"TUMAWAG NA BA KAYO NG AMBULANSYA?!"
Nagkakagulo na ang lahat. Walang lumalapit at lahat ay hindi malaman ang gagawin. Lumakas ang tibok ng puso ni Czarina habang nakatingin sa may katandaan ng lalaki na nakahiga sa sahig. Bumilis ang paghinga niya at iniisip mabuti kung ano ang dapat niyang gawin sa ganoong sitwasyon. Nag-aral ng medisina si Czarina, bagaman hindi na siya nag-take ng board exam at wala gaanong aktwal na experience sa paggagamot. Sa kabila no'n ay patuloy ang pag-aaral niya ng medisina, madalas siyang magbasa ng mga libro tungkol doon, manood ng medical films, at manood ng mga aktwal na operasyon. Iritado siya na lumapit kay Mr. Freddie pero agad siyang hinarangan ng mga naroon. "I'll check on him," aniya pero sa halip na palapitin ay mas lalo siyang hinarangan. "Kaya mo? Alam naming lahat na galing ka sa pamilya ng mga doctor pero hindi ka doctor, Czarina. Wala kang alam sa mga ganitong bagay kaya 'wag ka nalang mangielam. 'Wag kang magmagaling." Kinagat niya ang dila sa loob ng bibig. Bumibigat na lalo ang paghinga niya. Ayaw niyang patulan iyon dahil mas importante ang pasyente sa kanyang harapan. Pero dinagdagan pa iyon ng mga boses sa kanyang likuran. "Buhay ang nakasalalay rito, Miss Laude. Huwag ka dito magpasikat." "Kaya mo bang ako-in ang responsibilidad? Of course, not. Idadaan niyo lang na naman sa pera kapag may nangyaring hindi maganda." "Huwag niyong palapitin. We can't let Mr. Jao die in her hands." Nanlulumong napapikit si Czarina. Gusto niya lang naman tingnan ang aktwal na sitwasyon ni Mr. Freddie Jao. Hindi naman siya gagawa ng aksyon na hindi niya sigurado. "Ano ang gagawin natin?" naiinis na sabi niya sa mga naroon. "Hihintayin natin ang ambulansya? Tingin niyo ba ay aabot pa iyon?" "Ano ang gusto mong gawin namin? Panoorin siyang mamatay sa mga kamay mo?" dinig niyang sabi ng isang babae. Tila tinutusok ng kutsilyo ang puso ni Czarina sa mga naririnig. She wasn't used to being looked down. At ngayon na harap-harapan niyang naririnig ang mga bagay na iyon ay sobrang nasasaktan ang damdamin niya. Napaatras siya ng dalawang beses, nanghihina ang buong katawan. She graduated with flying colors in medicine. Ilang beses na rin siyang sumama sa mga volunteers sa paggagamot. How can someone question her ability like that? "I'm a doctor!" Ang boses na iyon ang umagaw ng atensyon ng lahat. Hindi na kailangan pang lumingon ni Czarina dahil alam na alam niya kung kaninong boses iyon. It is the voice of her ex-bestfriend, Chloe. "Padaanin niyo, that's Doctor Chloe Smith, a heart surgeon," sabi ng isang naroon. Lahat ay namamangha at wala ni isang humarang sa babae. Nag-squat si Chloe sa tabi ni Mr. Jao at agad naglabas ng gamot na nasa bulsa nito. Binuksan nito ang ilang butones ng damit ng matanda. "Nandito ba ang pamilya ni Mr. Jao?" tanong ni Chloe at tumingin sa mga taong naroon. "May iba pa ba itong sakit maliban sa sakit sa puso?" Walang sumagot kaagad. "Assistant o kahit na sinong malapit sa kanya," dagdag ni Chloe. "Hindi ma-contact ang assistant niya," sabi ng isang lalaki roon. Hindi na nahintay ni Chloe ang sagot sa tanong niya. Agad niyang binigyan ng gamot ang matanda at nag-perform ng CPR. Isang malaking event iyon, present sa araw na iyon ang malalaking mga tao, mga celebrities, politicians, at mga anak ng mga mayayamang businessman. Pagkakataon iyon ni Chloe para magpasikat at hindi niya hahayaang magkamali kahit kaunti. Pasimple niyang nilingon ang gawi ni Zayden. Para bumagay sa lalaki, para maging katanggap-tanggap siya sa pamilya nito, ay kailangan niyang gumawa ng sariling pangalan. Pangalan na mas angat kaysa kay Czarina. Lumipas ang ilang minuto pero walang nangyayari. Nakatingin ang lahat maski si Zayden