Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli.
Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan.Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee.Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong.Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya."Alea. Alea." Ang mahinang pagtapik sa kamay niyang nakaakbay kay Mayumi ang nagpamulat sa mga mata niya.Bumungad sa kan'ya ang magkasalubong na kilay ni Pio."Nandito na tayo," anito.Pasimple niyang pinahid ang luhang nangingilid pa lang sa mata at ginising si Mayumi.Sila ang huling bumaba kung saan inalalayan sila ni Pio. Lakad at takbo ang ginawa nila dahil malalaki ang hakbang na ginagawa nito patungo sa kung saan. Gayunpaman, ay nagawa niya pa'ng ilibot ang paningin. Maraming tao doon at lahat ay abala sa kan'ya-kan'yang gawain. Mayroong nagsasampay ng damit, naglalako ng isda at gulay, mga naglalarong bata at nagkwekwentuhang mga nanay sa tabi. Malayong-malayo sa sitwasyon nila sa squatter's area.Tumigil si Pio sa tapat ng isang kubo na may mga lamesa at upuan sa labas. Nabasa n'ya roon ang pangalan na Juliano na nakasulat sa itim na karatula. Sumunod sila hanggang sa loob, kung saan nakaburol ang matanda.Hindi niya alam kung paano aakto nang lapitan na ng ilang tao doon si Pio upang kausapin. Umiiyak na ito at pinanood niya na lamang na lumapit sa ataol."Kaibigan ka ba ni Pio?" tanong sa kan'ya ng isang ginang na nakasuot ng bulaklaking daster at may hawak na abaniko.Hindi niya alam ang isasagot. Hindi pa naman sila magkaibigan at wala din siyang plano na kaibiganin ito."Teka, ikaw ba ang tunay niyang kapamilya? Bumalik na ba ang alaala niya?" Tila nasasabik nitong tanong na nagpakunot sa noo ni Alea.Alaala? May sakit ba si Pio?"Hindi po. Sumama lang po kami kay Pio dito para magbakasyon," sagot niya.Tumango-tango ang ginang at pinagmasdan pa silang magkapatid nang maigi.Maya-maya pa'y inasikaso na sila nito nang pakiusapan ni Pio.Dalawang araw pa silang nanuluyan doon. Hinihintay niya munang matapos ang burol bago siya magpaalam para maghanap ng sariling matutuluyan kagaya nang sinabi niya dito bago sila isama sa isla.Alam niyang nangako siya kay Pio na ang pagsama sa kanila sa Isla Irigayo ay ang huling pabor na hihilingin niya ngunit ang totoo'y hindi niya alam kung paano at saan magsisimula lalo pa't baguhan siya sa lugar. Mauunawaan naman siguro nito kung hihingi muli siya ng tulong sa huling pagkakataon.Nang gabi matapos ang libing ay naabutan niya si Pio na nakaupo malapit sa dalampasigan. Tamad itong nagtatapon ng bato sa dagat.Lakas-loob siyang tumabi dito.Naramdaman niya ang sandaling pagsulyap nito sa kan'ya. Kumuha siya ng bato at itinapon iyon sa dagat na tatlong beses pa'ng dumapo sa ibabaw ng tubig bago dumiretso sa ilalim."Si tatay kaya niyang padapuin ng limang beses sa ibabaw ng tubig ang bato bago ito lumubog," saad niya.Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanila bago magsalita si Pio."Iyon ba 'yong lalaking nagsusugal na naabutan natin kahapon?" tanong nito.Bumusangot si Alea nang marinig iyon."Hindi iyon ang tatay ko. Malayong-malayo iyon sa tatay ko. Si tatay masipag, mapagmahal at mabait. Si T'yo Leo, sugarol, lasinggero, walang ibang inisip kun'di ang sarili at higit sa lahat walang pagmamahal sa puso. Kung ako nga lang matagal ko nang pinabayaan iyon, kaya lang ay iniisip ko si Mayumi. Tunay niyang tatay iyon at mahal niya."Estranghero pa din si Pio para sa kan'ya ngunit hindi niya malaman ang dahilan kung bakit tila isang normal na bagay lang ang magkwento siya dito."Kung gano'n pala, bakit sa kan'ya ka nakatira at hindi sa tatay mo?"Ang bato na dapat sana ay itatapon ni Alea sa dagat ay nabitiwan niya dahil sa tanong ni Pio."Wala na siya," tipid niyang sagot. Ilang ulit siyang lumunok ng sariling laway upang mapigilan ang malungkot na emosyong dumadapo sa puso niya . Matagal nang nangyari iyon, subalit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kayang ikwento."Mas kailangan na kasi siya ng Diyos sa taas kaya kinuha na siya." Pilit siyang ngumiti at tumingin sa kalangitan.Bumaling siya kay Pio na sinundan pala ang tingin niya sa mga bituin. "Sigurado ako na kailangan na din doon si Mang Julian, kaya kinuha na siya sa'yo."Hindi sila ganoon magkasundo ni Pio para bigyan niya ito ng payo, subalit may nag-uudyok sa kan'ya na pagaanin ang kalooban nito.Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Pio."Apat na buwan na ang nakakalipas nang tangayin ako ng alon dito sa isla. Si Manong Julian ang unang nakakita sa akin habang nangingisda siya. Niligtas niya ako at inalagaan na parang tunay na anak. Noong una nga akala ko siya ang tatay ko dahil wala akong maalala. 'Ni pangalan ko nga hindi ko alam. Tinawag niya na lamang ako'ng Pio. Sobrang gaan ng loob ko sa kan'ya. Hanggang sa isang araw, nagkasakit siya. May komplikasyon na pala siya sa baga dahil sa labis na paninigarilyo. Naging bisyo niya na upang maibsan ang kalungkutan simula nang malunod ang asawa at nag-iisa niyang anak na lalaki. Tumigil lang siya nang dumating ako, kaya lang huli na. Kaya ako napilitan na magtrabaho nang ganoon sa lungsod para maipagamot siya."Bawat tao ay may malalim na dahilan kung bakit ginagawa ang isang bagay na sa paningin ng iba ay hindi kaaya-aya at walang moral.Lihim na napangiti si Alea. Sa unang pagkakataon naramdaman niyang hindi siya nag-iisa. May isang kagaya niya na handa rin kumapit sa patalim para sa minamahal.Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi."Alea! Alea!" Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip.Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya.Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya."Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit. Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si Mayu
"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril.""Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat."Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina.Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla.Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan."Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka tala
Hindi na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ng kutsarita sa tasang pinagtitimplahan ni Alea ng kape subalit nagpatuloy pa din siya sa paghahalo, animo'y handa siyang gawin iyon sa buong magdamag huwag lamang makaharap si Pio sa hapag."Ate, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mayumi na malapit nang maubos ang agahan.Napakamot ng batok si Alea at nakayukong lumapit sa hapag. Tahimik siyang nagsandok ng pagkain at kinokontrol ang mga mata na sa kan'yang plato lamang tumingin.Hindi pa man siya nakakasubo ay tumayo na si Mayumi. Animo'y naalarma si Alea at kaagad itong pinigilan."Pero ate, tapos na ako'ng kumain. Isa pa'y nasa labas na si Potpot. Sabay kaming papasok sa eskwela."Oo nga pala, pinakiusapan niya ang paaralan doon na tanggapin si Mayumi kahit malapit nang matapos ang school year. Maigi na iyon para hindi na maisip ng kapatid niya ang maglayas.Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Mayumi hanggang sa makalabas ito ng pinto. Nagsimula nang mahaluan ng pagkailang ang han
"Baka mayaman ka Kuya Pio? Balatuhan mo kami ni ate kapag bumalik na ang alaala mo," masayang saad ni Mayumi habang pinapakinggan niya ang pagkwekwento ni Pio tungkol sa alaalang sumagi sa isipan nito kung saan may malaking party itong dinaluhan at maraming pamilyar na taong nakasuot ng pormal na damit ang binabati ito ng congratulations."Mayumi! Ano'ng sabi ko? 'Di ba, hindi dapat nanghihingi? Mas mabuti nang bigyan tayo nang kusa kaysa humihingi tayo. Lahat ng bagay dapat pagtrabahuhan natin sa marangal na paraan," seryosong pagsita ni Alea sa kapatid habang hinihilot ang sintido.Umagang-umaga ay sumasakit ang kan'yang ulo at nahihilo pa. Gusto niyang isipin na nasobrahan siya sa tulog kahit tama naman iyon sa oras."At saka kung mayaman ka talaga Pio, sana'y marami nang binayarang tao ang pamilya mo para hanapin ka," dagdag niya pa sa naiiritang tono.Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa dalawang kasama sa bahay.Walang naging sagot si Pio ngunit nahalata niya ang pasimplen
