Home / Romance / The Billionaire CEO's Great Love (Book 2) / Chapter 5 - The Weight of Revenge

Share

Chapter 5 - The Weight of Revenge

Author: Sweet Kitty
last update Last Updated: 2025-12-28 21:34:10

Eunice's POV

“Ah! Axel, tama na! Masakit!” palahaw ko nang simulang humampas ang sinturon niya sa aking likod, bilqng parusa sa pagkakasunog ng polo niyang hindi ko naman sinasadya.

“Oh, it hurt? Can you imagine how I feel at my young age, your mother did this to me?” sigaw niya bago ibinigay ang pang-apat na hampas. "I begged, pero napakasama ng ina mo!”

Napadapa ako sa sahig, patuloy na umiiyak, hindi lamang sa pisikal na sakit kundi pati sa kirot na bumabalot sa puso ko. Alam kong mas higit pa ang dinanas niya noon sa kamay ng ina ko.

Akala ko’y sa salita lamang siya malupit. Oo, nasasaktan niya kami ni Ate Daphnie, ngunit hanggang sampal lang.

Ang ginawa niya kay Axel… Lumikha siya ng halimaw. Isang halimaw na ngayon ay handang wasakin ang buhay ko.

“A-Axel, wala akong kinalaman sa ginawa sa’yo ni Mommy. Bakit mo ako pinahihirapan nang ganito?”

"Your parent's blood runs through your veins, Eunice.” Sigaw niya.

“Pero hindi ko kasalanan iyon Axel. Hindi ko hiniling na ipanganak sa mundong ito, at hindi rin ako maaaring pumili ng magiging magulang ko!” sigaw ko sa pagitan ng paghikbi.

“Sana maintindihan mo iyon,” dugtong ko sa nanginginig na boses.

Saglit siyang natigilan. Hindi huminto ang pagtaas-baba ng dibdib niya, at sa mga mata niyang puno ng galit ay may kung anong kumislap—isang bagay na hindi ko agad maipaliwanag kung awa ba iyon o mas malalim na sugat.

Ngunit mabilis din iyong napalitan ng malamig na tawa.

“Hahaha!. Maintindihan?” ulit niya, mapait. “In every night I cried, in every moment when fear and anger were my only companions—where was the understanding, huh?! Eunice?” Lumapit siya sa akin, at kahit wala na ang sinturon sa kamay niya, mas ramdam ko ang bigat ng presensya niya kaysa sa mga hampas kanina. “Every tear I shed back then has its price now.” Aniya habang nakangisi! Halimaw talaga siya!

Niyakap ko ang sarili ko, parang sa ganoong paraan ay mapoprotektahan ko pa ang natitira kong pagkatao. "Hindi pa ba sapat na wala na ang mga magulang ko?”

Sandaling tumahimik ang paligid. Tanging ang hikbi ko at ang mabigat niyang paghinga ang maririnig. Nakita kong kumuyom ang kamao niya.

“Dahil ikaw ang pinakamadaling saktan,” malamig niyang sagot sa huli. “At dahil kapag nasasaktan ka, I feel like… I’m finally getting the justice.”

Parang may humiwalay sa dibdib ko sa mga salitang iyon. Hindi na ako umiyak nang malakas. Tahimik na lang, dahil sa sandaling iyon, naunawaan ko ang mas masakit na katotohanan—hindi lang ako biktima ng galit niya.

Isa akong paalala ng nakaraan niyang hindi niya kayang kalimutan.

At habang nakahandusay ako sa sahig,naisip ko na na kung ito ang simula ng paghihiganti niya, hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayaning mabuhay sa impyernong siya mismo ang lumikha.

"And I already told you, Eunice. I don’t want to hear your voice. Every word you uttered earlier earned you a lash.”

Aniya, saka kinuha muli ang sinturon at sinimula akong hampasin kahit saan tumama, wala siyang pakialam.

Gusto kong sumigaw sa sakit, gusto kong umiyak nang walang tigil, pero pinigilan ko ang sarili. Ayokong palalain pa ang galit niya, ayokong dagdagan pa ang kirot ng katawan kong sugatan at pinipilit lang tiisin ang bawat hampas niya.

Nang tumigil siya sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag. Ramdam ko na ang pamamanhid ng katawan ko sa sakit na dulot ng paghampas niya sa akin ng sinturon.

Walang sabi-sabi, mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad palabas ng silid niya.

