Share

3

Author: Anoushka
last update Huling Na-update: 2025-10-08 01:16:49

Nagulat si Cassie, at bago pa siya makagalaw, sumiklab ang init sa kanyang mga labi. Isang mainit at mariing halik ang pumigil sa anumang pagtutol, at kasabay nito’y mahigpit din siyang niyakap ng lalaki, hinaharang ang kanyang pag-urong.

……

Samantala, natapos na ang color ultrasound ni Aurora at agad niya itong ipinakita kay Dra. Joyce. Agad namang nagpakitang-gilas si Joyce, pinuri ang resulta at sinabing malusog na malusog ang bata. Ngunit tila wala itong pakialam, ibang bagay ang nasa isip ni Aurora.

“Dra.,” malamig ngunit mapanuring tanong niya, “gaano na katagal nagtatrabaho si Cassie sa ospital na ito?”

“Halos isang taon na,” sagot ni Joyce, bahagyang kumunot ang labi. “Hindi pa nga siya ganoon katagal dito, pero kita mo, masyado siyang tuso. Kaya madali niyang nakuha ang loob ng ibang mga nurse. Sila na mismo ang tumutulong mag-alaga sa kapatid niyang may sakit, naka-confine sa VIP ward sa 5th floor. Kung hindi dahil sa kanila, paano pa siya makakapagtrabaho nang normal kung may pasan siyang ganoong klaseng ‘drag oil bottle’?”

Napataas ang kilay ni Aurora, ramdam ang kakaiba. “Ang ibig mong sabihin… ang kapatid ni Cassie naka-confine dito sa ospital? At sa VIP ward pa?”

Tumango si Joyce, kumpirmado ang sinabi.

Mabilis na naglaro ang mga hinala sa isip ni Aurora. Kahit pa matalino si Cassie at galing sa isang prestihiyosong unibersidad, imposible para sa kanya na kumita agad ng malaking halaga para sa ganoong klaseng silid, lalo na’t kakagraduate lang nito.

Muli siyang nagtanong, tila nagbabalatkayo. “Dra., married ka na ba? Madalas bang sinusundo ng asawa mo dito sa ospital? Kung ako sayo, you should be careful. Don’t let Cassie seduce him.” Pagkatapos ay itinakip niya ang kamay sa kanyang labi, parang isang sikretong ipinagkakatiwala. “To be honest… Cassie is my husband’s ex-girlfriend. Na-kick out siya sa bahay nila last year dahil sa indiscreet lifestyle niya.”

Bahagyang lumapit si Aurora at mas lalo pang bumulong, halos parang lason ang bawat salita. “Guess where she got the money to pay for her brother’s treatment, when she had nothing?”

Nagulat si Joyce. “She—” Hindi niya natapos ang sasabihin. Mabilis siyang tumayo at isinara ang pinto ng klinika, tila may biglang kaliwanagan. 

“Miss Medina, hindi ko akalain na ganoon kalalim ang koneksyon ninyo. Puwede mo bang ikwento kung paano siya naging indiscreet?”

Walang katotohanan ang mga paratang ni Aurora, ngunit mahusay siyang mag-imbento ng kasinungalingan. Ginamit niya ang sarili niyang maruruming gawain at ipinasan iyon kay Cassie, pinapalabas na parang totoo.

Kung kumalat ang ganitong usapan sa ospital, tiyak na hindi na makakabalik si Cassie. At alam ni Aurora kung saan pinakamadaling kumalat ang tsismis…sa pantry.

Dala ang kanyang baso ng tubig, dumiretso siya roon. Ngunit laking gulat niya nang makita ang pintuan nitong nakasara at may nakapaskil na karatula: Under Repair

Napakunot ang kanyang noo, at tumalikod na sana, nang bigla niyang marinig ang mahina at pabulong na tinig mula sa loob.

“It hurts!”

Napasinghap si Joyce. “Si Cassie!” bulong niya, at halos lumaki ang kanyang mata sa pagkagulat. 

