LOGIN“Mommy, are you angry? Please, don’t be angry with Syresse,” anang maliit na boses mula sa kanyang likuran.
Abala si Amayah sa pagsusuklay ng mahaba niyang buhok kaya naman, hindi na niya napansin ang pagpasok ng kanyang anak. Mabilis naman siyang huminto sa ginagawa upang humarap sa batang babae. Sumenyas siya rito na lumapit at kaagad din namang sinunod ng paslit. “Mommy is not angry. Pasensya na sa lahat ng nagawa ni Mommy. I promise na simula ngayon ay magiging good na si Mommy sa inyo, okay ba iyon?” anas niya. Nagliwanag naman ang mukha ng bata tsaka ito mabilis na tumango sa kanya. “Hindi na rin po kayo aalis? Ibibigay po ni Syresse ang gusto ni Mommy na bone marrow for Owen para hindi na po kayo magalit.” Napakunot naman ang noo niya. “Bone marrow? No. Kalimutan mo ang bagay na iyan. Hindi ako aalis at hindi mo need ibigay ang bone marrow mo sa iba.” Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa ng future self niya ang ganoong bagay sa paslit. Ano ba ang tumatakbo sa isip ng bente-quattro anyos niyang sarili at pinipilit nito ang bata na ibigay ang bone marrow nito sa iba?! Huminga siya ng malalim tsaka niya marahang hinaplos ang buhok ng anak. “Can you tell, mommy kung bakit galit sa akin ang kapatid at Daddy mo? Mommy is sick. Hindi ko maalala ang past na mga nangyari.” Tumango naman sa kanya ang bata. Naupo sila sa ibabaw ng kama at doon nagkwentuhan. Nalaman niya sa anak na madalas daw siyang wala sa bahay. Pinapalayas din daw niya ang asawa at pinagbubuhatan ng kamay ang mga bata. Palagi nya rin daw kasama si Nolan kasabay ng pagpilit niya sa anak na i-donate ang bone marrow nito para sa anak ni Nolan. Para siyang masusuka dahil sa impormasyon na nalaman niya. Paano at bakit ipagpapalit ng future self niya si Lorean para lang kay Nolan? Kapag naaalala niya ang itsura nito noong magkaklase sila ay nandidiri siya. “Secret lang natin ito, ahh. Don’t tell anyone na Mommy is sick, okay?” aniya. Ngumiti naman ang batang babae sa kanya. “Yes, mommy!” Akala niya ay hindi papayag na makipagakita sa kanya ang matalik niyang kaibigan. Pero ilang minuto lang matapos nilang magkwentuhan ng anak ay nakatanggap siya ng mensahe mula rito. Dahan-dahan naman siyang bumaba ng kama upang hindi magising ang bata na mahimbing nang natutulog. Ilang minuto muna niyang tinitigan ang anak habang matamis na nakangiti. “Syresse Kizeiah and Kovi Arsaiah Bismonte,” bulong niya habang tinatali ang mahaba niyang buhok. “What a beautiful name? My two lovely children. Pangako ni mommy na aayusin ko ang lahat.” Ginawaran muna niya ng isang banayad na halik sa noo ang anak bago siya tuluyang umalis upang makipagkita kay Donna. Sa isang simpleng coffee shop siya dinala ng address na pinadala ng kaibigan sa mensahe nito. Pumasok siya sa loob at kaagad din niya itong nakita. Wala itong pinagbago, mula sa kulot nitong buhok at sa suot nitong salamin sa mata. Dahil sa kasabikan ay patakbo siyang lumapit dito tsaka niya ito niyakap ng mahigpit. “What’s wrong with you? Get off me!” singhal ng kaibigan. Napapahiya naman siyang umatras habang humihingi ng tawad. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat, pagtataka, at maging ang galit. Hindi naman niya ito masisisi dahil walang kapatawaran ang ginawa ng future self niya sa mga ito. “Donna, I miss you. Alam kong hindi ito kapani-paniwala pero, I am the 18 years old Amayah Elyse Semera. Wala akong maalalang kahit ano!” bulalas niya. Nagtataka naman na tinitigan siya ni Donna. “What?! Excuse mo lang ba iyan para makalimutan ko ang ginawa mo sa akin? You choose that moron over me. Hindi lang ako, kun’di over your family.” Naiintindihan niya ang galit ng matalik niyang kaibigan dahil maging siya ay hindi rin maintindihan ang mga desisyon na ginawa ng future self nya. Pero alam niya na kahit ano pa ang sabihin at gawin niya ay paniniwalaan pa rin siya ni Donna. Kaya naman, sinubukan niyang ipaliwanag ang lahat. Inisa-isa niya ang mga naganap mula sa naaalala niyang party kasama ang buong klase at ang pagkahulog niya sa pool hanggang sa magising siya sa kwarto nila ni Lorean. Pinaulanan naman siya ni Donna ng libo-libong mga katanungan ngunit sa huli ay pinili pa rin nitong paniwalaan siya. “So, anong plano mo ngayon? Sumuko na si Lorean sa’yo. Hindi madaling suyuin ang taong nawalan na ng gana,” tanong nito. Napailing naman