Mag-log inRizza's POV
Napasigaw ako ng malakas nang makalabas na ako sa lobby ng hotel.Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao at pinagtsitsismisan. Wala silang alam sa nararamdaman ko ngayon. Natigil lang ang pag-iyak ko ng may biglang tumawag sa cellphone.Agad ko itong tiningnan. Donna's Calling... Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag ng bestfriend ko, kasamahan ko din ito sa trabaho pareho kaming huminto sa pag-aaral dahil na rin sa nawalan ng financial. Pero magkaiba kami ng kursong kinuha. " Rizza... kumusta ang date ninyo ni, sir Damian?" wika ni Donna sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot bagkus ay napaiyak ako ng malakas. Ang hirap ng naramdaman ko ngayon. "See you in the bar..." Ani ko,na pinigilan na ang sariling maiyak. Nagmamadali na akong pumara ng taxi mabuti nalang may taxi sa unahan na naghihintay lang yata ng pasahero. Bago ako pumasok sa loob,tiningnan ko muna ang buong building ng hotel kung saan natuklasan ko ang panloloko ni Damian sa akin. Nagtagpo pa ang aming paningin ng driver sa rear mirror ng sasakyan. Nakita ko ang awa niya sa mga mata ko dahil na rin siguro na halatang galing ako sa pag-iyak. Sinabi ko agad sa kanya kung saan ako pupunta.Tahimik lang siyang tumango. Napangiti nalang ako sa isipin, na may hitsura din pala ang driver na ito. Hindi ko naman nilalahat pero allergy na ako sa mga gwapo.Lalo na kung kasing gwapo ni Damian at kasing-yaman niya. Napatingin ulit ako sa driver ng taxi ng magsimula siyang magpatugtog sa stereo niya. Bwesit! Nagkataon pa na themesong namin ni Damian. " Kuya, pwede po bang ilipat sa ibang station?" " Ayaw mo ba ng kanta na 'yan, ma'am? Ang ganda kaya..." Oo nga naman, bakit ko ba idamay si kuya sa kabiguan ko? Maganda naman talaga ang kanta na 'yan dahil pareho namin gusto ni Damian iyan. Pumangit nalang siya sa pandinig ko nang niloko na niya ako. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na hindi maiyak. Tumahimik na ako agad at nilibang nalang ang sarili na tumingin sa labas ng bintana. Inaalala ko na naman ang mga happy moments namin ni Damian noong kami. Iyong mga araw na pinaniwala niya ako na sapat na ako sa kanya. Nagmamadali na akong pumasok sa bar, nakita ko na si Donna na kumakaway sa akin. Nakaduty siya ngayon,ako lang naman ang naka day-off gawa ng mag-di-date sana kami ngayon ni Damian. " Kumusta? Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong ni Donna. Mabilis akong umiling." Pwede bang magpakalasing muna ako ngayon?" "Hindi pwede,Rizza. Alam mo naman ang sitwasyon mo gaga ka ba." Agad akong natawa. " Sa tingin mo kaya kong buhayin ang baby sa sinapupunan ko?" Napabuntong-hininga si Donna at malungkot na tumingin sa akin. " Matapang ka,Rizza. Walang problema na hindi mo kayang solusyunan. Kahit hindi mo sabihin sa akin ngayon kung anong nangyari pero alam ko na. Ang tanong, hindi mo lang ba nasabi ni sir Damian ang totoo?" Mapait akong ngumiti.Pinakita ko sa kanya ang dala kong velvet box na may laman na relo at isang box ulit na naglalaman ng pregnancy test kit. Ito na sana din ang araw na ipagtapat ko kay Damian na may nabuo sa pagmamahalan namin pero naging ganito pa ang nangyari. Mahigpit akong niyakap ni Donna at doon naman ako napahagulhol ng iyak. Nakita pa nga kami ng mga kasamahan ko,nagtatanong man ang kanilang mga mata ngunit mas ginusto nalang nilang pagtuunan ang kanilang trabaho sa gabing ito. Pagkatapos namin mag-usap ni Donna sa bar. Nagpasya na akong umuwi sa apartment ko. " Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa taxi driver na sinakyan ko kanina. Paglabas ko kasi sa bar nakita ko kaagad siya na nakatayo at