In broad daylight? At work hours?’

Hindi siya makapaniwala.s

Agad siyang tumawag ng isang batang nurse at iniutos na magtipon ng mas maraming tao sa pinakamabilis na paraan. Plano niyang ipakita sa lahat ang diumano’y kahalayan ni Cassie.

Makalipas lamang ang ilang minuto, nagsidatingan na ang mga doktor, nurses, at kahit ilang pasyente na nakisilip sa komosyon.

“Director Joyce, bakit mo kami pinatawag?” tanong ng isa.

Ngumisi si Joyce at itinuro ang pinto, sabay pabulong na senyas na manahimik ang lahat. At doon, parang tugon sa kanyang plano, isang mahina at mapanuksong ungol ang lumabas mula sa loob ng pantry.

Kagat-labi siyang nagsalita, puno ng pagkukunwaring galit. “Now you know why I called you all? The hospital is a sacred place! At sila, sa mismong pantry, during working hours—” Napahampas siya sa kanyang dibdib, kunwari’y labis na nasasaktan. “Kahit sino pa ang nasa loob, I must report this to the Chairman! At siguradong matatanggal siya!”

Mariin siyang kumatok sa pinto. “The people inside, come out right now!”

Nagkatinginan ang mga batang nurse na nanonood, iba-iba ang ekspresyon. May kaba, may excitement, may pagtataka. Samantala, sa likuran nila, paikot-ikot na naglalakad si Ariane, halatang balisa.

“Could it be Cassie? She told me she hasn’t been to the pantry yet… pero paano kung totoo?”

Nasa tabi niya si Aurora, at si Axel na mahigpit ang kamao at nakakunot ang noo.

“Axel, sinabi ko na sa’yo, Cassie is debauched by nature. Now, do you believe me?” bulong ni Aurora, halos hindi maitago ang kasiyahan. Hindi niya akalain na makikita agad ang pagbagsak ni Cassie.

Ngunit para kay Axel, tila may mabigat na bagay na bumagsak sa kanyang dibdib. Nakatingin siya sa saradong pinto, at ang mga alaala ay bumalik. Apat na taon niyang pinakiusapan si Cassie para sa isang halik, ngunit hindi niya ibinigay. At ngayon, nasa pantry ito kasama ang ibang lalaki, sa likod ng saradong pinto…

Lalong lumalim ang kunot ng kanyang noo, at mas humigpit ang kanyang kamao.

Matagal nang kumakatok si Joyce, ngunit walang sumasagot. “Don’t think that if you don’t open the door, I can’t touch you! Check niyo agad kung sino ang wala sa duty ngayon!”

Sa lakas ng gulo, halos lahat ng nurse at doktor ay nagdatingan na. Hindi nagtagal, natuklasan nilang si Cassie ang nawawala.

“I didn’t expect Cassie, the honest one, to do something like this! Open the door with the key!” matigas na utos ni Joyce sa janitor na kararating lang.

Ayaw sanang makialam ng janitor sa gulong iyon, kaya imbes na siya mismo ang magbukas ng pinto, iniabot na lang niya ang susi kay Joyce. Hindi na ito nakapaghintay, mabilis niyang ini-unlock ang pintuan. Pagkabukas, nagsisiksikan ang lahat papasok, sabik na makita ang eksena sa loob.

Bumulaga sa kanila ang magulong tanawin. Baligtad ang mga upuan, nakakalat ang isang uniporme ng nurse sa sahig, at ang isang puting coat ay nakasampay pa sa ibabaw ng coffee machine. Ngunit ang pinakamahalaga, nandoon ang kanilang inaabangan.

Si Cassie, nakayuko at nakasiksik sa sulok ng counter, halatang balisa at sugatan. Sa tabi niya, nakatayo si Calix, kalmado at tila walang pakialam sa biglang pagsalakay ng karamihan.

