LOGINZayden Hart's throat protruded in arrogance and a silent anger. Napansin ng assistant niyang su Jax ang pagbabago sa mukha nito nang may mabasa sa kanyang cellphone."Sir? Ayos ka lang?" tanong nito na may kaba na rin sa boses. Sa madaming taon niya ng nagtatrabaho kay Zayden ay kabisado niya na ito kahit papaano. He rarely shows his emotion, but Jax knew when something changes. Isang advantage iyon ng matagal niya ng pagiging assistant ng lalaki.Hindi sinagot ni Zayden si Jax at sa halip ay may tinawagan ito sa kanyang cellphone. Kinuha niya ang mga importanteng gamit at mabilis na lumabas ng opisina.'Emergency' napagtanto ni Jax na iyon ang nangyari.Alam niya na kailangan siya ni Zayden kaya agad na sumunod si Jax dito."Sir? Ano po ang nangyari? May nangyari ba kay Miss Chloe?" maingat na tanong nito.Pinindot ni Zayden ang elevator at pumasok silang dalawa roon."May nangyari kay Czarina."Halos manlaki ang mga mata ng assistant sa gulat. "Kay Miss Czarina?!"Pagkalabas nila
Papalalim na ang gabi, muling tinignan ni Czarina ang nasa baba niya. She was not afraid of heights but today is a different one. Sino naman kaya ang maghahanap sa kanya? Ang pupunta sa kanya rito? At hahanapin siya sa magdamag? Si Zayden? Medyo malabo iyon. Siguro kung si Chloe ang na-kidnap at nandito ngayon ay baka wala pang isang oras ay ligtas na ito. Pero habang iniisip iyon ay nagtaka si Czarina kung bakit ni-reject ni Zayden ang proposal ni Chloe. That somehow confused her. Bakit naman nito gagawin iyon, eh, una pa lang ay iyon naman na ang plano nilang mangyari. "Pakawalan mo na ako," sabi niya sa lalaking nakaupo ngayon sa may sahig ng abandonadong building, sa tabi lang din ng kinaroroonan niya. "Kung magkano man ang offer sa'yo ng nag-utos nito ay papantayan ko, o dodoblehin ko pa!" "Tsk," dinig niyang singhal ng lalaki. "Kayong mga mayayaman talaga pakiramdam niyo ay kayang bilhin ng pera lahat, ano? Sorry, hindi ako mabibili ng pera mo. May isang salita ako.
"Salamat, Czarina!" Nakangiting kumaway si Becca habang papasok na sila sa building na tinutuluyan. Kumaway rin pabalik si Czarina. Habang nakatingin sa katrabaho ay hindi mapigilan ni Czarina na hindi mapaisip. Masaya ang puso niya ngayon lalo na't alam niyang nakapagpasaya rin siya ng iba. Becca is lucky, she have a lovely son. Nakakatuwa lang na lahat tayo may iba't ibang klase ng buhay. Yung mga bagay na kinakainggitan mo sa iba ay posibleng kinakainggitan din ng iba sa'yo. We just don't know it until we talk to them and realize that we're actually so lucky. Pinaikot na ni Czarina ang sasakyan upang umalis doon nang may biglang humarang na itim na sasakyan sa harapan niya. Mabilis niyang tinapakan ang brake at sa lakas ng impact no'n ay halos kumawala na ang kaluluwa ni Czarina sa kanyang katawan. Napapikit si Czarina upang pakalmahin lang sandali ang sarili, naramdaman niya rin ang sakit sa kanyang leeg, pero hindi niya na gaanong ininda sa pag-aakalang aksidente at hindi na
Naramdaman agad ni Czarina na may kakaiba sa turing sa kanya ni Dra. Becca ngayon. Hindi sila magkaaway pero hindi rin naman sila close. Ano't biglang nag-aaya ito kumain sa labas na para bang magkaibigan silang matalik? Sigurado siya na may iba itong balak."Para saan, Dra. Becca?" Gusto niya pang idagdag na hindi naman sila ganoon ka-close para lumabas ng sila lang at biglaan pa, pero hindi niya nalang ginawa.Maikling ngiti ang pinakawalan ni Becca."Hindi ko alam kunh paano siya ipapaliwanag, eh. Mas okay sana na mamaya na lang..."Mukha namang sinsero si Dra. Becca sa harap ni Czarina ngayon at mukhang harmless naman ito kaya sa huli ay pumayag na lang din ang babae."Okay, magkita nalang tayo doon mamaya after duty."Pagkarinig ng pagpayag ni Czarina ay nagpaalam na rin agad si Becca. Sinundan ng tingin ni Czarina ang babaeng doctor habang napapaisip kung para saan ang pag-uusap nila.*****Nahuli ng ilang minuto si Czarina sa napag-usapan nilang oras ni Becca. Gayunpaman ay na
