"ARE YOU DAMN CRAZY?!"
Namula ang pisngi ni Czarina sa hiya dahil sa lakas ng sigaw ni Zayden, ang kanyang asawa. Napatingin ang karamihan ng tao sa gawi nila. Sa kabila ng bulungan, ay nanginginig pa rin sa takot at sa lamig si Czarina habang balot na balot ng tuwalya. "Nakita mo na ang ginawa mo? If you want to die, die alone. Huwag kang mandamay ng ibang tao," galit na sabi ni Zayden. Madilim ang mukha nito at hindi na kinokontrol ang sinasabi. "Bro, stop it, you're scaring her--" Itinulak ni Zayden ang kamay na humarang sa kanya kay Czarina. Kinakabahan ang babae sa mga mata ni Zayden, na animo'y handa siyang saktan ano mang oras. Namumula na ang pisngi at ilong ni Czarina at mukha na itong kaawa-awa pero walang pakielam doon si Zayden. "Zi--" nanginginig na sabi ni Czarina. "Stop calling me with that name!" Dumagundong sa buong area ng pool ang boses ni Zayden. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito, ha? Bakit ba lagi mo nalang sinasaktan si Chloe? May masama ba siyang ginawa sa'yo?" Umiling-iling si Czarina. Sumisikip ang dibdib niya at naluluha na siya sa dire-diretsong matatalim na salita ni Zayden. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili pero tila sarado na ang utak ng lalaki para pakinggan pa siya. "Hindi ko siya tinulak--" "Oh, come on!" His brows drew together. "At ano sana ang nangyari? We were all here. Alam namin na kayo lang ang dalawang nandito kanina. Alam kong hindi tatalon si Chloe diyan o ipapahamak ang sarili niya dahil takot siya sa tubig. And you also know that!" "Zi--" Hinila ni Zayden ang braso ni Czarina palabas ng resort. Nagpumiglas ang babae. "Magso-sorry ka ngayon din kay Chloe. You're being unreasonable, Czarina." Nalaglag ang panga ni Czarina sa narinig. Kumuyom ang dalawang kamao niya at sa mga sandaling iyon ay nahirapan siyang huminga. Hindi niya tinulak si Chloe. Nakikipagtalo ito sa kanya kanina at nagtangka ang babae na itulak siya sa pool. Czarina is afraid of waters. Noon ay hindi siya takot maski gaano kalalim pero mula noong mangyari ang kidnapping incident four years ago, deep waters and pools scared her to death. Sa sobrang kaba nito kanina ay nahila niya ang kamay ni Chloe upang hindi siya tuluyang mahulog pero nahila niya ito pababa. Doon nagsimula ang pagtatalo nilang mag-asawa ngayong gabi. Zayden always favor Chloe. Sa buong tatlong taon ng pagsasama nilang mag-asawa, maraming beses na nito pinaramdam sa kanya na mas importante si Chloe sa kanya. "Hindi ako magso-sorry kasi wala naman akong kasalanan sa kanya," matapang na sagot niya pero may luha ang mga mata. Hindi iyon gaanong kita ni Zayden dahil basa ang mukha ng babae at kaaahon lang sa pool. 'Natatakot din ako, Zi. Paano naman ako?' aniya sa isipan habang nakatingin sa lalaking mahal na mahal niya. Ilang beses na ba niyang pinili si Zayden? At sa dami ng beses na iyon ay ni minsan hindi iyon binalik ng lalaki sa kanya. Kanina, ang lahat ng tumulong sa pag-rescue sa kanila at pangunahin na roon si Zayden, ay kay Chloe nagpunta. "Really? Are you gonna be like this? Alam mong takot siya sa tubig, and yet, ginawa mo pa rin? Ganyan ka na ba talaga ka-desperada?" His words struck her. Parang sinagasaan ang puso niya sa mga narinig. Nanghihina pa rin siya dahil sa takot pero mas nanghihina siya sa mga naririnig mula kay Zayden. Malungkot ang mga mata na sinalubong niya ang galit na mukha ni Zayden. "I'm your wife, Zi," malungkot na sabi niya kasabay ng isang luhang tumulo sa kanyang kaliwant mata. Kinagat niya ang ibabang labi bago tinagilid ang mukha at pasimpleng pinunasan iyon. "Pero mas nagiging asawa ka pa sa kanya. Do you loathe me that much?" "Oh, so gagamitin mo pala ang wife-card mo ngayon? You're really a brat, Czarina. Tinulak mo sa pool at muntik na malunod si Chloe, pero heto ka at inirarason na asawa kita--" "Hindi ko iyon nirarason," agad na sagot