LOGINAmaryllis Kaye POV
Tahimik ang Lalaking Ayaw Manahimik ang Bibig Ko
Kung may rekord sa pagiging madaldal sa gitna ng trauma, siguro nasa top ten na ako.
Sa loob ng kotse, tahimik. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging tunog lang ng makina at ng sarili kong paghinga ang maririnig. Samantalang ako, parang radyo na walang off switch.
“Excuse me ha” sabi ko habang yakap ko ang sarili ko, “normal lang ba sa’yo ang mang kidnap ng babaeng kakagaling lang sa auction ng mga manyakis”
Tahimik siya.
“Hindi ka ba natatakot” dagdag ko. “Kasi ako oo. Very much. As in nanginginig ang kaluluwa ko”
Walang sagot.
“Alam mo, kung ransom to, wala kang mapapala. Wala akong mayamang kamag anak. Ang meron lang ako ay utang sa tindahan at trauma”
Tumingin siya sa daan. Diretso. Walang emosyon.
“Kung serial killer ka, sana sabihin mo na. Para makapaghanda ako mentally”
Wala pa rin.
Napabuntong hininga ako. “Grabe ka naman. Kahit konting reassurance lang. Sabihin mo man lang na hindi mo ako papatayin ngayong gabi”
Tumigil ang kotse.
Bigla.
Napahinto ako sa pagsasalita.
“Uy” sabi ko, kinabahan. “Bakit tayo huminto”
Dahan dahan siyang lumingon sa akin. Unang beses ko siyang nakita ng ganito kalapit. Malinaw. Matalim ang mata. Hindi galit. Hindi rin malamig. Parang… pagod. Parang may iniipon na pasensya.
“Natapos ka na ba” tanong niya, mababa ang boses.
“Ha”
“Sa pagsigaw” dagdag niya. “Sa pagsasalita”
Napangiti ako ng pilit. “Hindi pa nga actually, may second round pa ako”
Bigla siyang umusog palapit.
“HOY” sigaw ko agad. “Personal space kuya”
Pero hindi siya huminto.
Mas lalo siyang lumapit hanggang ramdam ko na ang init niya. Ang amoy niya. Hindi pabango. Hindi rin usok. Amoy lalaki lang na hindi trying hard.
“Kung gusto mong makalabas ng buhay” sabi niya, mabagal, “manahimik ka”
“Hindi ko talent yan” sagot ko agad.
At doon nangyari ang pinaka hindi ko inaasahan.
Hinalikan niya ako.
Hindi marahas. Hindi rin mahaba. Isang mabilis pero matatag na halik na parang pinindot lang ang mute
button ng mundo.
Nanlaki ang mata ko.
Nawala ang boses ko.
Nawala ang lahat ng sasabihin ko sana.
Parang biglang may nag pull out ng plug sa utak ko.
Umatras siya agad, parang walang nangyari.
“Tama na” sabi niya. “Ayan. Behave”
Kung kanina ako parang radyo, ngayon para akong sirang stuffed toy.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ako makagalaw.
Ang kaya ko lang gawin ay tumango.
Maliit. Mabagal. Parang kuting na pinagalitan.
Tumango ako ulit. Mas mabilis na.
“Oo” bulong ko. “Behave na”
Ramdam ko ang init sa mukha ko. Parang niluluto ang pisngi ko sa sariling hiya. Kinagat ko ang labi ko, hindi dahil sa seduction, kundi dahil baka mapasigaw ako.
“Lord” bulong ko sa isip ko, “anong klaseng plot twist to”
Umandar ulit ang kotse.
Tahimik ulit.
Pero ngayon, ibang klase na ang katahimikan.
Hindi na nakakabingi.
Nakakakiliti.
“Sorry” bulong ko, hindi ko alam bakit.
“Madaldal lang talaga ako pag kinakabahan”
“Napansin ko” sagot niya.
“Hindi mo na sana ako h******n” dagdag ko. “Pwede namang busalan”
Tumingin siya saglit. “Mas effective yun”
Napasinghap ako. “Grabe ka”
Hindi ko na siya tiningnan. Ayaw kong makita kung nakangiti siya o hindi. Ayaw ko ring makita kung namumula rin siya. Kasi kung oo, baka mas lalo akong mabaliw.
Tahimik akong nakaupo. Pero ang utak ko, nagwawala.
Bakit niya ginawa yun.
Bakit parang ako pa ang nahiya.
Bakit parang ako pa ang may kasalanan.
At bakit, sa gitna ng lahat ng nangyari, yun ang hindi mawala sa isip ko.
Huminto ulit ang kotse, sa isang malaking gate. Bumukas iyon. Pumasok kami sa isang lugar na halatang hindi ko kailanman mapupuntahan sa normal na buhay ko.