at Czarina. Kinakabahan si Zayden habang nakatingin kay Chloe. May takot sa dibdib niya na baka magkamali ang babae at baka hindi nito kayanin ang posibleng masasakit na salita na maririnig niya mula sa mga tao roon. Samantalang si Czarina ay walang pakielam kay Chloe at nakatuon ang buong atensyon kay Mr. Jao. Wala siyang pakielam kung si Chloe ang makakatulong dito, ang mahalaga ay maging ligtas ito. "He's moving!" bulalas ng isang naroon. Lahat ay natataranta na sa pagkakataong iyon, ang iba ay napahiyaw sa sobrang saya, at ang ilan ay tila nakahinga nang maayos pagkatapos magising ni Mr. Jao. "Mr. Jao, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Chloe. Hindi nagsalita ang lalaki, halatang hirap pa rin ito sa paghinga. Umangat ang kamay nito at inilagay sa kanyang dibdib. "Malapit na ang ambulance, ligtas ka na," anunsyo ni Chloe. Nagpalakpakan ang mga naroon at nagpaligo ng sandamakmak na papuri para sa babae. "Kung wala ka, Ms. Smith, ay hindi na namin alam ang gagawin," sabi ng isang babae na nasa thirties na ang edad. "Ganyan dapat, doctor at may alam, hindi yung nagfi-feeling lang na kaya niyang isalba ang isang tao kahit wala naman siyang alam," parinig ng isa roon. Hindi na kailangan pang pangalanan, alam na ni Czarina kung sino ang tinutukoy nila. "Magagaling na doctors ang pamilya niya pero nakapasok lang naman sa university dahil sa koneksyon at pera. At talagang gusto niya pang gamutin si Mr. Jao gayong wala naman siyang alam.""ID and Marriage Certificate," sabi ni Zayden kay Czarina. Agad kinuha ng babae ang mga kailangan at ibinabang muli sa may window.Medyo gulat pa rin ang officer sa nasasaksihan. Tumingin ito sa dalawa at sinubukang kausapin ang mga ito."Sigurado na ba kayo na gusto niyong maghiwalay? Bilang mag-asawa ay talagang madami kayong kakaharapin na pagsubok at normal naman iyon sa lahat kahit na kayo pa ang pinakamayaman sa mundo. Ang totoo--""Napag-usapan na naman ito at final na ang decision namin," putol ni Czarina sa sinasabi ng officer.Mahalaga ang oras nila ni Zayden pareho, bihira sila magkaroon ng extra na oras para sa mga ganitong bagay kaya hindi na nila kailangan pang magsayang pa ng oras.Wala namang bagay na sumusubok sa kanilang dalawa. Wala silang pinagtatalunan na pinagtatalunan ng normal na mag-asawa.Ang isyu dito ay hindi siya mahal ni Zayden. At sa loob ng maraming taon ay ipinilit niya ang sarili sa lalaki. At ngayon ay pagod na siya. Gusto na niyang kumawala sa kasa
Pagpasok ni Czarina sa department nila ay agad siyang dumiretso sa CR. Sinandal niya ang sarili sa pintuan, mabigat ang paghinga niya sa mga oras na iyon, at naninikip ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman. Akala niya okay na siya. Matagal na rin mula nang umalis siya sa bahay nila ni Zayden. Ilang linggo at umabot na rin ng buwan mula noong pumirma siya ng divorce agreement... akala niya ay ayos na, na hindi na siya masasaktan ng ganito kalala. Pero hindi pala. Hindi pa rin pala. Niloloko niya lang pala ang sarili niya. Nang banggiting muli ni Zayden ang salitang divorce, pakiramdam niya ay gumuhong muli ang mundo niya. Pero ganoon talaga, doon pa rin pala hahantong ang lahat... sa hiwalayan. Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa kabila ng bigat na nararamdaman. Pinipigilan niya ring lumuha dahil lalabas pa siya mamaya at nasa work pa siya, hindi naman magandang lalabas siya na namamaga ang mata sa kaiiyak. At ayaw niyang makita ni Chloe o ni Zayden iyon. Pride na
