Share

KABANATA 4

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-13 22:26:11

Ang kapatid ni Isabelle ay nakatulog na sa tabi niya, siya naman ay lumuhod sa kneeler para muling magdasal nang taimtim.

Ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa mga rosaryo, at ang mga salita ng mga dasal ay umaalingawngaw sa kaniyang isipan.

“Panginoon, tulungan mo po akong makahanap ng paraan,” bulong niya sa sarili. “Kailangan ko ng tatlong milyong piso para sa operasyon ng nanay ko. Paano ko ito magagawa? Kayo lang ang alam ko na makakatulong sa’kin, sa kahit na anong paraan basta sa mabuti, kahit mahirap, gagawin ko.”

Sa bawat pagdarasal, si Isabelle ay nagpapakatatag. At sa pagtitiwala sa Diyos at sa sarili, umaasa siyang may paraan, kahit pa hindi pa niya alam kung ano iyon. Ang kaniyang pagmamahal sa ina ay nagbibigay liwanag sa kanyang landas, at ang kanyang determinasyon ay nagpapalakas sa kanyang puso.

Sa pagitan ng mga pagluha at pag-iyak, si Isabelle ay nagpupumilit na maging matatag. Ang kaniyang mga mata ay puno ng takot at pag-aalala, ngunit hindi niya hinahayaang ang kaniyang ina ay mawalan ng pag-asa. Sa bawat pag-ikot ng oras, tila ba ang buong mundo ay nagmamadali, at siya’y naiipit sa gitna ng pag-aalaga sa kanyang ina at pagtustos sa mga gastusin.

Nakakaramdam na rin siya ng pamamahid sa tuhod dahil sa tagal niyang nakaluhod, ngunit sa kabila ng kaniyang pagtitiis, hindi niya maiwasang ma-distract sa kalagitnaan ng kaniyang pagdarasal.

May tumabi sa kaniya ngunit hindi niya alam kung dahil ba sa pagkilos na walang ingat o dahil sa amoy nito na nanunuot sa ilong niya. Mamahalin at masculine ang amoy nito na siya lalong nagpapa-distract sa kaniya.

Gusto man niyang imulat ang mga mata para tingnan ang katabi ay hindi niya ginawa.

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at muling nagpatuloy sa pagdarasal.

Sa bawat pag-ikot ng segundo, si Isabelle ay nagpapakatatag. Iniisip niya ang mga salitang sinabi ng kaniyang ina:

“Anak, huwag kang bibitiw. Kaya mo 'yan.” At sa gitna ng pag-aalala at pagdaramdam, siya’y patuloy na lumalaban.

Hindi lamang para sa sarili, kung hindi para sa kaniyang ina at para sa pamilya nila.

Kapagkuwan naramdaman niya ang pagbundol nito sa braso niya. Napakunot-noo siya ngunit hindi na binigyan pansin. Sa muling pagkilos ng katabi, doon lang siya nagkalakas ng loob na imulat ang mga mata at lumingon sa tabi niya.

Nakita niya isang lalaki na nakasuot ng puti na long-sleeved na pinarisan ng itim na pantalon. Umangat ang isang kamay nito sa kaniya na tila ba na ipinapahiwatig na humihingi ng pasensya sa kaniya.

Tumango siya ngunit ang mga mata niya nakatuon pa rin sa lalaki.

May suot itong facemask na itim at dahil nakasiklop ang dalawang kamay nito na nakatukod sa ulo kaya hindi niya makita ang mukha ng lalaki. Ang mahaba nitong buhok ay maayos na nakatali sa likuran at may hikaw pa ito sa tainga.

Hindi siya fan ng mga lalaki na may suot na hikaw pero ang isang ‘to ay kakaiba.

"May problema ba?”

Nagulat si Isabelle sa biglang pagtatanong ng lalaki.

Hindi niya inaasahan ang ganitong interaksyon sa gitna ng kaniyang pagdarasal.

“Wala po,” sagot niya, tila nagmamadali na makabalik sa kaniyang panalangin. Ngunit sa loob-loob niya, may kakaibang damdamin na bumabalot sa kanya. Malamig at malalim ang boses nito. Hindi niya tiyak kung sinasadya ba nito na para bang baguhin o sadyang ganoon talaga ang boses nito.

God, Isabelle! Nasa kapilya ka para magdasal, ano ang ginagawa mo? Kastigo niya sa sarili.

Mayamaya ang lalaking nakasuot na facemask ay muli na naman kumilos na tila hindi mapakali. Mukhang wala itong pakialam at hindi interesado sa paligid dahil sa bawat kilos nito ay nagiging abala ito para sa kaniya. May mga pagkakataon na nabubunggo ng paa nito ang kaniyang paa, hindi niya alam kung sinasadya ba iyon o nagkakataon lang.

