Mag-log in'Hindi pa rin siya umuwi?'
Hindi alam ni Zayden kung ano ang gagawin. Nakatitig siya sa divorce papers na nasa mesa habang nabibingi sa katahimikan ng bahay. It's been two days. Ito yata ang unang pagkakataon na ginawa iyon ni Czarina. Dati ay kahit anong pilit ni Zayden sa babae na pirmahan ang papel na iyon ay hindi nito ginagawa. Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si Chloe. "Oopss, the door is open, so pumasok na ako. Okay lang ba?" matamis itong ngumiti at naglakad palapit kay Zayden. "O-ofcourse," nagulat ang lalaki. "Nandito ba si Czarina?" magiliw na tanong ni Chloe. "Nadaanan ko yung favorite chicken restaurant niya kaya bumili na rin ako para sa kanya." Napangiti si Zayden. Sa isip niya ay sobrang maalalahanin talaga ni Chloe. Sa kabila ng alitan sa pagitan nila ni Czarina ay ito lagi ang gumagawa ng paraan para magkaayos sila. Bagay na hindi na-a-appreciate ni Czarina. "You should stop being so kind," sabi nito at kinuha ang hawak ng babae. Bumaba ang tingin ni Chloe sa papel na nasa mesa. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano iyon. "Divorce papers?" nagtatanong at umaasa ang mga mata niya na ipinukol kay Zayden. "Maghihiwalay na kayo? Finally? So, malapit na tayong ikasal?" Hindi alam ni Zayden kung matutuwa siya sa mga sinasabi ni Chloe. Pero iyon ang dapat niyang maramdaman, matuwa. Hindi ba't iyon naman ang hinihintay niya na mangyari? "Hindi pa kami nakapag-usap tungkol diyan," sabi niya kay Chloe. Ngumuso ang babae at yumakap sa kanya. "Bakit? Ayaw ka ba niyang harapin? Baka mamaya mag-back out na naman siya, ah?" Hinaplos ni Zayden ang buhok ni Chloe. "Don't worry, after this, I'll make it up to you." Nangako siya noon na aalagaan niya si Chloe at siguro panahon na para gawin at tuparin iyon. He owed her his life. Kung hindi dahil dito ay wala na siya rito ngayon. Pero may kirot sa puso niya na hindi niya maintindihan. O baka naninibago lang siya sa biglang pagbabago ng asawa niya. ***** "GIRL, Grabe! Ang kakapal ng mukha. At talagang may pa-public appearance pa sila?" Kuryosong nilingon ni Czarina si Klarisse at tinapunan ng nagtatanong na mga mata. Kasalukuyan siyang nagpapaayos para sa a-attend-an na event. Anniversary iyong Jao Holdings Corporation. Inutusan siya ng ama na um-attend doon at pumayag din naman siya agad dahil gusto niyang mawala ang isipan sa mga pangyayari nitong mga nakaraan. "Ano ba iyon?" Ipinakita ni Klarisse ang cellphone sa kanya. Her heart sank upon seeing the post. Larawan iyon nina Chloe at Zayden. Nakalingkis ang kamay ni Chloe sa braso ng lalaki na animo'y makakawala pa sa kanya. "Naroon din sila sa party, I think..." sabi ni Klarisse. "Pwede ka namang umatras, sabihin nalang natin kay tito na nandoon sila." Umiling siya. Ayaw na niyang bigyan pa ng problema ang ama niya. Isa pa, alam niyang makikita at makikita niya ang dalawa. Kung hindi man ngayon ay sa mga susunod pang event. Isa pa, sanay na siya. Pero kahit sanay na siya ay hindi niya maiwasang hindi masaktan at mamangha dahil sobrang bagay ng dalawa. Binasa niya ang mga unang pangungusap sa article na iyon. Sinabi na sabay silang dumating sa event at madaming nagsasabi na bagay sila. Lumabas din ang chismis na hiwalay na si Zayden sa asawa nito. Hindi alam ng maraming tao na siya ang asawa ni Zayden dahil sa maraming pagkakataon ay mas madalas pa itong makita na kasama si Chloe kaysa siya. ***** HINDI PA MAN SIYA NAGTATAGAL sa lugar na iyon ay namataan niya na agad ang dalawang taong sumira sa buhay niya. Magkadikit ang dalawa habang nakikilag-usap si Zayden sa mga businessman na naroon. Sumisimsim naman ng wine sa isang gilid si Czarina habang nagmamasid sa paligid. "There you are..." Nagulat siya nang hinila siya ni Mr. Freddie Jao palapit kila Zayden. "Uhh... hello, sir. Nandito po ako in behalf of my dad. Hindi po siya makakapunta because of a sudden business trip." Ngumiti ang matandang lalaki sa kanya. "Ayos lang, hija. It's nice seeing you here today." Tumingin ang lalaki kina Zayden. "By the way, Mr. Hart, this is Czarina Laude, daughter of a dear friend of mine. And Czarina, this is Zayden Hart, maraming alam sa negosyo iyan kaya sa kanya ka magpatulong." Mahinhin na tumawa ang babae pero hindi tinitingnan ang gawi ni Zayden. "Hindi ko naman po sigurado kung ako nga ba ang magmamana ng business ni Dad." "Ano ka ba? Sino pa ba ang pwede? You're his only