Levi Hamilton – First Person POV
Tahimik ang gabi. Tahimik ang buong mansyon. Isa 'to sa mga bihirang pagkakataon na nakakauwi kami ni Princess ng hindi dis-oras ng gabi dahil hindi ko na kinaya ang kabigla-biglang pasabog niya sa gitna ng Pasig bridge nang mas inuna kung ipaayos ang na flat kong sasakyan kaysa sa kaniya. Kanina lang, muntik na siyang mawala at tumalon sa Pasig Bridge—at ngayon, parang wala lang, parang natagpuan na niya ang bagong mundo sa isang babaeng kakikilala pa lang niya. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya, dahan-dahan ang bawat hakbang ko. Ayokong manggising, gusto ko lang masigurong ayos siya. Ligtas. Kumportable. At ayun sila—magkayakap. Nakaunan si Princess sa braso ng bagong yaya. Parehong mahimbing ang tulog. Walang iniinda, para bang wala silang dinaanang kabaliwan ngayong araw. Napatingin ako sa babae. Si Calista. Ang babaChapter 101Calista POV"Are you okay, Calista?"Tanong iyon ni Levi habang marahan niyang isinara ang pintuan ng opisina niya. Nasa loob na kami ngayon, at si Princess ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa secretary niya na si Daphne sa kabilang dulo ng silid.Hindi ko agad siya sinagot. Tila may bumabara sa lalamunan ko—hindi dahil sa galit, kundi sa dami ng tanong na bigla na lang sumiksik sa isipan ko mula nang biglang lumitaw ang babaeng iyon.Huminga ako nang malalim.Tiningnan ko siya sa mga mata. “Siya ba ang ina ni Princess?”Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi agad siya sumagot. Ilang segundong tiningnan lang niya ako—parang sinusukat kung handa na ba akong marinig ang totoo.At sa dulo, tumango siya. Mabagal. Mabigat. “Oo.”Napapikit ako. Hindi dahil sa gulat—dahil kanina pa namumuo ang hinala ko. Kundi dahil sa kirot. Hindi ko maintindihan kung bakit pero… parang may humigpit sa dibdib
Author's Note: Welcome to Chapter 100!! malapit na Tayo sa ClimaxChapter 100 Calista POVSabado noon pero maaga pa lang ay umalis na si Levi para sa work. Sinabi niyang may kailangang tapusin sa opisina bago ang Lunes. Gusto ko sanang pigilan siya, sabihing magpahinga na lang, pero kilala ko siya — hindi siya mapakali kapag may hindi naaayos sa kompanya.Kaya naman naiwan kami ni Princess sa mansion. Habang nakahiga siya sa sofa at nanonood ng cartoons, naisip ko ang isang bagay na makakapagpasaya sa kanya… at baka pati na rin kay Levi.“Princess,” tawag ko habang nag-aayos ng gamit sa kusina, “Gusto mo bang dalhan natin si Daddy ng lunch?”Agad siyang tumalon sa pagkakaupo. “Yes please! Ako pipili ng drinks!”Napangiti ako. Siguro nga, maliit lang ito para kay Levi — pero alam kong sa dami ng iniisip niya, kahit simpleng pakita ng effort ay makakagaan sa loob niya. At higit pa roon, gusto ko ring makita ang mundo niya, hin
Chapter 99Levi POVNakatitig ako kay Rosela Navarro, ang babae sa harapan ko na ngayon ay tila muling binubuhay ang isang kasaysayan na dapat matagal nang isinara. Akala ko, ang dahilan ng pag-uusap na ito ay para sa pagbawi niya kay Calista—para humingi ng tawad, para muling buuin ang pagkakabuo ng isang relasyong nawala. Pero hindi. Hindi ganun kasimple.“Pumili ka sa kanila, Levi,” mahinahon ngunit mariing sabi niya.Napakunot ang noo ko. “What do you mean?”Tumayo siya mula sa pagkakaupo, marahang naglakad papunta sa bintana habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Mula roon, tanaw ang malawak nilang bakuran—isang tahimik na lugar na tila malayo sa gulo ng mundo, pero sa sandaling ito ay nagsisilbing saksi sa isang tanong na kay bigat dalhin.“You need to choose between my daughter Elise and Calista,” sabi niya, diretsong tumitig sa akin. “Hindi pwedeng silang dalawa ang piliin mo. Isipin mong mabuti dahil si Elise pa rin ang ina ni
Chapter 98Levi POVTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa terrace ng opisina, hawak ang tasa ng kape na kanina pa nanlalamig. Sa harap ko ay ang tablet, bukas sa isang confidential report na pinapaverify ko kay Daphne — at sa mismong gitna ng screen ay nakalagay ang pangalan:Rosela Araceli Navarro– mother of Elise Navarro. Grandmother of Princess. At... biological mother ni Calista.Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Paulit-ulit lang na gumugulong sa isipan ko ang katotohanang hindi ko inaasahan.Ang inang hinahanap-hanap ni Calista, ang babae sa likod ng sakit at tanong niya sa pagkatao… ay siya ring lola ni Princess.Hindi ito coincidence.Hindi ito biro ng tadhana.Isa itong sumpa ng katotohanan na hindi ko alam kung paano ko ihaharap kay Calista.Kanina, matapos ang pag-alis ni Daphne, hindi ko na kinaya ang pagdududa. Tinawagan ko ang isang private investigator na matagal ko nang ka
Chapter 97Levi POVPagkauwi namin mula sa hindi inaasahang pagkakadismaya, ramdam kong tahimik at mabigat ang paligid sa loob ng sasakyan. Si Calista, nakatanaw lang sa bintana habang yakap ni Princess ang kanyang braso. Gusto kong sabihin na ayos lang, na hindi pa tapos ang paghahanap, pero alam kong mas makabubuting hayaan ko muna siyang mapag-isa sa mga iniisip niya.Pagdating sa mansion, tahimik pa rin siya. Tumango lang nang magpaalam ako papunta sa office. Hindi na ako nagpilit magsalita. Alam ko—may kanya-kanyang paraan ang tao para maghilom, at kailangan ko ring bigyan ng espasyo si Calista para buuin ang sarili niya sa gitna ng lahat ng natuklasan niya.Sa opisina, sinalubong agad ako ni Daphne.“Sir, ang daming backlog ng documents from last week, pero inayos ko na po ‘yung priority folders,” bungad niya habang sinasabayan ako sa elevator.“Thanks, Daphne. Ako na ang bahala sa mga urgent.”Pagpasok ko sa office, tu
Chapter 96Calista POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mahapdi pa rin ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng ama ko — na anak ako sa labas, at hindi pala ako tunay na anak ni Mama. Sa bawat pagdilat ko, parang totoo pa rin ang sakit. Pero ngayon, may iba nang kasama ang sakit na ‘yon: determinasyon.Pagbaba ko mula sa kwarto, nadatnan ko si Levi sa garden, nakaayos na, hawak ang laptop habang may hawak na tasa ng kape. Tahimik siyang nagbabasa ng kung ano’t pinapabayaan lang ang ihip ng hangin na pagpagaanin ang paligid. Napansin niya akong paparating at agad siyang tumayo.“Good morning,” mahinang bati niya.“Morning,” sagot ko, halos pabulong. Umupo ako sa tabi niya at sandaling natahimik.“Ano ‘yan?” tanong ko habang pasimpleng sumilip sa laptop niya.“Background check,” sagot niya. “Nag-search ako kay Rosela Navarro.”Napatingin ako sa kaniya, nagulat. “Ginagawa mo ‘y