“Pasensiya na,” narinig niyang wika ng lalaki ngunit hindi na niya iyon binigyan pansin.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagbunggo uli ng braso nito sa kaniya.

Kumunot ang noo niya na iminulat muli ang mga mata para tingnan ito. “Ano ba’ng problema ng lalaking ‘to!”

“Pasensiya na ulit,” muling paghingi ng pasensiya ng lalaki.

“Ayos lang.” Muling pumikit si Isabelle at pasimple na umusog para makalayo sa katabi.

Ang wallet na inilapag niya sa upuan ay pasimple na hinila niya papalapit sa kaniya at hinawakan nang mahigpit iyon. Sa katulad niya na nangangailangan ng pera, hindi niya gugustuhing mawala kahit isang kusing man lang. Kahit pa, na mukhang mayaman ang katabi niya pero ano bang malay niya, baka nagpapanggap lang ito para makapanlinlang ng tao.

Habang nananalangin nang taimtim si Isabelle, hindi niya maiwasan na ma-distract sa tuwing kumikilos ang lalaki, may mga pagkakataon kasi na nabubunggo nito ang paa niya o hindi naman kaya ang braso niya na tila bang ipinagdidikit nito ang mga balat nila.

Weird ‘di ba? Ayaw man niyang isipin na pervert o may ibang intensyon ang katabing lalaki pero hindi niya talaga maiwasan na mag-isip. Hindi niya tiyak kung sinasadya ba iyon o nagkakataon lang.

Naramdaman ni Isabelle na tumayo ang lalaki ngunit hindi pa ito umaalis sa tabi niya. Ewan ba niya, pero parang pakiramdam niya ay tinitingnan siya nito.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya na naglakad na ito papalayo sa kaniya, siya naman ay hindi minumulat ang mga mata kahit pa, gustong-gusto na niya.

Bumilang pa siya bago iminulat ang mga mata.

Sa labasan ng kapilya kaagad tumingin si Isabelle. Wala na roon ang lalaking katabi niya kaya parang nakahinga siya nang maluwag.

Sa paglingon ni Isabelle sa kinauupuan ng kapatid niya, isang papel ang kaniyang nakita. Nakatupi ito, at dala na rin ng kaniyang kuryosidad, kinuha niya ito at umupo.

“Z Legacy Foundation,” basa niya sa nakasulat. Ang pangalan ay nagbigay liwanag sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya tila ba may sagot na ang kaniyang problema.

Si Zillion Craig Russo ay isang misteryosong bilyonaryo mula sa Italya. Bagama’t kilala ang kaniyang pangalan, tila ba ang kaniyang pisikal na anyo ay hindi gaanong alam ng publiko. Sa edad na 32, siya ay isang matagumpay na negosyante at hindi matatawaran ang mga ginawa. Ang kanyang mga negosyo, ang Russo Enterprises Holdings at Russo Empire, ay talagang namamayagpag nang husto.

Nakilala si Craig sa kaniyang pagtatayo ng Z Legacy Foundation sa Pilipinas, isang organisasyon na naglalayong tumulong sa mga taong may sakit na hindi kayang magbayad ng kanilang mga gastusin sa ospital. Ang kanyang layunin ay makapagbigay ng pag-asa at tulong sa mga nangangailangan, ngunit tila ba ang kaniyang pagkatao ay nababalot ng mga lihim at misteryo.

Sa pag-aalala ni Isabelle para sa kaniyang ina, hindi niya maiwasan na mapaisip kung sino nga ba si Zillion Craig Russo. Ano ang kaniyang tunay na motibo? At paano siya naging misteryoso sa kabila ng kaniyang mga gawaing pangkabutihan?

Kunot ang noo ni Isabelle habang binabasa ang mga achievement ni Zillion Craig Russo. Siya’y isang enigma, isang lalaking may malalim na ugnayan sa kalusugan at kabutihan. Marami pa siyang nabasa roon na hindi niya tiyak kung totoo ba ang nakasulat o hindi.

“‘Wag mo ng pagdudahan ‘yan, Isabelle,” bulong niya. “Ang importante may sagot na kahit papaano ang iyong problema. One at a time, Isabelle,” paalala niya sa sarili. Ang importante naman ngayon ay may malalapitan na sila kahit paano.

“Shann,” mahina niyang gising sa kapatid na nakatulog sa upuan. Kailangan nilang pumunta sa tanggapan ng Z Legacy Foundation.

Niyugyog niya ang balikat nito. “Shann, gising, aalis tayo.”

Pupungas-pungas na nagmulat ng mata si Shann. “Saan tayo pupunta, Ate Isay?”

“Diyan lang sa malapit. Gusto mo bang kumain muna?” tanong niya sa kapatid ng mapansin ang suot niyang relo, ala una na ng hapon.

