Masuk“Best, ito yung magiging kwarto mo… at sa isang pintong ’yan, ’yan yung magiging kwarto ng magiging baby namin ng asawa ko.”
Mahinahon ngunit may awtoridad ang tinig ni Theariza habang itinuturo ang pintuang nasa loob ng maluwang na silid. Malaki ang kwartong iyon—may mataas na kisame, kristal na chandelier, at malalambot na carpet na kulay garing. Halatang pinaglaanan ng panahon at pagmamahal ang bawat detalye. Tahimik na napalunok si Althea habang iniikot ang paningin sa paligid. Hindi niya maikakaila ang lawak at ganda ng bahay. Ang lahat ng ito—kayamanan, pangalan, respeto—pagmamay-ari ni Theariza. “Wow… ang ganda naman ng silid na ’to,” plastikan niyang sabi, pilit ang ngiti. Hindi niya ipinahalata ang bahagyang inggit na kumurot sa kanyang puso. “Gusto mo bang kumain?” tanong ni Theariza, mahinahon at magalang pa rin sa kabila ng pagiging amo ng bahay. “Busog na ako, best. Kumain ako sa bahay ng parents ko bago ako umalis doon. Magpapahinga na ako… ’di ba bukas na gagawin ang surrogation?” Saglit na tumahimik ang paligid. Ang salitang surrogation ay tila may bigat na bumagsak sa pagitan nila. “Oo, tama ka. Bukas na,” sagot ni Theariza, pilit na matatag. “Kaya magpahinga ka na. Kailangan mong maging maayos ang pakiramdam mo.” “Oo… salamat.” Pagkasara ng pinto, unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Althea. Ang maamong mukha ay napalitan ng malamig na titig. “Napakalaki ng bahay… napakaganda ng buhay,” bulong niya habang hinahaplos ang sarili niyang tiyan. Lingid sa kaalaman ni Theariza—buntis na siya. At si Alexander ang ama. Matagal na nilang plano iyon. Hindi na kailangan ng surrogation dahil nauna na ang lahat—sa mga palihim na pagkikita nila sa parehong hotel na kanilang tagpuan. Sa bawat gabing sinasabing may meeting si Alexander, sa bawat pag-uwi nitong pagod—si Althea ang kasama niya. “Hindi magtatagal…” mahina ngunit puno ng ambisyon ang kanyang tinig. “Ako na ang kikilalaning Mrs. Huston.” Bahagya siyang napangiti. “Pero sa ngayon… kailangan ko munang magpanggap. Hanggang sa tuluyan nang mawala sa buhay namin ang babaeng ’yon.” ******************* Sa master bedroom ng bahay—ang silid ng tunay na may-ari. Pagpasok ni Theariza, agad niyang nasilayan si Alexander na mahimbing nang nakahiga. Malawak ang kama, may malalambot na unan at makapal na comforter. Sa dingding ay nakasabit ang kanilang wedding portrait—nakangiti, puno ng pangako. “Ilang gabi na… lagi siyang pagod kung umuwi,” bulong ni Theariza habang marahang inilapag ang kanyang bag. Kung nabigyan ko lang sana siya agad ng anak… baka mas naging buo ang pamilya namin. May kirot sa kanyang mga mata. Siya ang may-ari ng bahay. Siya ang legal na asawa. Ngunit bakit pakiramdam niya’y may kulang? Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at umupo sa gilid nito. Pinagmasdan niya ang mukha ni Alexander—ang lalaking minahal niya nang walang kondisyon. Marahan siyang humiga sa tabi nito at niyakap siya mula sa likod. Isang yakap na puno ng pangungulila at pagmamahal. “Mahal kita…” halos hindi marinig ang kanyang bulong. Ngunit si Alexander—gising. Nakapikit lamang siya, nagkukunwaring tulog. Ramdam niya ang init ng yakap ng asawa. Ramdam niya ang lambing na hindi na niya kayang suklian. Dahan-dahan siyang gumalaw, kunwari’y nasa mahimbing na pagtulog. Marahan niyang inalis ang kamay ni Theariza sa kanyang dibdib. Unti-unting bumagsak ang kamay ng babae sa kama. Nanatiling nakapikit si Alexander—tinatakpan ng dilim ang kanyang konsensya. Samantalang si Theariza, kahit nakapikit na rin, ay may luhang tahimik na pumatak sa kanyang unan. Isang oras matapos… Tumayo si Alexander nang mahinahon, tinitingnan ang natutulog na si Theariza—hindi niya alam na ang babae ay nagkukunwari lang ring makatulog para hindi makita ang pag-alis ng asawa. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at lumabas, dala ang kanyang cellphone. Diretso siya sa silid ni Althea, walang alinlangan sa mga hakbang. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng yakap ni Althea. “Akala ko hindi ka na darating,” bulong nito, hinalikan siya sa pisngi. Baka mamaya hinalikan kapa niya. “Huwag mong isipin ‘yon,” sagot ni Alexander, inilagay ang cellphone sa mesa. “Nagkunwari lang akong tulog para hindi na siya makulit.” Napangisi si Althea. “Bukas na ‘yung surrogation. At kailangan maging successful ang lahat .saad ni Althea, nakausap mo na ba si Doc Allan. “Oo naman,” sagot ni Alexander, hawak ang tiyan. “Ang anak natin ang dapat makamtan lahat ng ito. Hindi siya.” “Alexander? Nandito ka ba?” Anong pinaguusapan niyong dalawa?“Best… bakit nandito si Alexander?” tanong niya, ngunit alam na niya ang sagot. “Nandito lang ako para kausapin siya tungkol bukas,” plastik na sagot ni Alexander. “Baka kasi may mga detalye pa kasi siyang hindi napag-usapan tungkol sa surrogation.” “Totoo ba ang sinasabi niya best? Eh ano yung maririnig kong ang anak niyo ang dapat magnamasa ng lahat?” Napalakas ang paghinga ni Althea, ngunit hindi umimik. Si Alexander naman ay tumayo at nilapitan ang asawa. “Mali ka ng pandinig?” mahinahong sabi ni Alexander. “Wag na tayong maging plastic, Sweetheart, sabihin na natin sa kanya ang totoo.. Anong sinasabi niyo? Anong totoo ang sinasabi niyo? “Ngumiti ang dalawa, bago nagsalita si Alexander. “Dahil hindi mo ako kayang bigyan ng isang anak!” sigaw ni Alexander, “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko makamtan ang tunay kong ninanais! Si Althea lang ang nakapagbigay sa akin ng lahat ng gusto ko!” “A-anong sinasabi mo, Alexander? Hindi kita maintindihan! Best, anong sinasabi niyo! Hindi ko kayo maintindihan!” Halos manginig ang buong katawan ni Theariza habang nakatitig sa dalawa. Ramdam niya ang panlalamig ng hangin sa silid, ngunit mas malamig ang paraan ng pagtitig sa kanya ni Alexander—walang lambing, walang bakas ng dating pagmamahal. “Hindi pa ba malinaw sa’yo, Theariza?” malamig at mariing saad ni Althea. “Hindi mo ako best… dahil ako na ngayon ang papalit bilang Mrs. Husyon…” Parang isang malakas na sampal ang mga salitang iyon. Nanlaki ang mga mata ni Theariza. Unti-unting napuno ng luha ang kanyang paningin habang pilit inuunawa ang ibig sabihin ng narinig. “Paano niyo nagawa ’to sa akin? Best friend kita!” sigaw niya, halos mabasag ang boses sa sobrang sakit. Ang dibdib niya’y tila pinipiga, bawat paghinga ay may kasamang kirot. Dahan-dahan siyang lumingon kay Althea. Ang babaeng minsan niyang tinawag na kaibigan. Ang babaeng pinagkatiwalaan niya sa loob ng sarili niyang tahanan. Nanginginig ang kanyang labi habang nagsasalita. “Akala mo ba makakamtan mo ang lahat sa pamamagitan ng pandaraya? Isang bata lang ay hindi sapat para makuha ang lahat ng gusto mo.” Saglit na naghari ang katahimikan. Ngunit ang katahimikang iyon ay mabigat—punong-puno ng galit, inggit, at pagtataksil. Hindi na kinaya ni Theariza ang presensya nila. Tinalikuran niya ang dalawa, pilit pinipigilan ang pagguho ng kanyang emosyon. “Tatawag ako ng pulis! Hindi kayo pwedeng magtagumpay!”Mariin kong kinagat ang labi ko hanggang sa malasap ko ang bahagyang alat ng dugo. Tama si