daughter." Tumikhim si Chloe na tila naghahanap ng papansin sa kanya. Tumingin sa kanya si Mr. Jao at ngumiti. "And this is... what's your name again, hija?" Namula sa hiya si Chloe nang mapagtantong hindi maalala ni Mr. Jao ang pangalan niya. "Chloe po." "Ah, yes, Chloe, Mr. Hart's wife, right?" Halos masamid si Czarina nang marinig iyon. Samantala, nakatayo at tahimik na nakatitig lang sa kanya si Zayden. Czarina looks exceptionally gorgeous today. Medyo daring ang suot nitong long dress at parang ngayon lang siya nakita ni Zayden na nagsuot ng ganoon. "Not yet po, hehe," sagot ni Chloe at lalong kumapit kay Zayden. "Oh? Akala ko ay kasal ka na?" nagtatakang tanong ni Mr. Jao na tila naguguluhan sa mga naririnig. Ngumisi si Czarina pero hindi pa rin masalubong ang mga titig ni Zayden. "Ah, Mr. Jao, mag-iikot lang po ako sandali. Happy anniversary po." Dali-dali siyang umalis sa pwesto na iyon at naghanap ng tahimik na lugar. Akala niya ay malakas na siya, akala niya kahit papaano ay manhid na siya pero masakit pa rin pala. Hearing other peopke address Chloe as Zayden's wife, bagaman hindi pa opisyal, pakiramdam niya ay pinupunit ng paulit-ulit ang puso niya. Pabalik na siyang muli sa loob nang makarinig siya ng mga sigawan. Kuryoso at may kaba sa dibdib na tumakbo siya papasok at nakita si Mr. Jao na nakahiga sa sahig at tila nahihirapang huminga. "Call an ambulance!"Malakas na ang ulan nang makarating si Zayden sa hospital. "Napapadalas na itong pag-ulan ulan, may bagyo ba?" tanong ng dad ni Zayden. "Saan ka galing?" tanong naman ng mommy nito. "Galing si Czarina dito pero umalis din agad kasi malakas na ang ulan at kailangan niya pang umuwi." Nakuha no'n ang atensyon ni Zayden. "Galing si Czarina rito?" "Hmm. Nagdala lang ng prutas." "Kanina pa nakaalis?" "Hindi kaaalis lang. Hindi ba kayo nagkasalubong diyan? Halos magkasunod kayo, eh. Pagkaalis niya dumating ka naman," sagot ng mommy ni Zayden. "Napakabait at napakaalaga talaga ng babaeng iyon. We were blessed to have her as a family, siya lang talaga ang hindi swerte sa atin..." "Labas lang ako," sabi ni Zayden at nagmamadaling lumabas. "Kadarating mo lang, saan ka na naman--" naputol na ang sinasabi ng dad ni Zayden dahil mabilis ng nakalayo ang anak. ***** Napabuntong-hininga si Czarina nang makita ang panahon sa labas. Medyo malakas na nga ang ulan, kanina ay hindi pa
Sakay ng sasakyan si Chloe at mabilis ang pagpapatakbo ni Zayden. Sa sobrang bilis no'n ay hindi mapigilan ni Chloe na hindi kabahan. Mahigpit din ang pagkakahawak ng babae sa seatbelt niya at sa hawakan sa kanyang gilid. "Zi, ano ba ang nangyayari? Ayos ka lang ba?" kinakabahang sabi ni Chloe rito. Pero hindi siya sinagot o pinansin ni Zayden. Nakatutok lang ang walang emosyong mga mata nito sa daan at tila hangin lang ang kanyang katabi. Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ni Zayden. Ang kaninang mahigpit niyang pagkakakapit sa seatbelt ay mas mahigpit pa ngayon. Nang medyo makalayo na sila ay hininto ni Zayden ang sasakyan sa gilid ng daan. Wala gaanong sasakyan sa banda roon pero mabibilis ang mga dumadaang sasakyan. Mabilis ang paghinga ni Chloe dulot ng kaba at kahit nakahinto na ang sasakyan, pakiramdam niya ay umaandar pa rin ito. Hindi umimik si Zayden hanggang sa magtama ang mga mata nilang dalawa. Salubong ang kilay ng lalaki, ang mapupungay na mga mata
"Let's make a bet..." Nagsalubong muli ang kilay ni Czarina nang marinig iyon mula kay Chloe. Ano ba talaga ang nangyayari sa babae? Pakiramdam niya ay wala na ito sa katinuan. "Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Chloe. If you want to play, go. Huwag mo lang akong idamay," naiiritang sabi ni Czarina. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na--" "Let's set a double kidnapping incident. Tignan natin kung sino sa ating dalawa ang uunahin niyang iligtas. How about that?" ngumisi si Chloe matapos sabihin iyon. Bagaman nagulat sa suhestyon nito na kakaiba ay natawa na lamang ng kaunti si Czarina. Alam nilang pareho kung sino ang pipiliin ni Zayden, ano't kailangan pa nilang magsagawa ng mga ganoon? "Alam kong hindi ako ang pipiliin niya at hindi na rin naman ako aasa- ilang taon ko ng ginagawa iyan, Chloe, sa tingin mo ba ay may pakielam pa ako?" sagot ni Czarina sa kaharap bago sumimsim sa kanyang kape. "Really?" nanunuyang wika ni Chloe. "O baka naman natatakot ka lang sa resulta?
