Share

KABANATA 72

Penulis: Mhiekyezha
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-17 10:33:03

Naglakad si Isabelle papunta sa banyo, ang puso niya'y kumakabog pa rin mula sa mapaglarong pang-aasar ni Leon. Hindi niya mapigilang ngumiti habang iniisip kung gaano ka-protektibo at maalaga si Leon.

Pagdating niya sa harapan ng banyo, isang sulyap pa ang ginawa niya at nakita si Leon na nakatingin sa kanya nang may malambing na ngiti sa mga mata. Kumaway pa ito sa kaniya.

Nag-flying kiss pa siya kay Leon bago pumasok sa restroom.

Hindi mapigilan ni Isabelle ang kilig. Pumasok siya sa isang cubicle para magbawas ng panubigan.

"Thank you, Willow. So much appreciated na talagang nag-book ka pa ng VIP room dito para i-celebrate ang birthday ko! Grabi, hindi ko talaga aakalain na ganito ka kabongga magpaandar."

Napakunot ang noo ni Isabelle nang marinig niya ang pangalan na 'Willow'. Hindi naman ang ate niyang si Willow ang tinutukoy ng babae?

Isang mahinhin na tawa ang umalingawngaw sa loob ng restroom.

Si Isabelle na plano na sanang lumabas sa loob ng cubicle ay walang lakas ng loob p
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 73

    “Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang kapatid mo na 'yon, Willow. Kahit kailan naiinis talaga ako kay Isabelle!” Hindi mawala-wala ang inis ni Lizzy matapos siyang sagutin ni Isabelle. Panay ang komento niya nang masama tungkol kay Isabelle ngunit parang hindi pa rin sapat iyon para maibsan kahit papaano ang pagkapahiya niya kanina. Parang gusto niya itong balikan sa restroom at sampalin hanggang sa mabura ang mukha nito. Si Willow na nasa tabi ni Lizzy ay tahimik lang at hindi nagkomento kahit nilalait na ang kapatid niya.Kahit siya man din ay nagulat na makita si Isabelle rito sa isang luxury hotel. Alam niya na hindi nandito si Isabelle para magtrabaho gaya ng nauna niyang naisip. Pero ano nga ba ginagawa ng kapatid niya sa ganitong klaseng hotel? Hindi ba dapat binabantayan nito ang ina na nasa ospital?Kahit napakasimple lang ng ayos ng kapatid niya, masasabi niya na lamang ang kagandahan nito sa kanila ni Lizzy na bagay na ikinaka-insecure niya. Kahit si Lizzy na isang q

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 72

    Naglakad si Isabelle papunta sa banyo, ang puso niya'y kumakabog pa rin mula sa mapaglarong pang-aasar ni Leon. Hindi niya mapigilang ngumiti habang iniisip kung gaano ka-protektibo at maalaga si Leon.Pagdating niya sa harapan ng banyo, isang sulyap pa ang ginawa niya at nakita si Leon na nakatingin sa kanya nang may malambing na ngiti sa mga mata. Kumaway pa ito sa kaniya.Nag-flying kiss pa siya kay Leon bago pumasok sa restroom.Hindi mapigilan ni Isabelle ang kilig. Pumasok siya sa isang cubicle para magbawas ng panubigan."Thank you, Willow. So much appreciated na talagang nag-book ka pa ng VIP room dito para i-celebrate ang birthday ko! Grabi, hindi ko talaga aakalain na ganito ka kabongga magpaandar."Napakunot ang noo ni Isabelle nang marinig niya ang pangalan na 'Willow'. Hindi naman ang ate niyang si Willow ang tinutukoy ng babae?Isang mahinhin na tawa ang umalingawngaw sa loob ng restroom.Si Isabelle na plano na sanang lumabas sa loob ng cubicle ay walang lakas ng loob p

