LOGINThe Tomson Villa
"Yuan, nandito na si Mommy!
Nagkulong sa loob ng kanyang silid sa itaas si Yuan at tumangging lumabas. Sa katunayan, nakita na niya mula sa bintana ang pagdating ng ina, ngunit pinili niyang huwag itong harapin. Narinig niya kasi kanina ang usapan sa telepono ng kanyang ama at ni Viviane. Isasama raw ni Tatay si Tita Viviane at si Andres sa bagong bukas na hardin ng mga halaman. Narinig din niyang maraming bata ang sasama kasama ang kanilang mga magulang. Si Andres ay kasama ang kanyang ama at si Tita Viviane—ngunit paano naman siya? Dahil wala rito si Nanay, tila wala rin siyang halaga kay Tatay. Ano pang saysay ng pagbabalik nito ngayon! Umalis na si Papa at hindi na niya ako isasama kahit kailan!
"Yuan, nasa loob ka ba ng iyong kwarto?" Dahan-dahang kumatok si Isabela habang malumanay na tumatawag sa anak.
"Wala ako rito! Padabog na umupo si Yuan sa sofa at nagsimulang maghagis at manuntok ng mga laruan sa paligid. Patuloy pa rin sa pagtawag si Isabela mula sa labas, na lalo lamang nagpagalit sa bata. Sa tindi ng kanyang inis, buong lakas niyang inihagis ang isang manika patungo sa estante ng mga aklat. Tumama ito sa palamuting unggoy na gawa sa kristal; bumagsak ito sa sahig at nadurog nang pino. Isang maliit na piraso ng bubog ang tumalsik at nahiwa ang munting kamay ni Yuan. Nang marinig ang malakas na kalabog, sa labis na pag-aalala ay agad na kinuha ni Isabela ang susi, binuksan ang p***o, at mabilis na pumasok sa loob.
"Ano ang nangyari, Yuan? Kamay mo 'yan, patingin nga kay Mommy."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Galit pa rin si Yuan, at lalo pa siyang inis sa pag-aalala ng ina.
"Yuan, tama na ang pagtampo, ha? Hayaan mong lagyan ko ng gamot at benda ang sugat mo."
Tumanggi ang bata. Habang lalo siyang inaalala at sinusuyo ni Isabela, lalo naman siyang nagagalit. Kasalanan mo ang lahat! Dahil sa iyo kaya hindi ako mahal ni Papa. Ikaw ang may kasalanan ng lahat!
Wala namang ideya si Isabela sa tumatakbo sa isip ng anak; ang tanging alam niya ay kailangang linisin agad ang sugat, lagyan ng gamot, at takpan ito nang maayos. Dahil hindi naman nakikinig si Yuan sa kanyang ina, sa huli ay ang yaya na ang tumulong sa kanya upang maasikaso ito.
Habang inaasikaso siya, bumaba muna si Isabela sa kusina upang magluto ng paborito at masustansyang pagkain para sa anak. Pagpasok niya roon, halu-halo ang damdamin niya pamilyar ngunit tila may mali. Dati, dito siya sanay na sanay magluto para kay Rafael at sa kanyang anak. Masaya siya sa tuwing nakakakain sila ng inihanda niya; kahit kaunti lang ang makain nila, handa pa rin siyang magluto buong araw. Ngayon, ang dating laging gustong naghahanda ay napalitan na ng bigat at pag-aalinlangan.
Agad siyang nagsimula, at hindi nagtagal ay nakahain na ang isang plato ng mainit at masustansyang pagkain. Dahan-dahan niyang itinulak ang p***o ng silid ng bata.
"Yuan, halika na, kumain ka muna. Hindi pwedeng magpaliban ang pagkain mo, baka bumaba nanaman ang resistensya mo."
Tumingin lang saglit si Yuan, alam na naman niyang masustansyang pagkain iyon. Hindi niya ito pinansin, sa halip ay binuksan niya ang kabinet, kumuha ng maraming meryenda, pinunit ang mga balot, at akmang kakainin na ang mga ito.
