa naramdaman kong tumama ang aking likod sa malamig na pader.

Napasigaw nalang ako nang may lumitaw na repleksyon ng isang babaeng nakaputing bestida sa salamin.

“Ikaw si Elizabeth Natasha Almazan.” Usal nito habang diretsong nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko naman maipaliwanag ang malamig na hangin na bumalot sa buo kong katawan.

Nanlaki ang mata ko nang dahan-dahang lumabas mula sa salamin ang babae at nakangiti itong naglakad palapit sa akin.

Walang saplot ang kaniyang mga paa at napakadungis pa ng kaniyang itsura.

“Ang mga Hidalgo ang pumatay sa magulang mo.” Dagdag niya pa. Sa tono ng pananalita niya ay mararamdaman mo ang matinding galit. Kahit ang pagbigkas niya ng salitang Hidalgo ay may diin.

Sini siya?

Sino ang mga Hidalgo na tinutukoy niya?

Muli ay nakaramdam ako ng mas matinding kaba sa sistema ko. P-Pamilyar sa akin ang mga Hidalgo.

Sino sila?

Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nasa harap ko at nakakakilabot ang mga ngiting ipinapakita nito sa akin—

“Pasabugin mo ang eroplano. Lipulin mo ang lahat ng nakasakay rito.” Sigaw ng isang lalaki habang may kausap sa telepono.

“Hindi ko gugustuhing may makaligtas ni isa sa kanila. Patayin ang mga Almazan.” Napaatras ako sa aking narinig at ganoon na lamang ang gulat ko nang matabig ng aking siko ang plorera na nakapatong sa mesa.

Agad itong nahulog sa sahig at umalingawngaw ang malakas na pagkabasag nito sa buong silid. Mas lalo akong binalot ng kaba nang mapatitig sa akin si Tito Manuel saka dahan-dahang ibinaba ang telelepono na nasa kaniyang tainga.

Napaatras ako nang nakangisi siyang naglakad palapit sa gawi ko.

“T-Tito..” nauutal kong sabi habang patuloy parin sa pag-atras. Naramdaman kong tumama sa mesa ang likod ko dahilan upang mas balutin ako ng kaba.

“Narinig mo ba ang lahat?” nakangisi nitong sabi sa akin at nang makalapit ay hinawakan ng mahigpit ang mukha ko. Agad akong umiling habang patuloy sa pag-uunahan ang aking mga luha.

Nagulat ako nang bigla siyang bumulalas ng tawa. Umalingawngaw sa buong silid ang nakakatakot niyang tawa. Patapon niyang binitawan ang mukha ko at saka nakapamulsa akong tinignan.

“Bukas ang pinto.” Nakangiti niyang usal sabay turo sa pinto ‘di kalayuan sa kinatatayuan namin. “Sige. Magsumbong ka sa tarantado mong Ama.” Nakangiting usal nito saka ako tinalikuran.

Muli akong napailing sa mga senaryong pumapasok sa utak.

Saan galing ang mga ito? Totoo ba talagang isa akong Almazan? A-Ako si Elizabeth?

Muli akong nag-angat ng tingin sa babaeng nasa harap ko.

“S-Sino ka?! P-Paano mo nakilala ang mga Hidalgo!” sigaw ko at ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis sa harap ko na para bang may isang bagay na masayang inaalala.

Humakbang pa siya palapit sa akin saka umupo upang magkapantay ang mga mukha namin. Pinilit ko pang unatras kahit pader na ang nasa likod ko.

Nagsitayuan bigla ang mga balhibo ko nang bumalot sa silid ang napakalamig na hangin.

Nakasara ang mga bintana, saan nanggaling ang hangin?

“Ako si Celestine Sandoval-Hidalgo.” Mataman na usal niya at napapikit naman ako nang haplusin niya ng kaniyang daliri ang pisngi ko.

N-Napakalamig ng kaniyang daliri. Doon ko lang napagtanto sa malapitan na ang napakadungis niyang suot ay nababalot pala ng dugo at putik. Hindi ako nakapagsalita at pakiramdam ko ay nanigas ang aking katawan sa kaniyang ginawa.

“Dating asawa ni Emmanuel Hidalgo.” Dagdag pa nito ngunit, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Napalitan na naman ito ng matinding galit. Hindi lang basta galit kundi matinding poot.

Kung kanina ay napakaamo nitong tignan, ngayon ay para na itong demonyo na galit na nakatingin sa mga mata ko. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at nakakakilabot ang kaniyang mga ngiti. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Nanatili lang itong nakaawang at pinagmamasdan siya sa harapan ko.

“Walang awa niya kaming pinatay ng anak ko.” Bigla ay naging malungkot ang kaniyang boses. Nangilid ang mga luha sa mata niya. Nakita kong pasimple siyang humawak sa kaniyang tiyan na sinundan ko ng tingin. “Sinaktan, binugbog at inilibing ng buhay.” Dagdag niya pa at ayun na naman ang malamig na hangin na bumalot sa buong silid.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ko at nandoon parin ang galit sa kaniyang mukha.

“Pareho tayong pinaglaruan ng mga Hidalgo, Eliz.” Dagdag pa niya. “At gusto kong maghiganti!” sunod-sunod na lunok ang nagawa ko nang tumitig siya sa akin.

Muli siyang lumapit sa akin at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Nagtaka naman akong tiningnan ang kamay niya at nakita kong tumango siya na agad ko namang naintindihan ang ibig sabihin.

Nanginginig man ay inabot ko ang kamay ko sa malamig niyang kamay na nakalahad saka ako marahang hinila patayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

Iniharap niya ang sarili ko sa malaking salamin na nasa aparador. Marahan akong naglakad palapit sa repleksyon ko. Nakakatakot sapagkat repleksyon ko lang ang nakikita ko rito. Hindi ko makita ang repleksyon niya sa salamin.

Naramdaman kong muli ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko. “Hayaan mo akong ipaghiganti kita sa mga Hidalgo.” Sabi niya at agad naman na nagsalubong ang kilay ko.

“A-Ano ang ibig mong sabihin?” kinakabahan kong tanong at ayun na naman ang nakakatakot niyang ngiti na para bang isang nakakakilabog na ideya ang naglalaro sa isip niya

“Hayaan mo akong gamitin pansamantala ang katawan mo at ipapangako ko sa iyo na sa oras na umalis ako ay nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya mo.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga sinabi niya sa akin.

Dahan-dahang lumabo ang paningin ko nang maramdaman kong dumampi ang kamay niya sa may bandang puso ko. Naramdaman ko nalang ang mainit na pakiramdam na bumalot sa buo kong katawan. Para akong pinapaso at at binabalot ng umaalab na apoy. Hindi ako makahinga ng maayos pakiramdam ko ay iniipit ang katawan ko. Pakiramdam ko ay sumikip ang silid. Wala akong hangin na nalalanghap.

“Maghihiganti tayo Elizabeth. Maghihiganti tayo.”

Namalayan ko nalang na bumagsak ako sa sahig at narinig ang malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto.

“Yuna! Anak!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status