siya. “Kailangan kong ayusin ang lahat, Donna. This is my dream life. Alam mo kung gaano ko kagusto si Lorean noon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako nahulog kay Nolan. Sa lahat pa ng tao dito sa mundo, bakit si Nolan James Aureda pa?!” “Magtanong ka lang ng mga bagay na gusto mong malaman. Kahit pa pinagtabuyan mo ako at pinagpalit kay Nolan, hindi pa rin kita matitiis ano. I secretly stalking your socmed at lahat ng ginagawa mo,” anang kaibigan habang humihigop ng kape. Dahil sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay nalaman niya ang lahat ng kasamaan na ginawa ng future self nya. Pero nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagkukwentuhan nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone at lumabas ang pangalan ni Lorean sa screen. Mabilis niya iyong kinuha at sinagot. “Hello, hubby?” malambing niyang tanong. Ilang segundong natahimik ang lalaki mula sa kabilang linya pero kaagad din naman itong nakabawi. “Syresse is crying. Hinahanap ka nya. Kung hindi lang para sa mga anak natin, hindi na kita para abalahin pa sa kung anong ginagawa mo ngayon. So please, for Syresse. Just come home as fast as you could.” Para namang may kung anong emosyon na humaplos sa kanyang puso nang marinig ang mahinang pag-iyak ng anak mula sa kabilang linya. “Pauwi na ako,” aniya tsaka niya binaba ang tawag at nagpaalam kay Donna.Naabala si Arthuro sa ginagawa nang biglang may lumapit na isang staff sa kanya. Kasalukuyan niyang kausap sa telepono si Lorean at pinag-uusapan ang mga papeles tungkol sa binigay nitong property at dalawang projects. "Boss, si Ma'am Elyse! May napag-initan na naman po si Mrs. Torres at sa kasamaang palad ay si Ma'am Elyse po iyon," anang empleyado. Natigilan naman siya nang marinig iyon. "Ano?!" "What happened to my wife?!" anang boses naman ni Lorean mula sa cellphone na hawak niya. "M-Mr. Bismonte, Mrs. Torres is a crazy woman. Ma'am Elyse is in trouble. I-I will handle this," tugon naman niya. Hindi naman na tumugon pa sa kanya si Lorean dahil binaba na nito ang tawag. Kakaibang kaba naman ang bumalot kay Arthuro. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo pabalik sa kanyang opisina kung saan niya iniwanan si Amayah kanina. Kapag may nangyaring masama ay baka siya pa ang mapag-initan ni Lorean. Natatakot siya para sa kanyang kompanya. Samantalang kaharap pa rin ni A
Hindi pa na-start ni Amayah ang kotse nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kanyang bag at walang pag-aalinlangan na sinagot. "Miss. Semera, are you still somewhere here in the perimeter?" anang boses mula sa kabilang linya. "Yes, I am," tugon naman niya. "That's good. Pwede bang bumalik ka rito sa loob? Let's meet inside my office again," anito. Napakunot naman ang noo niya. "May problema ba?" "You are hired," tugon nito. "Okay. I'll be there in a minute," mabilis niyang saad. Pagkababa ng tawag ay mabilis na lumabas si Amayah ng sasakyan at muling pumasok sa loob ng kompanya. Nagpunta siya sa top floor kung saan nandodoon ang opisina ni Arthuro Mendoza, ang may-ari ng Mendoza Enterprise. At dahil wala pa roon ang kausap ay naupo muna siya sa may couch at uminom ng tubig mula sa may water dispenser. Sa kabilang banda naman ay abala si Arthuro sa pakikipag-usap sa asawa nito. Matapos sabihin na walang pakialam at nasa kanya ang desisyon a
Kinabukasan ay magkasunod lang na umalis ng mansion sina Amayah at Lorean. Kailangan niyang humanap ng trabaho para makapag-ipon at mabuhay ang sarili kapag naghiwalay na sila ng asawa. "I already told my friend na may ire-recommend ako na tao. Punta ka na lang doon and take the interview," anang boses ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti namn siya. "Thank you, Donna." Kahit saang bagay ay maaasahan talaga ang kanyang matalik na kaibigan. Wala itong pinapalampas na kahit na ano at halos lahat ng pabor na hingin niya rito ay walang pagdadalawang isip na ibibigay nito. Kaya naman, kapag nakaangat na siya at tapos na ang lahat ng problema na kanyang hinaharap ay sisiguraduhin niya na makakabawi siya rito. Suot ng kanyang puting formal dress ay nagpunta nga si Amayah sa kompanya na sinabi ni Donna. Hindi iyon kalakihan at wala rin sa listahan ng mga matatagumpay sa industriya pero, kukuhanin pa rin niya ang pagkakataon na iyon. Sa ngayon ay pera ang mas mahalaga sa kanya.