niya. "Sinasabi ko lang na sana pakinggan mo rin ako. After all, I am your wife, Zi." "Zayden," pag-correct nito. "Sinabi ko ng 'wag mo akong tinatawag sa pangalan na iyan, 'di ba? Are you deaf? At kung asawa ang usapan, alam mo ang dahilan kung bakit tayo kinasal. This marriage is purely business and it's because of you. Kung hindi dahil sa pamilya ko, matagal ng tapos ito." Czarina bit the insides of her cheeks. Pinipigilan niya ang mga luhang gustong lumabas mula sa kanyang mga mata. Masyado na siyang mahina sa mata ni Zayden at ayaw niya ng mas magmukha pa siyang mahina lalo.. "Mahal mo ba talaga siya?" marahang tanong niya sa lalaki. Hindi niya alam kung kakayanin niya bang marinig ang sagot nito pero tinanong niya pa rin. "Alam mo ang sagot diyan," sambit ni Zayden. Nakatunghay siya sa babaeng emosyonal ang mukha sa kanyang harapan. Nakakaawa ang itsura nito. Mahuhulog na sana siya sa patibong nito kung hindi niya lang naalala ang ginawa nito kay Chloe. Chloe almost died because of her. Kung dati ay maliliit na pranks lang ang ginagawa niya para saktan si Chloe, ngayon ay tila sumobra na ito. May phobia si Chloe sa tubig dahil niligtas nito noon si Zayden sa masasamang tao. He was taken by a group of men. Nakita iyon ni Chloe at sinundan sila gamit ang motor. Tumawag kaagad ng tulong ang babae sa mga pulis at sa huli ay nakatakas si Zayden at ito ang napahamak. She was thrown on the ocean. Nakatali ang kamay at paa kaya hindi nito mailigtas ang sarili niya. She got scars on her body. Mula noon ay pinangako ni Zayden na aalagaan niya ang babae. Pero nagulo ang lahat ng iyon nang ipilit ni Czarina na siya ang maikasal kay Zayden. At ang Hart family ay gustong-gusto ang anak ng mga Laude. Doon nagsimulang magulo ang mga buhay nila."Zayden, ano ba?" pagpupumiglas ng babae. "Why?" Dinampian ng halik ni Zayden ang leeg ni Czarina. Pagkatapos ay tinitigan ang babae. "Hindi ba't ito ang gusto mo?" Tumulo ang maiinit na luha sa mga mata ng babae. Hindi ito ang gusto niya. God knows this isn't what she wanted! At kung may mangyayari man sa kanila ni Zayden, sa ganitong paraan, ay hindi niya alam ang gagawin. Kaya nagpatuloy siya sa pagpupumiglas. "Damn it, hindi mo ba naiisip man lang ang mararamdaman ni Chloe, ha?" aniya na binanggit na ang babae sakaling magbago ang isip nito. Nagtaas ng kilay si Zayden at hindi pinansin ang sinabi ni Czarina. Sa halip ay ipinasok nito ang kamay sa blouse na suot ni Czarina. Bumigat ang paghinga ng babae, kinakabahan sa posibleng mangyari. Muli nitong siniil ng mararahas na halik ang labi ni Czarina. Impit na napaungol ang babae habang umiiyak. Ni hindi niya naisip kahit saglit man lang na mauuwi sa ganito ang lahat. Naubusan na siya ng lakas sa pagpupumiglas. Hinaya
Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Czarina nang marinig ang tanong na iyon ng kanyang Tito Lucas. Kanina lang na iniisip niya iyon ay gulong-gulo na siya, paano pa ngayon na harap-harapan na siyang tinatanong? Sino nga ba kina Zayden at Adrian ang dapat mag-may-ari ng lupa na iyon? "Dad, ano ka ba naman? Ano ba'ng klaseng tanong iyan. Syempre gusto ni Czarina na sa asawa niya," sabi ni Charlie. Mas lalong nanigas sa kinauupuan si Czarina. Hindi niya alam ang gagawin. Pero ngayon ay nangingibabaw sa kanya na kay Adrian ibigay ang lupa. Pero nahihiya siyang sabihin iyon lalo na't alam nila na si Zayden ang asawa niya. Sino ba naman ang hindi magugulat kapag ang pinili niya ay ibang lalaki at hindi si Zayden? Nilingon niya si Zayden. "Kahit sino naman po. Depende nalang din sa mga offer at proyektong itatayo nila. Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng proyekto ang inilulunsad ng mga Hart." Zayden frowned. Hindi niya nagustuhan ang sagot ni Czarina. Para bang sina