Pagdating sa labas, basta na lamang niya akong ibinagsak sa sahig na parang isang basurang wala nang halaga at marumi.

Pagkasara niya ng pinto, unti-unti akong tumayo. Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko, habang nanginginig ang buo kong katawan. Pilit kong inipon ang natitirang lakas at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan, patungo sa silid na siyang tanging kanlungan ko gabi-gabi.

Hindi pa ako kumakain buong araw, dahil ipinagkait niya iyon sa akin. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin ang lahat ng pinaggagagawa niya sa akin. Sa sobrang bigat ng dinadala ko, sumasagi na sa isip ko ang wakasan na lamang ang sarili kong buhay. Dahil paulit-ulit na akong nagtatanong sa Maykapal kung bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong klaseng pagsubok—kahit alam kong mali. Alam kong hindi ko dapat kuwestiyunin ang nasa itaas.

Pero deserve ko ba ang lahat ng ito? Kasalanan ko ba talagang ipinanganak ako sa mundong ito, bilang anak ng mga magulang ko? Gusto kong magalit sa kanila, ngunit para saan pa? Wala na rin naman sila rito. Wala na silang magagawa para iligtas ako, o kahit yakapin man lang ako sa sakit na ito.

Yakap ang sarili, mabagal akong naglakad patungo sa aking silid, pilit kinakaya ang panginginig ng katawan ko. Doon ko nakita si Zelda, nakatayo sa isang tabi na tila kanina pa niya ako hinihintay.

“Diyos ko! Eunice, anong ginawa sa’yo ni Sir?” taranta niyang tanong habang mabilis na lumapit sa akin. Kita sa mga mata niya ang matinding awa nang masilayan ang kalagayan ko—ang katawan kong puno ng latay at ang labi kong pumutok at duguan.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nang yakapin niya ako, doon bumigay ang lahat. Parang sa isang iglap, nawala ang kaunting lakas na pilit kong kinakapitan.

“Z-Zelda…” iyon lang ang naisambit ko.

Mahigpit niya akong niyakap, maingat na parang baka madurog ako sa sobrang hina ng katawan ko. “Shh… tahan na. Nandito lang ako,” nanginginig niyang bulong, kahit halata sa boses niya ang galit at awa na pilit niyang tinatago.

“Masakit…” mahinang hinaing ko, hindi ko na alam kung ang tinutukoy ko ba ay ang mga latay sa katawan ko o ang sugat sa puso ko. “Pagod na pagod na ako, Zelda.”

Hinaplos niya ang buhok ko, dahan-dahan, parang bata. “Hindi mo ito kasalanan, Eunice. Kahit anong mangyari, huwag mong iisipin na deserve mo ‘to. Naririnig mo ba ako?” nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Tumango lang ako, pero sa loob-loob ko, hindi ako sigurado kung kaya ko pa talagang maniwala. Dahil sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam ko unti-unti akong nauubos.

“Halika,” mahinahon niyang sabi. “Samahan kita sa kwarto mo. Gamutin natin ang sugat at mga latay mo.”

Habang inalalayan niya akong maglakad, iisa lang ang dasal ko sa isip, sana may anghel na bumulong kay Axel.

Pagkahatid sa akin ni Zelda sa silid ko, nagpaalam siyang aalis sandali para kumuha ng gamot. Ngunit hindi ko na siya nagawang hintayin pa. Sobrang pagod at antok na antok na ako, gusto ko na lamang ipahinga ang katawang lupa ko.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may kamay na maingat na humahawak sa braso ko. “Tita Janice…” mahina kong nasambit, litong-lito pa ang isip ko.

“Si Zelda ito, Eunice,” malambing niyang sagot habang marahan niyang nilalagyan ng ointment ang mga galos at latay sa katawan ko.

Bigla niyang inilapat ang palad sa noo ko. “Nilalagnat ka, Eunice,” sabi niya, bakas ang pag-aalala sa boses. “Kaya mo pa bang bumangon?”

Ngunit umiling lamang ako. Wala na talaga akong lakas kahit magsalita.

“Sandali lang, babalik ako,” taranta niyang ani bago muling lumabas ng silid, iniwan akong nakahiga, nanginginig, at pilit kinakalaban ang bigat ng talukap ng mga mata ko.

Maya-maya, bumalik si Zelda na kasama sina Ate Sabel at Mabel. Gaya niya, awa at pag-aalala rin ang nababasa ko sa mga mata nila habang tinitingnan ang kalagayan ko. May dala silang mga unan, kumot, at foam. Mga bagay na tila munting kanlungan sa gitna ng sakit na pinagdaraanan ko.

