Share

KABANATA 3

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-12 10:30:26

Mariin na ipinikit ni Isabelle ang mga mata at pilit na pinapakalma ang sistema. Hindi niya alam kung para saan ang kaba n’ya ngayon, kung para ba iyon sa kalagayan ng ina na nasa loob ng emergency room o sa lalaking pumukaw ng interest niya na hanggang ngayon ramdam niya na tila nakatingin sa kaniya.

Nang bumukas ang pinto ng emergency room, saka lang nagawa na iangat ni Isabelle ang ulo mula sa pagkakayuko.

Doon nakita niya ang doktor na sumuri sa Mama Ana niya. Tatlong oras na rin silang naghihintay bago ito lumabas.

Tumingin ang doktor sa kanila. “Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?”

"Anak ho niya kami,” maagap niyang sagot.

“Please follow me, Ms. Caballero.”

Walang salita, sumunod si Isabelle sa doktor habang iniwan niya pansamantala si Shann na nakaupo sa labas ng emergency room.

Nilingon niya ang dulo ng papaliko na pasilyo ngunit wala na ang lalaki na kausap ni Nurse Grace.

May panghihinayang man siya na naramdaman ay hindi na niya pinansin iyon dahil kailangan siya ngayon ng Mama Ana niya.

Sa loob ng isang kuwarto, pinapaupo siya ng doktor pagkatapos niyang isara ang pinto. Inalis ng doktor ang mask at gloves, binalot ito sa isang plastik, at itinapon sa basurahan. Nag-alcohol pa ito bago inabot sa kan’ya ang isang bagong mask.

Sinuot ni Isabelle ang mask, gaya ng ginawa ng doktor.

Umupo ang doktor at isinandal ang likuran sa swivel chair nito.

“Magandang araw, Ms. Caballero! Ako si Doc. Santiago, ang resident cardiologist ng San Agustine Hospital. Ako rin ang may hawak sa medical case ng iyong ina. I’m here to provide information and support as we work together for your mother’s health. If you have any questions or need further clarification, feel free to ask. What do you want me to call you?”

“Isay ho. Isabelle Caballero ho ang buong pangalan ko.”

Tumango ang doktor na seryoso ang ekspresyon.

“Ms. Caballero,” malumanay na bigkas ng doktor. “I need to be candid with you. Your mother’s condition is critical.”

Ang mga salitang iyon ay nagpapalakas ng kaba sa dibdib ni Isabelle. Sa bawat titig ng doktor, tila mayroong malalim na mensahe na hindi pa nasasabi. Pakiramdam niya tila huminto ang mundo niya sa narinig.

“The patient's condition, known as vasovagal syncope, is characterized by sudden and intense fainting episodes. This condition has significantly complicated matters in her case."

Kumunot ang noo ni Isabelle dahil hindi pamilyar sa kaniya ang medical term na ginagamit nito.

Napalunok siya at pigil na pigil na gumaralgal ang boses. “Dok, ano ho ba ang vasovagal syncope?”

"Vasovagal syncope is triggered when the body overreacts to certain stimuli, leading to a sudden drop in blood pressure and heart rate. In this patient's case, this overreaction made it challenging for us to perform effective CPR, as her body's response was not conducive to the procedure. May natatandaan ka ba o napansin na pagbabago sa mama mo bago siya nawalan ng malay?"

Umiling siya. “W-wala ho. Hindi ko nga ho alam kung…. Papaano… Ano ho ang….” Litong-lito si Isabelle at pilit in-absorb sa utak niya ang bawat salita ng doktor.

Napahimas siya sa kaniyang batok at nagsimula na rin mangilid ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya papanawan siya ng ulirat sa narinig.

Kumuha ng tissue ang doktor at inabot sa kaniya.

“Well, kung wala ka naman natandaan, ipapaliwanag ko na lang sa’yo nang husto ang kalagayan ng mama mo.”

Tumango lang si Isabelle dahil pakiramdam niya hindi kaya magsalita.