“Okay lang po ba na kumain muna tayo? Nagugutom na kasi ako.”

Ngumiti si Isabelle at hinaplos ang pisngi nito. “Oo naman. Doon na lang tayo kumain sa canteen para makalibre tayo ng tubig.”

Sa paglabas ng kapilya, ang mga hakbang ni Isabelle ay nagiging mabigat, parang may nakatutok na mata sa kaniya mula sa anino ng mga pader.

Hindi ito unang beses na naramdaman niya ito – ang pagmamasid na tila humahaplos sa balat niya, nagpapakilala ng presensiya na hindi maipaliwanag. Ngunit ngayon, sa ospital, sa pagitan ng buhay at kamatayan, mas lalo itong nagiging nakakatakot iyon.

“Ate, bakit?” tanong ni Shann na puno ng pag-aalala ang mga mata.

Yumuko siya sa kapatid.

Paano niya sasabihin kay Shann ang kaniyang nararamdaman? Paano niya ipapaliwanag ang misteryosong pagmamasid na tila humahaplos sa kaniyang balat? Hindi kaya matakot ang kapatid niya sa sasabihin niya?

Huminga siya nang malalim at umiling ng ulo.

Nagpatuloy si Isabelle, naglalakad patungo sa dulo ng pasilyo. Ang mga ilaw ay nagbibigay liwanag, ngunit ang kanyang damdamin ay nagdadala ng dilim.

Ano ba ito? Isang espiritu? Isang anghel? O, baka naman isang pagpapaalala na ang buhay ay maikli, at ang pagmamahal ay mas matimbang kaysa sa anumang misteryo.

Nang makarating siya sa dulo ng pasilyo, nagdesisyon siyang huminto. Lumingon siya kung saan sila nanggaling ni Shann, bukod sa iilang nars at doktor ay wala naman kakaiba siyang nakikita.

Guni-guni lang ba iyon?

“May nakalimutan ba tayo, ate?”

Yumuko siya at pinisil ang kamay nito na hawak niya.

“Wala, Shann,” bulong niya. “Gutom lang siguro ako.” Ngunit sa kaniyang puso, alam niyang ito’y higit pa sa gutom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 93

    "Ugh!"Isang mahabang ungol ang bumungad kay Betty nang padarag siyang pumasok sa pinto.Nanlaki ang mata niya. Nandoon si Agnes, nakaluhod sa harapan ng boss nilang si Quil. Bagaman hindi niya kita ang ginagawa nito ay alam na alam niya ang kalokohan ng boss niya. Namula ang mukha niya sa hiya, pero parang na-freeze ang mga paa niya at hindi siya makakilos. Tila ba natulos siya mula sa pagkakatayo.Pag-angat ng tingin ni Quil, hindi ito napatigil—lalo pa itong ginanahan habang diretsong nakatitig sa kaniya. Kita niya ang paglunok ni Betty bago siya mabilis na tumalikod.Napatawa si Quil nang mahina, at ilang segundo lang, malalim na ang paghinga nito hanggang sa labasan nang marami."Tumayo ka na. Ayusin mo ang sarili mo," utos nitong malamig pero may bahid ng authority."Yes, Boss Quil," malanding sagot ni Agnes, pakendeng-kendeng pang naglakad papuntang banyo.Paglabas nito, biglang naging pormal ang mukha ni Boss Quil."Tawagin mo si Beatrice.""Si Betty, ho?" taas-kilay niyang

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 92

    Tahimik na naglakad si Leon hanggang dulo ng pasilyo, saka biglang kumaliwa para makasakay ng elevator papunta sa kabilang building.Pagbukas ng pinto sa third floor parking, sinalubong siya ng malamig na hangin at ng itim na SUV na nakaparada sa pinaka-dulo. Nandoon si Rocco, nakatayo at alerto.“Mr. Z,” bati nito, bahagyang yumuko.Tumango lang si Leon—o sa mundong iyon, si Mr. Z—at pumasok sa sasakyan. Sa loob, unti-unting naglaho ang malumanay na titig ng isang mapagmahal na asawa. Ang natira, ay malamig na mga mata ng isang taong sanay magplano ng digmaan.Tahimik silang bumiyahe, dumiretso sa Z’ Oasis Hotel and Casino.Sa private elevator, walang ibang pasahero. Pagdating sa penthouse, bumungad si Lucca, parehong seryoso ang mukha nito sa kaniya. Leon faced them, his expression hard as steel—wala na ni bakas ng lalaking kanina lang ay magiliw na kausap ang biyenan niya.“What’s new?” His voice was low, measured, but dangerous.Nagkatinginan sina Rocco at Lucca, tila nag-uusap s

