Share

Chapter 3

Penulis: Cha
last update Tanggal publikasi: 2026-03-01 17:06:56

Amaryllis Kaye POV

Tahimik pa rin ang bahay. Yung klase ng katahimikan na parang may sariling tunog. Parang humihinga ang mga pader, parang may matang nakamasid kahit alam mong wala.

Nakaupo pa rin ako sa sofa, hawak ang baso ng tubig na hindi ko iniinom. Tinitigan ko lang ang malinaw na laman nito na parang doon ko makikita ang sagot sa tanong kung bakit ako nandito.

Behave.

Paulit ulit na salitang naglalaro sa isip ko.

“Behave ka na ha” bulong ko sa sarili ko. “Para kang bata”

Pero hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko. Parang may sariling buhay ang pisngi ko. Kahit ilang beses kong pigilan ang ngiti, kusa pa rin siyang sumusulpot.

Nakakainis.

Bakit ba kasi ganon.

Narinig ko ang yabag ng paa niya. Mabagal. Sigurado. Parang alam niya na sa bawat hakbang niya, may epekto sa paligid. Tumayo ako agad, reflex. Parang may exam na biglang dumating.

“Hindi mo kailangang tumayo” sabi niya.

“Oo nga no” sagot ko, sabay upo ulit. “Sorry. Muscle memory”

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi bastos. Hindi rin mapanghusga. Parang nag aalala. O baka iniisip lang niya kung tatakbo ba ako kapag nakatalikod siya.

“Hindi kita ikukulong” sabi niya bigla.

Napatingin ako sa kanya. “Ah. Salamat sa reassurance. Kasi yung ambiance kasi parang may dungeon vibes”

Hindi siya sumagot. Sa halip, naupo siya sa tapat ko. May pagitan. Sapat para hindi ako ma-conscious. Pero sapat din para ramdam ko siya.

“Anong pangalan mo” tanong niya.

Napangiti ako ng konti. “Ah. So may formalities pala”

“Sumagot ka lang”

“Amaryllis Kaye” sabi ko. “Buong buo. Para kapag hinanap ako sa balita”

Parang may dumaan na kakaibang ekspresyon sa mukha niya. Mabilis. Parang multo.

“Hindi ka mawawala” sabi niya.

“Wow” sagot ko. “Parang linya sa teleserye ah”

Saglit siyang napatingin sa akin. “Madalas ka bang ganito”

“Oo” sagot ko agad. “Defense mechanism. Pag natatakot, nagiging komedyante”

Tumango siya ng bahagya. “Effective”

“Talaga ba”

“Hindi ka pa umiiyak”

Napaisip ako. Tama siya. Sa dami ng nangyari, wala pa akong isang patak ng luha.

“Baka mamaya pa” sabi ko. “Pag safe na ako”

Tumahimik ulit kami.

At doon ko na naman naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa tanong na ayaw kong itanong.

“Sino ka” tanong ko rin sa wakas.

Tumingin siya sa akin. Matagal. Parang pinag iisipan kung karapat dapat ba akong bigyan ng sagot.

“Leandro” sabi niya sa huli. “Leandro Iñigo Valeza”

Napakurap ako. Parang may pamilyar sa pangalan pero hindi ko ma pin point.

“Okay” sabi ko. “Hindi serial killer name. Plus points”

Bahagyang umangat ang kilay niya.

“Sorry” dagdag ko agad. “Joke lang. Behave”

Tumango siya. “Good”

Nakagat ko na naman ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit automatic. Parang katawan ko ang nagdedesisyon para sa akin.

“Gutóm ka ba” tanong niya.

Nag isip ako sandali. “Emotionally? Oo. Physically? Medyo”

Tumayo siya. “May kakainin”

“Hindi mo ako lalagyan ng pampatulog no” sabi ko agad.

“Kung gusto kitang patulugin” sagot niya, “hindi kita tatanungin kung gutóm ka”

Napasinghap ako. “Ang dark mo mag joke”

Hindi siya ngumiti. Pero ramdam kong hindi rin siya seryoso.

Habang naglalakad siya papunta sa kusina, sumunod ang tingin ko. Ang linis ng galaw niya. Parang sanay sa kontrol. Parang bihira siyang mawalan ng command sa sarili.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumayo ako at dahan dahang sumunod. Nasa pintuan lang ako ng kusina. Ayokong pumasok. Ayokong masyadong

lumapit.

“Wag ka diyan” sabi niya, hindi lumilingon.

