Share

Kabanata 19: Event

Author: Red Angel1221
last update publish date: 2026-09-23 16:43:28

Rizza's POV

Pagdating ko sa opisina, naabutan ko ang mga kasamahan ko na nagbubulungan. Imbes na intindihin ko sila, dumiretso na ako sa table ko.

" Good morning, Rizza. Pinapatawag ka ni sir Darius." Wika ni Janette, isa sa kasamahan ko.

Kararating ko lang, kaya wala pa ako sa huwisyo.Agad nalang akong tumango bilang tugon. Nilagay ko lang ang mga gamit ko sa table.Hindi ko na nakuhang silipin pa ang sarili sa salamin.

Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa opisina ni sir Darius. Pum
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 20: Family

    Rizza's POV Kung kailan uwian na, saka pa bumuhos ang malakas na ulan.Kanina ay bahagya lamang ang patak ng ulan. Akala ko, gaya lang ng mga karaniwang pag-ulan sa hapon, lilipas din agad.Pero nagkamali ako. " Hala, paano ba iyan,Rizza. Nandiyan na ang sundo ko hindi kasi pwedeng dalawang angkas sa motor eh," nag-alalang wika ni Janette. Napangiti ako dahil ako pa rin ang iniisip niya. Sinundo na kasi siya ng boyfriend niya. " Ano ka ba, Jannette,okay lang ako.Nagbo-book na ako ng sasakyan." Tumango lang siya at mabilis nang umalis sa tabi ko.Para puntahan na ang naghihintay niyang boyfriend. Sa loob lamang ng ilang minuto, tila binuhusan ng tubig ang buong paligid. Malakas ang pagbagsak ng ulan sa bubong ng gusali. Halos hindi ko na marinig ang ingay ng mga sasakyan sa labas dahil sa lakas nito.Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa may entrance ng building, hawak ang bag ko sa balikat. Napatingin ako sa kalsada.Halos lahat ng empleyado ay nagsipag-uwian na. May il

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 19: Event

    Rizza's POV Pagdating ko sa opisina, naabutan ko ang mga kasamahan ko na nagbubulungan. Imbes na intindihin ko sila, dumiretso na ako sa table ko. " Good morning, Rizza. Pinapatawag ka ni sir Darius." Wika ni Janette, isa sa kasamahan ko. Kararating ko lang, kaya wala pa ako sa huwisyo.Agad nalang akong tumango bilang tugon. Nilagay ko lang ang mga gamit ko sa table.Hindi ko na nakuhang silipin pa ang sarili sa salamin. Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa opisina ni sir Darius. Pumasok agad ako nang marinig ko ang boses ng aking boss na pinapapasok ako. " Good morning, sir Darius." Nakayukod pa ako ng bahagya habang binabati ko ang aking boss. " Sit down, Rizza." Utos niya. Agad naman akong tumalima.May inabot siya sa akin na isang sobre. Napatingala ako sa kanya. " Open it." Nakangiting utos niya sa akin. Dahan-dahan ko naman binuksan. Tumambad sa akin ang isang invitation. Isang event na gaganapin pa sa probinsya. " Ano pong meron dito, sir Darius?" nag

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 18: Second Chance

    Rizza's POVTatlong araw din nanatili si Asher sa private hospital bago siya binigyan ng discharge slip ng doktor kung saan si Damian pa mismo ang kumuha ng sariling doctor para kay Asher.Balik trabaho na din ako sa kumpanya ni sir Darius kung saan kasosyo pala niya si Damian. Naging maayos naman ang takbo ng araw ko dahil hindi na ulit ako ginulo ni Damian simula nang huli siyang pumunta sa dito sa apartment.Pagkatapos niya akong hinalikan na walang paalam.Isang malutong agad na sampal ang binigay ko sa kanya.Nahimasmasan naman siya kaya agad siyang humingi ng paumanhin at mabilis na lumabas.Nasa kalagitnaan ako nang paglilinis ko sa kusina nang may kumatok sa pinto. Baka si mama na ito dumating na galing namamalengke.Pagkabukas ko ng pinto, halos mawalan ako ng malay nang makita ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko." Damian?" gulat kong tanong,na nakakunot-noo na rin. " Anong ginawa mo dito?" tanong ko ulit sa kanya.Nanatili lang siya nang nakatayo habang nakatitig sa aki

