Home / Romance / The Billionaire Who Watched me Die / Chapter 6. Pov: Theariza Huston

Share

Chapter 6. Pov: Theariza Huston

Author: Batino
last update publish date: 2026-02-24 03:57:22

“Honey! Gising… gising! Binabangungot ka!” malakas at nag-aalalang sigaw sa akin ni Alexander habang marahan niya akong inaalog, bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.

Napasinghap ako, tila kinapos ang hininga nang bigla akong magising. Pawis na pawis ang noo ko at mabilis ang tibok ng puso ko.

“B-buhay ako? Buhay na buhay ako?” nanginginig kong bulong habang hinahaplos ang sarili kong dibdib. “Panaginip ko lang ba ang lahat…?”

Napatitig ako sa asawa ko habang abala siyang nagpapalit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 11

    POV – KAREN Isang malakas na busina ang biglang umalingawngaw kasabay ng nakakabinging ingay ng paparating na truck. Napatingala ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang malaking truck na mabilis na dumiretso sa kinaroroonan ng sasakyan ko. Ilang segundo lamang ang pagitan namin, ngunit para bang biglang bumagal ang lahat sa paningin ko. "A-ah!" Mabilis kong hinawakan ang manibela at sinubukang ilihis ang sasakyan, ngunit huli na ang lahat. Sa gitna ng matinding takot, may isang tinig na biglang umalingawngaw sa isip ko. Isang tinig na pamilyar na pamilyar sa akin. Boses iyon ni Angela. "One..." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. "Two..." Hindi maaari! Hindi ito maaaring mangyari! "Three..." "BOOM!" Kasunod niyon ay isang nakakabinging pagbangga. CRAAAASH! Naramdaman ko ang napakalakas na impact na nagpayanig sa buong sasakyan. Tumama ang ulo ko sa gilid ng bintana bago tuluyang mawalan ng kontrol ang aking katawan. Sa pagitan ng nagliliwanag at n

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angel 10.

    POV – KARENNapapikit ako sandali habang pinipigilan ang sarili kong sumabog sa galit. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa harap ng lahat. Napakalinaw ng ebidensyang ipinakita ko, pero sa huli, ako pa rin ang naging masama."Bitawan mo ako, Papa!" mariin kong sabi habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Hindi mo ba talaga nakikita ang ginagawa ni Angela? Niloloko niya kayong lahat!""Enough, Karen!" mariing sagot niya. "Hindi ito ang tamang lugar para sa mga personal mong problema!""Personal na problema? Papa, ang pinag-uusapan natin dito ay ang ospital! Pati ang pangalan ng pamilya natin, ginagamit niya para sa pansarili niyang interes!""At kailangan mo talagang gawin ito sa harap ng lahat ng bisita?!" singit ni Mama. "Wala ka na bang ibang paraan para ipahiya ang kapatid mo?" Itinuring kitang parang tunay na anak! Pero bakit ganyan ka sa anak ko na matagal ng nawalay sa akin?!Napatingin ako sa kaniya.Kapatid?Muli kong naramdaman ang kirot sa

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 9

    Mariin kong kinagat ang labi ko hanggang sa malasap ko ang bahagyang alat ng dugo. Tama si Angela—sa paningin nina Mama at Papa, ako ang may kasalanan. Ang pagiging agresibo ko sa pag-imbestiga ay ginamit niya para palabasing ako ang kontrabida at siya ang api. Pero habang inaalalayan nina Mama at Papa si Angela pabalik sa main house para malapatan ng yelo ang noo nito, nakatayo pa rin ako sa dilim ng silid, hawak ang puting sobre na naglalaman ng katotohanan. Hindi nila alam na ang ebidensyang hawak ko ay may kopya na naka-save din sa cloud storage ng personal kong laptop—isang bagay na hindi kayang burahin o sirain ng kahit anong arte ni Angela. Mag-iyakan muna kayo,sa isip ko. *Bukas, sa harap ng buong Monteverde Foundation charity gala, sabay nating sasalubunin ang karma. Kinabukasan, naging abala ang buong mansyon sa pag-aayos para sa taunang charity gala. Ang Monteverde Foundation ang pinakamalaking philanthropic organization sa lungsod, at dinaluhan ito ng mga kilalang nego