Hawak-hawak ang isang bag na naglalaman ng mga damit nila ni Mayumi ay tinungo na ni Alea ang pampasaherong bangka. Maaabutan pa nila ang byahe ng bus patungo sa siyudad.Alam niyang lubhang delikado ang pagbabalik nila lalo pa't ayon sa kapatid ng kan'yang amain ay pinatay ito ng mga tauhan ni Mr. Lee. Kung totoo man iyon, maaaring isa lamang itong patibong upang magpakita siya at gawing pambayad sa utang. Pinagmasdan niya si Mayumi na tulalang nakasunod sa pila ng mga pasaherong sumasampa sa bangka. Namamaga ang mga mata nito buhat sa buong gabing pag-iyak. Hindi niya nanaisin na madagdagan pa ang pighati nito kung hindi masisilayan ang ama kahit sa huling pagkakataon.Magiging maingat na lamang siya at sisiguraduhing makakabalik sa isla matapos ang libing."Nakikiramay ako, Alea," ani Tonyo na siyang umaalalay sa mga sumasakay sa bangka.Pinasalamatan niya ito at akma nang hahawakan ang braso upang maayos na makasampa sa bangka nang isang mainit na palad ang bumalot sa kan'yang pa
Masuyong minamasahe ni Mayumi ang kamay ni Alea habang nakatago sila sa makipot na eskinita patungo sa kabilang barangay. Mula sa kinauupuang malamig na semento ay mga bulungan na lamang ng mga usisero ang naririnig ukol sa malungkot na tagpong nagaganap sa Barangay Oronuevo."Ate, ayos ka lang ba? Natatakot na ako."Napadako ang kan'yang tingin sa kapatid. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kamay niya at masuyo iyong hinaplos."Maayos lang ang ate. Huwag ka'ng matakot. Nagugutom ka na ba?"Kasinungalingan. Kagaya nang kapatid niya natatakot din siya. Takot siya sa masakit na alaalang hindi nilulubayan ang kan'yang isipan."Si Kuya Pio po?" tanong nito.Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid.Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi niya man lang namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras. Paniguradong hindi na nag-abala ang kapatid ng kan'yang amain na hintayin sila. Pero iba si Pio dahil kahit dalawang buwan pa lang silang magkakilala alam
Masyado nang mahaba ang gabi para kay Alea at sa kan'yang kapatid ngunit hindi yata dadapuan ng antok ang una dahil panay pa din ang paglingon nito sa tabi ng daan. Kulang na nga lang ay utusan niya ang katabi na bagalan ang pagmamaneho upang masiyasat niya nang maigi ang bawat sulok at nang masiguro na hindi niya nalipasan si Pio."Huwag ka mag-alala, hindi tayo masusundan ng mga iyon," ani Attorney Arim Valle na siyang naglitas sa kanila.Si Attorney Arim ay matagal niya nang kakilala buhat nang manilbihan siya sa karinderia sa palengke. Pampublikong abogado si Arim at masasabi niyang napaka-simple nito. Mabait at walang arte sa katawan kahit pa buhat ito sa mayamang angkan."Hinahanap ko kasi si Pio," pag-amin niya. Baka sakaling matulungan siya nito."Pio? May nobyo ka na ba? Don't tell me, nagpakasal ka na kaya matagal ka nang wala sa karinderia?" sunod-sunod ang naging tanong ni Arim sa kan'ya na kaagad niya din naman pinabulaanan."Kaibigan ko siya. Nagkahiwalay kami kanina nan
Naniniwala ka ba sa hipnotismo?Pakiramdam ni Pio ay ito ang tawag sa nangyayari sa kan'ya ngayon.Hindi niya magawang ialis ang tingin sa mestisang babae na mayroong mahabang buhok. Nakadungaw ito sa bintana ng magarang sasakyan kasama ng demolition team.Pakiramdam niya'y nakita niya na ito kung saan ngunit nahihirapan siyang alalahanin iyon. Pumikit siya at hinilot ang sintido, pilit na inaalala ang pagkakakilanlan ng babae.Dumilat siya nang maramdaman ang mabagal na pag-usad ng sasakyan mula sa mabigat na daloy ng trapiko.Lumalayo man ay hindi niya mabawi ang pagtingin dito."Eunice..." kusang lumabas ang pangalan na iyon sa kan'yang bibig."Sandali po!" saad niya sa driver na hindi pa man naitatabi ang sasakyan ay bumaba na siya.Wala siyang ibang nakikita at naririnig dahil ang isipan niyang okupado ng mga pira-pirasong alaala na unti-unting nagdudugtong sa bawat isa.Kasabay nito ay ang tila pamamanhid ng kan'yang katawan at pagsakit ng ulo, subalit pilit niyang nilalabanan a