“Sorry” sabi ko agad, umatras ng konti. “Curious lang. Mukha kasing hindi ka marunong magluto”

Tumingin siya sa akin. “Marunong”

“Wow” sagot ko. “Full package”

Habang naghihiwa siya ng gulay, napansin kong may pilat ang kamay niya. Maliit pero halata. Parang luma na.

“Ano yan” tanong ko.

“Alin”

“Yung pilat”

Saglit siyang tumigil. “Luma na”

“Ah” sagot ko. “Trauma club”

Hindi na siya nagtanong pa.

Ilang minuto pa, nakaupo na kami sa mesa. Tahimik ulit. Pero hindi na awkward. Parang may invisible agreement na huwag sirain ang sandaling payapa.

“Salamat” sabi ko habang kumakain. “Masarap”

“Hindi ka na sumisigaw” obserbasyon niya.

“Behave” sagot ko agad, sabay tango. “Promise”

Tumingin siya sa akin. Mas matagal ngayon. Mas diretso.

“Bakit ka tumango ng ganyan” tanong niya.

“Ha”

“Parang pusa”

Napatigil ako. “Hala. Napansin mo”

Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong namula. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.

“Hindi ko sinasadya” dagdag ko. “Automatic response”

“Cute” sabi niya.

Natigil ang mundo ko.

“Ha” sabi ko ulit. “Ano”

“Wala” sagot niya agad, binaling ang tingin. “Kumain ka na”

Pero huli na. Narinig ko na. Ramdam ko na. Parang may mainit na dumaan sa dibdib ko pababa.

Tahimik akong kumain. Pero ang isip ko, magulo.

Cute.

Ako?

Sa kanya?

Hindi pwede. Hindi tama. Hindi safe.

Matapos kumain, tumayo siya. “May kwarto doon”

Tinuro niya ang hallway.

“Mag isa lang ako” tanong ko.

“Oo”

“Hindi mo ako babantayan” dagdag ko.

“HINDI”

Mabilis ang sagot niya. Parang nasaktan pa.

“Oo na” sabi ko agad. “Sorry. Trust issues”

Pumasok ako sa kwarto. Malinis. Tahimik. May ilaw na malambot. Umupo ako sa gilid ng kama.

Doon lang bumigay ang tuhod ko.

Doon lang ako napahawak sa dibdib ko.

“Amaryllis” bulong ko sa sarili ko. “Anong pinasok mo”

Pero sa halip na takot, ang naramdaman ko ay pagod. At sa gitna ng pagod, may kakaibang init sa labi ko.

Hinawakan ko iyon ng dahan dahan.

At doon ko naisip.

Mas nakakatakot pala ang lalaking hindi sumisigaw.

Mas delikado ang lalaking kayang patahimikin ang mundo mo.

At mas magulo ang puso kapag hindi ka sigurado kung bihag ka pa ba o kusa ka nang nananatili.

At sa labas ng pinto, alam kong naroon siya.

Tahimik.

Pero ramdam ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 50: A Heart on the Verge of Breaking

    BANG. ‎ ‎Tumigil ang mundo. ‎ ‎Isang segundo— ‎na parang walang hanggan. ‎ ‎“LEANDRO!” ‎ ‎Pagpasok ko sa selda— ‎amoy pulbura ang sumalubong sa’kin. ‎ ‎At doon— ‎nakita ko siya. ‎ ‎Nakatayo pa rin. ‎ ‎Si Leandro. ‎ ‎Hingal. ‎Dugo sa gilid ng braso niya— ‎pero buhay. ‎ ‎Sa harap niya— ‎nakahandusay ang lalaking may baril. ‎ ‎Tinamaan. ‎Hindi fatal— ‎pero sapat para mawalan ng laban. ‎ ‎“You’re late,” mahina niyang sabi, pilit na ngumiti. ‎ ‎Napahagulhol ako— ‎habang tinatakbo ang distansya sa pagitan namin. ‎ ‎“Tanga ka ba?!” ‎ ‎Hinawakan ko ang mukha niya— ‎parang kailangan kong siguraduhin na totoo siya. ‎ ‎“Akala mo hahayaan kitang mamatay mag-isa?!” ‎ ‎Hindi siya sumagot agad. ‎ ‎Sa halip— ‎hinawakan niya ang kamay ko. ‎Mahigpit. ‎ ‎“Hindi ko kailangang mamatay…” ‎mahina niyang bulong, ‎“…para masira ang lahat.” ‎Sa labas ng pasilidad— ‎dumating ang mga pulis. ‎Media. ‎Mga ta