“Eunice, papalitan namin ang damit mo ng daster ha, para mas madali naming malagyan ng gamot ang mga latay mo,” mahinahong sabi ni Ate Sabel.

Hindi na ako sumagot. Wala na rin naman akong lakas para magsalita. Ipinaubaya ko na lang ang sarili ko sa kanila, sa mga kamay na puno ng malasakit, mga kamay na hindi nananakit, kundi nag-aalaga.

Habang dahan-dahan nilang nilalagyan ng ointment ang sugat at latay ko, pumikit ako at nagdasal.“Salamat po, Panginoon… at kahit sa gitna ng dilim, may mga anghel Ka pa ring ipinadala para sa akin.”

Maya-maya ay dumating si Kuya Pat na may dalang electric fan at pagkain.

“Umalis na si Sir, mukhang matagal bago babalik. May dalang maleta e,” dnig kong sabi ni Kuya Pat. Huminga ako ng malalim at sa puso ko ay nagpasalamat.

“Lord, salamat po ulit… makakapagpahinga na ako kay Axel.”

“Mabuti naman kung ganoon. Eunice, kailangan mong kumain ha, para makainom ka ng gamot,” mahinahong sabi ni Mabel. Sa kauna-unahang pagkakataon, narinig ko ang boses niya na puno ng malasakit. Dahan-dahan niya akong sinubuan ng pagkain at pinainom ng gamot.

Pagkatapos noon, inihiga na nila ako nang maayos sa foam. Ipinikit ko ang mga mata ko, ramdam ang pagod sa buong araw. Bukas na ako magpapasalamat sa kanilang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)   Chapter 8 - Tears Behind Closed Doors

    ⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVMatagal akong naghintay sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may tila may pumapatak na likido sa mukha ko.Napadilat ako at nakita si Austin, nakatayo sa harap ko, nakatitig nang tahimik. Nakatapis lamang siya at basa pa ang buhok niya.“Get up, and massage me,” utos niya sa malakas na boses, hindi puwede tanggihan, dahil bihag ako. Mabilis akong bumangonnhabang, ang katawan ko’y nanginginig sa kaba at kawalan ng kontrol.Kinuha ko kaagad ang massage oil at sumunod sa kanya sa kami. Nakadapa na siya, wala kahit na anong saplot sa katawan.Gaya ng halos gabi-gabi niyang pinagagawa saken, sinimulan ko ng lagyan ng oil ang likod niya at minasahe. Mabuti na lang at magaling ako sa bagay na ito. Palagi ko k

  • The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)   Chapter 7- His Control, My Fear

    ⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVGabi na naman. Hindi ko alam kung dapat na ba akong matulog o manatiling gising, baka kasi ipatawag na naman ako ni Axel. Pagod na ang katawang-lupa ko sa maghapong gawaing-bahay. Gayunpaman, kahit papaano’y mapalad ako dahil hindi na niya ako pinagkakaitan ng pagkain.Ilang minutong lumipas. Tahimik ang paligid. Walang kumakatok.Marahil ay oras na para ipikit ko ang mga mata.Hindi ko pa man tuluyang nakukuha ang antok nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Sa gulat, napabalikwas ako ng bangon.Nakatapis lamang ako. Dalawang pares lang ng damit ang mayroon ako, at kapwa ko pa iyon nilabhan kanina. Plano ko sanang isuot ang isa, kung sakaling ipatawag ako ni Axel.“A-Axel…” nautal kong anas nang maaninag ko ang anyo niya sa liwanag mula sa labas.Susu

  • The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)   Chapter 6 - The Weight of Inherited Anguish

    Eunice's POVNagising ako kinaumagahan na tila ba hindi na akin ang katawan kong ito. Hindi ko maigalaw kahit ang isang daliri. Para akong bihag ng sarili kong laman. Sa bawat kirot na dumadaloy sa aking mga ugat, unti-unting luminaw sa akin ang isang katotohanang pilit kong iniignira.Ngayon ko lamang lubos na naunawaan ang galit ni Axel. Ngayon ko lamang naramdaman ang impiyernong matagal na niyang pinasan.Kung ganito ang dinanas niya sa murang edad, kung ganito kabigat ang sakit na kinailangan niyang tiisin habang wala man lang nag-aaruga sa kaniya noon… hindi ko alam kung maaawa ba ako o hahanga. Dahil kinaya niya. Nabuhay siya. Ngunit malinaw ang naging bunga, isang pusong binuo ng galit at sugat.At sa sandaling ito, wala na akong ibang masisisi kundi ang aking ina. Siya ang mitsa ng apoy na patuloy na tumutupok kay Axel.Siya ang ugat ng poot na ngayon ay bumabalik sa akin, parang isang sumpang minana ko kahit wala akong kasalanan.Hindi man ako ang gumawa ng kasalanan, ako an