Pinigilan siya ni Isabela. "Sabi ko naman sa'yo, huwag mong gawing pagkain ang mga meryenda. Masama iyan sa kalusugan, alam mo ba?"
"Nakakainis ka naman! Ano bang masama roon?"
Hindi siya pinayagan ni Isabela. Sa tindi ng inis ni Yuan ay pasigaw niyang sinabi: "Ayaw mo lang akong pakainin niyan dahil si Viviane ang bumili niyan! Hindi ka kasing-buti ni Tita Viviane kaya naman hindi ka gusto ni Papa!"
Nanigas si Isabela at nawalan ng masabi. Ano ba ang mga salitang binibitawan ng sarili niyang anak?
"Yuan anak... ibig sabihin ba niyan, hindi mo rin gusto si Mommy?"
Halos hindi niya naitatanong iyon. Takot siyang marinig ang sagot—takot na baka hindi niya kayang tanggapin ito, lalo pa't galing ito sa anak na iniligtas niya at iniluwal kahit muntik na siyang mamatay noon.
"Oo! Mas gusto ko si Viviane! Hindi ka gusto ni Papa, at hindi rin kita gusto!"
Sinasabing ang mga bata ay tapat at hindi marunong magsinungaling. Kaya pala ganito nalang ang tingin sa kanya ni Yuan sa lahat ng oras. Kung gayon, ang pagpunta niya rito at ang orihinal niyang layunin ay isa na lamang palang katatawanan.
Sa una, balak sana ni Isabela na kausapin nang maayos ang anak at tanungin kung nais ba nitong sumama sa kanya. Ngunit matapos ang nangyari, nawalan na siya ng saysay na itanong pa iyon. Minsan ay napapaisip siya, ano nga ba ang meron kay Viviane, kaya napakadali para sa kanya na makuha ang lahat ng pagmamahal? Habang siya, kahit ibigay na ang lahat ng kanyang makakaya at buong pagkatao, tila laging kulang at binabalewala pa rin. Hindi ito makatarungan. May makapagsasabi kaya sa kanya kung bakit ganito ang nangyayari?
"Yuan, kung ayaw mo akong makita, pwede naman akong umalis. Pero pangakuan mo si Mommy na kakain ka sa tamang oras at susunod ka sa mga yaya at katulong, ha?"
Hindi man siya gusto ng anak, hindi niya mapigilan ang pag-aalala rito. Gaya ng inaasahan, hindi siya sinagot ni Yuan. Madalas na rin naman siyang pagsabihan ng ganito kaya hindi na niya ito pinapansin. Sa isip ng bata, anuman ang mangyari ay mananatili siyang aalagaan ng ina, saan man magpunta si Mommy.
Lumabas si Isabela ng silid at pumunta sa dati niyang kuwarto upang kunin ang ilang mahahalagang dokumento. Tumingin siya sa walk-in closet kung saan maayos na nakasabit ang mga damit na siya mismo ang bumili at naghanda—mga damit niya at ni Rafael. Maganda silang pagmasdan kapag magkatabi. Bagay nga ba sila? Bihira naman kasing isuot ni Rafael ang mga iyon. Madalas ay nagpapagawa o bumibili ito ng mamahaling damit mula sa ibang bansa para kay Viviane. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng ito; nagtataka pa nga siya kung alam kaya ni Viviane ang mga sakripisyong ginagawa ng lalaki para sa kanya.
Habang napapangiti nang mapait sa inis si Isabela kay Rafael, lalo niyang tinatawanan ang sarili niya dahil sa katangahan. Sa pag-ibig, walang mayaman o mahirap—ang taong minamahal ay laging nakatatamasa ng lahat, habang ang nagmamahal ay ang laging nagpapakahirap. Ganoon na nga sina Viviane at Rafael. Hayaan na nga. Ayaw na niyang isipin pa iyon. Hindi naman mamamatay ang tao kapag nawalan ng pag-ibig.
