Share

The Battered Wife's Wild Vengeance
The Battered Wife's Wild Vengeance
Author: MswRIGHTer

Prologue

“EMMANUEL, Maawa ka bitawan mo ako. Ano ba!” Sigaw ko matapos niya akong kaladkarin sa lupa. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko at pakiramdam ko’y anumang oras ay mapuputol na sa tindi ng pagkakahila niya sa akin.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ngunit sobrang nanghihina ako para mapagtagumpayan iyon. Animo’y isa akong hayop na hinahandang katayin sa ginagawa niya.

Hindi ito ang unang beses. Halos araw-araw niya akong ginugulpi at sinsaktan.

Wala akong ibang magawa kundi ang magmakaawa at umiyak sa harap niya.

“Emmanuel, pag-usapan natin ito. Maawa ka!” nanghihina man ay pinilit kong magsalita. “Huwag ganito pakiusap.”

Ngunit patuloy lang siya sa ginagawa niya na parang wala man lang narinig. Patuloy ang pagkaladkad niya sa akin sa kung saan man niya ako binabalak na dalhin.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa mga pasa at bubog na ginawa niya sa akin.

Maya maya ay huminto siya sa paglalakad. Patapon niya akong binitawan mula sa pagkakahawak sa braso at tsaka ay inihagis sa lupa. Halos masubsob ko ang mukha ko sa putik dahil sa ginawa niya, mabuti nalang at naiharang ko agad ang kaliwa kong braso bago pa mangyari ito.

Basang-basa ang mukha ko sa magkahalong luha at pawis na patuloy na tumatagaktak. Naramdaman kong umupo sa harapan ko si Emmanuel, hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos niya ito ng kaniyang madungis na kamay.

Marahan kong nailayo ang aking mukha dahil sa matinding pandidiri na naramdaman. Nanayo ang lahat ng balahibo ko sa ginawa niya. “E-Emmanuel, t-tama na-“ usal ko nang may pagmamakaawa sa boses.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang higpitan ang hawak sa mukha ko. Unti-ubti kog nalasahn ang dugo sa bibig ko kaya napapikit nalang akong napaiyak. Ang kaniyang mga kuko ay tila bumaon sa aking balat dahilan upang maramdaman ko ang matinding paghapdi nito. Muli akong napapikit na pwersa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

“Celestine…” Tila malumanay na usal niya kaya agad akong nagmulat ng mata. Akala ko ay bibitawan na niya ako mula sa pagkakahawak ngunit mas hinigpitan niya pa ito lalo. Mistulang nag-apoy ang mga mata niya sa galit. Napaubo ako ng sunod-sunod. Dugo na ang lumalabas na laway sa bibig ko.

Sobrang naghahapdi na ang panga ko sa ginagawa niya.

Demonyo ka, Emmanuel!

Hindi ko na lamang sinubukang magsalita pa. Ininda ko lahat ng sakit nang sandaling iyon. Sukong-suko na ako, pati ang katawan ko ay sukong-suko na rin pero hindi pwede.

Maya-maya ngumiti siya sa harap ko at sunod- sunod na napailing tila natutuwa sa nasisilayan niya.

“M-maawa ka..” halos pabulong ko nang usal. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa akin pero hindi siya bumibitaw sa halip ay mas lalo niya lang itong hinihigpitan.

“Maawa?” inosente niyang tanong at tumingala pa sa itaas na animoy iniisip kung ano ang bagay na iyon saka muling tumingin sa akin at ngumisi.

“Wala sa bokabolaryo ko ‘yan Celestine. Alam mo ‘yan.” Iiling-iling niyang sabi saka tumayo at pinagpagan ang maduming damit.

Nagulat ako nang bigla niyang tadyakan ng malakas ang puson ko kaya napasigaw ako at napapilipit sa sakit.

Agad akong napahawak sa tiyan ko at inalala ang kalagayan ng aming anak na nasa akin pang sinapupunan.

Hindi-hindi…

Huwag ang anak ko.

Nagulat ako nang makitang nagkalat ang dugo sa aking palda.

H-hindi…

Ang anak ko.

H-hindi pwedeng mawala ang anak ko!