“Ang vasovagal syncope ay isang kondisyon kung saan ang tao ay biglang nawawalan ng malay dahil sa sobrang pag-reaksiyon ng katawan sa ilang mga trigger,” pagpapatuloy na paliwanag ng doktor. “Ito ay maaaring ma-trigger sa mga sitwasyon tulad ng pagkakakita ng dugo, labis na stress, o iba pang mga factors. Sa kaso ng inyong ina, ang vasovagal syncope ang nagdulot ng komplikasyon sa kan’yang kalagayan.”

The doctor's words were delivered with unwavering determination.

"We're tirelessly exploring every avenue in our efforts," he assured her. “But her condition, though challenging, is one we're steadfastly working to overcome."

“Oh, God!” Doon tuluyan na siyang napahagulgol sa iyak. Ang doktor naman ay pansamatalang tumigil sa sinabi. Hindi niya alam kung ano ang nagpa-trigger sa mama niya kanina.

Isang mahabang patlang na katahimikan ang pumagitna.

Kanina nakita niyang bumagsak ang kaniyang Mama Ana, ngunit hindi niya alam na mabigat ang sitwasyon. Ang kan’yang dibdib ay nag-aalala, at ang mga salitang “critical condition” ay tila nagbigay ng malamig na hangin sa kaniyang puso.

“Ano po ang dapat namin gawin, Dok?” tanong ni Isabelle nang mahimasmasan siya, ang kaniyang mga mata ay puno ng takot.

Tumango ang doktor.

“Kailangan nating magkaroon ng masusing pagsusuri sa kaniyang puso. Kung kinakailangan, maaaring isagawa ang angiogram o iba pang mga test. At sa kasalukuyang kalagayan, ang operasyon ay isa sa mga opsyon.”

Muli na naman siya naiyak sa sinabi ng doktor.

Ang mga salitang “operasyon” ay tila nagbigay ng malamig na hangin sa kaniyang puso. Hindi lamang ito mahirap, kundi maaaring magastos din. Sila ay may dalawang daang libo sa bangko pero hindi niya alam kung sasapat ba iyon para sa mga bayarin sa ospital at sa magiging operasyon ng kaniyang ina.

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Isabelle.

Para sa kaniyang ina, gagawin niya ang lahat para mabuhay lang ito sa kahit na anong paraan.

“Magkano po ba ang kakailanganin na gastos para sa operasyon, Dok?” tanong ni Isabelle, ang kaniyang mga kamay ay nagkakamot sa kaniyang palad.

“Hindi ko pa masasabi ang eksaktong halaga, pero kailangan natin itong paghandaan sa lalong madaling panahon. Ang kalusugan ng inyong ina ay nasa kritikal na kondisyon, at ang bawat oras ay mahalaga. Nasa iyong kamay nakasalalay ang kalagayan niya.”

Napalunok si Isabelle at naglandas na naman ang luha sa mga mata niya.

“Dok, itatanong ko lang kung sasapat po ba ang dalawang daang libo peso?” alanganin na tanong niya.

Kahit na impossible, gusto pa rin niya kumapit kahit papaano sa kaunting pag-asa.

Tiningnan siya ng doktor bago umiling.

Laylay ang balikat ni Isabelle sa reaksyon ng doktor. Bagaman inaasahan na niya na hindi sapat ang halaga na mayroon siya, pero kahit papaano ay umaasa siya na makahalatian man lang niya ang halaga na kakailanganin sa operasyon.

“Tatapatin na kita, Ms. Caballero.” Umupo nang maayos ang doktor at pinagsiklop ang dalawang kamay sa ilalim ng baba nito at seryoso na tiningnan siya. “Ang halaga na kakailanganin mo sa operasyon at sa mga test na gagawin sa mama mo, ay nagkakahalaga ng tatlong milyon o higit pa. Dahil matapos operahan ang mama mo, kailangan pa siyang obserbahan na higit isang buwan.”

Napalunok si Isabelle sa sinabi ng doktor.

Tatlong milyon?