Angela—sa paningin nina Mama at Papa, ako ang may kasalanan. Ang pagiging agresibo ko sa pag-imbestiga ay ginamit niya para palabasing ako ang kontrabida at siya ang api. Pero habang inaalalayan nina Mama at Papa si Angela pabalik sa main house para malapatan ng yelo ang noo nito, nakatayo pa rin ako sa dilim ng silid, hawak ang puting sobre na naglalaman ng katotohanan. Hindi nila alam na ang ebidensyang hawak ko ay may kopya na naka-save din sa cloud storage ng personal kong laptop—isang bagay na hindi kayang burahin o sirain ng kahit anong arte ni Angela. Mag-iyakan muna kayo,sa isip ko. *Bukas, sa harap ng buong Monteverde Foundation charity gala, sabay nating sasalubunin ang karma. Kinabukasan, naging abala ang buong mansyon sa pag-aayos para sa taunang charity gala. Ang Monteverde Foundation ang pinakamalaking philanthropic organization sa lungsod, at dinaluhan ito ng mga kilalang nego
"Dahil natural lang sa akin ang maawa, Karen," mahinahong depensa ni Mama, bagamat may bahid na ng pagod at irita ang kanyang boses dahil sa paulit-ulit kong pag-ungkat. "Hindi ko sinasabing kinalilimutan kita. Pero isipin mo rin ang kalagayan niya. Kung ikaw kaya sa posisyon niya?"Hindi na ako sumagot. Alam ko na ang isusunod niya. Sa paningin nila ngayon, ako ang nagiging masama—ang madamot, ang insecure, at ang takot na mawalan ng atensyon at posisyon.Dahil sa nakaraang buhay ko, alam na alam ko ang takbo ng laro ni Angela.Habang nagpapanggap siyang anghel sa harap ng mga magulang ko, sa likod ay unti-unti niyang pinuputol ang koneksyon ko sa pamilya. Ipinapalabas niya sa mga kasambahay at maging kay Papa na kinakaawaan niya ako pero palihim ko siyang sinusungitan. Madalas ko siyang makitang nakangisi nang palihim tuwing tatalikod si Mama pagkatapos nitong maglabas ng sama ng loob sa akin.Mag-enjoy ka muna sa pagpapanggap mo, Angela, bulong ko sa aking sarili habang pinapanood
Habang nakatayo sila sa guest lounge, nakita ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ni Helda at Angela. Pinalitan ng isang kampanteng ngiti ang kaninang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. "Sige," malamig na panggagaya ni Helda, pilit na ibinabalik ang kanyang kunwaring dignidad. "Kung 'yan ang gusto ninyo, papayag kami sa DNA test ng pamilya Monteverde. Wala kaming itinatago. Ang katotohanan ay katotohanan." Tumingin sa akin si Angela nang may patagong pagmamayabang. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit bigla silang naging kumpiyansa? Sa unang buhay ko, mabilis na lumabas ang resulta na nagpapatunay na si Angela ang tunay na Monteverde at ako ang anak ni Helda. Akala ko noong una ay aksidente o purong swerte lang ang lahat. Ngunit sa pagbabago ng kanilang mood ngayon, biglang pumasok sa isip ko ang isang napakalaking katotohanan: May malakas na taong nasa likod nila. May kasabwat sila—isang taong may sapat na
Pov- Karen Monteverde Habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga peke at kasinungalingang luha, unti-unting lumabo ang paligid. Ang galit, sakit, at matinding panghihinayang ay naghalo sa aking dibdib. Nabalot ng matinding dilim ang buong silid hanggang sa maramdaman kong unti-unting nahihila ang aking kaluluwa palayo. Hindi... Hindi ako papayag! Kung may pagkakataon lang sana... Hinding-hindi ko na hahayaang tapak-tapakan at linlangin ninyo kaming muli! "Karen... Karen, anak, gising na." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng isang mainit at malambot na kamay sa aking pisngi. Kasabay nito ang napakalambing na boses na matagal kong kinalakhang marinig muli. Mabilis akong napabalikwas nang bangon. Hingal na hingal ako at basang-basa ng malamig na pawis ang noo ko. Mabilis kong hinawakan ang aking leeg, balikat, at ulo. Walang dugo? Walang sakit? Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib—mabilis at buhay na buhay ang tibok ng aking puso. "Nabangungot ka ba, anak?" alalang t