Makalipas ng dalawang araw ay nakatanggap si Amayah ng mensahe mula kay Nolan. Pinapapunta siya nito sa condo dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya. Isang ngiti naman ang kumawala sa kanyang mga labi. Alam na niya kung bakit. Katulad ng dati ay ganoon pa rin ang routine niya para makapunta sa Greenhills condo. Magta-taxi, magre-rent ng VIP room sa Sunrise Cafe, at magpapalit ng damit, bago tuluyang pumunta sa kanyang destinasyon. Pagdating naman niya sa unit ni Nolan ay nadatnan niya ito na masayang nagbibilang ng limpak-limpak na pera habang nakaupo sa may sofa. "Saan naman galing iyan? Ang dami, ahh," aniya. Tumango naman sa kanya ang lalaki. "Binantayan ko ang paggalaw ng mga stocks. Bumagsak kagabi pero bumawi naman habang nag-uumaga na." "Ibig sabihin ay matagumpay ang pag-i-invest mo. Doble ba ang nakuha mo?" patay malisyang tanong niya. Pinakita naman sa kanya ng lalaki ang tatlo nitong daliri. "Triple." Napapalakpak naman siya. "Magandang balita iyan. An
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Donna. Napatango naman si Amayah. "Yes. Iyon naman ang gusto ni Lorean, ang pagbayarin si Nolan sa lahat ng nagawa nito sa amin." "Pero risky itong plano mo, Elyse. Paano kapag nalaman ito ng asawa mo at kung ano na naman ang isipin? Ang bilis pa naman manghusga ni Lorean. Na-trauma na kasi sa mga pinaggagagawa mo," saad naman ng matalik niyang kaibigan. Napahinga naman siya ng malalim. "Mag-iingat na lang tayo, Donna." Magkasama sina Amayah at Donna ngayon. Dumalaw si Donna sa mansion ng mga Bismonte upang hindi maghinala si Lorean. Hindi naman pwede na gamitin palagi ni Amayah na dahilan ang kaibigan sa tuwing aalis ito. Kailangan nito na kumpirmahin na magkasama nga sila ng kaibigan kaya naman, pinapunta niya si Donna. "Ninang, Syresse really loves the cookies po," anang anak na babae. Napangiti naman ang kaibigan. "Ninang baked those. Buti naman at nagustuhan nyo." "Mommy is trying to bake, too. But she is....nah..." natatawang anas
“You seems happy lately,” anang asawa habang bumababa ng hagdanan. Napakibit-balikat naman siya. “Am I? I don’t know. Parang ang gaan ng pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw.” “Mommy, you look more radiant than before,” puna naman ni Syresse. “Because Mommy had a lot of rest. Also, it is because of my two precious angels. Thank you for giving Mommy a second chance,” aniya. “I will be home before midnight. Take care of the kids,” anang Lorean tsaka ito lumabas ng mansion. Napatango naman siya tsaka niya kinuha ang kanyang cellphone. She texted someone bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa may sofa. Nagpaalam siya sa mga anak tsaka siya nagpunta sa silid nilang mag-asawa upang maligo at magbihis. “Mommy will going out for a while. Riego will be here any minute,” aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. “Bring some sweets home,” anas naman ni Kovi. Napatango naman siya. “I will buy some later.” “Mommy, can we have some chicken, too?” ani naman ng anak na babae. Napangi







