Share

KABANATA 81

Author: Mhiekyezha
last update Huling Na-update: 2025-07-13 17:07:12
Bumalong ang maiinit na luha mula sa mga mata ni Isabelle sa sandaling masilayan niyang gising na si Mama Analyn.

Hindi siya makapaniwala—parang kahapon lang ay wala silang kasiguraduhan kung magigising pa ito. Pero ngayon… narito na, muling bumalik ang liwanag sa mundo nila.

Nasa loob din ng kwarto si Doc Santi, nakangiti habang masayang kinakausap si Mama. Bagaman hindi pa pinapayagan na magsalita ang mama niya, pinipilit nito na ngumiti sa doktor bilang tugon nito sa mga tanong.

“Ma…”

Hindi na napigilan ni Isabelle ang sarili. Agad siyang tumakbo palapit sa kama, nanginginig ang katawan sa sobrang emosyon habang niyayakap ang ina.

“Ma… salamat at gising na kayo…” aniya sa gitna ng paghagulgol.

Marahan niyang niyakap si Mama Analyn. Pinisil nito ang kamay niya na hawak-hawak niya kasabay ng namuong luha nito.

Doon tuluyan humulagpos ang luha rin ng mama niya. Panay ang pisil nito sa kamay niya kahit mahina, dama ni Isabelle ang init ng kamay ng mama niya.

Sa gilid ng si
Mhiekyezha

HELLO, MGA MADAM. MAY NAGBABASA PA BA NG KUWENTO NINA ISABELLE AT MR. Z...

| 4
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gen Gamarza Villacampa
Sana po author mka update Ka lagi ang ganda Ng kwento ...️...️ pls... update ulit..once a week Ka LNG mka update
goodnovel comment avatar
Dawn Montemayor
madam author update tayo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 83

    "Brother-in-law!" masiglang bati ni Shann kay Leon nang pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Mama Analyn. Yumakap pa ang kapatid niya kay Leon at hinila ito palapit sa kanila, tila ba matagal nang hinihintay ang pagdating nito. Pinayagan pa rin sila ni Doc Santiago na manatili roon kahit lampas na sa visiting hours. Gising pa rin si Mama Analyn. Namumungay na ang mga mata, halatang pagod, pero pilit pa ring nilalabanan ang antok—tila ba ayaw palampasin ang bawat sandaling kasama sila. "Ma, si Leon ho... asawa ko," malambing na pakilala ni Isabelle, sabay tayo at hinawakan ang kamay ng asawa. Agad namang yumuko si Leon bilang paggalang, at buong paggalang ding nagmano ito sa mama niya. May marahang kumalabit sa puso ni Isabelle habang pinagmamasdan ito—ang dating seryoso, tahimik, at mailap na si Leon. Noon ay tila laging may pader sa pagitan nila. Pero ngayon… Ibang-iba na ito. Sa bawat araw na nakakasama niya si Leon. Halos hindi niya mapaniwalaan na nagbabago ang ugali nito. "M

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 82

    Nakatayo si Lucio sa harap ng floor-to-ceiling window ng presidential suite niya sa Buenavista Hotel, Makati. Hawak niya ang baso ng alak. Mula sa kinatatayuan niya , tanaw niya ang mga nagkikislapang ilaw ng siyudad. Parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero kahit ganoon kaganda ang tanawin, wala ni isa roon ang nakakatulong para mapakalma ang utak niya. Dumiretso siyang ng Puerto Princesa. The moment he found out everything, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Kumuha siya ng last flight papunta ng Maynila. Gusto niyang mag-isip. Gusto niyang makagawa siya ng paraan kung papaano niya mailalayo si Isabelle sa mga kamay ng mga Russo. He’s been in that world. Alam niya kung gaano kabilis gumalaw ang mga taong katulad ng mga Russo. At alam niya kung paano gumamit ng tao ang mga iyon—lalo na kung babae, at lalong-lalo na kung anak niya. He took a slow sip from his glass, eyes still fixed on the city below. Kung may huli pa siyang magagawa bilang ama, ito na 'yon. Ilayo si Isabe