Isinara niya ang p***o ng aparador, kinuha ang kanyang bag, at naghandang umalis. Paglabas niya ay saktong dumarating naman si Rafael.
Sa pagpasok ni Rafael nang magtama ang kanilang mga mata. Tumahimik sandali ang dalawa. Nagkunwari na lamang na hindi ito nakita ni Isabela. Sa ngayon, wala na talaga silang maayos na mapag-uusapan.
Kahit sa pagkakataong iyon, wala na siyang nais pang sabihin. At dahil may abogado na siyang kakampi, hindi na niya kailangang makipag-usap pa nang direkta. Nang malapit na sanang dumaan si Isabela, bigla itong hinawakan ni Rafael sa braso. Hindi namalayan ni Rafael na siya mismo ay nagulat sa sariling ginawa.
Ang pagbabalik-tanaw na iyon ay tila dagdag na bigat sa konsensya ni Rafael na eksakto sa inaasahan niya. Dumilim ang mga mata ni Rafael habang pinag-iisipan ang kanyang mga nagawa. Tama siya napabayaan niya na si Viviane. Masyado niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Isabela.Paano niya nagagawang ipag walang bahala ang taong nag-alay ng sariling buhay upang iligtas siya noon pa man? Utang niya ang kanyang buhay kay Viviane. Hindi dapat hayaang mas maging mahalaga ang iba pang babaeng naging liwanag at kaligtasan niya noon.Ngunit sa kabila ng lahat ng pasya at paninindigan, hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Isabela. Hindi niya maunawaan kung bakit sa bawat pagkakataong naiisip niya ito, nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Unti-unti, may puwang sa kanyang pusong binubuksan para sa babaeng iyon, at labag man sa kanyang kagustuhan, hindi niya ito mapigilan.Sa huli, tanging malalim na paghinga at walang pasubaling paghingi ng tawad ang kanyang nagawa. “Patawad, Viviane…
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang tito. Naging seryoso at bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Viviane, hindi biro ang hinihingi mo. Paggawa ito ng pekeng dokumentong medikal. Kapag nabunyag ang katotohanan, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati na rin ako. Haharap tayo sa legal na kahihinatnan."Naintindihan ni Viviane ang pag-aalinlangan nito. Mabilis na lumingon-lingon sa paligid upang masigurong walang nakikinig, saka dahan-dahang kumuha ng isa pang makapal na sobre mula sa kanyang bag. Inilapag niya ito nang mahinahon sa mesa at itinulak palapit sa kanya."Tito," bulong niya nang may diin, "alam kong hindi ito madali, may mga hakbang na akong ginawa upang masigurong hindi ito mabubunyag. At higit sa lahat... hindi ko hahayaang madamay kayo sa anumang panganib. Manatili lamang kayo sa gilid, at lahat ng responsibilidad ay sa akin."Tinitigan ni Viviane ang matanda, alam niyang ang nilalaman ng bagong sobre ay sapat na upang alisin ang anumang pag-aalinlangan nit
Bahagyang nabigla si Rafael. Wala ng lakas ang kanyang mga kamay, at naramdaman niya ang bilis na tibok kanyang dibdib. Sa bawat salitang inaamin ni Rafael kay Isabela kitang-kita ang hindin agad na mapaniwalang mukha ni Rafael, malinaw na hindi na ito tinatanggap kahit anong sabihin pa niya. Napangiti siya nang mapait, baligtad na nga ang lahat. Dati siya ang hinahabol, at ngayon siya naman ang hindi makabitaw, habang ang taong minsang nagmahal sa kanya ay tila wala nang pakialam.Sa loob ng sandaling iyon, biglang sumama ang pakiramdam ni Isabela. Umakyat ang pagkahilo at hapdi sa kanyang lalamunan. Hindi na niya napigilan at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo, isinara nang malakas ang pinto, at sumandal sa lababo. Wala naman siyang mailabas na suka, halos wala pa siyang nakakain nang hilahin siya palabas ng restawran. Wala nang laman ang tiyan niya, at alam niyang ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang dahilan ng lahat ng ito.Ipinatong niya ang kamay sa kanyang puson, bahagya