Pinilit kong tumayo habang iniinda parin ang sakit ngunit isang tadyak na naman sa puson ang natanggap ko mula sa kaniya.

Napahiga ako habang hawak-hawak ang tiyan at nakapikit sa sakit ng nararamdaman.

“Nakuha ko na sa’yo ang lahat, Celestine. Ang pag-aari at mga pamana sa iyo.” Sabi niya.

Agad akong napaatras nang makitang pulitin niya sa kung saan ang isang makapal na kahoy.

Agad akong binalot nang matinding kaba at takot.

A-Ano ang gagawin niya?

Naglakad siya papalapit sa akin habang pabiro pa itong ipinapalo sa kabila niyang kamay.

Pahiga akong umatras palayo sa kaniya habang patuloy parin sa pagmamakaawa at pag-iyak.

Jusko, tulungan n’yo po ako

“Ngayon sabihin mo sa akin kung ano pa ang silbi mo para buhayin kita.” Gustuhin ko mang tumakbo palayo ay nawawalan na ako ng lakas na gawin iyon. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko habang nakatingin sa kahoy na hawak niya.

Gusto ko mang iligtas ang sarili ko lalo na ang buhay ng magiging anak ko p-pero wala akong magawa.

Tumatawa-tawa pa niya akong pinagmasdan habang nagpupumilit sa pag-atras palayo ngunit hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi nang maramdaman ko nalang ang malakas na pagpalo ng matigas na bagay sa likod ko.

NAGISING ako sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Pinilit kong imulat ang aking mga mata sa kabila ng mga pasa at sugat na natamo nito. Sobrang hapdi ng aking katawan at mukha. Mas lalo pa itong humahapdi sa tuwing natutuluan ito ng aking luha at pawis.

Pinilit kong buksan ang mga mata ko at nang mapagtagumpayan ko iyon ay ganoon nalang ang gulat na naramdaman ko nang mapagtanto kong nakahiga ako sa isang hukay.

Agad akong napatingin sa katawan ko at nakita na ang kalahati nito ay natatabunan na ng lupa.

“E-Emmanuel…” mahinang usal ko at pinilit na tumayo mula sa pagkakahiga. Ngunit sadyang mahina ang katawan ko at napakabigat ng mga bato at lupang halos nakatabon na sa akin.

“Celestine.” Bigla ay nakita ko sa may uluhan ko si Emmanuel. Nakangiti at pawis na pawis.

Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang pala na ginawa niya pang panukod habang nakamasid sa aking kinalalagyan

“H-huwag m-mo itong gawin p-pakiusap.” Pagmamakaawa ko ulit sa kaniya. “A-ang anak natin.. M-maawa ka sa anak natin Emmanuel.” Kahit nanghihina na ay pinilit ko paring magsalita at magmakaawa sa harap niya.

Matunong itong ngumisi saka biglang lumambot ang mukha. “Patawarin mo ako Celestine. Kung papakawalan kita, buhay ko naman ang masisira. M-makukulong ako, ako ang magdudusa…” animo’y parang batang takot na takot na usal niya. Muling nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“Pero kung mawawala ka, walang sagabal sa buhay ko.” Dagdag pa nito saka muling ngumiti na parang demonyo.

“Kaya hindi— hindi kita pwedeng pakawalan. Buburahin nalang kita sa mundo para hindi ka na maghirap. Diba, pagod ka na?” Magsasalita pa sana ako ngunit agad na niyang tinabunan ng lupa ang ulo ko.

Napaubo ako at napasigaw sa sakit nang tamaan ang mata ko. Sobrang-hapdi, hindi ko alam kung paanong makaalis dahil natatabunan na ang kalahati ng katawan ko.

Kahit anong pagpumiglas at lakas pa ang ibuhos ko upang makaalis doon ay hindi iyon naging sapat.

Ilang minuto ang lumipas ay dahan-dahang humina ang aking paghinga.

Naramdaman ko nalang ang sarili kong unti-unti nang nawawalan ng lakas.

Hindi pa ako tapos.

Tandaan mo maghihiganti ako, Emmanuel Hidalgo.

Habang buhay kong isusumpa na hinding-hindi ka sasaya sa magiging buhay mo. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin at sa anak natin.

Babalikan kita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status