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 49: A Sin Buried in the Past

    Hindi na ito tsismis. ‎Hindi na ito haka-haka. ‎Sa pagkakataong ito— ‎may ebidensya na. ‎ ‎“Ready ka na ba?” ‎Mahinang tanong ni Atty. Rafael habang hawak ang isang makapal na folder. ‎Nakatayo kami sa likod ng conference room— ‎parehong lugar kung saan winasak ni Leandro ang sarili niyang pangalan. ‎ ‎Ngayon— ‎dito rin ilalabas ang katotohanang matagal nang tinatago. ‎ ‎Huminga ako nang malalim. ‎“Hindi na mahalaga kung ready ako…” ‎mahina kong sagot. ‎“…kailangan na.” ‎ ‎Tumango siya. ‎At sa isang iglap— ‎binuksan ang pinto. ‎Muli— ‎sumabog ang ilaw ng camera. ‎Mga tanong. ‎Mga sigaw. ‎Pero mas handa na ako ngayon. ‎ ‎Hindi na ako ang babaeng umiiyak sa gilid. ‎ ‎Ako na ang lalaban. ‎ ‎“Magandang araw,” panimula ni Rafael, kalmado pero mabigat ang boses. ‎“Ako si Atty. Rafael Monteclaro.” ‎ ‎Isang saglit na katahimikan. ‎ ‎At pagkatapos— ‎“May ilalabas kaming ebidensya kaugnay ng insidente sa gala… at sa mas m

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 48: The Man Who Hid His Heart

    Hindi agad humupa ang ingay. ‎Sa loob ng conference hall— ‎patuloy ang sigawan, ang tanong, ang paghusga. ‎Pero sa labas— ‎ibang klase ang sumabog. ‎Mga balita. ‎Mga headline. ‎Mga opinyon ng publiko. ‎At sa gitna ng lahat— ‎isang pangalan ang paulit-ulit na binabanggit. ‎Leandro Iñigo Valeza. ‎Ang lalaking kilala bilang malamig. ‎Walang awa. ‎Walang puso. ‎ ‎Pero ngayon— ‎siya rin ang lalaking kusang nagpakalunod sa sarili niyang kasalanan. ‎Para lang iligtas ang isang babae. ‎“Hindi ito tugma.” ‎Mahinang sabi ni Rafael habang nakatutok sa tablet. ‎Nasa loob kami ng isang pribadong lounge— ‎malayo sa ingay ng media. ‎Pero hindi sa katotohanan. ‎“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa screen. ‎Mga video clip ng press conference. ‎Paikot-ikot. ‎Paulit-ulit. ‎Parang pinapahirapan ako. ‎“Leandro doesn’t make reckless decisions.” ‎“Hindi ito pagiging reckless,” mahina kong sagot. ‎“Ito ay pagpil

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 47: In the Silence Between Breaths

    Maingay ang sirena habang humahagibis ang sasakyan sa kalsada. ‎Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Leandro— ‎parang kapag binitiwan ko siya… tuluyan siyang mawawala. ‎“Stay with me… please…” ‎Paos na ang boses ko. ‎Halos wala nang natitirang lakas. ‎“Malapit na tayo!” sigaw ni Rafael mula sa harap. ‎Hindi ko alam kung ilang segundo… o minuto… ‎ang lumipas. ‎Basta ang alam ko— ‎hindi ako huminto sa pagdarasal. ‎Pagdating sa ospital— ‎lahat ay naging mabilis. ‎Mga kamay na humihila sa kanya palayo sa’kin. ‎Mga boses na sunod-sunod. ‎Mga ilaw na nakakasakit sa mata. ‎“Miss, kailangan niyo pong lumabas—” ‎“Hindi!” ‎Pero hinawakan ako ni Rafael. ‎Mahigpit. ‎“Amara… hayaan mo sila.” ‎Napatingin ako sa kanya— ‎luhaan. ‎At sa unang pagkakataon— ‎wala siyang sagot. ‎Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa labas ng emergency room. ‎Bawat segundo— ‎parang taon. ‎Bawat bukas ng pinto— ‎pinapatigil ang puso ko. ‎Hanggang sa— ‎cl

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 46 The Pawn He Chose… The Woman He Couldn’t Lose