Hindi niya inakala na ang halaga ay ganoon kalaki. Ang kanyang puso ay naglalakbay sa mga posibilidad: Paano nila mababayaran iyon? Saan nila kukunin ang ganung halaga?

“Tatlong milyon?” ang kaniyang boses ay halos hindi marinig. “Paano… Papaano po namin kakayanin iyon, Dok? Wala kaming ganoong kalaking pera. Ang ganoong kalaking halaga ay hindi ko rin kikitain ng isang araw.”

“Ms. Caballero,” sabi ng doktor. “Alam kong mahirap tanggapin ang ganitong balita. Pero kailangan nating maging bukas sa mga posibilidad. May mga financial assistance programs ang ospital na maaaring makatulong sa inyo. Maari rin kayong magtanong sa mga charity organizations o mga non-government organizations na nagbibigay suporta sa mga pasyenteng nangangailangan. Kung gusto niyo naman, ay humingi kayo ng tulong sa Z Legacy Foundation, ang alam ko ay malaki ang binibigay na halaga ng foundation na iyon lalo na sa mga ganitong sitwasyon.”

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Isabelle. “Dok, paano kung hindi namin ma-afford ang operasyon? Ano ang mangyayari sa mama ko?”

“Ms. Caballero, hindi ko kayang sabihin sa iyo na walang risks. Pero ang pagpapagamot ay isang hakbang na maaari nating gawin para sa inyong ina. Kung hindi natin ito susubukan, wala tayong ibang choice kung hindi hintayin ang mga susunod na mangyayari. Hindi mo naman gusto na hintayin na lang kung ano ang mangyayari sa Mama Ana mo, hindi ba?”

Kaagad na tumango si Isabelle.

“Good. Kung mayroon tayong pagkakataon na maibigay ang lahat para sa kaniyang kalusugan, dapat nating pagtuunan ito ng pansin.”

“Kahit anong mangyari, gagawin namin ang lahat para sa mama ko. Kung kinakailangan naming mangutang, magbenta ng ari-arian, o humingi ng tulong sa mga kamag-anak, gagawin namin. Hindi namin siya iiwanan.”

Ang doktor ay tumango. “Iyan ang tamang pananaw, Ms. Caballero. Ang pagmamahal at determinasyon ng pamilya ay malaking tulong sa paggaling ng pasyente. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Makakaasa ka sa akin bilang doktor ng mama mo ay gagawin ko rin ang lahat para bumalik ang sigla niya.”

“Maraming salamat, Doc. Santiago.”

Pagkatapos makausap ni Isabelle ang doktor ay binalikan niya si Shann na naghihingtay pa rin sa kaniya sa labas ng emergency room. Sa ngayon, ang tanging magagawa pa lang niya ay ang magdasal para sa kaligtasan ng kanilang ina.

Sa maliit na kapilya, nagkulong si Isabelle sa katahimikan. Ang mga kandila ay nagbibigay liwanag sa kanyang pag-aalala. Ang kaniyang mga kamay ay nanginig habang hawak ang rosaryo.

“Mahal na Birhen,” bulong niya, “Tulungan n’yo po ang Mama Ana ko, huwag n’yo pong pabayaan. Siya lang ang mayroon kami ni Shann.”

Ang mga alaala ng kaniyang ina ay bumalik sa kaniyang isipan. Mga masasayang sandali noong bata pa siya, ang mga halakhak at mga yakap nito. Ang pag-aalala nito sa tuwing nahuhuli siya ng uwi. Ngayon, tila ba ang lahat ay nagiging madilim.

Nagdasal siya nang taimtim.

Humiling na sana’y magising ang kan’yang ina, na muling makita ang kanyang mga mata, at maramdaman ang pagmamahal. Ngunit sa kabila ng kaniyang panalangin, ang takot ay patuloy na sumisidhi sa kaniyang dibdib. Takot sa kung ano ang mangyayari sa susunod. Hindi biro ang halaga na kailangan niya.