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 8

    "Dahil natural lang sa akin ang maawa, Karen," mahinahong depensa ni Mama, bagamat may bahid na ng pagod at irita ang kanyang boses dahil sa paulit-ulit kong pag-ungkat. "Hindi ko sinasabing kinalilimutan kita. Pero isipin mo rin ang kalagayan niya. Kung ikaw kaya sa posisyon niya?"Hindi na ako sumagot. Alam ko na ang isusunod niya. Sa paningin nila ngayon, ako ang nagiging masama—ang madamot, ang insecure, at ang takot na mawalan ng atensyon at posisyon.Dahil sa nakaraang buhay ko, alam na alam ko ang takbo ng laro ni Angela.Habang nagpapanggap siyang anghel sa harap ng mga magulang ko, sa likod ay unti-unti niyang pinuputol ang koneksyon ko sa pamilya. Ipinapalabas niya sa mga kasambahay at maging kay Papa na kinakaawaan niya ako pero palihim ko siyang sinusungitan. Madalas ko siyang makitang nakangisi nang palihim tuwing tatalikod si Mama pagkatapos nitong maglabas ng sama ng loob sa akin.Mag-enjoy ka muna sa pagpapanggap mo, Angela, bulong ko sa aking sarili habang pinapanood

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 7

    Habang nakatayo sila sa guest lounge, nakita ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ni Helda at Angela. Pinalitan ng isang kampanteng ngiti ang kaninang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. "Sige," malamig na panggagaya ni Helda, pilit na ibinabalik ang kanyang kunwaring dignidad. "Kung 'yan ang gusto ninyo, papayag kami sa DNA test ng pamilya Monteverde. Wala kaming itinatago. Ang katotohanan ay katotohanan." Tumingin sa akin si Angela nang may patagong pagmamayabang. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit bigla silang naging kumpiyansa? Sa unang buhay ko, mabilis na lumabas ang resulta na nagpapatunay na si Angela ang tunay na Monteverde at ako ang anak ni Helda. Akala ko noong una ay aksidente o purong swerte lang ang lahat. Ngunit sa pagbabago ng kanilang mood ngayon, biglang pumasok sa isip ko ang isang napakalaking katotohanan: May malakas na taong nasa likod nila. May kasabwat sila—isang taong may sapat na

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela 6

    Pov- Karen Monteverde Habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga peke at kasinungalingang luha, unti-unting lumabo ang paligid. Ang galit, sakit, at matinding panghihinayang ay naghalo sa aking dibdib. Nabalot ng matinding dilim ang buong silid hanggang sa maramdaman kong unti-unting nahihila ang aking kaluluwa palayo. Hindi... Hindi ako papayag! Kung may pagkakataon lang sana... Hinding-hindi ko na hahayaang tapak-tapakan at linlangin ninyo kaming muli! "Karen... Karen, anak, gising na." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng isang mainit at malambot na kamay sa aking pisngi. Kasabay nito ang napakalambing na boses na matagal kong kinalakhang marinig muli. Mabilis akong napabalikwas nang bangon. Hingal na hingal ako at basang-basa ng malamig na pawis ang noo ko. Mabilis kong hinawakan ang aking leeg, balikat, at ulo. Walang dugo? Walang sakit? Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib—mabilis at buhay na buhay ang tibok ng aking puso. "Nabangungot ka ba, anak?" alalang t

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 31. Maternity DNA Test

    Kinaumagahan, maagang nagtungo si Mrs. Montale sa mansion upang sunduin si Althea—ang babaeng kinikilala nilang nawawalang anak. Ilang sandali pa ay agad silang umalis patungo sa isang genetic testing laboratory kung saan isasagawa ang maternity DNA test. Dahil kilala at makapangyarihan ang angka

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 5

    Humakbang siya palayo, nanginginig ang mga kamay ngunit determinado ang isip. “Hindi ’yon mangyayari, Theariza!” sigaw ni Althea. Sa isang iglap, mabilis na inabot ni Althea ang malaking base na nakapatong sa mesa. Kumalansing ito nang bahagya sa pagkakahawak niya—mahigpit, desperado. Kita sa k

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 4

    “Best, ito yung magiging kwarto mo… at sa isang pintong ’yan, ’yan yung magiging kwarto ng magiging baby namin ng asawa ko.” Mahinahon ngunit may awtoridad ang tinig ni Theariza habang itinuturo ang pintuang nasa loob ng maluwang na silid. Malaki ang kwartong iyon—may mataas na kisame, kristal na

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 3

    “So… magsho-shower muna ako, sweetheart,” malambing na sabi ni Althea habang marahang humiwalay sa pagkakayakap kay Alexander. “Tapos, mauuna na akong umuwi sa bahay natin…” May diin ang huling salita. Bahay natin. Napangiti si Alexander habang pinagmamasdan ang hubog ng katawan ni Althea na dah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status