LOGINSa kabilang banda, kasalukuyang nasa kumpanya si Timothy at nakikipag-meeting sa mga kasosyo nang sandali itong natigil dahil sa pagpasok ng assistant niyang si James.
"Pasensya na po. Pero, Mr. Imperial, importante po ang sasabihin ko," nababahalang saad nito. Kumunot ang noo ni Timothy. "What is it?" "Mr. Imperial, may gulo pong kinasangkutan ang asawa niyo. Nakikipag-away siya sa hindi bababa ng anim na tao sa eskwelahang pinapasukan ng anak niyong si Kristine." Naalarma si Timothy sa narinig. "Let's go then. Ihanda mo ang sasakyan," utos niya. Tumayo siya at binalingan ang mga ka-meeting niya. "I'm so sorry, ladies and gentlemen. Pero kinakailangan kong daluhan ang pamilya ko. Sa ngayon, adjourned na muna ang meeting natin," aniya bago kinuha ang coat niya saka siya nagmamadaling lumabas ng conference room upang pumunta ng eskwelahan. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa eskwelahan at agad siyang nagtungo sa storage room kung saan naroon ang mag-ina niya. Walang kahit na anong reaksyon ang makikita sa mukha niya. Inaasahan ni Timothy na makikita niya si Tricia na sinasaktan ng ibang mga magulang. Ngunit, nang makapasok sila sa loob ng storage room ay kabaligtaran ang nasaksihan nila. Nakita niya ang mga magulang, guro, at estudyante na nakasiksik sa gilid ng kwarto, umiiyak. Samantala, malamig namang tinignan ni Tricia ang mga magulang, guro, at estudyante na kanina pa umiiyak "Bakit kayo umiiyak? Pigilan niyo 'yan." Pilit pinigilan ng mga ito ang pag-iyak sa pamamagitan ng pagtatakip sa sariling mga bibig gamit ang kamay. Bakas ang takot sa mukha ng mga ito. Kumuyom namam ang kamao ni Timothy sa nasaksihan. Sa tabi ng nakatayong si Tricia ay ang anak nilang si Tintin na marahang hinahaplos ang kamay ng ina. Malungkot ang mukha ng bata habang ginagawa 'yon. "Mommy, masakit po ba ito?" nag-aalala na tanong nito sa ina. Hindi na nakatiis si Timothy at agad lumapit sa mag-ina niya. Seryoso niyang tinignan si Tricia bago bumaba ang tingin niya sa kamay partikular na sa palapulsuhan nitong namumula, saka siya kunwari ay walang pakialam na nagtanong. "What happened to your wrist?" Sinulyapan ni Tricia ang mga umiiyak sa gilid ng storage room bago sumagot. "Wala lang 'to. Nasaktan lang dahil sa nangyari." Agad nandilim ang mukha ni Timothy nang marinig ang sagot ni Tricia. Kasabay no'n ang nagmamartsang pagpasok ng school principal sa storage room. Doon lang napansin ni Tricia na marami nang nakikiusyuso sa nangyayari sa kanila at may nakapag sumbong na rin sa principal. Galit naman ang principal, gusto niyang malaman kung bakit nangyari ang gano'ng gulo lalo na dahil ang mga magulang na sinaktan ni Tricia ay marami nang naitulong at naidonate sa eskwelahan. Marahas na binuksan ng principal ang storage room. "Anong nangyayari rito?!" Ngunit, kalaunan ay agad itong natigilan nang makita si Timothy. Agaran din ang pagyuko nito sa harapan niya bilang tanda ng paggalang. "M-Mr. Imperial, a-ano po ang ginagawa niyo rito?" nauutal na tanong ng principal. Bahagyang nanliit ang malamig na mga mata ni Timothy, mariin ang pagkakadikit ng mga labi niya at walang kahit anong emosyon na pinapakita ang kanyang mukha. Sa isip-isip ng assistant niyang si James, alam niyang kaunti na lang ay magagalit na ang boss niya. "May nanakit sa asawa't anak ko, hindi ba dapat ako pumunta rito?" seryoso ngunit sarkastikong tanong pabalik ni Timothy. Napayuko sa hiya ang principal. Sa isip-isip niya: baka 'yon na ang huling araw niya sa trabaho dahil mukhang hindi natuwa si Mr. Imperial sa tanong niya. Bukod do'n, si Mr. Timothy Imperial ang pinakamalaking shareholder sa eskwelahang 'yon. At ngayong sinaktan ang asawa at anak nito, hindi malabong i pull-out ni Mr. Imperial ang lahat ng shares nito. Samantala, nang marinig naman