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 91

    "Mr. Z, we didn’t find anything. The vehicle was just left in El Nido. Whoever got into your Hacienda… they were good."Napapikit si Mr. Z sa narinig mula sa tauhan niya pero wala siyang sinabi. Isang linggo na ang lumipas mula nang may pumasok sa bakuran niya. Wala namang nasaktan, pero alam niya—hindi iyon ang huli. At kung nagawa nilang pasukin ang lugar niya, ibig sabihin kilala siya ng kalaban.Ramdam niya ang bigat sa dibdib—galit, inis, at isang matinding pakiramdam ng panganib. Habang tumatagal, pakiramdam niya mas lumalapit ang banta. Sa kaniya. Kay Isabelle.“What about the others?” tanong niya, tinutukoy ang mga umaaligid sa bahay ni Isabelle.Tumikhim muna si Lucca bago sumagot. “About that… a detective hired by Lucio Caballero in Manila. We caught him, and he promised he wouldn’t tell Ms. Caballero’s father anything. He knows what will happen to him if he talks. My guess—he’s already back in Manila.”Tumango-tango si Mr. Z, halatang nasiyahan sa report ni Lucca.“That’s

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 90

    Tumigil sa pagkilos si Leon. Mabigat ang hininga nito habang dahan-dahang hinugot ang alaga mula sa loob niya.Ramdam na ramdam ni Isabelle ang pag-agos ng katas mula sa gitna ng mga hita niya. Basa. Mainit. Galing sa loob niya. Napakagat siya sa labi, at pilit pinakakalma ang mabilis na paghinga.Nakasunod lang ang mga mata niya sa bawat galaw ni Leon.Lumapit ito sa kaniya. Idinikit ang mainit na labi sa tainga niya.“Tumalikod ka…” anas nito, mababa at garalgal ang tinig, may halong ungol na naghatid ng kilabot sa balat niya.“Huh?” mahina niyang tanong, hindi alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pero hindi na siya sinagot ni Leon. Sa halip, ngumiti lang ito—isang mapanuksong ngiti—at dumampi ang halik sa labi niya. Saglit lang iyon pero sapat para muling gumuhit ang init sa katawan niya.Bago pa siya makatanggi o makapagtanong pa, binuhat siya ni Leon mula sa pagkakaupo sa counter top. Walang kahirap-hirap. Parang wala siyang timbang sa bisig nito. Dahan-dahan siyang ibinaba a

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 89

    Nang lumapit na ang labi ni Leon sa kaniya ay kusa na ring pumikit ang mga mata niya.Masuyo ang ginawa nitong pagbalik sa kaniya na para bang gustong na namin ang labi nito ang bawat sandali.Hinayaan niya muna itong pagsawaan ang labi niya bago siya makipagsabayan sa bawat galaw ng ng bibig nito.Hindi niya tiyak kung tama ang ginagawa niya basta sinunod lang niya ang sinasabi ng instinct niya.Gumalaw ang ulo nito habang dumidiin ang pagsipsip nito sa labi niya. Ngayon ang dalawang kamay na nito ang nakahawak sa batok niya.Iniawang niya ang bibig. Nasa bukana pa lang ng bibig niya ang dila niya ay mabilis na sinalubong na iyon ng dila nito.Nilakihan niya ang awang ng labi niya upang bigyang daan ang pagpasok ng dila nito.Ang kanina'y masuyong paghalik ay unti-unti nang naging mapangahas. Kusa na ring pumulupot sa leeg nito ang mga braso niya.Sinipsip nito ang dila niya nang ilang segundo saka pinakawalan para magsalita."Meet me at the shower, love... Naked.." habol pa nito ang

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 88

    Kumabog nang husto ang puso ni Isabelle sa malamig at matalim na tono ng boses ni Leon.Parang may matalim na yelo na dumaan sa pagitan nila. At hindi siya kaagad nakapagsalita. Pakiramdam niya, may mabigat siyang kasalanan sa asawa… kahit alam niyang wala naman talaga.Hindi naman niya kasalanan iyon, hindi ba? Wala siyang ginagawang masama. Huminga siya nang malalim at hindi nag-aksaya ng oras. "Mauuna na ako sa inyo...." Kaagad na nagpaalam siya sa mga kasamahan, halos hindi na niya nilingon ang mga ito. "Oh, my, may boyfriend nga si Isay," narinig pa niya na sinabi ni Melody. "Sabi ko sa inyo, 'di ba? May boyfriend na customer si Isay."Imbes na itama niya ang mga hinala ng mga ito ay hindi na lang niya pinansin. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa sasakyan, ramdam ang titig ni Leon mula sa malayo—titig na hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito sa kaniya. Pero alam niya, sigurado siya, na galit ito. Pagkapasok niya, walang imik na pinaandar ni Leon ang kotse. Ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status