Share

The Billionaire Who Loved Quietly
The Billionaire Who Loved Quietly
Auteur: Aisoleren

Chapter 1: Notices

Auteur: Aisoleren
last update Date de publication: 2026-03-19 01:35:12

Hindi ko akalaing ang unang araw ko sa trabaho ang magiging unang araw ng pagbabalik ng sakit.

Maaga akong dumating sa gusali ng Briggston Hotels—ang pinakasikat at pinaka-elitistang hotel empire sa bansa. Salamin ang buong harapan ng building, parang walang bahid ng kahinaan. Katulad niya.

Huminga ako nang malalim bago pumasok.

“Ako si Rosemary Delgado,” bulong ko sa sarili. “Hindi na ako ang babaeng umiiyak sa gilid ng campus.” napatingin ako sa kabuan ng paligid dahil sa ganda nito. nakakalimutan ko ang mga nakaraan pero pag-naiisip ko na nandyan siya, hindi ko na agad gusto ang paligid ko.

Pero habang umaakyat ang elevator, kasabay ng pagtaas ng numero sa digital panel, bumabalik ang mga alaala.

College days. exciting ang unang araw, pagdating sa dulo. ayon palya.

Isang lalaking laging tahimik sa likod ng classroom. Isang lalaking hindi kailangang magsalita para maramdaman mong siya ang pinakamakapangyarihan sa loob ng kwarto.

Sylvant Garrison Briggston.

Naalala ko parin ang pangalan niya, hindi ko makalimutan. ako pa ba? memorable siya eh!

napatawa ako bahagya.

Hindi ko alam noon na isa pala siyang tagapagmana ng isang hotel empire. Para sa akin, isa lang siyang lalaking hindi marunong ngumiti—pero marunong tumingin na parang ako lang ang nakikita.

Ding.

Bumukas ang elevator sa executive floor.

Agad akong sinalubong ng malamig na hangin at mas malamig na katahimikan. Tahimik ang hallway, makintab ang marmol, at may amoy ng mamahaling pabango sa hangin.

Lumapit ang HR manager. “Miss Delgado, the CEO is waiting.”

CEO.

Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang salitang iyon o ang apelyidong dala niya.

Briggston.

Pinisil ko ang folder sa dibdib ko. Hindi ako pwedeng umatras. Kailangan ko ang trabahong ito. Hindi na ako estudyanteng kayang mabuhay sa scholarship at instant noodles. May mga bayarin. May responsibilidad.

Tumigil kami sa harap ng malaking pinto.

Three soft knocks.

“Come in,” isang malamig at kontroladong boses ang sumagot.

Nanigas ang mga daliri ko.

Kilala ko ang boses na iyon.

Pagbukas ng pinto, para akong binalikan ng limang taon.

Nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling window. Nakasuot ng dark gray suit na akmang-akma sa kanya. Broad shoulders. Tuwid ang tindig. Isang kamay ang nasa bulsa, ang isa’y hawak ang tablet.

Hindi siya agad lumingon.

“Miss Delgado,” sabi niya, parang binabasa lang ang pangalan ko sa papel.

Hindi “Rosemary.”

Hindi “Rosie.”

Hindi ang pangalang minsan niyang binigkas sa dilim ng library habang hawak ang kamay ko.

Luminga siya.

At doon tumigil ang mundo ko. nawalan ako ng gana sa lahat. tangal talaga ang saya ko.

Pareho pa rin ang mga mata niya—malalim, tahimik, at parang laging may itinatagong bagyo.

Pero ngayon, may dagdag na lamig.

“Welcome to Briggston Hotels.”

Parang wala kaming nakaraan. sa bagay sino ba naman ako, para ungkatin lahat 'yon. past is past, ang mahalaga okay na kami? kami? hindi ko sure, ako lang siguro itong assumera dito.

Parang hindi niya ako minahal. nangangasar pala makita ito. walang pakialam para ano! parang gusto ko balikan ba ito? para makausap tas makalambing man lang dahil hindi ko gusto ang mood niya. sana okay ang araw niya.

Parang hindi niya ako iniwan nang walang paliwanag. Oo nga wala lang sa kanya ang lahat. buti na lang hindi ako nag-mokmok para sa kanya minabuti kong mabuti lagay ko.

Pinilit kong panatilihin ang propesyonal kong mukha. “Thank you, Sir.”

Sir.