Malawak. Tahimik. May ilaw na parang laging gabi kahit hindi.
“Baba” sabi niya.
Sumunod ako agad. Walang reklamo. Behave na e.
Pumasok kami sa isang bahay. Malaki. Malinis. Parang walang bakas ng buhay. Parang museum.
“Dito ka muna” sabi niya, tinuro ang isang sofa. “Wag kang lalabas”
“Oo” sagot ko agad. Tumango ulit ako.
Naupo ako, tuwid ang
likod, nakapulupot ang kamay sa tuhod, parang batang nasa guidance office.
Habang papalayo siya, doon ko lang napansin na nanginginig ang kamay ko.
Hindi sa takot.
Hindi ko alam kung sa ano.
Lumipas ang ilang minuto. Tahimik. Walang sigaw. Walang habulan. Walang glass case.
Pero ang dibdib ko, parang may tumatakbo pa ring alarma.
Bumalik siya, may dalang tubig.
“Inom” sabi niya.
Tinanggap ko. “Salamat”
Nagkatinginan kami saglit.
Tahimik.
“Hindi ka ba magsasalita” tanong niya.
Umiling ako agad. “Behave”
Parang may bahagyang ngiti sa gilid ng labi niya.
At doon ko narealize.
Mas delikado pa pala ang katahimikan kaysa sa sigaw.
At mas nakakatakot ang lalaking kayang patahimikin ang mundo ko sa isang halik.
Hindi ko alam kung ano siya.
Hindi ko alam kung ano ang plano niya.
Pero isang bagay ang sigurado.
Ang bangungot ko ay may kasamang kakaibang tibok ng puso.
At ayokong aminin yun.
BANG. Tumigil ang mundo. Isang segundo— na parang walang hanggan. “LEANDRO!” Pagpasok ko sa selda— amoy pulbura ang sumalubong sa’kin. At doon— nakita ko siya. Nakatayo pa rin. Si Leandro. Hingal. Dugo sa gilid ng braso niya— pero buhay. Sa harap niya— nakahandusay ang lalaking may baril. Tinamaan. Hindi fatal— pero sapat para mawalan ng laban. “You’re late,” mahina niyang sabi, pilit na ngumiti. Napahagulhol ako— habang tinatakbo ang distansya sa pagitan namin. “Tanga ka ba?!” Hinawakan ko ang mukha niya— parang kailangan kong siguraduhin na totoo siya. “Akala mo hahayaan kitang mamatay mag-isa?!” Hindi siya sumagot agad. Sa halip— hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. “Hindi ko kailangang mamatay…” mahina niyang bulong, “…para masira ang lahat.” Sa labas ng pasilidad— dumating ang mga pulis. Media. Mga ta
Hindi na ito tsismis. Hindi na ito haka-haka. Sa pagkakataong ito— may ebidensya na. “Ready ka na ba?” Mahinang tanong ni Atty. Rafael habang hawak ang isang makapal na folder. Nakatayo kami sa likod ng conference room— parehong lugar kung saan winasak ni Leandro ang sarili niyang pangalan. Ngayon— dito rin ilalabas ang katotohanang matagal nang tinatago. Huminga ako nang malalim. “Hindi na mahalaga kung ready ako…” mahina kong sagot. “…kailangan na.” Tumango siya. At sa isang iglap— binuksan ang pinto. Muli— sumabog ang ilaw ng camera. Mga tanong. Mga sigaw. Pero mas handa na ako ngayon. Hindi na ako ang babaeng umiiyak sa gilid. Ako na ang lalaban. “Magandang araw,” panimula ni Rafael, kalmado pero mabigat ang boses. “Ako si Atty. Rafael Monteclaro.” Isang saglit na katahimikan. At pagkatapos— “May ilalabas kaming ebidensya kaugnay ng insidente sa gala… at sa mas m
Hindi agad humupa ang ingay. Sa loob ng conference hall— patuloy ang sigawan, ang tanong, ang paghusga. Pero sa labas— ibang klase ang sumabog. Mga balita. Mga headline. Mga opinyon ng publiko. At sa gitna ng lahat— isang pangalan ang paulit-ulit na binabanggit. Leandro Iñigo Valeza. Ang lalaking kilala bilang malamig. Walang awa. Walang puso. Pero ngayon— siya rin ang lalaking kusang nagpakalunod sa sarili niyang kasalanan. Para lang iligtas ang isang babae. “Hindi ito tugma.” Mahinang sabi ni Rafael habang nakatutok sa tablet. Nasa loob kami ng isang pribadong lounge— malayo sa ingay ng media. Pero hindi sa katotohanan. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya, hindi inaalis ang tingin sa screen. Mga video clip ng press conference. Paikot-ikot. Paulit-ulit. Parang pinapahirapan ako. “Leandro doesn’t make reckless decisions.” “Hindi ito pagiging reckless,” mahina kong sagot. “Ito ay pagpil
