Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Lihat lebih banyakTahimik si Diana habang nakaupo siya may receiving room ng bahay nila ni Nick. Nang magising siya kanina’y ibinalita ng mga katulong sa mansiyon na hindi rin nila nadatnan si Nick nang dumating ang mga ito roon. Kung kailan umalis ang asawa, hindi niya alam. Ang tanging alam niya, iiwan na siya ulit nito gaya nang paalam ni Vincent sa kanya nang simulan nitong hakutin ang mga damit Nick sa kuwarto ng asawa halos tatlumpong minuto na ang nakararaan.Nang pumasok siya sa kasunduang iyon, ang akala niya matatag na siya, na mas matalino na siya kaysa sa Diana na naging sunud-sunuran noong magpakasal sila. Subalit hindi pala. Sa isip niya,matatag siya, alam niya ang tama. Subalit ang puso niya, nanatiling mahina, patuloy na minamahal ang lalaking ugat ng kanyang kaligayahan at pagdurusa, si Nick.At ngayong buntis siya, ni hindi niya masabi sa asawa ang kanyang kalagayan. Hindi sa ayaw niyang ipaalam, gusto niya. Gustong-gusto niyang malaman nito na magkakaroon sila ulit ng anak. Subalit
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Nick kay Bianca na noon ay nakahiga pa rin sa hospital bed. May suero ito sa isang kamay, may benda ang magkabilang braso, may sugat sa noo at puro pasa ang mga tuhod.Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na kayang manakit ni Diana nang gano’n katindi. It was a validation that she’s sick in the head gaya nang madalas sabihin ni Bianca sa kanya noong nag-aaraal pa lang sila.“I-I’m better. You’re early,” sagot ni Bianca sa namamaos na tinig.Halos alas siyete pa lamang ng umaga subalit nasa ospital na si Nick at dinadalaw si Bianca. Sinadya niya iyon upang hindi sila magpang-abot ni Diana.Kagabi halos hindi siya nakatulog sa isiping kasama niya si Diana sa iisang bubong, ang babaeng pinili sa kanya ng abuelo; ang babaeng hindi man niya mahal ay pilit niyang pinakikisamahan; ang babaeng kayang manipulahin ang lahat, makuha lang ang gusto nito. Subalit sa kabila nang lahat ng kapintasan ni Diana, pinilit niya itong intindihin, tinulung
Agad na nanginig si Diana nang masilayan ang galit sa mukha ni Nick. Sa puntong iyon, alam na ng dalaga na nalaman na ng asawa ang nangyari kay Bianca. She would’ve called him, kaya lang nawala iyon sa isip niya. Naunahan siya ng takot at pag-aalala.Subalit kailangan niyang magpaliwanag. Kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil walang ibang gagawa niyon kundi siya. Tumikhim si Diana, sandaling inipon ang lakas ng loob bago nagsalita. “N-Nick, h-hayaan mo ‘kong magpaliwanag—““Paliwanag? Bullshit! Muntik mo nang pinatay si Bianca, Diana! I guess there’s only one explanation for that, you are one sick lying bitch who would kill anybody who goes against your will!” nanggagalaiting singhal ni Nick kay Diana. He was beyond angry at that point. Para sa binata, wala na siyang papakinggan pang salita mula sa asawa. He married a monster! And worse, kailangan pa niya itong anakan!Kasalanan iyong lahat ng kanyang abuelo. How could his fate be tied up with someone so filthy and si
Hindi alam ni Diana kung gaano siya katagal na nakatulala sa mga retrato nina Nick at Bianca. Subalit ang alam niya, unti-unting nilalamon ng sakit ang kanyang buong pagkatao dahil sa natuklasan tungkol kina Nick at Bianca.So all these time, all those time they have spent together na akala niya ay natututunan na siyang mahalin ni Nick, ilusyon lang pala niyang lahat iyon. Hindi siya mahal ni Nick. Kailangan siya nito kaya siya nito pinakikisamahan. Ngunit ang puso nito, nanatili kay Bianca, sa tunay nitong mahal.“What now, Diana? Hindi ka ba magsasalita?” untag ni Bianca na noon ay masusing pinagmamasdan ang babaeng kausap.She had always wondered why a woman so weak like Diana could easily have everything she had ever wanted for herself. Magandang pangalan, social status, at si Nick. Diana didn’t deserve all of those. Hindi dapat nito inaangkin ang lahat ng magagandang bagay sa mundo gayong siya, ni isa, wala siyang gano'n.Sandali pang pinagmasdan ni Diana ang mga retrato bago na