Ang salitang hindi ko kailanman ginamit para sa kanya noon. nanibago ako.

Tumango siya. “You will handle my schedules, private correspondence, and international coordination. I don’t tolerate mistakes.”

Gusto kong matawa.

Hindi mo rin tinolerate ang emosyon, Sylvant.

“Understood,” sagot ko.

Sandaling nagtagpo ang mga mata namin.

At doon ko nakita.

Hindi siya galit. Hindi siya awkward.

Pero hindi rin siya walang pakialam.

May kung anong kumislap sa likod ng kontroladong ekspresyon niya—isang bagay na pilit niyang tinatago.

Bago pa ako tuluyang malunod sa titig niya, may kumatok muli sa pinto.

“Darling, you didn’t tell me you had a new assistant.”

Isang pamilyar at eleganteng boses ang pumasok sa kwarto kasabay ng babaeng nakasuot ng puting designer dress.

Brienne Chancellor.

Ang babaeng palaging nasa tabi niya sa mga business events kahit noon pa.

Ang babaeng may perpektong ngiti at mas perpektong intensyon.

Lumapit siya kay Sylvant at marahang hinawakan ang braso nito, parang natural na pag-aari niya iyon.

“Hi,” bati niya sa akin, sinusukat ako mula ulo hanggang paa. “I’m Brienne.”

Alam ko.

Socialite. Childhood friend. Madalas laman ng society pages.

“Rosemary Delgado,” sagot ko, diretso ang likod.

May sandaling nagtagal ang tingin niya sa akin, parang may naalala.

“Have we met before?” tanong niya.

Bago pa ako makasagot, si Sylvant ang nagsalita.

“No.”

Isang salita.

Matigas.

Final.

Napatingin ako sa kanya.

No?

Ganun na lang ba iyon?

Limang taon ng alaala, limang taon ng pananahimik, isang salitang “no” lang?

Naramdaman kong may kumurot sa dibdib ko, pero ngumiti pa rin ako.

“Maybe you just saw me somewhere,” sabi ko kay Brienne.

Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mga mata. “Maybe.”

Tumayo si Sylvant. “Miss Delgado, follow me.”

Lumabas kami ng opisina, iniwan si Brienne sa loob.

Habang naglalakad kami sa hallway, ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Parang may hindi sinasabi ang bawat hakbang.

“Why did you say no?” hindi ko napigilang itanong nang makalayo-layo kami.

Huminto siya.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

“Because it doesn’t matter.”

Mas masakit pa iyon kaysa sa anumang sigaw.

“It mattered to me,” bulong ko, bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Saglit na nag-iba ang ekspresyon niya. May bahagyang pag-igting ng panga. May emosyon na pilit niyang kinokontrol.

“Rosemary,” unang beses niyang binigkas ang pangalan ko nang walang ‘Miss’. “This is work. Keep it that way.”

Work.

Parang hindi kami minsang naglakad sa ulan habang hawak ang iisang payong.

Parang hindi niya ako minsang hinalikan sa ilalim ng lumang acacia tree sa campus.

Parang hindi niya ako minsang pinangakuan ng “I’ll protect you.”

Tumango ako.

Sige.

Kung trabaho lang ang kaya niyang ibigay, trabaho lang ang ibabalik ko.

“Understood, Mr. Briggston.”

Muling bumalik ang pader sa pagitan namin.

Pagdating sa conference room, nandoon na si Connor Finnegan—ang kaibigan niyang laging may ngiti.

“Well, well,” sabi nito habang nakangisi. “You didn’t tell me you hired someone this intimidating, Syl.”

Napatingin siya sa akin, mas matagal kaysa sa nararapat.

“Rosemary, right?”

Tumango ako.

May kakaiba sa tingin niya—hindi bastos, pero mapanuri.

“Interesting,” bulong niya, halos sa sarili lang.

Ano ang interesting?

Na bumalik ang babaeng iniwan ng kaibigan niya?

O na may mga sugat na hindi pa naghihilom sa loob ng kwartong ito?

Habang nagsisimula ang meeting, pinilit kong ituon ang atensyon sa mga reports at numbers. Pero bawat segundo, ramdam ko ang presensya ni Sylvant sa tabi ko.

Tahimik siya.

Kontrolado.

Pero alam kong may bagyong nagbabadya.

At alam kong hindi lang ako ang may tinatagong nakaraan dito.

Pagkatapos ng meeting, naiwan kaming dalawa sa conference room.