parang may hinihintay. " Bakit masama bang tumambay muna sa labas ng bar,ma'am?" Nakangisi niyang tanong. " May nag-utos ba sa'yo? " diretsong tanong ko.Malay ko ba naman na baka inutusan siya ni Damian na sundan ako. " Sino naman mag-utos sa akin, ma'am?" Nakunot-noo pa niyang tanong. " Never mind..." aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay pero mabilis lang at binitawan niya agad ako. " Ihatid ko na po kayo, ma'am.Para may pang-boundary na ako." Aniya. Napataas naman ang kilay ko. Gabi na tapos hindi pa siya nakaabot sa boundary niya pinagloloko yata ako ng lalaking ito.Bigla akong napaisip what if kung totoo iyong sinabi ng lalaking ito? " Okay..." pagsang-ayon ko. Mabilis na niya akong binuksan ng p***o at umikot na rin siya sa driver seat. " Kung pwede,kuya, huwag ka munang magpatugtog please..." Natawa siya bigla pero agad naman din sumang-ayon. Tahimik na siyang nagmamaneho.Tahimik ko siyang sinulyapan nang panay tingin din siya sa akin.Wala naman akong naramdaman kakaiba sa driver na ito. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Tapik sa balikat ang nakapagpagising sa akin.Nagulat pa nga ako dahil huminto na ang sasakyan akala ko traffic lang. " Nandito na po tayo sa address na binigay mo,ma'am." Agad kong inayos ang aking sarili. Mabilis ko nang inabot sa kanya ang bayad ko. " Maraming salamat,kuya." " Pwede ba kitang permanent customer,ma'am? Huwag po kayong mag-alala may discount pagdating sa'yo," pahabol niyang sabi nang palabas na ako ng sasakyan. " Pag-isipan ko, kuya.Nagdidyip lang kasi kami ng kaibigan ko tuwing papasok sa trabaho." Napakamot naman siya sa ulo." Ah,ganun ba?Sige po salamat." Lumingon muna ako sa taxi bago ako tuluyang pumasok ng gate sa apartment na inuupahan ko. Napansin ko pa nga na hindi muna umalis ang nasabing taxi driver. Umiling nalang ako at dumiretso nang pumasok sa hallway.Nasa second floor pa kasi ang kwarto ko. Nagtataka naman ako kung bakit bukas ang pintuan.May tao sa loob? Nagsimulang lumakas ang kaba ng dibdib ko nang maisip ko na wala naman ibang may hawak na duplicate ng susi sa apartment ko kundi si Damian lamang. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Tahimik ang loob, walang bakas na may tao dahil kung anong pagkaayos ito nang umalis ako gan'on din naman sa pagdating ko.Rizza's POV " Kumusta ka?" Tanong niya. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Binigyan ko siya ng malamig na ngiti. " I'm happy as you can see.I'm with Xavier." Ani ko. " I know you're not happy." He whispered. Malutong akong tumawa. " Really? Sino ka para pagsabihan ako na hindi ako masaya? You're so unbelievable,Mr.Vergara." Umiigting ang kanyang panga. " You look…different..." He stared at me for a moment. " I a'm..." gusto ko na naman matawa dahil hindi siguro nito akalain na makabangon ako sa panloloko niya. Of course I was different. The woman he betrayed had died five years ago. "I had to change," wika ko na seryoso. Nandilim ang kanyang mga mata." Alam ko." " Oh, buti alam mo." Nakangiti kong sabi na may halong sarkasmo. Bigla siyang tumahimik.Mas mabuti na kung gan'on dahil wala siyang karapatang magsalita tungkol sa mga pagbabagong pinagdaanan ko.Wala siyang alam sa hirap na pinagdaanan ko. Humigit ako ng buntong-hininga at aalis na sana