ng mga magulang ang usapan ni Timothy at principal ay agad nagsalita ang isa sa mga ito. "Principal, dapat mong tanggalin sa eskwelahang ito si Kristine Imperial! At ikaw, Tricia, kung hindi mo gusto na matanggal ang anak mo sa eskwelahang ito, lumuhod ka at humingi ng tawad sa amin at kay Mr. Imperial!" Hindi alam ng mga ito na anak ni Timothy si Tintin dahil nang mag-enroll ito ay inilihim nila ang information tungkol sa mga magulang ng bata Nilingon ni Timothy si Tricia, pinanatili niya ang seryoso at malamig na ekspresyon. "Is that enough? Sa tingin mo ba ay sapat na ang pagluhod para humingi ng tawad?" Tagumpay na napangisi ang mga magulang sa narinig. Inaakala nila na si Tricia talaga ang paluluhirin ni Timothy. Nagtaas ng kilay si Tricia at diretsong tinignan ang asawa. "Of course not. Hindi sapat ang pagluhod lang, kowtow, at dapat ay dalawampung beses." Tumango si Timothy at bahagyang sinulyapan ang mga magulang na agad tinanggal ang mga ngisi sa labi at nagkunwaring nanlulumo. Matapos no'n ay sinenyasan niya ang assistant niya na agad nakuha ang gusto niyang iparating. Pinapasok nito ang mga bodyguard na nasa labas ng storage room na agad dumiretso sa mga magulang. Pwersahang pinaluhod ng mga bodyguard ang mga magulang. Nagulat ang mga ito ngunit bago pa makapag reklamo ay pinayuko na ito ng mga bodyguard hanggang sa madikit ang mga mukha nito sa sahig. Dumaing ang mga magulang at isa sa mga ito ang naglakas loob na magsalita. "Nagkakamali ka, Mr. Imperial! Hindi dapat kami ang pinaluhod niyo at kowtow pa! Si Tricia dapat! Siya ang may ginawang mali!" Napangisi ang assistant ni Timothy saka pilyong nagtanong. "Gusto niyong paluhurin at mag kowtow si Mrs. Imperial para lang mapatawad niyo? Ha! 'Wag kayong mangarap na mangyayari 'yon, dahil hindi kayo karapat dapat!" Binalot ng katahimikan ang buong storage room matapos ang sinabi ng assistant ni Timothy. Hindi makapaniwala ang mga magulang na si Tricia ay ang asawa ni Mr. Imperial. Hanggang sa mayamaya ay napagtanto nila na magkapareho ang apelyido ng batang si Tintin at ni Timothy. Nagsisi sila sa ginawa nila pero huli na ang lahat. Dahil sa nangyari, natanggal ang mga anak nila sa eskwelahan at maging ang mga negosyo nila ay apekdato na ngayon ay nasa bingit na ng pagkalugi. Matapos ang tagpong 'yon, agad na umalis sina Timothy. Habang nasa parking lot ng school, huminto si Timothy at binalingan ang asawa. "James will take you to the hospital later." Hindi agad nakapag-react si Tricia ngunit kalaunan ay kumunot ang noo niya. "Bakit naman pupunta ng hospital?" Hindi sumagot si Timothy ngunit nanatili ang seryoso nitong tingin sa kanya. Napansin niya 'yon at napagtanto niya kung bakit gusto nitong papuntahin siya ng hospital. Tinaas niya ang kamay niya at pinakita kay Timothy. "Ah! Ayos lang ang kamay ko, medyo namamaga lang dahil medyo matagal-tagal ko ring binugbog ang mga 'yon kanina." Sandaling natulos sa kinatatayuan si Timothy. "So, it wasn't them who hit you, 'coz it was you who hit them?" Nagtaas ng kilay si Tricia. "Oo, dahil kung hindi gano'n, ano sa tingin mo ang mangyayari?" Sa totoo lang ay hindi pa todo ang naging pambubugbog niya lalo na kay Alice dahil naawa pa siya. "Hmm, fine. But don't do it again, okay? Not in front of our kids, Tricia. Get in the car now, uuwi na tayo," saad ni Timothy na tinanguan niya. Lingid sa kaalaman nila na nasa malayong banda si Aldrin at pinagmamasdan sila. Galit na galit ito lalo na dahil sa naranasan nila kanina. Binugbog sila ni Tricia, at kahit pagdaing at pag-iyak sa sakit ay natatakot pa silang gawin. Bukod do'n ay pinaluhod pa sila ni Mr. Imperial. "Masyado kang unfair, Mr. Imperial! Pinapaboran mo si Tricia dahil lang asawa mo siya!" mariing bulong niya habang masama ang tingin sa papalayong bulto ng mga ito. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito ay hindi sinasadyang pumasok sa isip niya ang naging usapan nila ng stock market expert. Naghahanap ito ng bihirang klase ng dugo na makakaligtas sa anak nito. Kapagkuwan ay nanigas siya nang may mapagtanto. "Hindi ba't ang blood type ng anak ng stock market expert ay kapareho lang ng blood type ng anak ni Tricia? Posible kayang ang expert na 'yon at si Tricia ay iisa?" Samantala, kinagabihan, matapos ang hapunan ay pinuntahan niya ang anak na si Tintin sa kwarto nito kung saan nakita niya ito na may hawak na isang bote ng baby bath wash. "Tintin, anak, gusto mo bang paliguan ka ni Mommy?" Sinisikap niyang mapalapit sa mga anak niya at maging isang mabuting ina na alam niyang hindi niya nagawa sa nakalipas na anim na taon. Alam niyang hindi sapat ang paghahatid-sundo sa mga anak niya sa eskwelahan. Kailangan niya ring paliguan ito, o kaya naman ay tulungan sa paggawa ng mga homework, at iba pa. Bago niya pinuntahan si Tintin ay dinaanan niya muna sa kwarto ang anak niyang si Kristoff, ngunit gaya ng lagi nitong ginagawa ay tinanggihan lanh siya nito. Tanging ang malambing lang na si Tintin ang nalalambing niya sa ngayon. "No need na po, Mommy. 5 years old at big girl na po ako ngayon. I can bathe myself na po," pagtanggi nito ngunit bakas niyang pinipigilan lang nitong tanggihan siya. Naisip ni Tricia na nahihiya lang ang anak niya kaya marahan niya itong kinarga saka siya naglakad papunta sa banyo. "Kung gano'n, sasabay na lang si Mommy na maligo sa'yo. We'll take a mother and daughter bath! Gusto mo ba 'yon?" Nagliwanag ang mukha ng anak niya at sunod-sunod ang naging pagtango nito. Nang makarating sa banyo, nahihiya pa ang anak niyang maghubad ng damit at ilang ulit na tumanggi nang akmang tutulungan niya ito. "Mommy, I can do it alone na po talaga. But, how about I scrub your back po?" "Of course! 'Yon ba ang gusto mo? Then, let's do it! I want Tintin to scrub my back! But first, let me help you take your clothes off, okay?" Nakita niya ang pag-aalangan nito ngunit kalaunan ay mabagal na tumango. Marahan niyang tinaas ang kamay ni Tintin saka niya dahan-dahang hinubad ang damit nito. Ngunit nagulat siya nang makitang maraming peklat ang katawan nito. Nanubig agad ang mga mata ng bata at nagpaliwanag. "Mommy, kaya po ako may ganito kasi naaksidente po." Tinuro nito ang lapnos na nasa dibdib. "Nabuhusan ko po kasi ng mainit na tubig ang dibdib ko." Ang peklat sa binti naman nito ang tinuro. "Ito naman po ay nung nasugatan po ako kasi nabasag ko yung baso." "Yes, at itong nasa tiyan mo?" malambing na tanong niya ngunit sa loob loob niya ay nasasaktan siya sa nakikita. Sinubukan pa ni Tintin na takpan ang peklat ngunit sa isang tingin pa lang ay alam na agad ni Tricia na hindi gawa ng aksidente ang peklat na 'yon. Naalala niya ang sinabi ng batang si Liza kanina na noon daw ay walang pagdadalawang-isip niyang sinasaktan ang mga anak niya. At ngayong nakikita niya ang mga peklat ng anak, naisip niya na baka siya ang may gawa no'n. "Tintin, sabihin mo sa'kin ang totoo? Lahat ng mga peklat sa katawan mo, ako ang may kagagawan, tama ba?" "Mommy, hindi naman po masakit. Kaya po may ganito kasi makulit po ako at lagi ko po kayo ginagalit. It's not Mommy's fault po, it's my fault po," puno ng kaba ang malambing nitong boses. Ayaw ng batang si Tintin na mailang ang kanyang ina. Ngayong hindi nito naaalala ang mga nangyari noon, willing siya na magpanggap na parang walang nangyari noon at lihim na umaasang hindi na maalala 'yon ng kanyang ina. Mahal na mahal ni Tintin ang kanyang ina lalo na ngayon na malambing at mapagmahal ito. Samantala, hindi maiwasang magalit ni Tricia sa sarili. Alam niyang pinapagaan lang ng anak niya ang loob niya. Pakiramdam niya ay pinunit ang