“Why did you apply here?” tanong niya, diretso.

Hindi ko alam kung alin ang sasabihin ko.

Dahil kailangan ko ng trabaho?

O dahil kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan?

“Because I’m qualified,” sagot ko.

Tumitig siya sa akin.

“Don’t lie to me.”

Napangiti ako nang bahagya. “You never liked lies.”

Tahimik.

Mas mabigat kaysa kanina.

“Five years ago,” sabi ko, “you left without explaining.”

Nanigas ang mga daliri niya sa mesa.

“I did what was necessary.”

“For whom?” tanong ko.

Para sa pamilya mo?

Para sa kumpanya?

O para sa babaeng nakatayo ngayon sa opisina mo?

Hindi siya sumagot.

Doon ko tuluyang naintindihan.

Hindi nagbago si Sylvant.

Mahal niya sa paraang hindi marunong magsalita.

At ako—

Natuto na akong manahimik para hindi masaktan.

Pero habang nagtatama ang mga mata namin, alam kong mali ang iniisip ko kanina.

Hindi namatay ang nakaraan.

Hindi ito kailanman nawala.

At sa unang araw ko pa lang bilang assistant ng pinakamakapangyarihang lalaking minsan kong minahal—

Nagsimula na namang tumibok ang pusong pilit kong pinatahimik.

At sa pagkakataong ito, hindi lang alaala ang kalaban ko.

Kundi ang lalaking hindi marunong magsabi ng “sorry.”

At mas lalong hindi marunong magsabi ng “I still love you.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire Who Loved Quietly    Chapter 6: Madeline

    Hindi ko inaasahang ganoon kalaki ang lobby ng Briggston Hotels. Pagpasok ko pa lang sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na pakiramdam mula sa marmol na sahig. Kuminang ito sa ilalim ng ilaw—malinis, makinis, at halos perpekto, na parang walang bahid ng pagkakamali. Ang bawat hakbang ko ay may kasamang mahinang tunog ng sapatos na tumatama sa matigas na ibabaw. Tok… tok… tok…—parang echo ng sarili kong kaba na bumabalik sa akin. Ramdam ko ang lamig na umaakyat mula sa paa ko hanggang sa buong katawan, na tila ba pinapaalala sa akin kung gaano katahimik at kalayo ang lugar na ito sa mundong kinalakihan ko. Sumasalamin sa sahig ang aking repleksyon—malinaw pero hindi buo. Para bang ipinapakita nito kung sino ako sa panlabas, pero hindi ang tunay kong nararamdaman sa loob. Sa bawat hakbang, mas lalo kong napapansin kung gaano kalawak ang espasyo. Walang kalat. Walang ingay. Tanging ang marmol na sahig ang nagsisilbing saksi sa bawat galaw ko—parang tahimik na tagamasid sa k

  • The Billionaire Who Loved Quietly    Chapter 5: Kindness

    Hindi kami naghalikan. Hindi kami nangako. Pero sa gabing iyon, may tahimik kaming inamin. Na kahit bawal. Kahit walang pahintulot. Kahit walang katiyakan. May namamagitan. At iyon ang mas nakakatakot. Dahil ang pag-ibig na walang pangalan ay mas mahirap pakawalan. Habang nakahiga ako sa kama ko nang gabing iyon, nakatitig sa kisame, napangiti ako sa gitna ng takot. Unti-unti akong nahuhulog. Hindi dahil may ibibigay siya. Hindi dahil may makukuha ako. Kundi dahil sa bawat tingin niya, nararamdaman kong hindi ako invisible. At kahit alam kong maaaring masira ang lahat balang araw… Pinili kong mahalin siya. Tahimik. Walang permiso. Parang ulap na handang maglaho sa langit niya— basta kahit minsan, naging bahagi ako ng tanawin. --- Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging espesyal si Sylvant sa paningin ko. Siguro noong unang beses niya akong hinintay sa library kahit sinabi kong kaya ko namang mag-isa. O baka noong napansin niyang lagi akong