“Mahal na Birhen,” ulit niya. “Bigyan n’yo po kami ng lakas. Huwag n’yo kaming pababayaan. Bigyan mo ng linaw ang aking kaisipan at huwag iadya sa masamang landas. Alam ko na kailangan ko ng malaking halaga pero sana, ibigay mo iyon sa tamang paraan.”

Sa loob ng kapilya, ang kan’yang mga luha ay tahimik na bumagsak. Ang pag-aalala ay naglalakbay sa bawat kanto ng kan’yang puso. Hanggang sa wakas, siya’y napaupo sa isang upuan, naghihintay, umaasa, at nagmumulat sa kahalagahan ng bawat segundo.

At sa gitna ng dilim, isang tanong ang bumalot sa kanyang isipan.

Saang kamay niya kukunin ang tatlong milyon na halaga?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mhiekyezha
hello po sa inyo. Leave your comment
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 107

    Kanina pa paulit-ulit na tinatawagan ni Leon si Isabelle, pero puro mahabang ring lang ang isinasagot ng linya bago tuluyang maputol.Kakarating lang niya mula ospital at ngayon lang niya nahawakan ang cellphone—naiwan niya kasi ito sa drawer ng silid kanina. Hindi na rin niya nagawang utusan sino man sa tauhan niya dahil ang mga mata ni Roman ay hindi nito inaalis sa kanila. Tila ba, may pagdududa ito. Agad siyang sumulyap sa screen. Walang bagong notification. Walang reply sa alinman sa mga naunang message niya. Ni “seen” wala. Muli siyang nagpadala ng message. 'Mahal, anong ginagawa mo? Busy ka ba?' Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit katulad kanina ay wala pa rin itong reply. Napakunot ang noo niya. This isn’t normal. Hindi kailanman ginawa ni Isabelle na balewalain siya nang ganito kahit gaano ito ka-busy. Kahit na nasa OJT ito ay nakakapag-message naman ito sa kaniya. Usually, paggising pa lang niya ay may bungad nang mensahe ito—minsan simpleng good morning, minsan s

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 106

    Nagising si Isabelle na mabigat ang ulo, parang may nakadagan sa dibdib niya. Holiday at long weekend naman kaya gusto niyang magkulong sa kuwarto, matulog nang matulog hanggang makalimutan niya ang lahat. Ewan, pero nakakaramdam siya ng tampo sa asawa. “Ate, Ate!” masiglang tawag ni Shann mula sa labas ng kuwarto nila ni Leon. Sunod-sunod na katok ang umalingawngaw. “Ate, gising na. ’Di ba sabi mo, pupunta tayo sa ospital at maghapon tayong magbabantay…” Napangiwi si Isabelle at agad hinila ang unan para itakip sa mukha. Gusto niyang magbingi-bingihan, gusto niyang magpanggap na tulog pa siya. Tinatamad siyang bumangon at lumabas. “Ate…” muling katok ni Shann, mas banayad pero nananabik pa rin. Humugot ng malalim na hininga si Isabelle. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Cosme mula sa labas. “Shann, sa tingin ko, tulog pa ate mo. Sumama ka na lang sa akin.” Napapikit si Isabelle at nakiramdam, naghintay ng sagot ng kapatid. “Pero… papaa

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 105

    Natulala na lang si Isabelle nang tuluyang mawala sa kanilang linya si Leon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing tatawag ito sa kaniya ay may halong pagmamadali at tila walang oras para makinig. At kapag siya naman ang tumatawag, madalas hindi nito sinasagot—laging nakapatay ang cellphone, laging may idinadahilan. “Naiwan ko,” O, 'di kaya “lowbat.” Paulit-ulit na dahilan at parang nakakasawa ang ganoong palusot nito. Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang inilapag ang cellphone sa nightstand. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mabilis at hindi mapakaling tibok ng puso niya ang maririnig.“Leon… ano ba talaga ang problema?” bulong niya, halos pumikit na ang tinig.Humiga siya at hinila ang isang unan kung saan isinuksok niya ang puting polo ng asawa—ang damit na madalas nitong suotin kapag nasa bahay. Idinikit niya ang mukha roon, mariing pumikit na para bang kaya nitong ibalik ang init ng mga yakap ni Leon.Amoy niya pa rin ang pinaghalon

