Share

Chapter 3

“NANDITO na po tayo Madam.”

Marahan akong dumungaw sa labas ng sasakyan nang marinig ang sinabi ng aking personal driver.

Marahang sumilay ang ngiti sa aking labi nang mapagmasdan ang mga taong nakatayo sa entrada.

Maraming salamat, Eliz. Rest assured, I’ll make sure this night will be memorable for the both of us. 

A night of revenge.

Agad kong inayos ang postura ko at sinuot ang aking hawak na sunglasses. Bumukas ang pinto ng sasakyan at dahan-dahan naman akong bumaba. Ninanamnam ang naaamoy kong tagumpay na paghihiganti.

I can’t wait to see him.

Napalingon sa akin ang lahat pagkalabas ko. Muli akong napangiti nang mapansin ang kakaibang titig na ipinupukol ng mga ito sa akin.

Kitang-kita ang pagtataka at tanong sa kanilang mga mata ngunit may iilan naman na kakikitaan ng bahagyang paghanga.

Deretso ang tingin ko sa daan at hindi inalintana ang kanilang mga bulungan.

“This way po, Madame Eliz.” Iginaya ako ng aking sekretarya papasok sa hall ng hotel kung saan gaganapin ang narinig kong kasiyahan.

Mataman akong naglakad sa ibabaw ng pulang carpet habang ginagawaran ng pormal na ngiti ang mga taong napapalingon sa akin. 

Expect for a big revelation tonight.

Agad akong nagtungo sa table na naka reserba para sa akin. Ngunit bago ko pa mahila ang silya ay mag naghila na nito para sa akin.

Marahang kumunot ang aking noo saka ito nilingon ng bahagya. Bumungad sa akin ang isang binatilyong kulay porselana ang balat. Singkit ang kaniyang mga mata at tila mapaglaro ito kung makangiti.

“Hindi nararapat na hinahayaang maghila ng sariling silya ng isang binibining kagaya mo.” Nakangiting sabi nito sa akin.

Nagulat man ay pilit parin akong ginawaran siya ng ngiti. “Salamat.” Pormal kong usal at maingat na naupo sa silya.

“Pwede ko ba malaman ang pangalan mo, Binibini?” dagdag pa nito at umupo sa tapat ko.

Pinasadhan ko ng tingun ang itsura niya saka napailing. 

Tila may kahawig siya.

“Hindi mo gugustuhing makilala ang isang katulad ko hijo—” agad akong natigilan sa aking sinabi. “—Ginoo.” Marahan akong tumikhim at ibinalik ang tingin sa harap kung saan nagsisimula nang magsalita ang event organizer.

Mukhang ako oa yata ang makasisira nitong plano ko.

Marahan kong tinampal ang aking sarili.

Kailangan kong mag-ingat sa mga kilos ko. Walang dapat na makakilala sa akin.

Naramdaman kong bahagya siyang natawa sa isinagot ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa at binigyang pansin. 

I focused myself infront nang magsimula nang magsalita sa harap ang isang babae. 

Aliw na aliw na nakinig ang lahat sa mahaba niyang sinabi. May mga nagpapalakpakan ag naghihiyawan pa sa tuwa.

Tch.

“I will now call on Mr. Emmanuel Hidalgo to give a short message for the re-opening of his Peraya Toy Industry. Let’s give him a round of applause, please.”

Peraya Toy Industry?

Napailing nalang ako nang mamataan si Emmanuel na paakyat at ngiting-ngiting tumayo sa harap. He kept bowing his head to show appreaciation to everyone. 

Napaka-peke mo talagang hayop ka. Sige lang, dahil sa susunod na akyat mo sa entablado, kilala ka na ng lahat ng tao. Kilala ka na bilang isang buhay na demonyo.

Agad na nagbago ang ekspresyon ng aking mukha. Naiyukom ko ang aking kamao nang muling maramdaman lahat ng galit at sakit na ginawa niya sa akin noon. 

Lahat-lahat ay tila bumalik sa aking ala-ala.

Lahat ng sakit at pagdurusa tiniis ko sa kamay niya. Lahat ng iyon ay kailanman hindi ko nakalimutan. Nawala man ako ng labin-walong taon, presko parin sa alaala ko lahat.

“Good evening everyone.” Paunang salita niya saka tumikhim. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid kaya marahan din akong nakipalakpak. 

“Gusto kong magpasalamat sa pagpunta ninyo sa malaking event na ito. Hindi ko na patatagalin pa.” Huminto siya at ginawaran ng matagumpay na ngiti ang lahat. Someone handed him a glass of wine. Kinuha niya ito saka inangat sa ere. 

“The re-opening of Peraya Toy Industry is not anymore owned by Almazan’s.” Agad na naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Someone even shouted congrats and finally. Hindi ko alam kung kamag-anak ba niya iyon o ano.