Gulat na napalingon si Czarina sa nagsalita sa kanyang likuran at mas lalo siyang nagulat nang makita kung sino iyon. Lumabas si Zayden ng CR, basa ang mukha at buhok na tila katatapos lang maghilamos. Basa ng kaunti ang t-shirt nito at medyo manipis lang iyon kaya kita at bakat ang abs nito. Nanuyo ang lalamunan ni Czarina at sinikap na ilayo ang paningin kay Zayden. "Y-you mean siya po? Siya po ba ang karibal ni Adrian sa lupa na iyan?" gulantang na saad ni Czarina. Bakit ba hindi niya man lang naisip iyon? Oo't posible nga pala iyon. Madilim at matalim ang tingin ni Zayden kay Czarina. Kita sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa mga narinig kanina. Naglakad palapit si Zayden kay Czarina at kaswal na umupo sa tabi nito. "What a coincidence we have here, Ma'am," sarkastikong sabi ni Zayden. Nataranta si Czarina at nataranta rin ang puso niya nang tawagin siya ng lalaki na 'Ma'am'. "Hmm, isang coincidence nga," sagot ni Czarina at nagpakawala ng pilit na ngiti. N
"Ate Cza?!" Nagulat si Czarina nang mamukhaan at makilala ang babaeng nakabungguan. Si Charlie iyon, isa sa mga maituturing niya ring kaibigan. Kaibigan ng kanyang pamilya ang mga magulang ng babae. "Uy, Charlie, kumusta?" masayang sabi ni Czarina. Hindi niya maitago ang saya sa mukha nang makitang muli si Charlie, taon na rin ang lumipas mula noong huli silang magkita. "Ayos lang naman, ate. Ikaw? Kumusta? Sino pala ang kasama mo rito?" "Si Klarisse pero umalis na, may biglaang trabaho. Ikaw? Paalis ka na?" "Hmm, oo, may lakad ka ba ngayon?" tanong ni Charlie. "Gusto sana kitang isama sa hospital." "Bakit?" nag-aalalang tanong ni Czarina. "Sino ang nandoon?" Isinama ni Charlie si Czarina sa hospital bagaman doon din naman ang tungo ni Czarina. Gusto niya ring banggitin kay Charlie na nasa hospital din ang lolo niya pero mamaya na lang. Nacu-curious siya kung sino ang gustong ipakita ni Charlie sa kanya. Sa third floor, pumasok sila sa isang pribadong kwarto. Pagbuka
Bago siya tuluyang makatalikod ay namataan niyang muli ang sasakyan ni Zayden na naroon pa rin sa pwesto nito kanina at hindi pa rin umaalis. Tinignang mabuti iyon ni Czarina at doon niya lang napansin na hindi tulad kanina ay may lalaki na roon ngayon na nakasandal.Malamig ang tingin ni Zayden sa kanya na para bang may ginawa siyang masama rito. Kumunot ang noo ni Czarina at tinagilid ang ulo na tila tinatanong si Zayden kung ano pa ang ginagawa nito roon. Pero sa halip na pansinin siya ay tumalikod ang lalaki at sumakay na sa sasakyan nito. Hindi pa lumalagpas ang isang minuto ay pinaharurot na nito palayo ang sasakyan.Sinigurado lamang ni Zayden na nakaalis na si Adrian bago siya umalis.Naguluhan si Czarina sa ginawa ni Zayden, hindi niya batid kung ano ba ang trip ng lalaki. Pero sa halip na isipin pa iyon ay bumalik na lamang siya sa kwarto ng kanyang lolo.Pagbalik niya ay agad siyang kinausap ng ama tungkol kay Zayden."Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin maalis sa isipan
"Tito, ano po ang sabi ng doctor? May kailangan bang gawin kay lolo?" tanong ni Adrian sa ama ni Czarina.Nasa loob na sila ng hospital room ngayon, nakatayo sa gilid ng mahimbing na natutulog na matanda."Wala naman. Medyo um-okay na siya ngayon." Nagbuga ng hininga si Samuel Laude. "Ang kailangan lang ay mabantayan ang kinakain, ginagawa, at mga pag-inom niya ng gamot. Medyo sensitive na rin ang puso niya kaya doble ingat."Tumango si Adrian. "Pupunta rin po sana si dad dito kaso ay hindi niya ma-cancel ang business trip niya sa Dubai kaya ako na lang po ang bumisita.""That's okay, hijo. Salamat at kahit papaano may kasama si Czarina ngayon. Maganda na kumain kayo sa labas mamaya, hindi pa kumakain ang batang iyan."Dahil doon ay sabay na napatingin ang dalawang lalaki sa pwesto ni Czarina. Nakatayo ang babae sa may bintana, nakahalukipkip habang nakatingin sa baba at tila malalim ang iniisip.Nakatingin ito sa sasakyan ni Zayden na naroon pa sa labas. Hindi pa ito nakakaalis ng h