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 17: Son

    Rizza's POV Bigla naman akong natigilan.Tiningnan ko si Asher sa mata nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumahimik na siya. "Rizza, tell me the truth. You and Xavier… you’re not really into this, are you?" tanong ni Damian sa akin,na ang ibig niyang sabihin tungkol sa relasyon namin ni Xavier. " Kung ano man ang meron sa amin ni Xavier wala ka na doon, Damian." " Mama, sir Damian... inaaway mo po ba ang mama ko?" biglang singit ni Asher. Kaya agad kaming tumahimik ni Damian. "Dumaan lang ako dito para kumustahin ka, Asher." Aniya.Ako naman ngayon ang binalingan niya." Huwag mo nang alalahanin ang hospital bills all are done," dagdag niyang sabi. Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin." But we're not done yet, Rizza. You owe me an explanation about this," huling sabi niya sa akin.Mabilis niyang inayos ang kanyang necktie bago pa ito tuluyang umalis lumapit muna siya kay Asher. " Get well soon, Asher. Tuparin ko pa ang promise ko sa'yo, ipasyal kita s

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   Kabanata 16: Father

    Rizza's POV Tiningnan ko muna siya bago ako nagsalita. " Thank you..." Ani ko. Ngumiti siya sa akin na para bang hindi niya ako niloko dati. Handa ko na ba siyang patawarin? Mabilis akong umiling dahil ayaw ko nang magpaloko sa kanya ulit. " Can we talk?" mahinahon niyang tanong.Tinitigan ko siya,gusto kong tingnan siya para malaman ko kung totoo ba itong pinakita niya ngayon.Naloko na ako sa gwapong mukha nito dati. "Not now, Damian.Mas mahalaga sa akin ngayon ang kalagayan ng anak ko," diretso kong tanong.Agad din siyang tumingin kay Asher. Nanatili lamang siyang tahimik . Kung noon ay natatakot pa ako at humantong pa nga na bumalik agad kami ni Asher dito sa Manila.Huwag lang magkita ang landas nila ng ama niya. Pero ngayon buong tapang kung haharapin kung may sasabihin man sa akin si Damian.Ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong naririnig na sinasabi niya tungkol kay Asher. Sadyang naniwala na yata ito na anak ko si Asher kay Xavier. Isa siyang tanga kung hindi ni

  • The Billionaire Who Betrayed Me (SPG)   kabanata 15: Married

    Rizza's POV Mabilis ko nang pinunasan ang aking luha. Nakakunot-noo pa ako dahil iniwan lang pala ni Damian ang dala niyang pagkain.Sumilip pa ako sa bintana baka nandiyan lang siya sa labas. Nang hindi ko makita kahit anino niya. Nagmamadali kong binuksan ang dala niyang pagkain. Napapikit ako ng marahan nang sa pagbukas ko naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng ulam. Napaawang pa nga ang aking bibig, napagtanto ko na paborito kong ulam ang pinaluto daw niya sa chef cook nila. Napabuntunghininga pa ako dahil kasusubo ko lang ng pagkain may biglang nagtext agad sa cellphone ko. Unknown number na naman. Unknown number: " Hope you like the food.It's your favorite anyway." Diretso lunok ang ginawa ko sa pagkain na naisubo ko na.Si Damian... siya iyong nagpadala sa akin ng mensahe.Mabilis kong sinilip ulit ang bintana baka nandiyan siya ulit sa labas. Dahil hindi ako makontento, lumabas pa ako saglit para siguraduhin na wala talaga si Damian sa labas. " Rizza..." agad akon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status