  • The Billionaire Who Loved Quietly    Chapter 4: Without Permission

    May hawak siyang coat sa isang kamay, ang kabilang kamay nasa bulsa. May ngiti sa labi—ngiting parang may alam. “Mr. Finnegan,” bati ko. “Connor will do,” sagot niya agad. Professional smile lang ang isinagot ko. Lumapit siya nang bahagya. Hindi masyadong malapit, pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya. “You handle pressure well.” “It’s part of the job.” “Hmm.” Pinagmasdan niya ako, hindi bastos—pero masyadong observant. “You always were like that.” Natigilan ako. “Excuse me?” Umangat ang sulok ng labi niya. “Relax. I’ve heard stories.” Mula kanino? Hindi ko na kailangang itanong. “Small world, isn’t it?” dagdag niya. Sa likod ng magaan niyang tono, may kung anong hindi ko mabasa. Hindi siya tulad ni Sylvant na tahimik at sarado. Si Connor—madaling ngumiti. Pero ang mga mata niya? Mas maingat kaysa sa inaakala ng karamihan. Kinagabihan, halos wala na ang tao sa floor. Papunta ako sa records room nang marinig ko ang dalawang staff sa dulo n

  • The Billionaire Who Loved Quietly    Chapter 3: Accidental

    Kung si Sylvant ay katahimikan na may bigat, may isang taong kabaligtaran niya. Dumating siya isang umaga na parang pagmamay-ari niya ang buong floor—relaxed ang lakad, may bahagyang ngiti, at tila walang dinadalang problema sa mundo. “Ah, so this is the famous assistant.” Napatingin ako. lakas ng tama nito ah! famous daw? wala naman ako ginawa sa kanya. Matangkad, charming ang dating, may playful na ningning sa mata. “Connor Finnegan,” sabi niya habang inaabot ang kamay. “I’m the only person in this building who can actually make your boss laugh.” Pinagmasdan ko siya saglit bago tinanggap ang handshake. “Rosemary Delgado. Executive assistant.” “Executive assistant?” bahagya siyang ngumiti. “So you’re the one who keeps the tyrant functional.” Napahinto ako. “He’s very efficient.”Obvious naman, Tanga lang. Connor chuckled. “That’s a polite way of saying emotionally constipated.” Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. At doon, sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako

  • The Billionaire Who Loved Quietly    Chapter 2: Already

    Hindi ko alam kung alin ang mas mabigat—ang takong ng sapatos ko sa marmol na sahig ng lobby o ang tibok ng puso ko habang papunta sa opisina ng CEO. Unang araw ko bilang executive assistant ng pinakamalaking hotel empire sa bansa—Briggston Hotels. At ang CEO? Si Sylvant Garrison Briggston. Ang lalaking minsan kong minahal sa tahimik na paraan. Ang lalaking minsan akong minahal… sa paraang hindi ko narinig.---Medyo Awkward Professionalism ba lagay ko? hindi naman siguro napansin. Maaga akong dumating. Mas maaga kaysa sa karamihan ng empleyado. Ayokong may makapansin na kinakabahan ako. Ang opisina ng CEO ay nasa pinakataas na palapag—glass walls, minimalist design, kontrolado ang lahat. Tulad ng may-ari nito. Tahimik ang paligid nang pumasok ako sa outer office. May malaking desk na nakalaan para sa assistant—sa akin na ngayon. Nakaayos na ang files, may bagong laptop, at isang maliit na pangalan sa brass plate. ROSEMARY DELGADO Executive Assistant to the CEO Huminga ako

  • The Billionaire Who Loved Quietly    Chapter 1: Notices

    Hindi ko akalaing ang unang araw ko sa trabaho ang magiging unang araw ng pagbabalik ng sakit. Maaga akong dumating sa gusali ng Briggston Hotels—ang pinakasikat at pinaka-elitistang hotel empire sa bansa. Salamin ang buong harapan ng building, parang walang bahid ng kahinaan. Katulad niya. Huminga ako nang malalim bago pumasok. “Ako si Rosemary Delgado,” bulong ko sa sarili. “Hindi na ako ang babaeng umiiyak sa gilid ng campus.” napatingin ako sa kabuan ng paligid dahil sa ganda nito. nakakalimutan ko ang mga nakaraan pero pag-naiisip ko na nandyan siya, hindi ko na agad gusto ang paligid ko. Pero habang umaakyat ang elevator, kasabay ng pagtaas ng numero sa digital panel, bumabalik ang mga alaala. College days. exciting ang unang araw, pagdating sa dulo. ayon palya. Isang lalaking laging tahimik sa likod ng classroom. Isang lalaking hindi kailangang magsalita para maramdaman mong siya ang pinakamakapangyarihan sa loob ng kwarto. Sylvant Garrison Briggston.Naalala ko p

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status