“Hindi ako uuwi bukas because I need to fly to Cebu. May kakatagpuin akong potential investor doon na nakilala ko noong nasa graduate school pa lang ako,” umpisa ni Nick nang gabing iyon habang naghahapunan sila ni Diana.Kumurap si Diana, alanganing ngumiti. Iyon ang unang pagkakataon na magkakalayo sila ni Nick mula nang magkasundo sila. “I-Ilang araw ka do’n?”“A day or two,” tipid na sagot ni Nick, umangat ang tingin sa asawa. “Gusto mo bang sa mansiyon ka muna para may kasama ka?”Umiling si Diana. “Tatapusin ko na lang ‘yong project ko. Who knows, baka tapos ko na pagbalik mo.”“Alright, ikaw ang bahala,” ani Nick bago muling niyuko ang plato nito at nagpatuloy sa pagkain. “I heard sinamahan ka ni Mama na pumunta sa doktor. How was it?” pag-iiba nito sa usapan.Mabilis namang dumiretso ng upo si Diana, pilit na inayos ang huwisyo. Kahit na ilang oras na ang nakararaan, she was still pretty shaken meeting the same doctor who helped her when she had a miscarriage. Her secret almos
“H’wag kang mag-alala, Diana. Mabait ang doktor na pupuntahan natin para macheck-up ka. She is the dauighter of the hospital director where you were admitted the last time. She also graduated top of her class and was trained both here and abroad. She is an A-List doctor if there’s such a thing,” ani Sofia habang patungo sila sa ospital ni Diana. Magkatabi sila nito sa backseat ng sasakyan. Ito mismo ang sumundo sa manugang upang samahang magpunta sa ospital. Sa puntong iyon kasi, kailangan niyang masiguro na magkakaroon nga ang anak sina Nick at Diana. Ayaw niyang isipin subalit kailangan niyang siguruhin na mapupunta ang kabuuan ng BGC kay Nick at hindi sa kung sino-sino lang.“Mama,” untag ni Diana sa biyenan na tila hulog sa malalim na pag-iisip. Kumarap si Sofia, alanganing bumaling sa dalaga. “Ayos lang po kayo? Medyo namumutla po kayo,” dugtong pa niya.Pilit na ngumit si Sofia, hinawakan ang pisngi nito. “A-ayos lang ako, hija. I just woke up a little early that’s all," pagdad
Pasulyap-sulyap si Diana sa pang-umagang langit habang nilalapatan niya ng kulay ang canvass na nasa kanyang harapan. Madaling-araw pa lamanag subalit gising na ang dalaga. Hindi rin naman siya gaanong nakatulog nang nagdaang gabi kaya pinasya na lamang niyang gumising ng maaga at ituloy ang kanyang obra.Malapit na niyang matapos iyon, well the half of it. May gusto kasi siyang subukan na concept at ‘yon ang ginagawa niya ngayon sa kanyang project. At isa na roon ang paggaya sa tamang kulay ng kalangitan bago pumutok ang araw sa umaga.Tumigil si Diana sa pagpipinta, sandaling sinipat ang kanyang obra. Napangiti ang dalaga nang makitang nakuha niya nang husto ang kulay ng kalangitan. Subalit hindi buo ang kanyang kaligayahan. Nag-aalala pa rin siya dahil sa hindi pagkibo sa kanya ni Nick kagabi. Nag-aalala siya baka tuluyang magbago ulit ang pakikitungo ng asawa sa kanya dahil lang sa pagpapadala niya ng calligraphy letters sa kanyang mga kakilala.Buong magdamag nang hindi nakatulog
“Nick, tamang-tama ang dating mo, hijo,” ani Sofia nang makita ang anak mula sa portico ng mansiyon. Kakababa lang nito sa sasakyan at papasok na sa front door nang sumakto ang pagbabalik nila ni Diana mula sa garden. “Dinner will be ready in a few minutes. Mabuti at nahabol mo,” sabi pa ng ginang, magaang niyakap ang anak nang humalik ito sa kanyang pisngi.“I promised that I’ll have dinner here, haven’t I?” ani Nick, ngumiti bago lumipad ang tingin kay Diana na nasa likod lang ng ina.Agad na nawala ang ngiti ni Nick nang magtama ang mata nila ng asawa. She looked so innocent and giddy looking at him. Hindi niya lubos maisip na magagawa nitong pagbantaan si Bianca nang gano’n kabigat. Which makes him recall that incident in the university pool many years ago, nang itulak ni Diana si Bianca sa pool dahil lang ulit sa pag-aakalang nililigawan niya si Bianca.If Diana is capable of doing that before and threatening Bianca now, what more could she do if things won’t go her way? Daratin
Nangunot-noo si Nick, hindi maintindihan ang sinasabi ni Bianca.“W-what?” halos pabulong na sabi ng binata.Inilabas ni Bianca ang isang envelope sa kanyang bag at inabot kay Nick. “Nitong nakalipas na mga araw, nagpapadala si Diana sa bahay ko ng mga sulat containing threats na kapag hindi ko raw pinutol ang ugnayan nating dalawa, she will not just drown me on the pool but she will make sure that she will make me bleed this time. Go ahead, read it. Basahin mo kung anong klaseng utak mayroon ang napangasawa mo, Nick.”Bumaba ang tingin ni Nick sa envelope at isa-isang inilabas ang laman niyon. May tatlong sulat doon, all single-paged. Iisa lang ang mensahe, gaya ng sinumbong ni Bianca. At ang nakakapanlumo, sa lahat ng mga sulat na ‘yon ay naroon ang pirma ni Diana as the sender. Pamilyar siya sa pirma ng asawa noon pa dahil maski noong nagpapadala ito ng mga love letters sa kanya noong nasa highschool pa sila, ganoon na ang pirma nito.But why? Bakit kailangan pang gawin iyon ni Dia
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.