Chapter 35
Levi – POVFlashback – The Reason Why I Asked If She Needed Money“Daddy… I heard Yaya… talking to her sibling,” bungad ni Princess habang nakaupo siya sa kandungan ko, ang dalawang kamay niya nakahawak sa kwelyo ng polo ko na parang nag-aambang umiyak. “She said… she needs money… but Yaya don’t have money…”Napakunot noo ako noon. Nasa balcony kami ng private suite ko, tanghali, at kasalukuyan kong tinitingnan ang mga papers na dinala ng isa kong PA para pirmahan. Pero biglang pumasok si Princess—wala man lang katok, wala man lang paalam. Basta pumasok lang at agad umupo sa akin.Nabigla ako. Bakit ganito na lamang ka matured at ka concern si Princess kay Calista? Hindi ko rin alam kung anong pinakain niya sa aming dalawa ni Princess at ang bilis naming lumambot sa kaniya.“Wait, what do you mean?” tanong ko habang maingat kong inalis ang baso ng tubig sa mesa para hindi matabig ng anak ko.“She was talking in the halChapter 41Calista POV"Princess, can you leave us for a while? We just need to talk some things," sabi ni Sir Levi, habang nakatingin sa anak niya na abala pa rin sa pagsasabi ng mga bagong salitang natutunan niya.Tumango naman si Princess na parang adult na sumunod agad sa utos. "Yaya, I prepared my swimsuit in my room, bye Yaya!" Masiglang sabi niya, sabay talon-talon palabas ng library. Para siyang cotton candy na buhay. Puro tamis, puro lambot, at punong-puno ng kulay.Pagkaalis pa lang ni Princess ay randam ko na ang kaba at ang kakaibang presensya niya. Awkward talaga simula ng umamin siya sa akin."Ang saya ni Princess," sabi ko, napapangiti habang sinusundan ng mata ang maliit niyang katawan palabas ng pintuan. Pinipilit na iwasan ang presensya at ang mata niyang nakatingin sa akin. "I hope she always like that.""She was," sagot niya. Malalim ang tinig. May bigat. At mas lalo pang bumigat ang hangin sa paligid ko
Chapter 40Calista POV"A... Apple," marahan kong sabi habang tinuturo ko ang larawan sa librong pangbata na nasa harapan ni Princess. Nakaupo kami sa carpet ng malawak at mabangong library, napapalibutan ng mga estante ng libro, at may malamlam na liwanag galing sa mga bintana. Maganda ang umaga. Tahimik, at punong-puno ng konsentrasyon ang bata habang pinagmamasdan ang letra."A... Apol," pangalawa niyang bigkas, medyo napakunot pa ang noo.Napatawa ako. Hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing nagkakamali siya, hindi dahil nangiinis ako kundi dahil napaka-adorable niyang magpakita ng frustration. "Apple, hindi apol, Princess," sabay halik ko sa noo niya."Your always laugh at me, Yaya," nakasimangot na sambit niya."Sorry na! Hindi ako natatawa sayo, natutuwa lang ako kasi cute mo!" sabi ko, pinisil ko pa pisngi niya kaya lalo siyang nainis-inisan kunwari."Stop pinching meeee," reklamo niya habang tinatakpan ang mukha n
Chapter 39 Levi POVAbala ako sa pagtapos ng mga gawain ko dito sa opisina. Isang normal na araw para sa isang CEO—nakaupo sa leather chair habang sinusuri ang bawat dokumentong kailangang pirmahan, aprubahan, i-reject, o padagdagan. May halo itong pressure at pagod, pero sanay na ako. Matagal ko nang pinanghahawakan ang kompanyang ito, at hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko.Ang mga mata ko ay halos mamula na sa kakabasa ng reports—sales, acquisitions, updates sa mga bagong proyekto. Hindi pa man ako natatapos sa isang bundle ng papeles, pumasok na agad si Daphne, ang ever-reliable kong secretary, bitbit ang panibagong tumpok."Sir, these are for your afternoon approval," sabi niya habang maingat na inilapag sa gilid ng lamesa ko ang mga dokumento. May ngiti siya, pero halata ang pagod sa mukha niya.Tumango ako. "Thank you, Daphne. Leave them here. I’ll finish these before 4.""Noted, sir," sagot niya at tumal
Chapter 38CALISTA POVPagkapasok ko sa opisina, pakiramdam ko parang may kung anong bumigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tahimik ang paligid, o dahil nakaupo lang si Sir Levi sa lamesa niya, nakatitig sa sahig habang seryoso ang mukha. Napalunok ako. Tangina, bakit parang ang intense ng vibe ngayon?"Sir," maingat kong tawag sa kanya.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Parang ilang segundo siyang hindi nagsalita. Napasara ko ang pinto, lumapit ng kaunti, pero nanatili akong nakatayo lang sa tapat ng mesa niya. Hindi ko alam kung aalisin ko ba yung tingin ko sa kanya o hihintayin kong siya ang unang magsalita."Umupo ka, Calista."Umupo naman ako, medyo nailang pero pinilit kong panatiling kalmado ang expression ko. Nasa loob kami ng isang napakagarbong opisina. Ilang painting na halatang mamahalin, glass table, at syempre, yung paborito niyang scotch sa gilid."Pasensya ka na kung pinapunta pa kita rit
Chapter 37 Calista POV Kinabukasan, kahit medyo puyat pa ako sa pag-iisip ng lahat ng nangyari kagabi, mas magaan ang pakiramdam ko. Parang may lumuha sa loob kong matagal nang nakakulong. Hindi man kami nagkausap nang matagal ni Levi pagkatapos ng pag-uusap namin, pero sapat na 'yung ginawa niya para maramdaman kong hindi ako mag-isa sa laban ko. Maaga akong nagising, at gaya ng nakasanayan, inayos ko agad ang sarili ko. Nagsuot ako ng simpleng blouse at slacks na kulay beige, siniguradong maayos ang buhok ko. Gusto ko sanang magpahinga pa pero... hindi ako mapakali. Mas gusto kong busy ako. Mas gusto kong nararamdaman kong may silbi ako dito. Pagbaba ko, naabutan ko si Princess sa veranda, may hawak siyang picture book at parang hinihintay talaga ako. Pagkakita niya sa'kin, agad siyang ngumiti at kumaway. "Yaya! Come here, sit with me!" Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Good morning, Princess. K
Chapter 36Calista POVPagkatapos kong maipadala ang pera kay Chrisiah gamit ang mobile app ni Sir—oo, pati pag-login ako pa—napaupo na lang ako sa gilid ng kama. Nanginginig ang kamay ko, ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa hiya, o sa bigat ng lahat-lahat na inako ko sa buong araw na ‘to.“Sent,” sabi ko mahina sa sarili ko habang tinititigan ang resibo sa screen ng phone.Napalunok ako. Parang kanina lang, halos mawalan ako ng pag-asa. Naisip ko nang baka hindi ko na mapag-aral si Chrisiah. Baka masira na naman ang tiwala ng pamilya ko sa’kin. Pero ngayon? Ngayon… may nagligtas na naman sa akin.Si Levi.Napatayo ako, dala pa rin ang cellphone, at lumabas ng kwarto. Walang pakialam kung pulang-pula pa ang mata ko kakaiyak, wala akong pakialam kahit hindi pa ako naka-ayos. Basta gusto ko lang siyang makita. Gusto ko siyang pasalamatan.Pagbukas ko ng pinto ng study niya, andun siya