    “…Amara Virelle Monteclaro” ‎Parang tumigil ang mundo ko. ‎Hindi ako makahinga. ‎Hindi ako makagalaw. ‎Hindi ko alam kung alin ang mas malakas— ‎ang kabog ng puso ko… ‎o ang bigat ng pangalang iyon. ‎“Hindi…,” mahina kong sabi. ‎“Hindi ako—” ‎“Isa kang Monteclaro,” putol ng babae, malamig ang boses. ‎“Ang anak ng pamilyang matagal nang dapat nawala.” ‎Nanlabo ang paningin ko. ‎Monteclaro. ‎Parehong apelyido— ‎kay Rafael. ‎Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. ‎At sa mukha niya— ‎wala na ang pagtatago. ‎“Rafael…” nanginginig kong tawag. ‎“Anong ibig sabihin nito?” ‎Tahimik siya. ‎At ang katahimikang iyon— ‎mas masakit pa sa kahit anong sigaw. ‎“Sabihin mo sa kanya.” ‎Bumaling ang babae kay Leandro. ‎Ngumiti. ‎Parang siya ang may kontrol sa lahat. ‎“At matapos na natin ito.” ‎“Leandro…” ‎Mahina. ‎Puno ng takot. ‎“Anong nangyayari?” ‎Sandaling pumikit si Leandro. ‎Parang doon niya hinahanap ang lakas— ‎o ang tapang— ‎para sirain ang lahat. ‎At nang mag

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 45 “Under the Gala Lights”

    Maliwanag ang buong ballroom. ‎Kristal ang mga ilaw. ‎Makinis ang sahig. ‎At bawat ngiti— ‎maingat. ‎Pinili. ‎Plastik. ‎— ‎Charity Gala. Makati. ‎Isang gabi ng prestihiyo. ‎Ng mga taong may mga makapangyarihan. ‎Ng mga lihim na nakatago sa likod ng mamahaling ngiti. ‎At ako— ‎nasa gitna. ‎Nakasuot ng puting gown. ‎Malinis. ‎Tahimik. ‎Pero sa loob— ‎isang bagyo. ‎“Ready?” mahina ang tanong ni Leandro sa tabi ko. ‎Napatingin ako sa kanya. ‎Sa lalaking pinili kong pagkatiwalaan. ‎Sa lalaking… posibleng konektado sa pinakamasakit kong nakaraan. ‎“Hindi,” sagot ko. ‎“Tara.” ‎ ‎At sabay kaming pumasok. ‎ ‎Pagpasok pa lang— ‎ramdam na agad ang mga mata. ‎Mga bulungan, at mga tingin na mapanghusga. ‎“Isn’t that her?” ‎“She’s the girl—” ‎“With the case—” ‎Hindi ko pinansin. ‎Dahil may mas mahalaga akong pakay. ‎Sa gitna ng ballroom— ‎isang malaking screen. ‎Para sa presentation. ‎Para sa donations. ‎At para sa katot

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 18 “The First Revenge”

    May mga kaaway na hindi agad sumusuntok.‎‎Ngumingiti muna sila.‎‎Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa likod si Amaryllis, nakasandal sa upuan, yakap ang sarili. Hindi siya tulog. Kilala ko na ang itsura ng tulog na pilit. Yung mata na nakapikit pero handang bumukas sa kahit anong tunog.‎‎“Malapit n

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 12 “Trapped Between Two Monsters.”

    Hindi ako dapat narito.‎‎Iyon ang unang pumasok sa isip ko habang nakikita ko ang lalaking nakatayo sa dulo ng hallway—relaxed, parang bisita lang, parang hindi siya dahilan kung bakit nanginginig ang hangin sa paligid.‎‎Pero hindi rin ako umatras.‎‎Nararamdaman ko ang bigat ng presensya ni Le

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 11 The Price of Being By Your Side

    May mga desisyon na hindi mo pwedeng bawiin.‎‎Ang pagsama niya sa mundo ko—isa iyon.‎‎Nakatingin ako sa CCTV wall sa control room ng bahay. Labindalawang screen. Iba’t ibang anggulo. Bawat hakbang niya, at bawat galaw, kita ko. Dahil gusto ko siyang bantayan. Gusto ko siyang protektahan.‎‎Kund

  • The Billionaire Obsessed With My Body   Chapter 10 When You Refuse to Back Down

    Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagbago ang lahat.‎‎Hindi yung gabi ng auction. Hindi rin yung unang beses na hinalikan niya ako para patahimikin. Hindi kahit yung gabing umuulan na natulog ako sa mga bisig niya.Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.‎‎Nagbago ang lahat noong sinabi niya ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status