Napangisi si Isabela. "Akala mo ba pinakasalan kita dahil sa titulong iyan? Kung iyon lang ang habol ko, matagal na akong sumuko noong una pa lang. Ano ba naman ang halaga ng pagiging 'Mrs. Lim' kung wala namang respeto at pagmamahal sa loob ng bahay?"Pinagtagpi-tagpi ni Rafael ang kanyang mga daliri, isang kilos na laging ginagawa niya kapag nag-iisip nang malalim at kapag naghahanap ng tamang salita. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito negosyong pinag-uusapan. Puso at tadhana ng dalawang tao ang nakasalalay."Hindi mo naiintindihan," dahan-dahang sabi niya. "Ang pag-alis mo ay hindi lang basta pag-alis ng isang tao. Bilang asawa ng pinuno ng pamilyang Lim, ang iyong pag-alis ay magdadala ng kaguluhan sa kumpanya, sa pamilya, sa lahat ng bagay na itinayo namin. Hindi ito simpleng desisyon lang, Isabela. May kapalit ito na hindi mo maaaring balewalain.""Alam mo naman kung gaano kalawak ang negosyo ng pamilyang Lim hindi lang sa Lungsod, kundi sa buong bansa at maging sa ibang bans
Hindi nag patinag si Rafael sa mga pagwawalang bahala ni Isabela sa kanya, kaya't upang magkaroon ng pagkakataong mapansin siya, hinintay niya si Isabela hanggang sa matapos ang kanilang pagtitipon. Nang mapansin ni Rafael na palabas na si Isabela, inabangan niya ito sa labas at inagaw niya ito kay Diamond. Pinapasok niya ito sa loob nga sasakyan ng walang ibang salitang lumalabas sa bibig. “Bitawan mo ako! nababaliw ka na ba talaga Rafael? Patuloy ang pagwawalang sinabi ni Rafael at inutusan si Angelo Lee na paandarin ang sasakyan.Naramdaman niyang parang napunit ang kalooban niya sa hapdi ng nararamdaman. Sa gitna ng matinding katahimikan, dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Rafael isang ngiting malalim, misteryoso, at hindi kailanman mababasag ni Isabela. Itinaas niya ang kamay, at ang kanyang mga malamig na daliri at dahan-dahang dumampi sa pisngi ni Isabela na kasing-lamig din ng kanya. Marahan niyang hinaplos iyon makinis, malambot, totoong-totoo ang pakiramdam
Kayang-kaya na siyang guluhin at balisahin ng babaeng ito ang isip ni Rafael. Kinasusuklaman niya ang ganyang pakiramdam. Paulit-ulit na siyang gumagawa ng mga bagay na hindi niya nakasanayan, tulad ng paghahangad na ilayo si Isabela kay Diamond, kahit alam niyang ayaw na ito sa kanya. Tila unti-unti na siyang nag-iba, at kasabay nito ay lalong lumalayo si Isabela. Hindi niya matanggap ang ganitong katotohanan. Hindi niya hahayaang tuluyang lumisan si Isabela mula sa kanyang mundo. Sa halip na sumagot sa kanya, sinabi ni Rafael sa tagapamahala: “Maghanda ka ng hapag sa akin.” Nagalak ang punong-tagapamahala, sa pag-aakalang tumitigil na siya sa pakikipagtalo. “Sige po, walang anuman! Maaari po kayong magkainan sa Luxor Hall sa kabilang bahagi.” Subalit hindi gumalaw si Rafael “Hindi na kailangan. Ilagay mo rito ang aking hapag.” Nataranta ang tagapamahala. “Presidente Lim… masyado pong magulo rito. Baka makakaabala po sa inyong kainan.” Isang malamig na tingin lamang ang isin