Aakyat na sana ako papunta sa aking silid nang bigla kong narinig ang nagmamadaling yabag ni Helda sa likuran ko. Bago pa ako tuluyang makahakbang sa susunod na baitang ng hagdan, mariin niyang hinablot ang aking pulsuhan. "Bastos kang bata ka!" galit niyang sigaw. "Kahit si Angela ang pinalaki ko sa loob ng labing-anim na taon, ikaw pa rin ang anak ko!" Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang pilit binabawi ang aking kamay. Ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang hawak. Sa gitna ng aming paghihilahan, nawalan ako ng balanse. Nadulas ang paa ko sa gilid ng hagdan. Napabitaw si Helda sa gulat, ngunit huli na. Nagkandamali ang aking mga hakbang habang pilit akong kumakapit sa handrail upang hindi tuluyang mahulog. Hindi ko na naabot ang handrail. Dumulas ang mga daliri ko habang tuluyan akong nawalan ng balanse. "A-ahh!" Sunod-sunod na tumama ang likod, balikat, at ulo ko sa bawat baitang ng hagdan. Malalakas na kalabog ang umalingawn
POV: Karen Nang makita ng babae na wala na sina Mama at Papa, kasama si Angela, ang anak na matagal na nilang hinahanap, dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanina'y nag-aalalang tingin ay napalitan ng matinding galit. Mabibigat ang hakbang niyang lumapit sa akin habang nakatayo ako sa may hagdan. Napaatras ako nang bahagya nang makita kong nanginginig sa galit ang kanyang mga kamay. Huminto siya sa tapat ko at mariing itinuro ako. "Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo kay Angela?!" sigaw niya, halos mawalan ng boses. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. "Inalagaan ko si Angela sa abot ng makakaya ko! Siniguro kong wala siyang kahit isang sugat sa katawan. Pero ikaw..." napailing siya habang pinipigilan ang galit at pagkadismaya. "Isang tulak lang ang ginawa mo para mahulog siya sa hagdan dahil alam mong mawawala ka na sa pamilyang matagal mo nang nakasama!" Nanatili akong nakatayo habang sunod-sunod na tumama sa akin ang bawat salitang ibi
“Hello… mahal, napatawag ka?” mahinang sabi ni Nurse Alma habang hawak ang cellphone. Rinig na rinig iyon ni Theariza kahit mahina ang boses nito. “Sandali lang mahal, lalabas muna ako sa mainit na bodegang ’to,” dagdag pa ng nurse. “Bodega? Anong ginagawa mo sa bodega?” gulat na tanong ng nasa k
Kinaumagahan, maagang nagtungo si Mrs. Montale sa mansion upang sunduin si Althea—ang babaeng kinikilala nilang nawawalang anak. Ilang sandali pa ay agad silang umalis patungo sa isang genetic testing laboratory kung saan isasagawa ang maternity DNA test. Dahil kilala at makapangyarihan ang angka
Humakbang siya palayo, nanginginig ang mga kamay ngunit determinado ang isip. “Hindi ’yon mangyayari, Theariza!” sigaw ni Althea. Sa isang iglap, mabilis na inabot ni Althea ang malaking base na nakapatong sa mesa. Kumalansing ito nang bahagya sa pagkakahawak niya—mahigpit, desperado. Kita sa k
“So… magsho-shower muna ako, sweetheart,” malambing na sabi ni Althea habang marahang humiwalay sa pagkakayakap kay Alexander. “Tapos, mauuna na akong umuwi sa bahay natin…” May diin ang huling salita. Bahay natin. Napangiti si Alexander habang pinagmamasdan ang hubog ng katawan ni Althea na dah