Nasa labas pa lamang si Czarina ng room kung saan naka-stay si Grandma ay naririnig niya na ang boses nito na pinagagalitan ang anak. "Ni hindi niyo magawan ng paraan na patigilan ang mga isyu na iyan? Ano na? Akala ko ba ay sosolusyonan niyo iyan? Zander, anak mo ang pulutan ng mga media na iyan, should you be faster covering it now than other issues?!" Huminga nang malalim ang matanda at maski ang pagbuntong-hininga nito ay dinig na ni Czarina kahit nasa pintuan pa lamang siya. "Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ni Czarina kapag nabasa at nakita niya ang mga iyan?" tila problemado at nalulungkot pa na dagdag nito. Natigilan si Czarina. Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang huling linya na iyon ni Grandma. Alam niya na mahal siya ng matanda. Pero ngayon ay mas lalo niya lamang napatunayan iyon. Maski ang pagsasabi rito na hindi na niya gusto pa ang kasal na mayroon siya kay Zayden ay hindi magpapatapos sa pagmamahal na mayroon ang matanda sa kanya. But she
Habang nakatingin sa matandang nakahiga sa hospital bed ay hindi mapigilan ni Zayden na makaramdam ng hiya sa mga nangyari. Alam niya ng maysakit at may edad na ito ay nakipagtalo pa rin siya rito. That's why he hates being emotional. Walang nangyayaring maganda. Ang sabi raw ng doctor sa kanila, bagaman ligtas na ito sa ngayon, ay lumalala na raw ang sakit nito. He felt guilty even more. Gising na ang matanda at alam din nito na nasa kwarto lang din na iyon si Zayden pero sinadya nitong hindi tumingin sa kanyang apo. Sa halip ay dahan-dahan itong lumingon sa mommy ni Zayden at hinanap si Czarina. "Bumalik na sa trabaho si Czarina, mom," sabi ni Marissa Hart kay Grandma. "Babalik po iyon dito mamaya pagkatapos niya sa trabaho." Halata na nanghihina pa ito. Sa mga mata pa lang ng matanda ay alam na agad ni Zayden at ng mommy niya ang pinoproblema nito. Grandma loves the Hart Group so much. Hindi lang ang pamilya niya, kundi ang kumpanyang bumuhay sa kanya. Importante sa k
"Let's not jump to conclusions without evidence," malamig na sabi ni Zayden kay Chloe.Hindi nagustuhan ni Chloe ang responde na iyon ni Zayden. Dati isang sabi niya lang ng ganito ay naniniwala agad si Zayden kahit wala siyang pinapakitang ebidensya.Pero bakit hindi na ito epektibo sa lalaki ngayon?"Galit sa akin si Czarina at alam natin pareho iyon. Kaya kahit maghiwalay kayo ay hindi niya gugustuhin na maikasal tayong dalawa--""Chloe," pagputol ni Zayden sa mga sinasabi ni Chloe. Mariin niyang tinignan ang babae sa kanyang mga mata at tila pinapatigil na ito sa pagsasalita pa ng kung ano-ano.Pero hindi nagpatinag si Chloe. Mas lalo lang nanaig ang inis niya kay Czarina nang mapansin na parang pati ang simpatya ni Zayden ay naaagaw na nito."Hindi niya ako gusto para sa'yo, Zi. Gusto niya na masira tayo, na masira ako. Hindi pa ba sobra-sobra itong ginagawa niya? Matapos ang mga maliliit na pranks na ginagawa niya noon, ngayon naman ay isinisiwalat niya sa publiko ang mga p'wede