“Calix… Dr. Rosales?” Halos mabasag ang boses ni Joyce. Hindi siya makapaniwala, ang lalaking inaasam niya, ang doktor na pinapangarap niya gabi’t araw, ay siya palang nasa loob kasama ni Cassie.

“Anong problema?” tanong ni Calix, nakasandal lang sa gilid ng counter at malamig na hinaharap ang lahat ng gulat na mga mata.

“D-Dr. Rosales, kayo po pala ang nandito…?” Hindi napigilan ng isa ang magtanong, puno ng pagtataka.

Hindi sumagot si Calix. Bagkus, hawak niya ang isang tube ng ointment para sa paso. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ni Cassie. Ang balat sa likod nito’y namamaga at may mga paltos na halatang galing sa pagkakapasok sa coffee machine. Marahan niyang hinipan iyon, saka maingat na pinahiran ng gamot.

Napasinghap si Cassie, napakagat-labi sa sakit. “Ahh! It hurts! Dr. Rosales, please… be gentle.”

Ang impit na iyak at pakiusap ng dalaga’y umalingawngaw sa loob ng pantry. Ang lahat ng nakasaksi ay napatingin kay Joyce nang may hindi maipaliwanag na pagkainis. 

Walang  kalaswaan, wala ring kasalanan si Cassie, isang malaking kahihiyan lang ang pinatulan nilang lahat.

Tinapos ni Calix ang pagpapahid ng gamot, ngunit hindi niya agad binitiwan si Cassie. Sa halip, hinila niya ito mula sa sulok at inalalayan pababa, mariing yakap sa kanyang bisig.

Namumula ang mga mata ni Cassie, puno ng luha. Masakit ang paso, ngunit higit pa roon ay ang bigat na bumalot sa kanyang puso. Hindi niya tuloy malaman kung ang mga sinabi ni Calix kanina ay tungkol lamang sa sugat sa kanyang kamay… o may mas malalim na kahulugan.

“Now,” malamig na boses ni Calix ang pumunit sa katahimikan, “tell me, bakit kayo kumakatok at pinipilit buksan ang pinto? Mamamatay ba kayo sa uhaw?”

Dumapo ang matalim niyang titig sa lahat ng naroon, ngunit tumigil ito kay Joyce. Para bang sinisilip ang kaluluwa ng babae.

“N-Narinig ko po kasi na may ingay,” pautal na sagot ni Joyce, iwas ang tingin, “natakot akong baka may pasyenteng biglang nag-collapse. Kaya ko po pinasok…”

“Talaga?” Mapait ang ngisi ni Calix. “Kung ganoon, bakit imbes na magbigay ng emergency help ay tinawag mo pa ang lahat ng tao rito?” Nilukot niya ang puting coat, at iniabot iyon kay Cassie upang maisuot.

Isang mariing buntong-hininga ang pinakawalan niya, saka muling tumingin kay Joyce. “Kung ganyan ka kahina bilang director ng department mo, baka mas mabuti pang ipasa mo na lang ang posisyon sa deputy director.”

Nagkagulo ang bulungan ng mga staff, ngunit hindi makapagsalita si Joyce. Nanlalamig ang kanyang leeg at halos hindi makatingin pabalik.

Samantala, pinulot ni Calix ang uniporme ng nurse mula sa sahig. I-aabot na sana niya iyon kay Cassie, ngunit iniiwas niya ang kamay nito.

“You’re injured,” mahina ngunit mariing sabi niya. “I’ll help you.”

Napangiwi si Cassie. ‘When I dressed him before, my hands were fine, pero ngayon, kailangan ko raw ng tulong?’ isip niya. 

Ngunit wala na siyang nagawa nang dahan-dahan siyang tulungan ni Calix na isuot ang uniporme, bawat galaw nito’y maingat, tila siya’y isang bagay na hindi dapat masaktan muli.