puso niya, napaka sakit ng nararamdaman niya. "I'm so sorry, anak. Patawad kung sinasaktan kita at ang kapatid mo noon. I promise na hindi na mauulit 'yon. Magiging mabuting ina na ako ngayon at pinapangako kong poprotektahan ko kaya hangga't nabubuhay ako," garalgal ang boses na saad niya. Pinunasan ni Tintin ang luhang hindi niya namalayang tumulo na pala sa mga mata niya kahit pa ang sarili nitong mga mata ang namumula dahil sa nagbabadyang luha. "Pwede po bang love na ni Mommy si Tintin, Kristoff, at Daddy? You know, daddy is actually pitiful po..." "Gusto ko 'yon, anak. Pero ang Daddy at kapatid mo, mukhang malabong bigyan nila ako ng chance na gawin 'yon." "Mommy, Daddy, tahimik lang po 'yun pero very easy to please lang po siya, promise po." Tumango siya bago tuluyang naligo kasama ang anak. Matapos no'n ay kinarga niya ito palabas ng banyo upang patulugin. Lingid sa kaalaman ni Tricia na nasaksihan lahat ni Timothy ang nangyari mula sa maliit na siwang ng pinto ng kwarto ni Tintin. At hindi niya maitatanggi na naging masaya siya sa nakita. Hindi gaya noon, ngayon ay walang mura, walang pag-aaway, ag walang mga kalat dahil sa galit ni Tricia. "Home finally feels like home now," bulong niya sa sarili. Ngunit, lahat ng kasayahang nararamdaman niya ay agad naglaho nang isara niya pinto ng kwarto. At tumunog ang cellphone ni Tricia na nakapatong sa isang mesa. Umilaw 'yon at nang tingnan niya ay nakita niya ang pagpa-pop-up ng message ni Aldrin sa screen. [Tricia, magkita tayo.] Sa baba ng mensaheng 'yon ay ang address ng isang hotel."P-po?" gulat na tanong ng HR manager nang marinig ang sinabi niya. Halata sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.Bumuntong-hininga siya saka muling nagsalita. "I said, hire another secretary or assistant for me," aniya."P-pero, bakit pa po kayo naghahanap ng bagong assistant o sekretarya, Sir? Gayong nariyan naman na po si Tricia," pagkukwetsyon nito. Napailing siya saka inis na tinignan ang HR manager na bahagyang napayuko. "Stop questioning me. Just do what I want you to do. Hanapan mo ako ng bagong magiging assistant o sekretarya sa lalong madaling panahon. At hangga't naririto sa kumpanya si Tricia, dapat maayos ang trato sa kanya ng ibang mga empleyado. Kapag may nakita kang nambabastos sa kanya, report it to me immediately, naiintindihan mo?"Sunod-sunod ang agarang pag tango ng HR manager. "Opo, Sir! Naiintindihan ko po!"Tumaas ang kilay niya bago tumango. "Good," aniya bago umalis.Samantala, sa paglipas ng mga araw, kumalat agad sa mga empleyado ng Arell
Mariing napapikit si Tricia bago napabuntong-hininga dahil sa mga naisip.Hay nako, bakit pa nga ba siya umaasa na ipagtatanggol siya ni Timothy gayong kung hindi lang dahil sa anak nilang si Tintin ay baka divorced na sila ngayon?Bumalik sa ulirat si Tricia nang bigla na lang may isang payat na lalaki ang bumagsak sa harapan nila. Ang assistant ni Timothy na si James ang tumulak dito."Ah!" pagdaing nito, siguradong nasaktan dahil sa pagkakatulak.Nakita niya ang agad na pagdalo ni Mr. Chua sa lalaki, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala."Mrs. Chua, hindi ba't gusto mo ng eksplenasyon? Well then here, this is the explanation that you want," kapagkuwan ay saad ni Mr. Arellano.Umismid si Mrs. Chua. "Anong klaseng explanation ito?! Anong maitutulong sa akin ng lalaki 'to, ha?! Mr. Arellano, ang gusto ko ay turuan mo ng leksyon itong si Tricia dahil mal*ndi itong babaeng 'to! Siya ang kabit ng asawa ko!"Tumango si Mr. Arellano. "Kaya nga, Mrs. Chua. Para lang ipaalam ko sa iny