  • The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)   Chapter 5 - The Weight of Revenge

    Eunice's POV“Ah! Axel, tama na! Masakit!” palahaw ko nang simulang humampas ang sinturon niya sa aking likod, bilqng parusa sa pagkakasunog ng polo niyang hindi ko naman sinasadya.“Oh, it hurt? Can you imagine how I feel at my young age, your mother did this to me?” sigaw niya bago ibinigay ang pang-apat na hampas. "I begged, pero napakasama ng ina mo!”Napadapa ako sa sahig, patuloy na umiiyak, hindi lamang sa pisikal na sakit kundi pati sa kirot na bumabalot sa puso ko. Alam kong mas higit pa ang dinanas niya noon sa kamay ng ina ko.Akala ko’y sa salita lamang siya malupit. Oo, nasasaktan niya kami ni Ate Daphnie, ngunit hanggang sampal lang.Ang ginawa niya kay Axel… Lumikha siya ng halimaw. Isang halimaw na ngayon ay handang wasakin ang buhay ko.“A-Axel, wala akong kinalaman sa ginawa sa’yo ni Mommy. Bakit mo ako pinahihirapan nang ganito?”"Your parent's blood runs through your veins, Eunice.” Sigaw niya.“Pero hindi ko kasalanan iyon Axel. Hindi ko hiniling na ipanganak sa m

  • The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)   Chapter 4 - Scars That Spoke Louder Than Words

    Eunice's POVDahil sa walang humpay kong pag-iyak noong gabing iyon, nagalit si Axel at pinalabas na lamang ako ng silid niya. Isang bagay na labis kong ipinagpasalamat—parang binigyan ako ng Diyos ng huling hinga bago tuluyang malunod.Kung sa susunod ay muli niya akong tatawagin sa silid niya, ganoon na lamang ulit ang gagawin ko. Iiyak. Iiyak hanggang sa marindi siya.Oh, God… sana’y wala nang susunod pa. Gusto ko nang makaalis sa mansion na ito.Habang naglalakad ako pabalik sa silid ko, bigla kong napagtanto—hindi ko alam kung ano ba talaga ang tawag sa akin dito. Ang mga kasambahay ay may uniporme; malinaw ang papel at lugar nila sa bahay na ito. Ngunit ako, sa ilang araw ko nang pananatili rito, salit-salitan lamang ang dalawang pares ng damit na suot ko—ang damit na suot ko nang dumating ako at ang ibinigay ni Zelda.Maging ang tulugan ng mga kasambahay ay maayos. May kama, may disenteng kumot at unan. Samantalang ako—sa karton ako nakahiga. Isang lumang unan at kapirasong tel

  • The Billionaire CEO's Great Love (Book 2)   Chapter 3 - No Escape

    Eunice's POVNagising ako kinabukasan sa mahinang katok sa pinto. Unti-unti akong bumangon para pagbuksan ang kumakatok."Zelda..." bulong ko, parang hindi makapaniwala sa sarili kong nakita. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang nakatapis lang ako ng towel. Para akong biglang naging exposed sa isang sandaling napakatagal."Sandali lang, kukuha ako ng damit para sa’yo," sabi niya, at mabilis na umalis.Pagbalik niya, may dala siyang supot na may lamang damit. Pumasok siya sa kwarto at iniabot sa akin ang mga ito."Pasensiya ka na, Eunice… naisuot ko na ‘tong mga damit na ito, pero itong mga panty, hindi pa. Wala rin akong maibigay na bra—siguradong hindi kakasya sa’yo," paliwanag niya, habang pansin ko na nakatingin siya sa sarili niyang dibdib bago sumulyap sa akin. Tila napapatawa siya sa sitwasyon, at hindi ko maiwasang tumawa rin. Oo, sobra nga ang laki ng dibdib niya—hindi talaga kakasya ang bra niya sa akin."Maraming salamat, Zelda," sabi ko, medyo nanginginig ang bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status