Maingay ang sirena habang humahagibis ang sasakyan sa kalsada. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Leandro— parang kapag binitiwan ko siya… tuluyan siyang mawawala. “Stay with me… please…” Paos na ang boses ko. Halos wala nang natitirang lakas. “Malapit na tayo!” sigaw ni Rafael mula sa harap. Hindi ko alam kung ilang segundo… o minuto… ang lumipas. Basta ang alam ko— hindi ako huminto sa pagdarasal. Pagdating sa ospital— lahat ay naging mabilis. Mga kamay na humihila sa kanya palayo sa’kin. Mga boses na sunod-sunod. Mga ilaw na nakakasakit sa mata. “Miss, kailangan niyo pong lumabas—” “Hindi!” Pero hinawakan ako ni Rafael. Mahigpit. “Amara… hayaan mo sila.” Napatingin ako sa kanya— luhaan. At sa unang pagkakataon— wala siyang sagot. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa labas ng emergency room. Bawat segundo— parang taon. Bawat bukas ng pinto— pinapatigil ang puso ko. Hanggang sa— cl
“…Amara Virelle Monteclaro” Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung alin ang mas malakas— ang kabog ng puso ko… o ang bigat ng pangalang iyon. “Hindi…,” mahina kong sabi. “Hindi ako—” “Isa kang Monteclaro,” putol ng babae, malamig ang boses. “Ang anak ng pamilyang matagal nang dapat nawala.” Nanlabo ang paningin ko. Monteclaro. Parehong apelyido— kay Rafael. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. At sa mukha niya— wala na ang pagtatago. “Rafael…” nanginginig kong tawag. “Anong ibig sabihin nito?” Tahimik siya. At ang katahimikang iyon— mas masakit pa sa kahit anong sigaw. “Sabihin mo sa kanya.” Bumaling ang babae kay Leandro. Ngumiti. Parang siya ang may kontrol sa lahat. “At matapos na natin ito.” “Leandro…” Mahina. Puno ng takot. “Anong nangyayari?” Sandaling pumikit si Leandro. Parang doon niya hinahanap ang lakas— o ang tapang— para sirain ang lahat. At nang mag
Maliwanag ang buong ballroom. Kristal ang mga ilaw. Makinis ang sahig. At bawat ngiti— maingat. Pinili. Plastik. — Charity Gala. Makati. Isang gabi ng prestihiyo. Ng mga taong may mga makapangyarihan. Ng mga lihim na nakatago sa likod ng mamahaling ngiti. At ako— nasa gitna. Nakasuot ng puting gown. Malinis. Tahimik. Pero sa loob— isang bagyo. “Ready?” mahina ang tanong ni Leandro sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Sa lalaking pinili kong pagkatiwalaan. Sa lalaking… posibleng konektado sa pinakamasakit kong nakaraan. “Hindi,” sagot ko. “Tara.” At sabay kaming pumasok. Pagpasok pa lang— ramdam na agad ang mga mata. Mga bulungan, at mga tingin na mapanghusga. “Isn’t that her?” “She’s the girl—” “With the case—” Hindi ko pinansin. Dahil may mas mahalaga akong pakay. Sa gitna ng ballroom— isang malaking screen. Para sa presentation. Para sa donations. At para sa katot
May mga kaaway na hindi agad sumusuntok.Ngumingiti muna sila.Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa likod si Amaryllis, nakasandal sa upuan, yakap ang sarili. Hindi siya tulog. Kilala ko na ang itsura ng tulog na pilit. Yung mata na nakapikit pero handang bumukas sa kahit anong tunog.“Malapit n
Hindi ako dapat narito.Iyon ang unang pumasok sa isip ko habang nakikita ko ang lalaking nakatayo sa dulo ng hallway—relaxed, parang bisita lang, parang hindi siya dahilan kung bakit nanginginig ang hangin sa paligid.Pero hindi rin ako umatras.Nararamdaman ko ang bigat ng presensya ni Le
May mga desisyon na hindi mo pwedeng bawiin.Ang pagsama niya sa mundo ko—isa iyon.Nakatingin ako sa CCTV wall sa control room ng bahay. Labindalawang screen. Iba’t ibang anggulo. Bawat hakbang niya, at bawat galaw, kita ko. Dahil gusto ko siyang bantayan. Gusto ko siyang protektahan.Kund
Amaryllis Kaye POVNagising ako sa tunog ng ulan.Hindi yung simpleng patak patak lang na parang background music sa café. Ito yung klase ng ulan na parang may galit ang langit. Malakas. Tuloy tuloy. Parang binubuhos lahat ng bigat na kinimkim buong taon.Nakatitig ako sa kisame ng kwartong hindi a