Paglabas ni Czarina ng area department nila ay natanaw niya na agad ang lalaking nakaupo sa may sofa sa visitor's area na naghihintay sa kanya. Medyo malayo ang pwesto nito sa mga dumadaang mga tao at wala ring nakaupo sa malapit. Nakasuot ng itim na suit si Zayden at modelong-modelo ang dating nito habang nakaupo at nakadekwatro ng upo. Seryoso lang ang mukha habang pasilip-silip sa kanyang mamahaling relo. Lumapit si Czarina at agad napansin ni Zayden ang pagdating niya. Nag-angat ng mukha ang lalaki at nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Ano'ng kailangan mo?" kalmado, hindi galit at hindi rin masaya, na sabi ni Czarina. Sa tono pa lamang ng boses nito ay naghahayag na na tapos na nga sila. Na wala na ring patutunguhan ang relasyong mayroon sila. Tinuro ni Zayden ang maliit na mesa sa kanyang harapan. May naka-envelope doon na mukhang naglalaman ng importanteng dokumento. Pinulot iyon ni Czarina at dahan-dahang binuksan.Divorce Agreement!Mabilisang binasa ni Czarina ang mga
("Ma'am, tama po kayo, bumisita nga si Mr. Hart ngayon sa kulungan") Kausap ngayon ni Chloe ang assistant na si Jude sa telepono. Nasa trabaho siya ngayon at kanina pa niya inaabangan ang update ng assistant. Nitong mga nakaraan ay nagdududa na siya sa kinikilos ni Zayden, ibang-iba ito sa Zayden noon. "Ano ang tinanong niya?" ("Kung sino raw ang nagligtas sa kanya noon.") Napigil ni Chloe ang paghinga ng ilang segundo. Kinakabahan siya. "A-ano ang sinagot?" ("Don't worry, Ma'am, sumunod naman siya sa usapan.") Doon lang nakahinga nang maayos si Chloe. At talaga palang pinagdududahan na siya ni Zayden. Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Czarina kasunod ang ilan pang mga doctor at nurse. Pasimpleng ibinaba ni Chloe ang tawag at sinundan ng tingin ang mga ito. "Grabe, magkano ang nagastos mo kagabi, Czarina? For sure mahal iyon, ang laking bawas no'n sa ipon mo." Ibinaba ni Czarina ang mga gamit sa mesa bago tinali ang kanyang b
Nakaramdam ng matinding poot at galit si Zayden pagpasok niya sa isang kwarto kung saan haharapin niyang muli ang taong nagbigay ng matinding trauma sa kanya at sa mga tao sa kanyang paligid. Nakaupo sa loob ng kwartong iyon ang isang lalaki na medyo malaki ang katawan, madaming tattoo sa braso at may yabang ang dating ng bawat kilos at tingin niya. Ngayon niya malalaman mula sa lalaking ito kung sino nga ba ang nagligtas sa kanya. At sa hindi maintindihang rason, sa isip at puso niya ay umaasa siya na hindi si Chloe ang isasagot nito kundi si Czarina. Umaasa siya na si Czarina... pero naroon din ang takot na baka ito nga. Pinilit niyang maging kalmado habang paupo sa upuang nasa harapan ng lalaki. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong sagutin mo ako ng diretsahan..." malamig ba sabi ni Zayden. Madilim ang mga mata nito at bahagyang nakakatakot. "Sino ang nagligtas sa akin ng araw na iyon?" Kinakabahan na ang kidnapper sa kaharap kahit wala pa man itong sinasabi. Ito a
Naiinip na si Zayden at kanina pa siya pasilip-silip sa pintuan pero walang dumadating na Czarina. Ano ba ang ginagawa nito sa CR at sobrang tagal niya?Tatayo na sana siya upang alamin kung ano na ang nangyayari rito nang tumunog ang cellphone niya at naka-receive ng chat.Message iyon mula kay Czarina. Binasa niya ng dalawang ulit ang message na iyon at mas lalo siyang nainis.Umuwi na ito? Ng wala man lang pasabi?To: Czarina???Pagka-click niya ng send ay agad iyon nag-error. Inulit niyang muli pero hindi pa rin nagse-send.Doon niya lang napagtanto na naka-block na siya kay Czarina. Sinubukan niyang tawagan pero hindi na niya ito matawagan.Inis niyang hinampas ang mesa. Tinignan niya ang mga pagkain na hindi pa nakakalahati, may laman pa rin ang pinggan ni Czarina at sigurado si Zayden na binalak ng babae na ubusin iyon.Pero bakit umuwi na lang ito bigla? Tapos gano'n pa ang message nito. She was obviously cutting him off. At talagang blinock niya pa si Zayden!Umigting ang pa