Sa harap ng lahat, binulungan siya ni Calix ng may makahulugang tinig, mababa at tanging siya lamang ang makakarinig. “This nurse’s uniform is good quality. Hindi lang pang-duty sa ospital… pwede ring pang-comfortable sleep at night.”

Namula ang mga pisngi ni Cassie, lalo pang naghalo ang sakit at kahihiyan sa kanyang dibdib. Naiintindihan niya ang patagong pahiwatig ng lalaki, at iyon ang bagay na hindi niya kailanman inakalang sasabihin nito sa harap ng lahat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   72

    Nagmistulang normal ang rason kaya’t tumango si Cassie. Sa isip niya, baka namimiss na siya ni Calix nitong mga nakaraang araw at gusto lamang siyang magpahinga, para raw may “energy” pa siya kapag magkasama sila. Napabuntong-hininga siya. “Calix…” nagdalawang-isip pa siya bago nagsalita, “…sa tingin ko hindi ako dapat masyadong maging close kay Grandma. What do you think?”Matagal na niyang pinagninilayan iyon. Habang mas lalo siyang malapit kay Donya Carol, mas lalo siyang minamahal nito. At kapag natapos na ang kontrata nila ni Calix, magiging mas mahirap ang paghiwalay. Parang unti-unti siyang tinitiklop ng guilt.Bahagyang kumunot ang noo ni Calix. Napakalinaw sa kanya ang ibig sabihin ni Cassie.Kayang-kaya niyang tiisin ang maliliit na sikreto nito, kayang tiisin ang paglilibot nito kay Axel noon, kayang tiisin maging ang pakikipaglapit nito kay Wayne para mabawi ang kumpanya. Pero hindi niya kayang tiisin ang simpleng katotohanan na malinaw sa dalaga, na may hangganan ang re

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   71

    Hindi naman tanga si Axel. Alam niyang hindi pa niya hawak nang buo ang kumpanya, kaya hindi niya puwedeng awayin si Aurora. Kaya nang magalit ito, pinaamo niya muna, mahina siyang nambola, nagbigay ng ilang pangako, at sinabing hindi na niya hahayaang si Cassie ang mag-alaga sa kanya. Doon lang tumigil si Aurora sa pag-aalburoto.Pero kahit ganon, nagdesisyon pa rin si Aurora na siya mismo ang magbantay kay Axel tuwing araw. Sa gabi naman, uuwi siya para alagaan ang anak. At mula noon, wala nang isa man sa kanila na muling nagbanggit kay Cassie.Si Cassie naman, tuloy lang sa night shift. Sa pangalawang gabi pa lamang na naka-confine si Axel, biglang nilagnat ito. Kahit malinaw niyang sinabi na inumin ang antipyretic pagkatapos kumain, lihim lamang itong itinapon ni Axel.“If you want to die, I can fulfill your wish,” iritado niyang bulong habang kinukuha ang gamot. “Huwag kang magsasayang ng hospital resources. Ang daming gustong ma-admit, ikaw pa ang nagtatapon ng gamot.”Hindi siy

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   70

    Umikot ang mga mata ni Cassie at nanahimik na lamang, ayaw nang patulan ang kahit ano.Samantala, si Aurora, kung gugustuhin lang niya, madali lang sanang malaman kung saan nagpunta si Axel. Hindi lang niya ginagawa, dahil ayaw niyang maging masyadong tensyonado ang relasyon nila. Pero nang may magsabi sa kanya na nakita ang sasakyan ni Axel malapit sa ospital, nagwala ito.Kaya hindi na siya nagdalawang-isip. Tumakbo siya papuntang ospital sa kalagitnaan ng gabi. Ngunit pagdating niya, wala na doon si Cassie, tinawag na ito ni Calix para kumain ng late-night snack.Nakapikit-pikit pa si Cassie habang tinitikman ang mainit na bulalo, tila lumulutang sa sarap. Napatingin siya kay Calix at napangiti.“Where did you buy these? Ang sarap,” sabi niya, halatang tuwang-tuwa.“Sa Tagaytay.”Napakunot ang noo ni Cassie. Sa biyahe pa lang, mahigit tatlong oras ang byahe roon. Dapat matagal nang malamig. Pero ito, mainit pa, sariwa pa, at buo pa ang balot.“I asked them to pack it raw,” dagdag n