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 81

    Bumalong ang maiinit na luha mula sa mga mata ni Isabelle sa sandaling masilayan niyang gising na si Mama Analyn. Hindi siya makapaniwala—parang kahapon lang ay wala silang kasiguraduhan kung magigising pa ito. Pero ngayon… narito na, muling bumalik ang liwanag sa mundo nila. Nasa loob din ng kwarto si Doc Santi, nakangiti habang masayang kinakausap si Mama. Bagaman hindi pa pinapayagan na magsalita ang mama niya, pinipilit nito na ngumiti sa doktor bilang tugon nito sa mga tanong. “Ma…” Hindi na napigilan ni Isabelle ang sarili. Agad siyang tumakbo palapit sa kama, nanginginig ang katawan sa sobrang emosyon habang niyayakap ang ina. “Ma… salamat at gising na kayo…” aniya sa gitna ng paghagulgol. Marahan niyang niyakap si Mama Analyn. Pinisil nito ang kamay niya na hawak-hawak niya kasabay ng namuong luha nito. Doon tuluyan humulagpos ang luha rin ng mama niya. Panay ang pisil nito sa kamay niya kahit mahina, dama ni Isabelle ang init ng kamay ng mama niya. Sa gilid ng si

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 80

    "Sir, paalis na ang sasakyan," tahimik pero may diin ang ulat ni Agusto habang pinipihit ang manibela."Sundan mo, pero ‘wag kang magpapahata. Magbigay ka ng distansya," matalas na utos ni Lucio, hindi inaalis ang tingin sa unahang sasakyan—ang sasakyang kinalululanan ng anak niyang si Isabelle.Mula nang mamataan niya ito sa hotel lobby kanina, hindi na siya mapakali. Akala niya kanina habang nasa Garden Lounge siya ay namamalikmata lang siya ng makita niya ang isang babae na kamukhang-kamukha ng kaniyang anak na si Isabelle. Kaya naman matapos ang meeting niya kay Mr. Lui, agad siyang nagkunwaring kailangang maaga silang umalis. Sinabi niya kay Melinda na may emergency meeting siya sa Maynila, may investor na kailangang harapin. Pumayag naman ito. Naiwan si Willow, ang anak nila, sa hotel kasama ang mga kaibigan nito.Si Agusto ay tinawagan niya kanina para ito ang magbantay sa hotel. Matagal na itong nagtatrabaho sa kaniya at ito lang ang mapagkakatiwalaan niya. Kilala nito si Isa

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 79

    Marahan ang bawat yapak ni Mr. Z habang papalapit sa conference room. Nakatakip ang kalahati ng mukha niya ng isang itim na fedora, habang ang mga kamay niya’y balot ng leather gloves—hindi lang basta proteksyon, kundi tila parte na ng kanyang pagkatao. Tahimik ang buong palapag. Walang ibang may karapatang gumamit ng lugar na ‘yon kundi siya lang. Pagdating niya sa dulo ng hallway, pinagbuksan siya ni Lucca ng pinto. Tahimik siyang pumasok. May pinindot si Lucca na maliit na black button sa ilalim ng mesa. Agad na bumukas ang isang pintuan sa gilid—isang salamin na one-way mirror. Tanaw nila ang loob ng conference room, pero hindi sila makikita mula roon. Pumasok din si Maxine, habang nanatili si Lucca sa labas bilang assistant ni Duke. “Mr. Z, Mr. Lui is here,” mahinang pahayag ni Maxine. Lumingon siya sa babae at tahimik na tinaas ang isang hintuturo. Alam na ni Maxine ang ibig sabihin no’n—magbigay ng distansya sa kaniya. Yumuko siya agad para itago ang pamumula ng mukha niy

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 78

    "Talaga ba, Ate Isay, mag-i-stay pa rin tayo rito?" masiglang tanong ni Shann habang papalapit ito sa kanila sa activity area, dala ang hindi mapigilang ngiti. Katatapos lang nilang kumain ni Leon sa resto-café ng resort—katulad ng kahapon, libre pa rin ang buong araw nila. "Opo," sagot ni Isabelle, bahagyang napangiti sa sigla ng kapatid. "Ang saya dito, Ate! Ang dami naming ginawa kanina. Tapos tinuruan pa kami mag-bake!" kuwento nito habang masiglang iniangat ang isang maliit na paper bag, halatang excited ipakita ang laman—isang cake na siya mismo ang gumawa. "Wow, ang galing naman ng kapatid ko. Masarap 'yan sigurado." Hinaplos niya ang ulo ni Shann. "Pero bago ang lahat, kailangan muna nating puntahan si Mama." "Babalik naman tayo dito, 'di ba, Ate?" tanong ni Shann, may bahagyang pag-aalalang sumilip sa mga mata nito. "Opo, babalik tayo," malambing niyang sagot sabay hawak sa kamay ng kapatid. Magkahawak-kamay silang naglakad papuntang lobby. Nauna nang lumabas si Leon up

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status