Ngumiti ka lang Emmanuel. Dahil sisiguraduhin kong pagkatapos niyan ay hindi ka na makakangiti pa ulit. Ni ang pagbuka mo ng iyong mga labi ay hindi mo na rin magagawa. 

“Alam naman natin ang nangyari sa buong pamilya nila at labis itong ikinabahala at ikinalungkot ng lahat. Lalo na ako, na naging kanang kamay ni Eduardo sa negosyo.” tila ay may lungkot sa boses niya pero ang itsura niya ay hindi man lang mababakasan ng pagkadismaya.

How can he fool people with his words?

Isa ako sa mga naloko niya sa mga salita niya kaya nagawa ko siyang pakasalanan noon. He's very sweet yet manipulative by his words. Yung tipong hindi mo siya kayang pagdudahan. He sound so genuine and true.

“Limang taon.” Marahan siyang napayuko at nagkunwaring nagpahid ng luha sa mga mata.

Mga pangmamanipula mo talaga, Emmanuel. Isa kang malaking gago.

“Limang taon na ang lumipas matapos nangyari ang trahedya at nangunguna parin ang Almazan sa pinakamayamang negosyante ng ating bansa, at dahil iyon sa akin…” 

Sige lang, magsaya ka muna riyan sa kinatatayuan mo. Make them believe in your words. Dyan ka magaling diba.

“Kaya ngayon, nais kong buksan muli ang paggawaan ng laruan ng mga Almazan sa pangalan ko. Ako na ang magpapatakbo sa lahat ng kanilang mga ari-arian—”

Halos mapasigaw ang lahat nang mamatay ang ilaw sa paligid. Marahan akong tumayo at nang tumama ang nag-iisang ilaw sa akin ay agad akong ngumisi ng nakakaloko.

Sinigurado kong makikita ng lahat ang ngiting iyon. Lalong-lalo na si Emmanuel.

Nasa akin na ang lahat ng atensyon at ayun na naman ang mga nakakarinding bulong-bulungan sa paligid.

Naglakad ako palapit sa gitna at saka umakyat sa maliit na stage na nasa harap. Hindi maalis ang titig ng lahat sa akin lalo na ang mga titig ni Emmanuel na labis ko namang ikinatuwa.

Kinuha ko ang mikropono na nasa kamay niya at saka naman bumukas ang lahat ng ilaw na nagpaliwanag sa buong hall. 

Mas lalong lumakas ang bulungan at hinintay ko naman na tumahimik muna iyon bago ako magsalita.

Napangiti naman ako nang biglang awatin ng mga gwardiyang kasama ko si Emmanuel na magtatangka pa sanang lapitan ako.

"What the hell is happening?!" Dinig ko pang tanong ni Emmanuel sa mga gwardiya ko pero hindi siya nito sinagot.

“What’s with your faces?” natatawa ko pa kunyaring sabi sa mikropono tinutukoy ang mga nagtataka nang mukha ng mga tao.

Nilingon ko muli si Emmanuel na ngayon ay hindi na maiguhit ang itsura at nagpupumilit na kumawala sa pagka- kahawak ng mga ito..

“Una sa lahat, gusto ko munang magpakilala para naman hindi ganyan ang mga itsurang ihaharap ninyo sa akin.” Sabi ko at saka ngumiti ng pormal. 

“I am Elizabeth Natasha Almazan. Daughter of Eduardo and Mikaela Almazan.”

"Elizabeth?"

"Pero patay na ang mga Almazan."

"Paano nangyari iyon?"

Kung kanina ay malakas na na bulungan ang bumalot sa buong hall, ngayon hindi ko akalaing may ilalakas pa pala iyon. Mataman kong tinignan si Emmanuel na ngayon ay hindi na makapaniwala ang itsura. Marahang nakaawang ang kaniyang labi at nakakunot ang kaniyang noo na nakatitig sa akin.

“Maybe, I don’t need to show some evidences in front of you right now. Pero kung duda talaga kayo. You can ask my personnels to give you all what you need. Even my DNA results.” Walang gana kong sabi.

“Well, ayoko nang sayangin ang oras ko sa walang kwentang event na ito. I’m here, just to tell you that…” Huminto ako sa pagsasalita at tinignan muli ng diretso si Emmanuel.

Gustong-gusto kong makita ang bawat reaksyon niya sa sinasabi ko. Ngumisi ako sa kaniya na dahilan upang makita ko ang nagtitimping galit sa mga mata niya. 

Sige.. Ilabas mo ang kademonyohan mo.

“Almazan’s property, will always be Almazan’s. Walang katiting na parte nito ang mapupunta sa mga Hidalgo.” Dagdag ko pa at nakangiting tumango-tango sa harap ng lahat.

“I will announce now the closing of this event. Thank you for coming. You can now leave.” Ngumiti pa akong muli bago umalis sa harap nilang lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status