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   69

    Paglingon ni Cassie, nasaksihan niya mismo kung paano tumilapon si Axel nang ilang metro matapos mabangga ng isang sasakyan. Parang huminto ang hangin sa paligid. Bumaba agad ang driver at lumapit kay Axel. Maraming tao ang nagtipon, pero kahit sa gitna ng gulo, aninag pa rin ni Cassie ang tingin ni Axel, nakapako mismo sa kanya. Para bang nanlilimos ng atensyon, para bang sinasabi nitong, “Tingnan mo, nasasaktan ako dahil sa’yo.”Napapikit si Cassie sa inis. Kahit aso pa ang mabangga, propesyonal siyang titigil para tumulong. Paano pa kung tao, kahit taong kinasusuklaman niya?Sa dulo, nilapitan niya pa rin ang eksena. Tinawagan niya ang emergency department at pinasunod ang mga staff para kumuha ng stretcher. Siya mismo ang nagpadala kay Axel diretso sa emergency room.Ngunit pagkalagay kay Axel sa stretcher, mahigpit nitong hinawakan ang pulso niya. Kahit nakapikit at kunwari’y mawawalan ng malay, hindi nito binitiwan ang kamay niya. Ilang beses siyang nagtangkang kumawala, pero m

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   68

    Pagkatapos ng huling movie date nila ni Calix, dinala niya si Cassie sa amusement park. Kapwa sila naka-couple outfit, kaya hindi nakapagtatakang maging sentro sila ng atensyon. Maganda’t gwapo, at bihira silang magpakitang-tao nang ganoon ka-lantad. Ang simple ngunit tuwirang pagpapakita ng pagmamahal na iyon ay nakapagpasabog ng munting tamis sa puso ni Cassie.Para kay Calix, maaaring hindi siya gaanong naantig ng dinner at movie, pero sa amusement park… doon niya nasilayan ang sisiw na lambing ni Cassie, iyong mukha ng isang babaeng nagrereveal lang ng kahinaan kapag komportable na. Paglabas nila ng kama at ng apartment, at maging sa ospital, laging may distansyang parang “isang daang libong milya” si Cassie sa kanya. Maliban na lang kapag magkasama sila sa kama, doon lang niya itong ganap na nahahawakan. Sa lahat ng oras, lagi siyang kinakabahan, laging natatakot na mawala ito.Pero nitong mga nakaraang araw, dahil itinago ni Cassie kay Calix ang tungkol kay Joyce, nagalit ito s

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   67

    Matamang tumango si Reydon, para bang may natuklasan siyang bagong laruan. “Very good,” aniya nang may pilyong ngiti. “Cassie, you’ve completely caught my attention. Si Calix, for more than twenty years, kami ng barkada ang nagbansag sa kanya bilang ‘walang gana.’ Pero simula nang dumating ka, you’ve broken every rule he ever had. Broad daylight pa talaga sa office?”Napayuko si Cassie, halos hindi makatingin. Totoo namang malisyoso si Calix, pero para lang sa kanya. At ngayon, siya ang napagti-trip-an ng lahat. Uminit ang pisngi niya sa sobrang hiya, pero hindi rin mapigilan ang bahagyang tawa. “Kung tapos ka na, umalis ka na,” sabi ni Calix sa pang-ilang ulit, pero halatang napipikon.Umupo si Reydon sa sofa, naglabas pa ng pasimpleng buntong-hininga. “Wala naman akong kailangan. I just passed by and wanted to join the fun.”Pero hindi naman siya umalis. Doon lang siya nakaupo, nanonood, si Cassie namumula, si Calix mas lalong protective, at halatang enjoy na enjoy.Napahugot ng hi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status