"Bakit ka lumabas? Hinayaan mo siya mag-isa roon?""Kapag may nangyaring masama sa kanya ay hindi namin ito palalampasin!"Paglabas ni Dra. Becca ay sunod-sunod na reklamo ang narinig niya mula sa pamilya. Malakas ang boses ng mga ito at halos dinig na dinig ng mga katabi nilang pasyente.Ilang saglit lang ay nagmamadaling dumating ang kanina pa nila hinahanap na si Dra. Garcia."Anong nangyayari dito?" tanong ng babaeng doctor sa nurse na una niyang napansin.Nang marinig ang pamilyar na boses ay agad na nilingon ng pamilya ng pasyente si Dra. Garcia."Dra! Buti naman ag nandito ka na," tila nakahinga nang maluwag ang nagsalita. "Lumala ang sitwasyon ng kapatid ko."Bago sumagot ay pinagmasdan muna sandali ng doctor ang mga nasa paligid. Tumaas ang isang kilay niya nang mapagtanto na nasa labas silang lahat, maging si Dra. Becca na assistant doctor niya sa case na ito."Bakit nandito kayong lahat sa lahas? Sino ang nasa loob?""Uhh, Dra..." kinakabahan si Sanya. "S-si Dra. Czarina po
"Nandito ba si Dra. Garcia?" Hindi pa man naibababa ni Czarina ang gamit niya ay nakita na niya agad ang natataranta at tumatakbong si Sanya. Mabilis ang ulo at mata nito sa paglingon-lingon, hinahanap ang taong kailangan niya. Lumapit si Czarina rito at hinawakan ang kamay ng babae. "Bakit?" Tumingin sa kanya si Sanya, medyo hinihingal pa. "Czarina," sambit nito. "Nakita mo ba si Dra.?" Naguguluhan si Czarina sa nangyayari. "Bakit? May problema ba?" "May pasyente kasi na bigla na lang lumala ang symptoms niya. Hindi ko alam kung anong posibilidad na sakit ang rason no'n, o kung anong gamot ang dapat na ibigay bilang first aid. Nandoon din si Dra. Becca pero hindi niya rin alam ang gagawin." Nanlaki ang mga mata ni Czarina. Mabilis niyang ibinaba at iniayos sa gilid ang mga gamit niya, at agad sinuot ang puting coat niya. "Sasama ako sa'yo. Nasaan ang pasyente?" "Ha?" litong saad ni Sanya. Sa isipan niya ay napapatanong siya kung bakit sasama si Czarina. "Bilis!"
Kinabukasan habang nasa living room si Czarina ay biglang nag-ring ang phone niya. Agad kumunot ang noo niya nang makita ang nakarehistrong pangalan doon- Zayden. Hindi niya na inaksaya pa ang oras na burahin iyon dahil memorisado niya na rin naman. Papatayin niya sana ang tawag nang mapagtanto n
Hindi namalayan ni Zayden na nakatitig na pala siya sa mga mata ni Czarina. Nahirapan siyang magsalita o mag-isip ng sasabihin. Matagal bago siya lumunok at nag-iwas ng tingin. "Huwag ka nga'ng assuming," kunwari ay iritadong sabi niya kahit ang totoo ay medyo naiinis siya sa sarili at nalilito k
Paglingon ni Zayden sa kanyang kaliwa ay naroon ang natutulog na si Czarina. Medyo nakatakip ang ilang parte ng buhok nito sa kanyang mukha.Wala sa sariling tumaas ang kamay ni Zayden upang iayos iyon. Dahan-dahan, upang hindi magising ang babae, na hinawi niya ang buhok nito na nakatabing sa mukh
"Miss Chloe, iba ka talaga. No wonder ikaw ang pinagkakatiwalaan ng family mo." "Hindi talaga maipagkakaila ang galing at yaman ng mga Smith." Nakangiting nakipag-usap naman si Chloe sa mga naroon. Lihim na napairap si Czarina sa nasasaksihang kaplastikan. "So, kung ang regalo ni Chloe ay Sn