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 104

    “(Grazie a Dio! Sei vivo, nipote mio.)” (Thank God! You’re alive, my nephew.) Mahigpit ang yakap ni Roman nang sa wakas ay makita si Mr. Z.Halos mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumitiw siya mula sa pagkakayakap. Ngunit si Mr. Z ay nanatiling walang reaksyon, malamig ang tingin habang nakatuon lamang sa Uncle Roman niya.Pagkatapos, agad lumipat ang atensyon ni Roman kay Maxine, na nasa likuran, nakaalalay sa ama nitong si Zahir.“(Oh, signorina Graziano. Sono felice di vederti ancora al fianco di mio nipote, a prenderti cura di lui.)” (Oh, Ms. Graziano. I’m glad to see you still by my nephew’s side, taking care of him.)Nagulat si Maxine, ngunit nagpakita ng magaan na ngiti at tinanggap ang yakap ni Roman.“(Papà, la prossima volta non andare da nessuna parte. Mi preoccupo troppo.)” (Dad, next time don’t go anywhere. I worry too much.) seryosong sabi ni Roman, bahagyang nakakunot ang noo habang hinarap ang kanyang ama.Si Mr. Zahir, ngayon ay nasa edad na seventy-three, ay ha

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 103

    “Ma’am Isabelle, hindi ba kayo kakain?” muling tanong ni Manang Ising, nakasilip mula sa may pinto ng kuwarto nila ni Leon.Sa kanila na ito ngayon tumutuloy mula nang umalis si Leon, para may makasama siya sa bahay at hindi tuluyang lamunin ng katahimikan ang gabi.Pasado alas otso na, at para kay Isabelle, parang lalo lang bumabagal ang pag-ikot ng oras kapag wala ang asawa niya. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat gabi ay parang walang katapusang paghihintay. Inuubos niya ang oras sa Ojt, school at sa pagtatanim ng halaman sa harapan. “Ma’am?” tawag ulit ng matanda.Umiling siya, pinilit magpakawala ng maliit na ngiti habang nakatutok sa laptop at sa mga pahina ng thesis na pilit niyang tinatapos. “Mamaya na ho, baka tumawag si Leon…”“Ma’am, bilin ni Sir—kumain kayo sa tamang oras. Gusto n’yo ba dalhan ko na lang kayo dito?”Umiling muli si Isabelle, mahina pero mariin. “Huwag na ho, Manang Ising. Ako na ang bahala sa sarili ko.”“Ma’am…” may pag-aalangan pa rin sa tini

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 102

    Iyak nang iyak si Isabelle habang yakap-yakap ang asawa. Ayaw niyang bumitaw, parang kung kakalas siya ay baka tuluyan na itong mawala sa piling niya.Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang makalabas siya ng ospital. Sa mga panahong iyon, hindi siya pinayagang lumabas ni Leon. Hands on ito sa lahat—pag-aalaga sa kaniya, kay Shann, at maging kay Mama Ana. Hindi na niya maintindihan kung papaano nahahati ng asawa ang sarili araw-araw, pero ang alam niya lang, hindi siya pinapabayaan nito.Pasalamat siya dahil mali ang tingin niya noon. Buong akala niya, isang walang patutunguhang lalaki ang napasagot niya—isang sanggano lang na walang maipagmamalaki. Pero mali siya. Iyon pala, mas marami itong kayang gawin kaysa sa inaakala niya. Hindi man nakaupo sa loob ng opisina gaya ng iba, pero madiskarte si Leon. Marunong sa lupa, sa pagtatanim, at lahat ng bagay na napapakinabangan.Binibenta nito ang mga tanim na gulay sa Z’ Oasis Hotel and Casino. Noon lang niya nalaman na si Leon pala a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status