Rizza's POV After five years...Limang taon mula nang huli kong makita ang lalaking minsang pinaniwalaan kong makakasama ko hanggang sa pagtanda.Limang taon mula nang tuluyan kong isinara ang pinto sa pagitan namin.At sa loob ng limang taon, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na tapos na.Wala na si Damian sa buhay ko.Hindi ko na siya mahal.Hindi ko na siya hinihintay.Hindi ko na siya kailanman gugustuhing makita.Pero ngayong gabi, sa gitna ng isang marangyang ballroom na puno ng mga kilalang negosyante at socialites, isang pangalan ang sapat para muling guluhin ang katahimikan ng puso kong matagal ko nang pinilit ayusin.Nasa tabi ko ngayon si Xavier Montefalco. Sino bang mag-akala na ang dating taxi driver na kinaiinisan ko dahil panay buntot sa akin ay secret billionaire pala. Biglang tumahimik ang paligid ng magsimula nang magsalita ang host sa event na ito. "Ladies and gentlemen, please welcome the chairman and CEO of the Vergara Group…"Napatigil ang mundo ko.Tumigil ang
Rizza's POV Dumiretso ako sa kusina nang may narinig akong kumalampag. Malakas akong napasinghap nang magtama pa ang aming mga mata ni Damian. May hawak siyang kopita na ilalagay na sana niya sa mesa. Lukot ang polo na suot nito at sabog ang buhok. Mukhang pagod siya at ang lungkot ng kanyang mga mata. Nagsisisi ba ito sa ginawa niyang panloloko sa akin? " You're here..." nakangiti niyang sabi na akala mo ay walang nangyaring kataksilan kanina. " Anong ginawa mo dito, Damian? Anong kalokohan itong pinaggagawa mo?" matigas ko na tanong sa kanya. Sinulyapan ko ang bilog kong mesa. May dalawang platong nakahanda,may dalawang kopita at isang wine. At higit sa lahat may maliit na cake na paborito ko. " I just want to spend my last day here with you, Rizza. I'm leaving,kasama ko si Isabelle." Aniya, sa kaswal na tono na walang pakialam kung anong maramdaman ko sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang sumakit ito. "Tang-ina,Damian! Kulang pa ba ang panl
Rizza's POV Napasigaw ako ng malakas nang makalabas na ako sa lobby ng hotel.Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao at pinagtsitsismisan. Wala silang alam sa nararamdaman ko ngayon. Natigil lang ang pag-iyak ko ng may biglang tumawag sa cellphone.Agad ko itong tiningnan. Donna's Calling... Humigit muna ako ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag ng bestfriend ko, kasamahan ko din ito sa trabaho pareho kaming huminto sa pag-aaral dahil na rin sa nawalan ng financial. Pero magkaiba kami ng kursong kinuha. " Rizza... kumusta ang date ninyo ni, sir Damian?" wika ni Donna sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot bagkus ay napaiyak ako ng malakas. Ang hirap ng naramdaman ko ngayon. "See you in the bar..." Ani ko,na pinigilan na ang sariling maiyak. Nagmamadali na akong pumara ng taxi mabuti nalang may taxi sa unahan na naghihintay lang yata ng pasahero. Bago ako pumasok sa loob,tiningnan ko muna ang buong building ng hotel kung saan natuklasan ko ang
Rizza's POV Hindi ko kailanman inisip na ang gabing pinapangarap kong maging pinakamaganda sa buhay ko ang siya ring gabing tuluyan akong mawawasak. Hawak ko ang maliit na velvet box habang nakatayo sa harap ng salaming bintana ng isang hotel suite kung saan ako ngayon nag-stay. Sa ibaba, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod, ngunit wala akong ibang nakikita kundi ang sarili kong repleksyon. Ngumingiti ako.Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil sa wakas, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin ni Damian, pakiramdam ko ay dumating na ang araw na hinihintay ko. Tonight, I was going to surprise him. Sa loob ng kahon ay isang simpleng relo na pinili ko para sa kanya. Hindi ito kasinghalaga ng mga bagay na kayang bilhin ng isang billionaire tulad niya, pero espesyal iyon para sa akin.Pinag-ipunan ko po ito galing sa sahod ko bilang isang waitress sa mamahaling bar sa Makati. May maliit na engraving sa likod. "Forever starts with us." Napangiti ako habang hinahaplos ang kahon