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 71

    Pagkatapos nilang mag-agahan sa Maple Buffet, nagyaya si Shann na gusto raw niyang mag-swimming ulit. Kahit busog na, energetic pa rin. Pumayag naman agad si Leon at Isabelle.“Doon na lang tayo sa indoor pool,” sabi ni Leon habang hawak ang kamay ni Isabelle. “Mas okay ‘yon, hindi masyado mainit sa balat.”Maya-maya’y nakaupo na silang dalawa sa poolside, habang si Shann ay naglalaro sa tubig, tumatawa kasama ang ibang bata.“Isabelle,” tawag ni Leon.“Hmmm?” Lumingon siya rito.Hindi sila sumama sa swimming, pero naroon lang sila sa gilid para bantayan si Shann at mag-relax.“Hindi mo ba gustong maligo?” tanong ni Leon habang nagkakape.Umiling siya. “Wala akong isusuot, ‘di ba? Basa pa ‘yung swimsuit ko kagabi.”“Pero kung meron ka, gusto mo ba talaga?” Tanong ulit ni Leon, this time mas may concern sa tono.Ngumiti siya at tumingin sa anak nilang masayang lumalangoy. “Okay lang ako. Mas gusto ko ngang dito lang, katabi ka.”Napatingin siya kay Leon—nakatingin na pala ito sa kaniya

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 70

    Pinili ni Isabelle ang mag-alarm ng cellphone para umaga pa lang ay makadalaw sila sa Mama Ana niya. Alas sais ng umaga ang set niya sa alarm."Leon, gising," panggigising niya sa asawa ng marinig ang alarm."Hmmm.." Hindi ito nagmulat ng mata bagkus hinapit siya nito pakabig at nagsumiksik sa ulo nito sa leeg niya.Natawa siya nang mahina dahil sa kiliti pero kaagad din niyang pinigilan."Leon, kailangan na natin bumangon, pupunta pa tayo kay mama, hindi ba?""Hindi ba puwedeng mamayang hapon na lang tayo na pumunta kay mama?" inaantok na wika ni Leon. Nakapikit pa rin ito at mas sumiksik sa kaniya. "Sulitin natin ang pag-stay natin dito."Hindi napigilan ni Isabelle na mapangiti dahil pakiramdam niya tanggap na tanggap na ni Leon ang pamilya niya."Pero, papaano kung magising si Mama?""Belle, may mga doctor doon, kung may mangyayari kay mama, itatawag naman iyon sa atin.""Ayaw mo ba talaga?"Dumilat si Leon at kapagkuwan hinapit siya nito."Hindi naman tayo palaging nasa ganito ka

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 69

    Nagising si Isabelle nang makaramdam siya ng panunubig. Dahan-dahan niyang nilingon ang kabilang espasyo ng kama ngunit maayos ang pagkakalagay ng unan na nakahilera sa gilid niya na tila sinadya iyon ilagay para hindi siya siguro magising. Kumunot ang noo niya at lumingon sa orasan na nasa itaas ng malaking TV. Pasado ala una na ng madaling araw at tila hinintay lang ni Leon na makatulog siya.Bumangon siya at kinuha ang silk robe na nakapatong sa upuan. "Leon!" May kalakasan niyang tawag nang lumabas siya sa kuwarto, ang tinig niya'y umaalingawngaw sa tahimik na kuwarto.'Nasaan kaya ang lalaking iyon?' tanong niya sa sarili habang naglakad siya pahayon sa kuwarto ng kapatid. Maingat na binuksan niya ang pinto ngunit hindi niya nakita roon ang asawa. Ang kama ni Shann ay maayos, walang bakas ng paggalaw.'Lumabas kaya siya?' tanong niya ulit sa sarili, ang kaba sa dibdib niya'y unti-unting lumalakas. Bumalik siya sa kuwarto at nagsuot ng jacket para hanapin si Leon sa hotel. Na

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 68

    "Thank God, the legendary Mr. Z has finally arrived." Napaayos ng upo si Jace Lichauco sa malambot na sofa nang sa wakas ay makita niyang pumasok si Zillion Craig Russo, mas kilala ng mga taong nakakaalam bilang Mr. Z—at ngayon ay nagpapanggap bilang Leon Montenegro. Mag-aalas onse na ng gabi. Halos maubos na ang alak sa private bar ng penthouse, pero ang tensyon, lalong tumitindi habang patuloy ang paghihintay. Pero ngayon, andiyan na siya. Simple lang ang suot ni Leon—black shirt, leather jacket, dark jeans—malayo sa karaniwang three-piece suit na sinusuot niya sa mga business engagements. Pero kahit pa ganoon, hindi nabawasan ang aura ng kapangyarihan sa bawat hakbang niya. "You've nearly emptied the bar, and you're still complaining?" Sambit ni Leon habang papasok, malamig pero may bahid ng pagod ang boses. "I'm not complaining," sagot ni Jace sabay angat ng baso. "But you could have at least warned us about the wait. We were starting to think you got abducted or something."

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status