Sa kabilang banda, isang malamig na tingin ang iginawad ni Tricia sa babaeng sumugod sa kanya. Nakasuot ito ng sopistikadang damit mula sa kilalang brand, mayroon pa itong fur coat na suot. At sa tantiya niya ay nasa 30 pataas ang edad nito."Sinasabi ko na nga ba! Walang duda! Kaya pala laging dito sa kumpanya ng mga Arellano naglalagi itong magaling kong asawa! 'Yun pala ay nauto siya ng gaya mo! Maganda ka lang pero maihahalintulad ka sa kalapating mababa ang lipad! Napaka l*ndi mo! Paano mo naatim na gawin ang ganitong bagay ha? Kumakalantari ka sa lalaking may asawa! Bakit hindi ka magpakatino at kumilos na parang karespe-respetong babae kaysa ang maging kabit?!" galit na galit nitong tanong sa kanya bago winaksi ang kamay ng asawa nitong kanina pa umaawat.Tumaas ang kilay niya bago sinulyapan ang lalaking katabi ng babae na asawa nito. Sakto lang ang tangkad ng lalaki, ngunit mabalbas ito at kalbo rin. Hindi sa nang-iinsulto siya, ngunit sa isang tingin pa lang sa lalaki ay al
Makalipas ang tatlo oras, tagumpay na nakahanap ng trabaho si Tricia bilang isang isang sekretarya sa isang kilala ring kumpanya. Ang Arellano Intercorporation.Samantala, si Alvin Arellano na siyang CEO ng kompanya ang kapapasok pa lang nang batiin siya ng kanyang mga empleyado. Partikular na ang mga babae. "Good morning po, Sir," bati ng mga ito na tinanguan niya lamang.Nang madaanan ang cubicle ng HR manager ay agad niyang tinanong ito. "Where is she?" tukoy niya sa bagong sekretarya niya na ngayon niya palang makikita."Nasa opisina niyo na po siya, Mr. Arellano. Naghihintay po siya ro'n," magalang nitong sagot. Tumango siya saka mabilis na naglakad papunta sa kanyang opisina, nasasabik kasi siyang makilala ang bago niyang sekretarya. Sigurado siyang maganda ito dahil alam naman ng mga empleyado niya na gustong-gusto niya ng mga presentable at magagandang empleyado.Nang makarating sa tapat ng kanyang opisina ay huminga muna siya ng malalim bago nilabas ang rosas na nasa bulsa
Hindi kaagad na proseso ni Tricia ang narinig at nanatili siyang awang ang mga labi habang natulos sa kanyang kinatatayuan.Hindi niya mawari kung ano bang dapat niyang maramdaman gayong nalaman niya na siya ang babaeng mahal ni Timothy noon pa man, naghahalo-halo na ang nararamdaman niya.Hindi niya rin alam kung dapat niya bang paniwalaan ang narinig gayong bago pa siya tuluyang makapagtago kanina ay napansin niya ang tila paglingon ni Marcus sa gawi niya. Sa tingin niya ay nakita siya nito.At kahit pa wala namang ginagawang masama sa kanya ang lalaki, hindi niya maiwasang maisip na baka kasabwat ito ng kapatid nitong si Marian. Na baka kaya sinabi nito 'yon ay dahil gusto nitong umasa siya na siya nga talaga ang mahal ni Timothy kahit na hindi naman.Samantala, tamad na sumandal naman si Marcus sa sofa na kinauupuan niya sa loob ng opisina ni Timothy. Kapagkuwan ay pasimple niyang sinulyapan ang nagtatagong pigura ng isang sa pinto ng opisina ni Timothy na alam niyang walang iba k
Sa kabilang banda, galit na galit naman si Marian. Talagang naiingit at nagseselos siya dahil si Tricia ang naging asawa ni Timothy na gustong-gusto niya.Bukod do'n, naiinggit din siya dahil nabuntis si Tricia at si Timothy pa ang ama.Galit na galit siya sa babae, ngunit alam niyang sa likod ng galit na 'yon ay mas nangingibabaw ang inggit at pagseselos sa sistema niya."Wala kang kwenta, Tricia! Pampalipas oras ka lang! Kawawa ka dahil hindi ka naman talaga mahal ni Timothy! Ito ang tatandaan mo, Tricia, lasapin mo na ang pagiging Mrs.Imperial ngayon, dahil sa oras na bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Timothy, sigurado akong mabilis ka lang niyang ipagtutulakan palayo at hindi ka na ulit pa magiging isang Mrs. Imperial! At hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon, Tricia. Sisiguraduhin kong masasaksihan ko ang araw na si Timothy mismo ang magpapatalsik sa'yo!" sigaw niya, ngunit kahit na gano'n ay nanatili ang malamig at kalmadong ekspresyon ni Tricia.Ni hindi man lang ito







